bc

Dangerous Sweet Smile

book_age16+
1.2K
FOLLOW
4.7K
READ
billionaire
HE
fated
drama
bxg
brilliant
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Five years ago, Ryleigh was betrayed by her husband and her parents, and even her friends. They killed her - her heart and her soul. And her husband tried to kill her but while she was dying, she was saved by Azriel, the man whom she never met, a complete stranger, but he's willing to help her whatever it cost.

Five years later... She came back with new identity. She came back as a fierce woman. Everyone was now afraid of her dangerous sweet smile.

She made an oath that all people who hurt her will pay. Hindi niya hahayaan na maging maginhawa ang buhay ng mga ito. Hindi na siya ang dating Ryleigh na mahina at hindi marunong lumaban. Iba na siya ngayon.

Now, all of the people who hurt her will pay. Let the revenge begins.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
RYLEIGH'S POV AKO si Ryleigh Monteverde, ang nag-iisang tagapagmana ng Monteverde Group of Companies. Ayon sa mga boards at stockholder ng kumpanya, hindi pa daw ako pwedeng umupo bilang bagong presidente ng kumpanya dahil masyado pa daw akong bata at wala pa akong masyadong karanasan at baka daw bumagsak ang kumpanya kapag umupo ako kaya naman nag-decide sina Mommy at Daddy na ipakasal ako kay Matthew Castillo, ang anak ng business partners ng mga magulang ko. Mabait si Matthew kaya naman nahulog ang loob ko sa kaniya. He's also a good-looking man that every woman dreamed of. Nagpakasal kami at siya ang umupong presidente ng kumpanya dahil marami na siyang nagawang ikakaunlad ng kumpanya nila at may tiwala sa kaniya ang mga magulang ko at ang mga stockholders at ng mga boards ng Monteverde Group of Companies. Hinayaan ko na lang tutal asawa ko naman siya. Ang pag-aari ko ay pag-aari na rin niya. Noong una, mabait pa naman siya sa akin. Masaya kami at lumalabas kami para mag-date katulad ng normal na mag-asawa. Pero habang tumatagal, unti-unti siyang nagbago. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kaniya kung bakit ganun na lang ang trato niya sa akin. I tried to asked him but he just ignored me like I was nothing to him. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. I remembered one time, gabing-gabi na, lumabas siya ng mansyon at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Akala niya siguro ay tulog na ako kaya hindi na siya umimik at umalis na lang. Doon na ako nagsimulang magduda. Naisipan kong sundan siya. Pumunta siya sa isang condominium at may sinalubong siya ng isang magandang babae. Nakilala ko ang babae, siya si Khelanie, ang sekretarya ni Matthew. Tumulo ang luha niya nang makitang mapusok na naghalikan ang dalawa. Now I knew why Matthew was cold to me. Ngumiti ako ng mapait at minaneho ang aking kotse paalis sa lugar na 'yon. Nang makabalik ako sa mansyon namin, umiyak ako ng umiyak. Parang ilog na walang tigil sa pagluha ang aking mga mata. Akala ko ako ang may kasalanan kung bakit nagbago si Matthew pero may iba na pala siyang babae. Masakit. Napakasakit kasi akala ko minahal niya ako ng totoo pero hindi ko lubos akalain na gagawin niya ang ganun sa akin. "Saan ka pumunta kagabi?" tanong ko kay Matthew nang bumalik ito kinabukasan sa mansyon. Pero inaasahan ko na magsisinungaling siya sa akin at hindi nga ako nagkamali ng akala. "Inimbita ako ng mga kaibigan ko na mag-inuman," malamig na sagot ni Matthew saka niya ako nilagpasan at pumasok sa banyo. Napangiti na lang ako ng mapait. I decided to give Matthew a second chance. Second chance na hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal dahil muli ko naman silang nahuli ng babae niya. And this time, pareho na silang walang saplot sa katawan. I turned my back and leave. And I decided to file an annulment. Gusto ko ng maging malaya at magsimula ulit. Kung ayaw na niya sa akin, hindi ako maghahabol sa kaniya. Magsama sila ng babae niyang higad. Hinintay ko si Matthew na makauwi at ibinigay sa kaniya ang annulment paper. "Ano 'to?" tanong ni Matthew. "Annulment paper," sagot ko at umupo sa sofa. Kumunot ang nuo ni Matthew at mabilis na tinignan ang papel na ibinigay ko. Nakita ko ang galit sa mukha niya at bigla na lamang niya akong sinampal. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal niya sa akin. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong sinampal. Nakita ko ang pagkagulat ng mga katulong sa ginawa ni Matthew. Kita ko ang awa sa mga mata nila pero takot naman silang lumapit para awatin si Matthew dahil oras na ginawa nila 'yon, mawawalan na sila ng trabaho. "Bakit ka nag-file ng annulment?!" galit na tanong sa akin ni Matthew. Tumayo ako. "Dahil nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo!" sigaw ko sa pagmumukha niya. "Sa tingin mo ba hindi ko alam na may kabit ka! Si Khelanie!" Nakita kong natigilan si Matthew at bigla na lang niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso. "Aray! Matthew! Nasasaktan ako!" Pilit kong inaagaw ang braso ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya at hinila ako paakyat ng hagdan. "Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako, Ryleigh! Para ano? Para kunin mo ang Monteverde Group of Companies sa akin?! Hindi ako papayag! Kaya dito ka lang!" galit na saad ni Matthew at itinulak ako papasok sa loob ng kwarto namin. Nadapa ako sa sahig at unang tumama ang braso ko. "Aray!" Mabilis akong tumayo nang marinig kong tumunog ang lock ng pinto. "Matthew!" sigaw ko. "Dito ka lang, Ryleigh! Hindi ka makakalabas sa kwartong 'yan!" galit na saad ni Matthew. "Matthew! Don't do this to me! Please!" pagmamakaawa ko. Kinalabog ko ang pinto pero hindi binuksan ni Matthew ang pinto. Napaupo na lang ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko. Umiyak ako at hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak. Nang mahimasmasan ako at alam kong wala akong pag-asang makalabas ng kwarto, humiga na lang ako sa kama. Lumipas ang dinner na hindi ako kumain, mukhang sinabihan ni Matthew ang mga katulong na huwag akong dalhan ng pagkain sa kwarto. Pero kahit naman dalhan ako ng mga katulong ng pagkain, hindi rin lang ako makakakain dahil wala akong gana. Napabuntong hininga ako at bumangon, umaga na at hanggang ngayon wala pa si Matthew. I know that he's with Khelanie and I know that they're enjoying every moment. Tumagal ng isang buwan ang pagkulong sa akin ni Matthew sa kwarto. Dinadalhan na lang ako ng mga katulong ng pagkain at umuuwi lang si Matthew kapag kailangan niya ako sa kama. Hindi ko naman matawagan ang parents ko at ng mga kaibigan ko para sabihin ang nangyayari sa akin dahil kinuha ni Matthew ang cellphone ko at itinago niya ito. "Siguro naman nagtanda ka na," sabi ni Matthew sa akin nang payagan niya akong lumabas ng kwarto. Hindi ako nagsalita at lumabas na lang ng kwarto. "Makakalabas ka man ng kwarto pero hindi ka makakalabas ng compound." sabi sa akin ni Matthew. "I'm warning you, Ryleigh. You can't get out of this house. Kapag tumakas ka baka mapatay kita kaya mag-isip ka muna bago mo isiping tumakas," banta niya sa akin. Hindi pa rin ako nagsalita at bumaba ng hagdan. Lumabas ako ng mansyon at nagtungo sa garden. Huminga ako ng malalim nang masinagan ako ng araw. Parang naginhawaan pa ang pakiramdam ko nang masinagan ako ng araw. It's a pity that I can't get out of this compound. Umupo ako sa upuang kahoy na nasa garden. Kapagkuwan bigla na lang akong naduwal. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Isang linggo na ang ganitong nangyayari sa akin. Nagduduwal ako tuwing umaga at ayaw kong nakakaamoy ng malalansa. Naging sensitibo ako sa amoy. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong sa akin ng isang katulong. "I'm okay. Baka may masama lang akong nakain," sagot ko rito pero bigla na naman akong nagduwal. "Kapag masama ang pakiramdam niya, tawagin niyo si Dra. Bianchi. Huwag niyong hahayaang lumabas ng compound si Ryleigh." Narinig kong sabi ni Matthew. "Yes, Sir," sagot ng katulong. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Kahit siguro malapit na akong mamatay, hindi pa rin papayag si Matthew na palabasin ako ng kwarto. Huminga ako ng malalim at napatingin sa garahe nang marinig kong lumabas ang kotse ni Matthew. Tumingin ako sa katulong. "Tawagan mo si Dra. Bianchi," utos ko. "Yes, Ma'am." Napatakbo ako sa gilid ng hardin nang muli na naman akong nagduwal. Matapos akong magduwal, nakaramdam ako ng hilo at bigla na lang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. "Ma'am Ryleigh!" NANG magising ako, nasa loob na ako ng kwarto at nakahiga sa kama. Naalala kong nasa hardin ako at nagduduwal then I passed out. Napabuntong hininga ako at tumingin gilid nang marinig kong may tumunog doon. "Mabuti naman at gising ka na," sabi ni Dra. Bianchi. "Doc." Ngumiti si Dra. Bianchi. "Huwag ka munang bumangon," sabi niya. "Nawalan ka ng malay kanina at wala kang maayos na tulog at pahinga. Ryleigh, are you abusing yourself?" "Abusing?" sabi ko at natawa na lang. "I'm not the one who's abusing myself." It's him who's abusing me. "Ryleigh, dapat maging maingat ka na sa katawan mo. Don't stress yourself and eat healthy foods," sabi sa akin ni Dra. Bianchi. Kumunot naman ang nuo ko. "Bakit, Doc? May sakit ba ako?" tanong ko. Ngumiti si Dra. Bianchi. "Kailan pa naging sakit ang pagbubuntis?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Dra. Bianchi. "Buntis? Ako? Buntis?" Itinuro ko pa ang aking sarili. Tumango si Dra. Bianchi. "Oo, kaya dapat alagaan mo ng mabuti ang magiging baby mo." Napahawak ako sa aking tiyan. "Baby..." sambit ko. "May iiwan akong reseta ng gamot mo. For vitamins lang naman para maging healthy ang baby mo. And every month o mas mabuti dalawa sa isang buwan na pumunta ka sa akin para ma-check natin ang baby mo," sabi ni Dra. Bianchi. Tumango ako. "Sige, Doc. Salamat." "At mas mabuti, isama mo ang asawa mo para alam niya rin ang ginagawa niya." Ngumiti na lang ako nang banggitin ni Dra. Bianchi ang asawa ko. "Sige. Tutuloy na ako. Alagaan mo ang katawan mo at huwag kang masyadong magpapagod." "Oo, Doc. Salamat." Ngumiti si Dra. Bianchi at umalis. Napabuntong hininga naman ako at napahawak ako sa tiyan ko. May bago akong pag-asa. Magiging isa na akong ina. Nang dumating si Matthew, sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hindi niya ako pinansin. "Bahala ka diyan. Wala akong pakialam," sabi ni Matthew. Huminga na lang ako ng malalim. "Pero sana payagan mo akong magpa-check-up sa OB ko." Sabi ko. "Papayag ako pero sa isang kondisyon. Dapat magsama ka ng isang katulong. Siya ang magsasabi sa akin kung maglalandi ka sa labas," sabi ni Matthew at pumasok sa banyo. Kumuyom na lang ang kamao ko at hindi na ako sumagot dahil alam kong makakasama 'yon sa akin lalo na at buntis ako. Kailangan kong maging maingat para hindi maapektuhan ang baby ko. Ito na ang bagong simula sa akin. Kailangan kong alagaan ang baby ko. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti. "Baby..." SA WAKAS, nakakalabas na rin ako ng mansyon pero may isa akong katulong na kasama. Nagpapasalamat na lang ako na tinutulungan niya ako at wala siyang sinasabi kay Matthew kung ano ang ginagawa ko. Pero kahit nakakalabas ako hindi naman ako nakakapunta sa mga magulang ko dahil sinabihan ni Matthew ang driver na kapag tapos na ang check-up, kailangan na niya akong ihatid sa mansyon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa mga ginagawa ni Matthew? Pero sana magbago siya at bumalik siya sa dati lalo na ngayon ay magkakaroon na kami ng anak. Gusto kong bumalik ang dati namin pagsasama noong ikinasal kami kaya naman nagluto ako ng agahan lunch niya at binalak ko itong dahil sa kumpanya. Nakangiti pa ako habang naglalakad ako patungo sa opisina niya pero ganun na lang ang pagkabigla ko nang pagbukas ko ng pinto at makita kung ano ang ginagawa nilang dalawa ng sekretarya niya. Mapusok ang mga itong naghahalikan habang hinuhubad ni Matthew ang damit ni Khelanie. Sa pagkabigla, nabitawan ko ang hawak kong pagkain. Napatigil naman si Matthew at Khelanie sa paghahalikan at napatingin sa akin. Pero nagalit si Matthew at mabilis na lumapit sa akin at malakas akong sinampal. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Tumingin ako kay Khelanie at nakita kong nakangisi siya at parang wala lang na inaayos niya ang damit niya. "Bakit kasi hindi ka man lang kumatok? Hindi ka ba tinuruan?" Mataray na sabi sa sa akin ni Khelanie. "Get out!" sigaw sa kaniya ni Matthew na parang nagpapalayas lang ng isang aso. Ipinikit ko ang mata ko at lumabas ng opisina niya. Tumutulo ang luha ko habang naglalakad ako paalis. Napapatingin na nga sa akin ang mga empleyado ng kumpanya pero hindi ko na lang sila pinansin at lumabas ng kumpanya. Umuwi ako ng mansyon. Hindi ko alam na sumunod rin pala sa akin si Matthew at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa sa akin. Sinampal niya ako at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong braso. "Aray! Matthew, masakit!" nasasaktang sabi ko. "Talagang masasaktan ka! Alam mo ba ang ginawa mo?! Ha?!" sigaw niya sa akin. "Walang masama sa ginawa ko!" Napabaling ang mukha ko sa kaliwa ng muli na naman niya akong sampalin. "Wala kang karapatan na sigawan ako! Do you understand?!" Hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuhan ko at hinila ako palabas ng mansyon. "Lumayas ka na lang dito! Wala kang silbi!" "No! Matthew, no." Umiiyak kong saad. Pero parang walang narinig si Matthew at patuloy lang siya sa paghila sa akin. Itinulak niya ako palabas ng gate at isinara ang gate. "Maghiwalay na tayo!" "Matthew!" tawag ko pero parang wala siyang narinig at naglakad papasok sa loob ng mansyon. Naisip ko ang mga magulang ko kaya naglakad ako patungo sa mansyon namin. Nang makarating ako doon, nag-doorbell ako. Inaasahan kong ang katulong ang lalabas para pagbuksan ako ng gate pero hindi ko inaasahan na sina Mommy at Daddy ang lalabas mismo ng mansyon. "Mommy! Daddy!" Natuwa ako ng makita ko silang dalawa. Pero napansin kong parang hindi sila masaya. "Mommy..." Isang maalakas na sampal ang isinalubong sa akin ni Mommy. Napahawak ako sa pisngi ko at hindi ko rin inaasahan na sasampalin ako ni Daddy. "Bakit po?" Naiiyak kong tanong. "Wala kang kwentang anak! Hindi mo na ba kami kinahiya! Nagpabuntis ka ba talaga sa ibang lalaki!" galit na sabi ni Mommy. Nanlaki ang mata ko. "Mommy..." "Lumayas ka rito! Magmula ngayon hindi ka na naming anak! Wala kaming anak na katulad mo!" galit na sabi sa akin ni Daddy. "Lumayas ka na!" "Mommy, please, pakinggan niyo ako. Daddy, magpapaliwanag po ako." Umiiyak kong sabi. Lumuhod ako pero itinulak ako ni Mommy. "Hindi na kita anak! Lumayas ka na! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo! Malandi ka! Inabuso mo ang kabaitan ni Matthew sa 'yo!" Sinampal ulit ako ni Mommy. "Mommy! Daddy!" Tawag ko sa kanila pero pinagsarhan nila ako ng gate. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Napahawak ako sa tiyan ko. "Baby, kapit ka lang kay mommy. Huwag kang bibitaw. Huwag kang papaapekto sa kanila, baby." Pinunasan ko ang luha ko at umalis sa mansyon namin. Hindi maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko pero hindi ko akalain na aabot sa ganito ang pagtrato nila sa akin. Sinubukan kong kontakin ang mga kaibigan ko pero iisa lang ang sinabi nila sa akin, ayaw nila sa kaibigang manloloko. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko para mag-isip...alam kong tinawagan sila ni Matthew at ang magaling ko namang asawa ay gumawa ng kwento at pinasama ako sa mga kaibigan ko. Kaya wala akong dala sa gabing 'yon, tanging ang damit at cellphone lang ang dala ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.  Bigla na lang dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Patuloy lang ako sa paglalakad sa walang katiyakang direksiyon. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako sa dahil sa ulan. Wala akong alam na pupuntahan. At hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Napatingin ako sa unahan nang marinig kong may paparating na kotse pero huli na para makaiwas ako dahil bumangga na sa akin ang kotse. Tumalsik ako ng ilang metro. Mabilis akong napahawak sa tiyan ko. "Baby..." Namanhid ang buong katawan ko. "Tulong..." Hindi ko malakasan ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Iminulat ko ang mata ko at nanlalabo na ang paningin. "Argh..." Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman kong sumakit ito. "B-baby... kapit ka lang..." Sa nanlalabo kong tingin, nakita ko ang taong lumabas sa kotseng bumangga sa akin. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang panga ko. "Paalam, mahal kong asawa." Nakangising sabi ni Matthew at binitawan ang panga ko. Narinig kong umalis na ang kotse ni Matthew. "Tulong..." Sa sakit ng katawan ko, hindi ko na kayang imulat ang mata ko. Naramdaman ko na lang na may malalakas na brasong bumuhat sa akin. "I'll bring you to the hospital," narinig kong sabi ng isang lalaki. Naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya. Pag-aalala? Ni minsan wala akong naramdaman na pag-alala mula sa pamilya at sa asawa ko. For them I'm just a piece of trash that they will discard after using. That moment, my world turned black and I didn't know what happened next. PAGKAUWI ni Matthew sa kanila, sinalubong siya ni Khelanie. "Patay na ba siya?" tanong ni Khelanie. Ngumisi si Matthew. "I hit her hard. Alam kong mamatay na siya. Kung may makakita man sa kaniya. Hindi rin siya maliligtas." Tumawa si Khelanie. "Now we get rid of that b***h. Are you happy now?" Tumango si Matthew. "Oo naman. Wala na ang pabigat sa buhay ko." Hinalikan niya si Khelanie at nang hindi siya makuntento, binuhat niya ito at dinala sa kwarto. And they enjoyed the night making love.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook