CHAPTER 8

2552 Words
Chapter 8 VALEEN "Let's have a break, ladies!" Anunsiyo ni Fran pagkatapos ng katakot-takot na posing. Akala ko'y madali lang ang ginagawa ng mga model kasi magpo-pose-pose lang sa harap ng camera, hindi pala. Malaking kaibahan sa inaakala ko. "Coffee?" Pag-alok ni Fran sa akin pagkababa ng platform. "Hindi ko tatanggihan 'yan, Fran." Nakangiting sagot ko at kinuha sa kamay nito ang tasa ng kape. "Maupo ka muna, may second round pa tayo mamaya." Nang umupo siya sa mahabang couch, umupo rin ako. "Anong klaseng posing pa ang gagawin?" tanong ko bago sumimsim ng mainit na kape. "Solo-solo na kayo ni Miss Martina." "Solo?" Hindi ko alam kung narinig pa nito ang sinabi ko dahil mahina lang ang boses na lumabas sa bibig ko. Kaya ko ba 'yon? Kanina nga na dalawa kami ni Miss Martina, ang model na kasama ko ay kabadong-kabado ako. Ano pa kaya kapag mag-isa na lang ako sa platform. Kaya ko naman kahit papa'no, kaya lang baka pagtripan ako ng kapre na 'yon. Naku, naku, naku. "Dont worry, kayang-kaya mo 'yon. Saka si Sam naman ang photographer." Ayon na nga ang problema, eh. "Kakayanin para sa 'yo." Ngumiti ito nang ubod-tamis. "Ako ang bahala sa 'yo. Generous ako kaya 'yong bonus mo, puwede mo nang iuwi mamaya." Humalakhak ito nang matinis nang maibuga ko ang kapeng nasa bibig ko. "Are you okay?" Dinaluhan niya ako. "Wait, ikukuha kita ng tissue." Tatayo na sana ito ngunit hindi na naituloy. Sabay kaming napatingala ni Fran sa naglahad ng tissue. Si Sam. "Use this." Wala na akong nagawa nang kusa niyang ilagay sa kamay ko ang hawak na tissue. "T-Thank you." Hindi tumitingin na pasalamat ko. Buong akala ko'y aalis na siya, pero umupo pa sa tapat ko. "Nagkape na kayo kanina, kape na naman? Hindi n'yo ba alam na hindi maganda sa katawan ang maya't mayang pagkakape?" ani nito. Nagkatinginan kami ni Fran. Nasa mukha nito ang kilig at panunukso. Parang tanga! Laman ng tingin ko sa kaniya, pero ngumisi lang ito at pasimple akong kinindatan. "Masama daw ang madalas na pagkakape, Val. Makinig ka sa kapatid ko." Tukso nito. "Ikaw rin. Napapansin ko na madalas kang magkape," sagot nito sa kapatid. "Mas madalas si Val, Bro. Napapakape lang ako kapag nagkakape siya. Naiinggit kasi ako. Mas kailangan niya ang paalala mo." Tiningnan ko siya nang masama. Baka mamaya, isipin na naman ng kapre na 'to na gustong-gusto kong pinagma-match kami ng kapatid niya. Feeling pa mandin siya minsan. Laking pasalamat ko nang tawagin si Fran ng isang staff niya. Umalis ito sa tabi ko kasunod ang kapatid niya. Nakahinga ako nang maluwag nang mapag-isa. Inubos ko ang kape ko, saka inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Hindi pa nagsisimula ang round two ng photoshoot kaya nag-cell phone muna ako. Si Ate Ella ang naisip kong kulitin kung may little Ella at little Vin na. Napahagikhik ako nang mag-send siya ng picture ni Kuya Vin na himbing na natutulog at may kasunod na message sa ibaba. Overtime sa pagbuo ng benteng anak kaya ayan, tanghali na pero tulog pa rin. Piping basa ko sa chat niya. Nakailang rounds ba kayo? Reply ko. Hindi ko na mabilang, Val. Basta umaga na kami natapos. Napalakas ang tawa ko sa reply nito. Minsan talaga umiiral din ang kapilyahan ni Ate Ella. E, 'di masakit ang katawan mo now? Anong katawan? Pati kamo kepay. Kung makapagrereklamo lang 'to, kagabi pa napagmumura ang kuya mo. Naudlot ang gagawin kong pagtawa nang makarinig ng nag-click ng camera. Mabilis kong hinanap ang pinaggalingan niyon. Nakita kong hawak-hawak ni Sam ang camera nito. "Did you take a picture of me?" tanong ko. "No," deny nito at mabilis na binitawan ang camera. Hindi na ako sumagot. Baka nga hindi ako at sabihin pang assumera ako. Hanggang sa ianunsiyo ni Fran na magsisimula na ang pangalawang photo shoot. Napansin ko na ibang camera ang kinuha ni Sam. Hindi ang camera na hawak niya kanina. Pagkatapos ni Miss Martina, ako naman ang solong kukunan ni Sam. "Your turn, my friend." Nakangiting sabi ni Fran at sinamahan ako sa platform. "Do your best, okay?" Bilin niya bago ako iniwang mag-isa. Nakapuwesto na si Sam sa harapan ko habang hawak ang camera. Nang magsimulang mag-flash ang camera, nag-pose ako sa iba't ibang anggulo. May ten minutes na siguro ang pagliyad-liyad ko sa harap nito, pero hindi pa rin tapos. "Matagal pa ba? Ang dami mo nang kuha, ah." Hindi mapigilang reklamo ko. "Hindi ako satisfied sa mga posing mo, parang pilit at hilaw pa." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kulang na lang ay pati butas ng ilong ko ay lumaki. Habang si Fran ay pangiti-ngiti sa puwesto nito. "Kanina mo pa ako pinagpo-pose dito, tapos wala pa ring maganda? Baka naman hindi ka lang talaga magaling na photographer." Pagbawi ko. Natawa ang mga kasama namin sa studio. "Magaling ako. Hilaw pa lang talaga 'yang posing mo." "Aba't!" Nanggagalaiting nag-pose ako. Iyong pinaka the best para sa akin. "Ang pangit. Walang dating." Tahasang komento niya na ikinainit ng bumbunan ko. "Ikaw ang pangit. Palit kaya tayo, 'no? Ikaw dito at ako diyan." Pikon na sabi ko. "Subukan pa natin ng isa. Act natural, Valeencia." Utos niya. Kung wala lang kaming mga kasama, nasipa ko na sana siya sa pagtawag sa buong pangalan ko. Kahit pa nga parang tunog sosyal kapag siya ang nagsasabi. Muli akong nag-pose. Pose dito, pose doon. Letse. Nakakapagod. "'Yan na ba talaga 'yon? Ang pangit talaga." "Aba't --" "Can you give me a seductive look? tanong nito na tila nanghahamon sa kakayanan ko. Kung kaya ko bang gawin iyon. Seductive look pala, huh? "Can you do that?" "Of course!" Matiim kong tinitigan si Sam na hindi nag-iiwas ng tingin. Bahagya kong iniwang ang mga labi, ang mga mata ay nangungusap... nang-aakit. "Are you gonna take a picture of me or what?" mataray na tanong ko nang hindi niya ako kinukuhanan ng litrato kahit ilang minuto na akong naka-pose nang gano'n sa harap niya. Nakatayo lamang ito habang nakatingin. Napansin ko na parang may sinusupil itong ngiti sa mga labi. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" "Ang pangit mo." "Mas pangit ka. O, siya, uulitin ko." Inulit ko ang pose ko, mas mapang-akit kasya kanina. Kinuha ko ang upuan na nasa likuran ko, saka umupo nang nakabukaka. Nakapatong ang mga braso ko sa sandalan na nakaharap sa kaniya. Bahagya akong lumiyad habang medyo nakaawang ang bibig. Tinodo ko na lahat para matapos na. Lihim akong napangiti nang ilang beses ko siyang mahuling napapalunok-laway. Seductive pala, huh? Lunok-laway ka ngayong kapre ka. Napahagikhik ako sa utak ko nang bumaba sa harapan niya ang tingin ko at kunwaring interesado doon. "Eyes up, Valeencia." Utos niya sa nananaway na tono. Hindi ako nakinig. Bahala kang mailang diyan, namu ka. Nang mga sumunod na sandali ay mas'yado na akong na-hook sa ginagawa ko. Hindi na rin niya nilait ang pose ko. "We're done." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi nito. Mabilis akong bumaba sa platform at dumiretso sa dressing room. Nangangati na ako sa burluloy sa leeg ko. Pagkatapos kong magbihis at tanggalin ang mga niligay na kulerete sa mukha, lumabas na ako at hinanap si Fran para magpaalam. Nakita ko siyang kausap si Sam. "Fran, alis na ako." Paalam ko. "Agad-agad? Pahinga ka muna." "Hindi na. Sa bahay na lang, nag-message si Mommy, hanap daw ako ni Lolo Carlos." "Gano'n ba?" Tila disappointed na sabi nito. "Plano ko pa namang yayain kang mag-late lunch sa labas." "Next time na lang tayo, ha?" "Okay." PAGKATAPOS NIYANG PUMAYAG, hinatid niya ako hanggang sa labas. Nasa parking na kami nang mapansin ko na wala sa akin ang susi ng kotse ko. "Why?" tanong ni Fran. "Naiwan ko yata sa studio mo ang susi ko. Teka, babalikan ko lan--" "Huwag na." Pigil niya. "Ha?" "Mapapagod ka lang. Tatawagan ko na lang si Sam, nasa taas pa siya." Bago pa man ako makatanggi, kausap na niya sa cell phone ang kapatid. "Yes, Bro. Baka nasa dressing room lang. Pasuyo na ako, ha? Okay, thanks, Bro. Nasa parking kami." Pagkuwa'y hinarap niya ako. "Nakita na raw niya ang susi. Pababa na 'yon." "Thanks. Inabala mo pa ang kapatid mo. Puwede namang ako na lang ang bumalik sa taas." "Small thing." Nagkuwentuhan kami habang hinihintay si Sama. Mayamaya'y tinukso niya ako. "Ang galing mo kanina, ha? Parang totoong sini-seduce mo siya kanina. Itatanong ko nga kung nakailang lunok siya." Humagikhik ito. "May ibubuga ka naman pala. Ano kaya kung maging model na lang din kita?" "Heh! Ayoko, 'no? Pinagbigyan lang kita ngayon, pero last na 'to. Ayoko na lalo na kung 'yang kapatid mo ang photographer. Kapre na 'yon. Ilang beses niya akong sinabihan ng pangit!" Eksaheradang sabi ko. Tawa ito nang tawa. "Naniwala ka namang pangit ka? Inaasar ka lang niya, ano ka ba? Natutuwa nga ako sa inyo, eh. Ang cute n'yo kaya kanina." "Puwes, hindi ako natutuwa, Fran." "Talaga?" Tiningnan niya ako nang nanunuri. "Matanong nga kita, hindi ka ba nagka-crush sa kapatid ko kahit kaunti?" "Hindi." Mabilis na sagot ko. "'Yung totoo? Hindi talaga? As in never?" "Never. Paano ako magkaka-crush sa kapatid mo, unang kita pa lang namin, inangasan na ako. At alam mo bang sinabihan niya ako na hindi niya ako gusto? Na hindi siya pumapatol sa mga nene? Na hindi raw niya gusto na mina-match up mo kami sa isa't isa. As if namang gusto ko." Sumbong ko, pero tinawanan lang niya ako. "Kaya 'yang panunukso mo sa amin, tigilan mo 'yan, Fran. Hindi uobra 'yan dahil hindi namin gusto ang isa't isa." Dagdag ko ngunit tila hindi siya kumbinsido. "Sa ngayon, maaaring hindi n'yo gusto ang isa't isa, pero gusto kong malaman mo na malakas ang chemistry ninyong dalawa. Feeling ko nga, swak kayo sa isa't isa. Hindi n'yo pa lang nari-realize kasi inis pa kayo sa isa't isa. Pero duh, sa ganiyan kaya nag-uumpisa." "Ewan ko sa 'yo. Basta stop ka na sa pagma-match sa amin. Iyon na lang ang bayad mo sa akin sa pagsalba ko sa 'yo today." Hiling ko. "Oo na, sige na." Pagpayag niya. "Thanks, Fran. Lab yah!" "Lab yah." Pagkuwa'y ginawa namin ang aming friendship beso-beso. Eksaktong pagkatapos, dumating na si Sam dala ang susi ko. "Thanks." Kinuha ko sa kaniya ang susi at binuksan ang pinto ng kotse. In-start ko ang makina at nagpaalam sa kaibigan ko. Akma kong itataas ang sara ng bintana nang pigilan ni Fran. "Why?" "'Yung bonus mo? Hindi mo iuuwi?" Sabay sulyap kay Sam na tila naguguluhan kung ano ang pinag-uusapan namin ng kapatid niya. "Iuwi mo na. Deserve mo ang bonus ko. Tamang-tama magpapasko na, tag-lamig na. Kailangan mo siya este iyon." "No need. Marami akong comforter sa bahay." "Mas masarap 'yon kaysa sa comforter mo." "I don't think so," sagot ko sabay sulyap kay Sam. "Hindi siya mukhang masarap." Sabay kaming napatawa ni Fran. "Testing-in mo muna kaya." Suhestiyon niya. "Ayoko." Napasulyap ako kay Sam. Halatang naguguluhan ito sa takbo ng usapan namin ng kapatid niya. Halatang nagpipigil lamang ito na huwag mag-usisa. Kung alam mo lang na ikaw ang ibinibenta ng kapatid mo. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila nang maka-recieve ng message mula kay Mommy na hinahanap na ako ni Lolo Carlos. _______ SA HOSPITAL ako dumiretso pagkagaling ko sa studio. Nadatnan ko ang mga pinsan ko na sina Jiecel at Jeime. Mga anak sila ng kapatid ni Daddy na si Uncle Vanjo. "Hi, Val." Magiliw na bati sa akin ni Jeime, ang bunso sa dalawa. Binati at nginitian rin ako ni Jeicel, pero ewan ko ba. Hindi ko maramdaman na totoo ang ipinapakita niyang iyon. Ang fake lang talaga. Hindi kaila sa akin ang ginawa niyang pagbawi ng singsing kay Ate Ella. Hindi pa ako natatagalan kay Lolo Carlos nang magpaalam si Jiecel na aalis na raw dahil may lakad pa. Naiwan si Jeimi. Nakipagkuwentuhan ako sa kaniya. Kahit naman inis ako sa ate niya ay okay kaming dalawa. Mabait si Jeimi, medyo mahiyain kumpara sa ate niyang walanghiya. SA HOSPITAL ko inubos ang oras ko. Namin ni Jeimi. Inabot kami ng alas singko ng hapon sa hospital. "Wala kang lakad?" tanong ko. "Wala. Balak kong mag-overnight dito kay Lolo. Ikaw?" ani niya. "Same thought." Napagkasunduan naming dito sa hospital magpalipas ng gabi, kasama ni Lolo Carlos. Tuwang-tuwa si Lolo kahit hindi siya nakapagsasalita. "Gusto mo ng kape?" tanong ko mayamaya. "Sure. Magpapa-deliver ka?" "Hindi na. May coffee shop diyan sa katapat, doon ako bibili." "Gusto mong samahan kita?" Alok niya. "Huwag na. Maiwan ka rito kay Lolo. Mabilis lang naman ako." "Okay, ikaw ang bahala." Nilapitan ko si Lolo at nagpaalam sa kaniya bago ako lumabas. Malapit na ako sa entrance ng coffee shop nang mapansin ko na parang pamilyar 'yong pangalan. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita. Pumasok na ako sa loob at um-order ng kape for take out. "Upo po muna kayo, Ma'am. I-serve na lang ang order kapag okay na," sabi ng cashier. "Thank you." Magiliw na pasalamat ko at humanap ng puwede kong upuan. Habang naghihintay ng order, nag-scroll-scroll ako sa social media. Pampatagal inip lang. "Here's your order, Ma'am." Napangiti ako sa babaeng nagdala ng oder ko. "Thank you." Pero nabura ang ngiti ko nang iba ang isinerve nito. "Bakit gatas 'to? Cappuccino ang order ko." "Ho? E, si Boss po ang gumawa ng order n'yo." Mukhang kabadong sagot nito. Napakunot ang noo ko. "Boss mo?" "Yes, Ma'am. Teka nga ho, baka po nagkamali siya ng gawa. Malinaw pong cappuccino ang nasa order n'yo." "Baka nga. Bakit kasi nakikialam 'yang boss mo. Mali-mali naman ang gawa niya. Bakit gatas ang ibibigay niya sa akin? Ano ako, baby?" "Sige, Ma'am. Papalitan ko na lang po--" "No need." Putol ng baritonong boses sa sasabihin nito. Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ito. "Ikaw?" "Yes, it's me." Ang babae sa harap ko ang binalingan ko. "Siya ang boss mo?" Tumango ito at nagpaalam na. Naiwan kaming dalawa ni Sam. So kaya pala parang pamilyar ang pangalan ng café na 'to. Kaniya pala 'to. "Nakailang kape ka na sa studio tapos kape na naman?" Naninita niyang sabi. Tumikwas ang kilay ko. "So? Hindi naman ako nanghihingi ng pambili sa 'yo. Palitan mo 'tong order ko." Utos ko. Hindi ito kumilos. At umupo pa nga sa katapat ko. Nailang ako sa klase ng tinging ipinupukol niya sa akin. "B-Bakit ganiyan ka kung makatingin?" "Bawasan mo ang pagkakape mo, Valeencia. Hindi maganda sa katawan 'yan. Mas mabuti pang magtubig ka kaysa magkape." "Hindi pala maganda sa katawan, e, bakit nagtayo ka ng coffee shop?" Natawa ito. "Ang galing mo talagang mambara, ano? Concern lang ako. Pero kung gusto mo talaga ng kape, sige, magkape ka." Kinuha nito ang gatas at dinala sa loob. Pagbalik niya, napaawang ang bibig ko dahil gatas pa rin ang laman ng baso. "Pinaglololoko mo ba ako?" "Nope. May kape na 'yan. Tikman mo, masarap. Ako mismo ang gumawa niyan para sa 'yo." Natigilan ako. Para sa akin? "Sige na, tikman mo lang. I'm pretty sure na magugustuhan mo 'ko kapag natikman mo 'yan." "Ano 'yon?" Hindi ko malinaw na narinig ang huling sinabi niya dahil humina ang boses nito. "Wala. Tikman mo na." Udyok nito. At para matapos na, tinikman ko at masarap nga. May pait na may tamis. Basta masarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD