CHAPTER 5

3169 Words
RYLEIGH'S POV Philippines... HUMINGA ako ng malalim nang makababa ako ng eroplano. Isinuot ko ang hawak kong shades saka binuhat si Azry. "Mainit ba?" Natatawa kong tanong sa kaniya. It's summer here in the Philippines actually. Azry pouted and nodded his head. "Yes, Mommy." Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi. "Masasanay ka rin," sabi ko at tumingin kay Azriel. Ngumiti si Azriel at lumapit sa amin habang hila-hila ang traveling bag ko. Ginulo nito ang buhok ni Azry. "May aircon naman," sabi niya kay Azry. "Really, Daddy?" tanong ni Azry. Tumango si Azriel. "Yes." Ngumiti si Azry at yumakap sa akin. "Let's go," sabi ni Azriel at hinawakan niya ang siko ko at iginiya ako patungong sasakyan. Nauna na doon si Owen dala ang bag ni Azriel. Binuksan ni Owen ang pinto ng kotse. Papasok na sana ako ng magsalita si Azry. "Uncle Owen, carry me," sabi ni Azry. "Mommy, put me down." Napailing ako at ibinaba si Azry. Nagpabuhat ito kay Owen. Natatawa na lang si Owen habang binubuhat niya si Azry. Hindi ko rin alam sa anak ko. Malapit ito kay Owen, kunsabagay, isa rin si Owen sa mga bumubuhat sa kaniya noon maliban sa aming tatlo nila Anniza at Azriel. Pumasok ako sa sasakyan at tumabi naman sa akin ni Azriel sa backseat. Naupo naman si Owen at Azry sa passenger seat habang isang tauhan ni Azriel ang driver. Siya ang sumundo sa amin dito sa airport. "Pwedeng huwag muna tayong umuwi?" sabi ko. "May gusto lang akong puntahan." Kumunot ang nuo ni Azriel. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "May dadalawin lang ako." Mas lalong kumunot ang nuo ni Azriel. "Sino?" Ngumiti ako. "Ang puntod ko," sabi ko. Natigilan sandali si Azriel pero tumango ito. "Okay." Kinausap niya ang tauhan niya na dumaan muna kami sa sementeryo. "Mommy, sino po ang dadalawin niyo rito?" tanong sa akin ni Azry nang makarating kami sa sementeryo. Ngumiti ako. "Isang malapit na kaibigan," sagot ko. "Dito ka na lang, ha. Huwag ka ng sumama." "Okay po." "I'll go with you," sabi ni Azriel. Tumango ako saka bumaba ng kotse. Bumaba rin si Azriel ng kotse at sabay kaming pumasok sa sementeryo. Alam ni Azriel kung saan puntod ko. Napailing ako. Sinasabi kong puntod ko pero hindi naman ako ang nakalibing sa puntod na 'yon at ibang katawan. Pangalan ko lang ang nakalagay. "How does it feel to visit your own grave?" tanong sa akin ni Azriel nang makarating kami sa puntod ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. "I don't know but I feel sorry for the body that was buried here," sabi ko at tinignan ang pangalan ko na nasa lapida ng puntod. I sighed. "Ryleigh Monteverde is dead," sabi ko. "Yeah. Ryleigh Monteverde is dead and you are now Leigh Hernandez," sabi ni Azriel. Tumango ako at tumingin sa kaniya. Hinawakan ni Azriel ang kamay ko. "I promise, I won't leave you. I will help you at all cost." Ngumiti ako. "Thank you." Ngumiti si Azriel at hinalikan ako sa nuo. Muli kong tinignan ang puntod. "I'm sorry," sambit ko. "You are buried here with different name." Napabuntong hininga ako. "Let's go." Tumango si Azriel. Lumabas kami ng sementeryo at bumalik sa sasakyan. Nang makasakay kami, kaagad na sinabihan ni Azriel ang tauhan nito na dumeretso na kami sa mansyon. Habang humaharurot ang kotse, nakita kong nakatingin si Azry sa mga dinadaanan namin habang nakakandong ito kay Azriel. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa anak ko. Sana lang paglaki niya, maiintindihan niya ang lahat. Natigilan ako ng madaanan namin ang isang building at nakita ko ang malaking billboard ni Matthew. I tsked. Ipinikit ko ang mata ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Azriel sa ulo ko at pinasandal niya ako sa balikat niya. I smiled and hold his arm. Nakapikit lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ay nasa kwarto na ako. Ang dati kong kwarto sa mansyon ni Azriel dito sa Pilipinas at nakahiga sa tabi ko si Azry. Mukhang napagod rin ang anak ko sa biyahe namin. Hinaplos ko ang ulo ni Azry. "Azry, sana hindi ka magmana sa ugali ng ama mo." "Mabait kaya ako. Bakit hindi magmamana sa akin?" sabi ng isang boses. Napasinghap ako sa gulat dahil biglang may nagsalita sa gilid. Pagtingin ko ay naroon si Azriel na nakaupo sa leather couch, hindi ko man lang siya napansin. "Kanina ka pa diyan?" "Oo," sagot ni Azriel at tumayo. Humiga si Azriel sa kabilang gilid ng kama. "Bakit hindi ka matulog sa kwarto mo?" I asked him. Ngumiti lang si Azriel saka ipinikit ang mata. Napailing ako saka bumaba sa kama. Naglakad ako patungo sa kabilang gilid at tinanggal ang suot ni Azriel na sapatos at saka ko sila kinumutan ni Azry. Tinignan ko silang dalawa. Para talaga silang mag-ama. How I wished na sana si Azriel na lang ang naging ama ni Azry pero kahit naman pagbaliktarin ko ang mundo, hindi 'yon mangyayari. I sighed. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Napangiti ako nang makita ko si Jocelyn. "Ma'am Leigh, mabuti po at bumalik na kayo," masayang sabi niya. "Kailangan, eh," sabi ko. "Ma'am, ano pong gusto niyo?" tanong ni Jocelyn. "Tubig lang." "Sige, Ma'am." Kumuha si Jocelyn ng tubig at ibinigay sa akin. "Salamat," sabi ko at kinuha ang tubig. Umupo ako sa upuan at inilapag ang baso sa harapan ko pagkatapos kong kumain. Huminga ako ng malalim. "Ma'am." Napatingin ako kay Owen na kapapasok lang sa kusina. "Bakit?" tanong ko. "Ma'am, nahulog niyo kanina sa kotse," sabi ni Owen at ipinakita ang wallet ko. "Thanks," sabi ko at kinuha ang wallet. Bahagya lang na yumukod si Owen bago lumabas ng kusina. Tinignan ko naman ang laman ng wallet ko. Biglang may nahulog kaya pinulot ko ito. Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ang larawan naming tatlo nila Azriel at Azry. Ibinalik ko sa wallet ko ang picture. Tumayo ako at lumabas ng kusina. Bumalik ako sa kwarto ko. Tulog na tulog si Azriel at Azry, kaya naman kumuha na lang ako ng magazine na pwede kong basahin at nagtungo sa balkonahe ng kwarto ko. Hindi ko alam na bago pala ang magazine na nakuha ko at ang unang pahina pa ng magazine ay ang larawan ni Matthew. Natawa ako ng mahina saka napailing. "He looked like a kind gentleman in the picture but different in reality." I said to myself while looking at Matthew's picture. 'I dedicated all my hard works to my late wife.' Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa ng malakas. Napailing ako. I keep on chuckling. "So, epic." I said and shook my head. "Ang galing niyang mag-drama," sabi ko. "I dedicated all my hard works to my late wife." I chuckled again. "Matthew, you're the one who killed me. Just wait for it. Your late wife will come back and destroy your life." Kumuyom ang kamay ko dahil sa nararamdaman kong galit. Ang galing niyang artista dahil napaniwala niya ang mga magulang ko at napaniwala niya rin ang mga tao sa paligid niya. "Tignan lang natin kung hanggang kailan ang magandang takbo ng buhay mo, Matthew. Paglalaruan ko kayong dalawa ni Khelanie katulad ng paglalaro niyo sa akin. Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi kayo naghihirap," sabi ko habang nakatingin sa larawan ni Matthew sa magazine. Sa inis ko at galit, pinunit ko ang pahina ng magazine at ibinasura. I sighed and flipped the magazine's page but to my disppointment, ang picture naman ni Khelanie ang tumambad sa akin. I got curious why she is the magazine. "Wow." I can't help but to be amaze. Ang layo ng narating ni Khelanie. She became a model. "Unbelievable," sabi ko. Marami talagang nangyari sa loob ng limang taon. Naging model ang sekretarya lang noon. I can't help myself but to chuckled. Maganda si Khelanie, maganda ang katawan pero para sa akin, isa lang siyang masamang babae...I stopped saying it in my mind. Hindi naman yata maganda na pag-isipan niya ito ng masama. After all, isa rin siyang babae. Masyado naman na yatang nagiging mabait siya. Khelanie is the also one of the people who hurt her, kasama nito si Matthew kaya madadamay ito sa paghihiganti niya. Napailing ako at binasa ang caption. 'I am a model so I don't have a problem posing naked. After all, even if you saw my body, my heart, soul and body is only for the one I love, Matthew Castillo.' Napabuntong hininga ako at napangiti na lang. Ngiti na may halong pagkainis at galit. "Tignan natin kung hanggang kailan kayo magtatagal. Dalawa kayo ni Matthew na paghihigantian ko. Magsisimula pa lang ako, Khelanie. Tignan natin kung sino ang magiging kawawa sa huli. Sisimulan ko ngayon kung kailan masaya na kayo. Ibabalik ko sa inyo ang mga ginawa niyo sa akin." Tumalim ang mata ko habang nakatingin sa picture ni Khelanie at kumuyom ang kamay ko kaya pati ang hawak kong pahina ng magazine ay nalamukos ko at napunit. Sa inis ko, ibinasura ko na lang ang magazine na hawak ko. Two weeks later... HABANG nakaupo ako sa sofa sa living room at kasalukuyang nagtatrabaho at nanonood na rin ako ng balita para malaman ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Natigilan ako ng makitang showbiz ang balita. Tumaas ang kilay ko nang makita kong si Matthew at Khelanie ang nasa balita. Natawa ako ng mahina nang marinig ko ang plano nilang pagpapakasal. "Wow," sabi ko. Noon pa sana nila naisipang magpakasal. Actually, pinaimbestigahan ko si Khelanie kay Owen at nalaman kong pumasok si Khelanie sa isang modeling company at dahil maganda ang katawan niya, nakuha siya at doon na nagsimula na ang magandang takbo ng career niya. Natawa ako saka napailing. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa panonood ng balita. "Ikaw lang yata ang nakita kong kalmado habang pinapanood mo ang mga taong kinamumuhian mo." Narinig kong sabi ni Azriel na kadadating lang kaya naman napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako. Kararating niya lang mula sa kumpanya niya. "Welcome home," I greeted him. Azriel sighed and sat down beside me. Bigla na lang siyang humiga sa sofa at ginawang unan ang hita ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung pagod ka, pumunta ka na sa kwarto mo para magpahinga." "I rather wanted to sleep like this than to sleep in my room," sabi ni Azriel. "Why so?" Ngumiti si Azriel. "I feel comfortable lying in your thigh." Then hinawakan niya ang kamay ko. "Matthew and Khelanie are planning to get married," sabi niya. "And?" tanong ko. "Ano naman ang pakialam ko kung magpakasal sila. Edi magpakasal sila. Wala akong pakialam." "What's your plan?" Tumaas ang sulok ng labi ko. "Marami akong plano para sa kanilang dalawa pero katulad ng lagi mong sinasabi sa akin. Don't act recklessly. At isa pa, kailangan kong maghanap ng school. Kailangan ko ng ipasok si Azry sa school." "And speaking of Azry," sabi ni Azriel. "Where is he?" "Natutulog. Napagod kakalaro kanina ng scrabble diyan. We played the whole afternoon kaya naman ngayon pa lang ako makapagsimulang magtrabaho," sabi ko. Tumango si Azry. "Then let him rest." I sighed. "Azriel." "Hmm?" Tumingin sa akin si Azriel. Hinalikan niya ang kamay ko. Kinuha naman ng isa kong kamay ang remote at pinatay ang television. "I wanted to go back at Monteverde Group of Companies. Kumpanya 'yon ng magulang ko. Kahit ganun ang ginawa nila sa akin, mga magulang ko pa rin sila." Napailing si Azriel. "Leigh, you're really soft-hearted when it comes to your parents." He sighed. "They are my parents." "I know and I understand you. I understand your plans why you wanted to go back in MGC. Gusto mong pabagsakin si Matthew. Gusto mo siyang mawala sa kaniya ang posisyon niya bilang presidente ng MGC," sabi ni Azriel. Tumango ako. "Yeah." "Okay. I will help you." "How will you help me to go in there?" I asked. "I bought the stocks of the major stockholder in the MGC five years ago. I became the major stockholder of MGC and I asked someone to be my proxy but I used different name," sabi ni Azriel at bumangon. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at hindi binibitawan. "I used Leigh Hernandez." Nanlaki ang mata ko. "You used what?" gulat kong tanong. Leigh Hernandez is the name I used when we went to California at iyon na ang pangalang gamit ko hanggang ngayon. "You can't use your real name, Leigh. You can't use the name Ryleigh Monteverde so I used that name." "Then?" Azriel sighed. "I'm sorry." Umiling ako. "It's okay." "But for you to enter the MGC as a legal Leigh Hernandez, you need to carry my surname," sabi ni Azriel. Kumunot ang nuo ko. "What do you mean?" "Marry me." Nagulat ako at nanlaki ang mata ko. "What?" "In this way, you will have the power in Hernandez Group of Companies and Monteverde Group of Companies. I already told you before, Leigh. I want to own MGC and now, I will tell you my reason. I want to access the advance technology of MGC," seryosong sabi ni Azriel. "If you will legally carry my surname, no one will dare to go in your way." I sighed. "Pero..." "Don't you want to marry me?" Azriel asked. "Leigh, if you marry me, I will ask my lawyer to legally change Azry's surname. He will become Hernandez and he will become as my own son." "Azriel, hindi naman ganun kadali ang magpakasal. Sana maintindihan mo ako. My first marriage was a failure. Natatakot na ako na muling magpakasal," sabi ko habang nakababa ang tingin ko. "I understand you, Leigh. But think of my proposal. Isa lang ang mapapasiguro ko sa 'yo, Leigh. Hindi ako katulad ni Matthew. Hindi kita sasaktan at mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko," seryosong sabi ni Azriel at kapagkuwan ngumiti. Hinalikan niya ako sa nuo. Naipikit ko naman ang mata ko at dinamdam ko ang halik niya sa nuo ko. I felt the warm feeling. Iyong bang parang pakiramdam ko ay ligtas ako. "Azriel..." I felt that Azriel kissed my cheeks. "I gave you two days to think of my proposal." I sighed. "Boss." Sabay kaming napatingin ni Azriel sa bagong dating. Si Owen at may kasama itong babae na kamukha nito. Napangiti ako nang makita ko ang suot ng babae. Ang cool lang nito sa suot nitong leather jacket. Lalaking-lalaki ang dating nito. "Siya ba ang sinasabi mo?" tanong ni Azriel kay Owen. "Yes, Boss. Siya si Olivia, kapatid ko." Pakilala ni Owen sa kapatid nito. Ngumiti ako. "Leigh, siya ang magiging lady guard mo," sabi ni Azriel at tumayo. "Ah?" Nagtaka ako. "Lady guard?" Tumingin ako kay Olivia. "Hi, Ma'am." Bati sa akin ni Olivia. "Yes," Azriel said. "I tell you honestly. Wala akong tiwala sa mga tao sa MGC lalo na si Matthew kapag nakita ka na nila," seryoso niyang saad. Natawa ako ng mahina dahil sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya. "Nagseselos ka ba?" Azriel rolled his eyes. "Yes." I chuckled and shook my head. Tumingin ako kay Olivia. "Nice to meet you." Bahagyang yumukod si Olivia. "Mommy! Daddy!" Napatingin sila kay Azry na tumatakbo pababa ng hagdan. "Anak, madapa ka," sabi ni Azriel at sinalubong si Azry sa baba ng hagdan. Natigilan ako nang marinig kong tinawag ni Azriel na 'anak' si Azry. This is the first time to hear him calling Azry as his son. I sighed. Sa tingin ko seryoso siya talaga sa mga sinabi niya sa akin. Azriel carried Azry in his arms. Nakita kong may sinabi si Azriel kay Azry then my son looked at me. "Mommy, marry Daddy." Napailing ako at tinignan ng masama si Azriel. "Kakukutsabahin mo pa talaga ang anak ko." Ngumiti si Azriel saka mabilis na naglakad palabas ng mansyon habang buhat si Azry. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Kapagkuwan napatingin ako kay Owen at Olivia, nakangiti ang dalawa. "Anong nginingitian niyo diyan?" tanong ko. Mabilis na umiling ang dalawa. "Wala, Ma'am," sagot ni Owen saka hinila ang kapatid nito palabas rin ng mansyon. Ako naman ay lumabas ng mansyon para sundan si Azriel at Azry. Ang daming kalokohan na naiisip ang dalawa kapag ang mga ito ang magkasama. Kumunot ang nuo ko nang hindi ko sila makita sa pavilion kaya naman nagtungo ako sa garden. "Daddy, bakit po ninyo sinasabi sa akin na papakasalan niyo si Mommy? Ano po 'yon, Daddy?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Azry. Nakinig ako sa usapan nilang dalawa. "Maiintindihan mo rin kapag malaki ka na," sabi ni Azriel. "Okay po." "Azry, can you promise one thing for Daddy?" "Ano po 'yon, Daddy?" tanong ni Azry. "Can you promise not to leave me and stay with me forever?" Azriel asked. Napahawak ako sa pader habang nakikinig ako sa usapan ng dalawa. "Promise po, Daddy." "Thank you, Azry, my son." Kumunot ang nuo ko nang parang naiiyak ang boses ni Azriel kaya sinilip ko silang dalawa sa garden. Nakita kong niyakap ni Azriel si Azry. Sinenyasan ko si Azry na huwag maingay nang makita niya ako. Nakatalikod sa akin si Azriel kaya si Azry lang ang nakakita sa akin. Tumango naman si Azry. It melts my heart seeing Azriel taking good care of my son even if I wasn't around. He's a good father. With teary eyes, I left the garden and went back inside the mansion. Umupo ako sa living room at napaisip. Iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Azriel. I sighed. Wala namang masama kung magpakasal ako sa kaniya dahil gusto ko naman siya pero natatakot ako. My first marriage is a failure and my ex-husband killed me. Hindi nga lang niya ako napatay dahil iniligtas ako noon ni Azriel. But everyone thought that I was already dead. Azriel was always there for me. Mula pa noong una nandiyan na siya para sa amin ni Azry. Siya ang naging sandalan ko noong mga panahon na hindi pa ako naka-moved on. Huminga ako ng malalim at sumandal sa kinauupuan ko. Tama siya. If I will be his wife, no one will dare to go in my way. Hernandez is such a fearsome name. Noon pa man naririnig ko na na isang nakakatakot na tao ang nagmamay-ari ng Hernandez Group of Companies but I didn't know that it's Azriel Hernandez. But I knew that he's a good man despite all the bad expression of the people to him. Napatingin ako kay Azriel na kapapasok lang sa living room kasama si Azry. I smiled to him. KANINA pa nakaupo si Azriel sa gilid ng kama. Nakatitig lang siya sa singsing na nasa loob ng isang red velvet box. Is it hard for Leight to marry me? Napakurap siya. I won't hurt her. Matagal ko 'tong hinintay. Hinintay kong mas lalong lumalim na pa ang relasyon naming dalawa. Azriel sighed. Should I ask her again until she agreed? Sa naisip, napangiti si Azriel. I won't give up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD