CHAPTER 4

3178 Words
RYLEIGH'S POV Five Years Later... NAPANGITI ako nang makita ko si Azriel at Azry na naglalaro sa living room. Basta kapag dadating si Azriel galing sa trabaho, si Azry kaagad ang nilalaro nito. Azry is now four years old. Hindi ko alam pero parang si Azry ang pampawala ng pagod ni Azriel. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa dalawa. "Azry, tama na 'yan. Hayaan mong makapagpahinga ang Tito Azriel mo," sabi ko. "Mommy, hindi ko siya 'Tito'. 'Daddy' ko siya. Daddy!" sabi ni Azry at yumakap pa kay Azriel na parang humihingi ng suporta. Azriel looked at me. "Oo nga. I'm his 'Daddy', let him call me Daddy," he said to me. Napabuntonghininga na lang ako saka napailing. Yes, 'Daddy' ang tawag ni Azry kay Azriel. Nagulat pa nga ako ng unang beses na tawagin ni Azry si Azriel ng 'Daddy'. I tried to correct my son but he never obeys me and Azriel is spoiling him. Limang taon na ang lumipas, marami na ang nangyari sa akin, sa buhay namin ni Azry. Isang taon pagkatapos kong maipanganak si Azry, Azriel trained me in martial arts. Malaki naman ang naitulong nito sa akin dahil mas lalong tumaas ang confidence ko sa sarili ko. After my training in martial arts, sunod na tinuruan ako ni Azriel sa pagpapatakbo ng negosyo. He trained me and I also tried my best to learn and now, isa na akong sa CEO sa isang branch ng kumpanya ni Azriel dito sa California. Azriel and Anniza helped me in taking care of Azry. Mas lalo na noong kapapanganak ko pa lang. Talagang silang dalawa ang naging sandalan ko noon. Anniza is Azriel's only sister by the way. Pero kahit limang taon na ang lumipas, hindi ko pa din makalimutan ang ginawa sa akin ni Matthew. There are times na napapanaginipan ko 'yon at bigla na lang akong mapapabalikwas sa kalagitnaan ng gabi. Napabuntonghininga ako at tumingin kay Azry at Azriel. Nakahiga si Azriel sa sofa habang nakaupo naman si Azry sa dibdib nito at naglalaro ang dalawa ng bato-bato-pick. Napailing na lang ako dahil nagiging isip-bata si Azriel basta si Azry ang kasama nito. I feel so blessed na hindi naging kamukha ni Azry si Matthew. Si Azriel nga ang naging kamukha nito. Sabi ni Anniza, baka si Azriel daw ang pinaglihian ko kaya nagiging kamukha ni Azry si Azriel habang lumalaki ito, which is Azriel agreed. Umupo ako sa sofa at ipinagpatuloy ko ang folder na binabasa ko kanina bago pa dumating si Azriel. Pero muli na naman akong napatingin kay Azriel at Azry, kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ang dalawa ng larawan. Napangiti ako dahil para silang mag-amang dalawa. Natigilan ako at napailing. Mag-ama? Ano bang iniisip ko? Napabuga ako ng hangin. "Leigh." Napatingin ako kay Azriel nang marinig ko ang boses niya. "Are you okay?" Azriel asked me. Tumango ako. "You looked like you are in deep thoughts," sabi ni Azriel na mukhang nag-aalala. Ngumiti ako. "May iniisip lang ako. Huwag mo na akong pansinin." Kumunot ang nuo ni Azriel at tumayo. Lumipat ito ng upo sa tabi ko at sinalat ang nuo ko. "Wala ka namang sakit." "Wala naman talaga akong sakit," sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya na nakadampi sa nuo ko. Tumingin ako sa kaniya at natigilan ako nang makita kong magkalapit ang mukha naming dalawa. Azriel smiled and looked at my lips. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. "Leigh..." He called my name sweetly. Napakurap ako. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napalunok ako. This is not good. Alam ko na ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako tanga dahil naramdaman ko na ito noon. Unti-unting lumapit ang mukha sa akin ni Azriel pero umiwas ako. Umatras ako palayo kay Azriel. "Magluluto lang ako," sabi ko at mabilis na tumayo. Nagtungo ako sa kusina at napahawak ako sa island counter. Huminga ako ng malalim at napahawak sa tapat ng aking puso. Kailangan kong kalmahin ang puso ko na mabilis ang t***k. Napailing ako. "Ry, are you okay?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Anniza sa likuran ko kaya napasinghap ako at napatingin sa kaniya. Kumunot ang nuo ni Anniza. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Anniza sa akin. Then bumaba ang tingin sa kamay ko na nakahawak sa tapat ng dibdib ko. "I'm fine," sabi ko. "Are you sure?" Paniniguro ni Anniza. Tumango ako. "I'm sure." Tumango si Anniza. "Ano pa lang iluluto natin for dinner?" tanong ko at tinignan ang cellophane na nasa island counter. "Gusto raw ni Kuya ng beef steak kaya naman bumili ako ng sahog. Napakulo naman na 'yong meat beef, malambot na ang karne kaya hihiwain na lang," sabi ni Anniza. "Okay. Ako na ang maghihiwa," sabi ko. Nagluto kami ni Anniza ng beef steak for dinner. Pero habang nagluluto kami ni Anniza, may tinanong siya sa akin. "May ginawa ba si Kuya sa 'yo?" tanong ni Anniza. "Ah? Ano naman ang gagawin sa akin ni Azriel?" tanong ko. Ngumiti si Anniza saka napailing. "I saw you too earlier. Kuya Azriel tried to kissed you." I looked down and sighed. "Ry, nakikita ko naman sa mga mata mo na may gusto ka kay Kuya Azriel," sabi ni Anniza kaya mabilis akong nag-angat ng tingin. "Pareho tayong babae kaya huwag ka ng magsinungaling." Pinandilatan niya ako. Napabuntong hininga ako. "Ry, I'll be honest with you. Matagal ko ng napansin na may gusto ka kay Kuya. You take care of him when he's sick, at hindi mo siya iniiwan. Nanatili ka sa tabi niya hanggang sa bumaba ang lagnat niya, and you're worried if he can't go home because of over time. Hindi lang ako nagsasalita," seryosong sabi ni Anniza. "Hiwalay naman na kayong dati mong asawa. Why not try to enter a relationship again?" Umiling ako. "I'm scared, Anniza." Ngumiti si Anniza. "Naiintindihan kita. Pero bakit hindi mo subukang magmahal ulit?" "Sino naman?" tanong ko. "Si Kuya," sagot ni Anniza. "Hindi ba obvious? He tried to kissed you earlier so he likes you." "Baka mawawala rin lang ang pagkagusto niya sa akin," sabi ko. Anniza sighed and shook her head. "Ewan ko sa 'yo, Ry." Ngumiti ako at inayos ang mesa. Tinawag naman ni Anniza si Azriel at Azry. Iwas ang tingin ko kay Azriel nang makapasok ito kasama si Azry sa kusina. Habang kumakain kami, nag-uusap si Anniza, Azriel at Azry habang tahimik naman ako. "Mommy, pwede pong palagay ng ulam?" sabi sa akin ni Azry. "Sure, Baby," I said and put beef steak on his plate. Binigyan ko rin siya ng maaligamgam na tubig. "Thank you, Mommy," Azry said. Binigyan ko din ng tubig si Azriel. "Thanks," Azriel said. Ngumiti lang ako ng tipid at muling nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kaming kumain, ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Umalis si Anniza at Azry sa kusina. Nagpaiwan si Azriel. "Leigh." Tumingin ako sa kaniya. "Ano 'yon?" Sumandal si Azriel sa island counter na malapit sa sink. "It's been five years. Do you want to go back?" he asked me. "Go back?" Ngumiti ako. "I don't know," sabi ko at umiling. "But if you wanted to go back, are you ready to face them all? Are you ready to face the people who hurt you?" Azriel asked me seriously. Tinignan ko ang hinuhugasan kong pinggan. "Am I ready?" tanong ko sa sarili ko. "I don't know," I said honestly. Azriel sighed so I looked at him. "Why did you sigh?" "Leigh, I trained you. Don't forget what I taught you," sabi ni Azriel at ngumiti. "I taught you to be strong woman." Tumango ako. "Huwag kang mag-alala, hindi ko makakalimutan ang mga tinuro mo sa akin," sabi ko at ngumiti. "That's good." Azriel smiled. Tinignan nito ang hinuhugasan ko. "Tulungan na kita." "Huwag na. Magpahinga ka na lang," sabi ko. "Alam kong pagod ka. Nakipaglaro pa sa 'yo kanina si Azry." "Sigurado ka?" Tumango ako. "Sige na." "Okay." Lumabas si Azriel ng kusina. Ipinagpatuloy naman ako sa paghuhugas at nang matapos ako, lumabas ako ng kusina at hinanap si Azry dahil para pagpahingain ko na rin siya. Ang likot kasi ng batang 'yon. Kung hindi mo pa sasabihin na matulog, hindi 'yon matutulog. Napailing ako at tinignan siya sa pavilion sa labas ng mansyon pero wala siya doon kaya naman bumalik ako sa loob. Hindi ko na rin makita si Anniza at alam kong nagpapahinga na siya ngayon kaya naman umakyat ako sa ikalawang palapag. Nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Azriel kaya sumilip ako, natigilan ako ng makita ko si Azry sa loob ng kwarto ni Azriel. Magkatabi ang dalawa sa kama at parehong tulog na. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ni Azriel at kinumutan silang dalawa. Napangiti na lang ako nang makita kong nakaunan si Azry sa braso ni Azriel. Pinatay ko ang ilaw sa kwarto ni Azriel saka ako lumabas. Dahan-dahan ko ring isinara ang pinto ng kwarto. Huminga ako ng malalim saka nagtungo sa sarili kong kwarto para magpahinga na rin pero habang nakahiga ako sa kama, hindi ako makatulog at nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko ang mga nangyari sa akin sa loob ng limang taon. Sa totoo lang maraming nagbago sa akin mula ng sumama ako kay Azriel dito sa California pero bakit hindi ko makalimutan ang ginawa ng mga taong mahalaga sa akin? Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang lahat mas lalo na ang pagpatay sa akin ni Matthew. Kaya naman ang paghihiganti na nasa isipan ko noon ay nanatili sa puso ko at gusto ko silang pagbayaring lahat. Ipinikit ko ang mata ko at natulog na lang. NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa isang masamang panaginip. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw. Huminga ako ng malalim saka rin lang ako napabuga ng hangin. Hindi ko alam pero muli ko na namang napanaginipan ang nangyari sa akin limang taon na nakakaraan. Hindi mawala sa isipan ko ang nakangising mukha ni Matthew at ang huling salitang binitawan nito. Ganun din ang napanaginipan ko. Kung ano ang nangyari noon, 'yon ang napapanaginipan ko. Paulit-ulit na lang. The past keeps on haunting me. I sighed. Mukhang kailangan ko na talagang bumalik sa Pilipinas at para muling harapin ang aking nakaraan. Muli akong nahiga sa kama pero hindi ako makatulog kaya naman bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto ko. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig pero hindi ko inaasahan na nasa kusina rin pala si Azriel. I stepped back and ready to leave when I heard Azriel's voice. "I already noticed you, Leigh," sabi ni Azriel. Huminga ako ng malalim at pumasok sa kusina. Nagkakape si Azriel kaya naman dumeretso na lang ako sa water dispenser at kumuha ng tubig. Uminom ako at tumingin kay Azriel. "Ang aga mo naman atang nagising," sabi ko. "Ikaw?" I sighed. "Bad dream again?" Azriel asked. Tumango ako at umupo sa upuan. Pinagsiklop ko ang kamay ko at tumingin kay Azriel. "You asked me if I wanted to go back? I will give you the answer now." "Oh. What's your decision then?" Azriel asked. "I wanted to go back to the Philippines. I wanted to see again all the people who hurt me." Tumaas ang sulok ng labi ko. "Are you ready?" Tumango ako. "I'm ready." Ngumiti si Azriel. "Okay. Let's go back to the Philippines." Napatingin ako kay Azriel nang hawakan niya ang kamay ko. "Leigh, you can rely on me." Binawi ko ang kamay ko at tumango. "Salamat." Azriel sighed. Kapagkuwan hinilot nito ang leeg at balikat nito. Baka nangalay siya dahil sa pag-unan ni Azry sa balikat niya. Tumayo naman ako at pumunta sa likuran niya. "Ako na," sabi ko at hinilot ang balikat at leeg niya. "Thanks." "Siguradong nangalay 'to dahil kay Azry," sabi ko. "It's fine." Napabuntong hininga ako. "Don't spoil Azry too much. Ayaw kong masanay siya na lagi kang nandiyan. Ayaw kong dumating sa puntong masasaktan ang bata kapag ayaw mo na sa kaniya." Nag-angat ng tingin si Azriel. "Leigh," seryosong sambit niya, "kahit kailan hindi ko naisip na iwan si Azry. I already treated him like my own son. I won't hurt him, I promise." Hindi ako nagsalita at minasahe ang balikat ni Azriel. Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nagmamasahe sa balikat niya. "Leigh, kung iniisip mong pinakikisamahan ko lang ang anak mo, nagkamali ka. Mahalaga sa akin si Azry at handa akong gawin ang lahat sa kaniya...para sa inyong dalawa," seryosong sabi ni Azriel. "Bakit?" tanong ko. Tumayo si Azriel at humarap sa akin kaya napatigil ako sa pagmasahe sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Hindi pa ba obvious, Leigh?" Kumunot ang nuo ko. Azriel sighed. "Tama nga si Anniza. Manhid ka. Noon pa man gusto na kita pero hindi mo man lang napansin ang nararamdaman ko para sa 'yo." Napatitig ako kay Azriel at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niya. He likes me? Napailing ako. He can't like me. "A-azriel, alam mo naman na may anak ako, si Azry. It will just ruin your business if they will know that..." "Wala akong pakialam sa ibang tao, Leigh. Kayo lang ni Azry ang mahalaga sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan mo, Leigh. Ang mahalaga ngayon sa akin ay nasa harapan kita, nasa tabi kita," seryosong saad ni Azriel. "Handa akong maging ama ni Azry at ibibigay ko sa kaniya ang apelyido ko." Umiling ako. "Azriel, paano kung dumating ang araw na ayaw mo na samin? Si Azry ang mas masasaktan at hindi ang magiging doble kundi triple naman ang sakit sa akin." Ngumiti si Azriel at hinawakan niya ang mukha ko. "Leigh, hinding-hindi ko kayo iiwan ni Azry. Prinotektahan ko kayong dalawa noon kaya ko kayo dinala rito sa California. I hoped na sa pagpunta mo rito, makakalimutan mo ang lahat. Nagtagumpay naman ako pero kung ang sinasabi mo na darating ang araw na aayawan ko kayong dalawa, hinding-hindi 'yon mangyayari," seryoso niyang sabi at hinalikan ako sa nuo. "Leigh, handa akong maghintay kung kailan mo ako magustuhan. Handa akong maghintay ng matagal hanggang sa handa ka ulit na magmahal." Ipinikit ko ang mata ko at yumakap kay Azriel. Ipinalibot naman ni Azriel ang braso niya sa katawan ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa nuo ko. Tahimik akong umiyak sa dibdib niya dahil hindi ko nakayanan ang emosyon ko. "Don't cry, Leigh. Ayaw kong umiiyak ka." Now I understand Azriel's attitude before. Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kaniya. "When did you realize that you like me?" "Ahmm..." Nag-iwas ng tingin si Azriel. "When you were in the hospital." Tumaas ang kilay ko. Hindi ko naniniwala sa kaniya. "I'm saying the truth," sabi ni Azriel. Nagkibit ako ng balikat at kumalas ng yakap sa kaniya. "Babalik na ako sa kwarto ko." "Okay." Umalis ako ng kusina pero bago ako tuluyang umalis, nilingon ko si Azriel at nakita ko ang ngiti sa labi niya. I also smiled to myself and went to my room. IT TAKES three days before we leave California, dahil inasikaso muna ni Azriel ang lahat. Ngayon nasa plane na kami patungong Pilipinas. "Mommy, bakit pa kasi tayo pupunta ng Pilipinas?" Azry asked me. "Kasi may importante kaming gagawin doon ng Mommy mo," sagot ni Azriel. "Katulad po ng ano, Daddy?" Azry asked. Napailing ako. Siguradong hahaba na naman ang usapan ng dalawang 'to. "Para na lang 'yon sa matatanda, Azry." Ngumuso si Azry sa sagot ni Azriel. Tumayo ang anak ko at umupo sa hita ni Azriel. Yumakap ito sa leeg ni Azriel. "Daddy, mainit ba doon?" Ngumiti si Azriel. "Parang California rin lang." Mas lalong napanguso si Azry. Natawa naman kami ni Azriel. Napailing ako at sumandal sa kinauupuan ko. Nakasakay kami sa private plane ni Azriel. Ngayon babalik na kami sa Pilipinas. Huminga ako ng malalim. "Boss." Lumapit si Owen kay Azriel. "What is it?" Azriel asked. Tumingin si Owen sa akin. "It's okay. Just tell it," sabi ni Azriel. "Tell her what I asked you to do." "Yes, Boss," sagot ni Owen at tumingin sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Ibinigay sa akin ni Owen ang folder na hawak niya. Kumunot naman ang nuo ko at binuklat ang folder. Natigilan ako nang makita ang mga larawan ni Matthew at Khelanie na magkasama at mukhang masaya ang dalawa. "After five years, he's still the President of Monteverde Group of Companies," sabi ni Azriel sa akin. Natawa ako ng mahina saka napailing. "Sobrang sweet nila pero hindi ako satisfied," sabi ko habang nakatingin sa picture ni Matthew at Khelanie. Tumingin ako kay Owen. "Where did you get this?" "Boss asked someone in the Philippines to monitor Mr. Matthew Castillo." Napatango ako at tinignan ang mga larawan. Tumaas ang kilay ko. "Nakakasuka silang dalawa," sabi ko. "Sino po, Mommy?" Biglang tanong ni Azry. Tumingin ako sa anak ko. Ngumiti ako at hinawakan ko ang mukha niya. "Don't mind me, Azry. Makipaglaro ka na lang sa Daddy mo." "Okay po." Ngumiti ako at muling tinignan ang larawan ni Matthew at Khelanie, kung noon nasasaktan ako dahil sa ginagawa nilang dalawa na panloloko sa akin pero ngayon hindi na. Sa totoo lang, nakakasuka silang dalawa kaya naman isinara ko ang folder at ibinalik kay Owen. "Sunugin mo 'yan." "Yes, Ma'am." Azriel chuckled. "I'm happy. Looks like you already moved on." "Matagal na," sabi ko naman. Tumango si Azriel. I sighed and leaned to Azriel. Naramdaman ko naman na hinalikan ni Azriel ang tuktok ng ulo ko. Napangiti na lang ako at ipinikit ang mata ko. Sa pagbabalik ko sa Pilipinas, pagbabayarin ko si Matthew sa ginawa niya sa akin. Nagmulat ako ng mata at tinignan si Azry. Hindi ko hahayaan na malalaman ni Matthew na anak namin si Azry at hindi ko rin hahayaan na malaman ni Azry na si Matthew ang ama niya. Never. I won't allow it. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko. Alam kong sa pagbalik ko sa Pilipinas, magsisimula na ang laban ng buhay ko. Ang paghihiganti ko sa kanilang lahat ay magsisimula na rin. Paglalaruan ko sila katulad ng ginawa sa akin ni Matthew. Ibabalik ko sa kanila ang mga ginawa nila sa akin at mas malala pa. Ang mga magulang at kaibigan ko na inaasahan kong tutulong sa akin, wala sila. Mas pinaniwalaan ng mga magulang ko ang kasingungalingan ni Matthew at ako pa ang naging masama. Ngayon babalik ako sa Monteverde Group of Companies at gagawin ko ang lahat para mapatalsik si Matthew sa posisyon niya. At ipapakita ko sa mga magulang ko na nagkamali sila. Ngumiti ako at tumingin kay Azriel. Nagpapasalamat na lang ako na dumating si Azriel sa buhay ko dahil kung hindi ay baka namatay na kami pareho noon ni Azry. "Thank you." Napatingin sa akin si Azriel. "Ah?" "Thank you for coming into my life. Thank you for saving me." Ngumiti si Azriel at hinalikan ako sa nuo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD