RYLEIGH'S POV
NAPATINGIN ako sa pinto nang may kumatok. Kasalukuyan akong nagbabasa ng pregnancy book sa loob ng kwarto ko. Isinara ko ang libro na binabasa ko at inilapag saka ako tumayo. Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan ito.
"Hi," bati ni Azriel. May dala itong tray na may lamang maliit na glass bowl at maliit na kutsara. At may ice cream na nakalagay sa container. "For you."
Napangiti ako at mabilis na kinuha ang tray na hawak ni Azriel. "Thanks."
Ice cream is my pregnancy cravings before but it became my favorite now. I don't know why.
"Pasok ka," sabi ko kay Azriel at tumalikod. Excited akong umupo sa leather couch na nasa loob ng kwarto ko at inilapag ang tray sa maliit na mesa.
Umupo naman si Azriel sa isa pang upuan at nakita nito ang pregnancy book na binabasa ko kanina.
"What's this?" Azriel asked while looking at the book.
"Pregnancy book," sagot ko habang nilalagyan ng ice cream ang glass bowl. "It's good to read especially for a pregnant woman like me," sabi ko pa. Natakam ako sa ice cream.
Nakita kong binuklat ni Azriel ang libro at nagbasa. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagsimulang kainin ang ice cream na dinala para sa akin ni Azriel. Habang kumakain ako, napatingin ako sa glass door na patungo sa balkonahe. Tumayo ako at lumabas sa balkonahe. Umupo ako sa upuan na nandoon at tumingin sa ibaba. Nakita ko ang ilang katulong na abala sa kanilang mga gawain at nakita ko rin ang ilang tauhan ni Azriel na nagbabantay sa paligid.
Napatingin ako kay Azriel nang lumabas rin ito sa kwarto at nagtungo sa kinaroroonan ko. Sumandal siya sa railing. Nakita kong seryoso siyang nagbabasa ng pregnancy book. Napailing ako.
"Hindi mo naman kailangan 'yan," sabi ko.
Azriel just motioned me to keep quiet. Kaya tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. I'm enjoying my ice cream when Azriel sat down in front of me and he leaned on the chair while reading. Azriel was serious while reading.
Huminga ako ng malalim at tinapos ang kinakain kong ice cream. Tatayo na sana ako nang magsalita si Azriel. Isinara nito ang hawak na libro pero hindi nito binitawan ang libro. Tumingin siya sa akin.
"I'm going to California. Kailangan kong asikasuhin ang business ko doon," sabi ni Azriel.
"How long will it take?" I asked.
"Years," sagot ni Azriel na ikinatigil ko.
"Years?" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot.
Tumango si Azriel. "But I don't want to leave you here alone so I want to take you with me."
"Ah?"
Ngumiti si Azriel. "I'm going to California and I want to take you with me."
"Really?" Natuwa ako. Hindi naman pala niya ako iiwan. "Thank you."
Then Azriel looked at my tummy. "And I don't want 'little one' to grow up here. At isa pa, ayaw kong manatili ka pa rito. Alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon dahil sa ginawa nila sa 'yo kahit pinapakita mo na ayos ka lang pero gusto kong sabihin na hindi lahat ng tao ay katulad ni Matthew. I want you to move on from him. So, I'm taking you with me."
Ngumiti ako. "Thank you."
"So, are you willing to come with me?" Azriel asked.
Tumango ako. "Oo, sasama ako," sabi ko.
Maybe, leaving here will make me forget everything that happen. Then I'll be back as different person.
"Okay. Ipapagawa ko na ang Identification Card mo, passport at ilang travel documents. But you will use another name. Don't worry, ako na ang bahala doon."
"Sige. Salamat."
Ngumiti si Azriel saka tumayo. "Tapos ka na ba?"
I nodded. "Yes."
"Okay. Kukunin ko na 'to," sabi ni Azriel.
Kinuha niya ang mga ginamit ko.
"Azriel, wait. My book," sabi ko nang dalhin ni Azriel pati ang pregnancy book na binabasa ko.
Azriel looked at book. "I liked it. I want to read it more." He winked and stormed out of my room.
Napahinga na lang ako ng malalim saka napailing. Ngumiti ako at tumayo. Napahawak ako sa tiyan ko. It's already four months since I 'died'. Iyon ang alam ng lahat, ang alam ng lahat ay patay na ako. Nandito lang ako sa mansyon ni Azriel at hindi ako lumalabas maliban na lang kung may check-up ako sa OB ko. Sinasamahan naman ako ni Azriel sa mga check-up ko. Parang siya na nga ang ama ng anak ko kasi nakikinig siya kapag pinapayuhan ako ng OB ko sa mga dapat kong gawin habang nagbubuntis ako.
Hindi rin ako nakikinig sa mga balita at wala na rin akong balita tungkol kay Matthew. Ayaw kong makarinig ng kahit na ano mula sa kaniya. At baka makasama pa 'yon sa baby ko. Napatingin ako sa tiyan ko, medyo malaki na ang tiyan ko. Limang buwan na kasi ito. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko, makikita ko na ang baby ko.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng kwarto. Umupo ako sa kama at kinuha ang kinuha ang isa pang pregnancy book na nasa bedside table. Bubuklatin ko sana ito nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya tumingin sa pinto. Nakabukas ito kaya hindi ko na kailangang buksan.
Azriel smiled. "We're leaving next week."
"Okay," I said.
Tumango si Azriel saka umalis.
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko at tinignan ang librong hawak ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at hanggng sa hindi ko namalayan ang oras. Nang tumingin ako sa labas ay madilim na. Bumuntonghininga ako at humugot ng malalim na hininga.
Madaling lumipas ang mga araw. Lumipas ang isang linggo at kailangan na namin ni Azriel ang umalis ng Pilipinas. Alam kong mayaman si Azriel pero hindi ko akalain na sobrang yaman niya dahil may sarili pa siyang private plane.
Bago kami lumabas ng kotse, isinuot sa akin ni Azriel ang isang scarf. "Use it."
"Thanks."
Tumango lang si Azriel at bumaba ng sasakyan. Umikot ito patungo sa pinto ng kotse sa tabi ko at binuksan ito. Bumaba ako ng sasakyan at inalalayan naman ako ni Azriel.
"Hold my arm."
"Ah?" Nagtaka ako sa sinabi ni Azriel.
"I said," kinuha ni Azriel ang kamay ko at inilagay ito sa braso niya, "hold my arm."
Ngumiti na lang ako.
"Owen, please carry Ryleigh's bag," sabi ni Azriel kay Owen.
Owen is his right-hand man.
"Yes, Master."
"Come here. Mauna na tayo sa loob," sabi ni Azriel at inalalayan ako paakyat ng hagdan ng private plane nito.
Nang maakyat kami sa loob, pinaupo ako ni Azriel sa upuan at tumabi sa akin si Azriel.
"Okay lang ba kayo ni baby?" tanong ni Azriel at hinawakan ang medyo malaki ko ng tiyan.
Bumilis na lang bigla ang t***k ng puso ko dahil sa tinanong sa akin ni Azriel. Napatitig ako sa kaniya pero nakuha ng atensiyon ko nang maramdaman ko ang pagsipa ng baby ko.
I gasped.
This is the first time for my baby to kick and Azriel is one who make my baby kick.
Tumingin sa akin si Azriel habang nakangiti. "He kicked me."
Ngumiti ako at tumango. "Yeah. Sa 'yo lang siya nag-react."
"Really?" Natutuwang tanong ni Azriel habang hinahaplos ang tiyan ko.
Tumango ako.
Azriel chuckled. "He will be surely handsome just like me," sabi niya.
Kumunot ang nuo ko. "He?"
Tumango si Azriel. "Yeah. He. I have a strong feeling that he is a boy."
Napangiti ako. "Actually, wala namang kaso sa akin kung lalaki o babae ang magiging anak ko."
"But I hope he's a boy. I will teach him martial arts."
Kumunot ang nuo ko. "Martials arts? Marunong kang sumuntok at sumipa?"
Tumango si Azriel. "Oo naman. Gusto mong turuan kita pagkatapos mong manganak. It will help you to build your confidence."
"Really? I want to try it."
"After you give birth to your baby, I will teach you."
Tumango ako. "Okay," sabi ko at sumandal sa kinauupuan ko.
Maya-maya ay nag-take off na kami.
"Matulog ka na lang muna. Mahaba ang biyahe natin. Hindi pwede sa 'yo ang mapagod at mapuyat," sabi ni Azriel nang nasa ere na kami.
Tumango ako at ipinikit ang mata ko. Pero hindi ko makuhang matulog. Nanatili lang akong nakapikit. Then later, I heard Azriel's voice.
"Owen, did you fix everything about the MGC?" I heard Azriel asked Owen. Kumunot ang nuo ko. Anong ibig sabihin ni Azriel?
"Yes, Master. I already finished what you asked me to do. Hindi magsususpetsa ang MGC na kayo ang nakabili sa pinakamalaking stocks sa MGC. But why did you do that, Young Master? MGC is your biggest competitor."
"Owen, MGC is indeed our biggest competitor before...but not now," Azriel said.
"Is it because of Ms. Ryleigh?" Owen asked.
"Yeah. I want her to come back as a different person. When the times come, I will hand to her the stocks but it's too early to think of that, Owen." Azriel sighed.
"Master, you're really doing everything for her."
Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ni Azriel sa huling sinabi ni Owen dahil wala na akong narinig mula sa kaniya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Pero bago ako tuluyang makatulog, naramdaman kong may humawi sa buhok ko na nakatakip sa mukha ko.
Azriel, what do you really want from me? Why are you doing this? You're making me confuse?
AZRIEL looked at Ryleigh. He smiled while looking at her. 'Ryleigh, I will bring you away from the people who hurt you. I promise, I will never hurt you. I will take care of you and your baby.