RYLEIGH'S POV
"MAGHIWALAY na tayo!"
"Wala kang kwentang anak!"
"Lumayas ka dito!"
"Paalam, mahal kong asawa."
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Matthew sa aking isipan. Mabilis akong tumingin sa kinaroroonan ko. Nasa isang kwarto ako at may IV na nakalagay sa kamay ko.
"Hospital? Nandito ako sa hospital?" Nagtataka kong sabi. Nakita ko ang mga braso ko na may benda.
Pilit kong inalala ang nangyari sa akin. Kumuyom ang kamay ko nang maalala ko ang nangyari.
"Matthew... magbabayad ka sa ginawa mo sa akin," sabi ko at wala akong maramdaman sa mga oras na 'yon kundi ang galit para sa mga taong nanakit sa akin.
Napasinghap ako nang maalala ang baby ko. Mabilis akong napahawak sa tiyan ko. "Baby..."
Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang bumukas ito at pumasok ang isang lalaki. I thought it was a doctor but the man who entered is a gorgeous man. And he looked like a male model. Just gorgeous and handsome.
"You're awake," sabi niya sa akin na nagpabalik sa akin sa huwisyo. At pamilyar ang boses niya.
"Ang baby ko..." sambit ko habang nag-aalala. Hindi ko pinansin ang lalaki dahil nag-aalala ako sa baby ko.
Napabuntong hininga ang lalaki at naglakad palapit sa akin. Inilapag niya ang hawak na paper bag sa mesa na narito sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko. Umupo siya sa stool. "Your baby is fine but nearly had miscarriage because of the accident," sabi ng lalaki. "The doctor said that it's a miracle that your baby survived. Mabuti na lang daw at maaga kitang nadala dito dahil kung nahuli lang ng ilang minuto ay baka may masama ng nangyari sa baby mo at pati na rin sa 'yo."
Nakahinga ako ng maluwang at tumingin sa kaniya. "Sino ka?" tanong ko.
Tumingin sa akin ang lalaki at una kong napansin sa mukha niya ang kulay ng mata. Kulay abo ito. Ngumiti siya.
"I'm Azriel Hernandez. Nice to meet you." Pakilala niya at inilahad niya ang kamay sa akin.
Napatingin ako sa kamay niya. Umangat ang kamay ko para sana ang makipagdaupang palad sa kaniya pero ibinaba ko ang kamay niya na hindi ko hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry," sabi ko.
Ibinaba ni Azriel ang sarili niyang kamay. "I helped you. So, hindi naman siguro masama kung sabihin mo sa akin ang pangalan mo?"
"Thank you for helping me," sabi ko. "If not you, baka nawala na ang baby ko."
Napatingin si Azriel sa tiyan ko.
"Ryleigh Monteverde Castillo." Pakilala ko. "But I'm not Ryleigh Castillo anymore," dagdag ko.
Kumunot ang nuo ni Azriel. "Ryleigh Monteverde? Ikaw ang tagapagmana ng Monteverde Group of Companies?"
Tumango ako at napabuntong hininga.
"Anyway, sino ang gumawa no'n sa 'yo?" tanong ni Azriel. "He was heartless to left you there. Should I call you family to inform them about you.
Ngumiti ako ng mapait at umiling. "No need. Wala rin lang silang pakialam sa akin," sabi ko at tinignan si Azriel. "Do you have a wife?" I asked him.
Natawa si Azriel. "No. I don't have. I'm single."
Napatango ako. "It's my husband who did it," sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Azriel at nagulat. "Your husband?"
Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon sa akin. Pero para siguro kapag namatay ako magsasama na sila ng babae niya."
Nakita ko ang emosyon na dumaan sa mata ni Azriel, parang galit ito pero kaagad din iyong nawala kaya baka namamalik-mata lang ako.
"How about your parents?" Azriel asked. "Wala kang malay ng limang araw at wala naman akong alam na tawagan na kamag-anak mo."
"Mabuti na at wala kang kilala. Ayaw ko rin silang makita pa. Hindi ko alam kung anak ba nila ako o hindi dahil mas pinaniwalaan nila ang asawa ko kaysa sa akin na anak nila," sabi ko habang nakakuyom ang kamay ko.
Tumingin ako kay Azriel. I saw the pity in his eyes. "Don't pity me," sabi ko.
Kumurap si Azriel at nawala ang awa sa mata niya.
Napahawak ako sa tiyan ko. Kapagkuwan napatingin ako sa tv na nasa loob ng kwartong kinaroroonan ko. "Can you please turn on the tv?"
"Okay." Azriel picked up the remote and turn on the tv.
Unang lumabas ang isang breaking news.
"...nagluluksa ngayon ang Monteverde Group of Companies at lahat ng pamilya ni Ryleigh Castillo at kaibigan, mas lalo na ang kaniyang asawa sa kaniyang pagpanaw. Nasangkot si Mrs. Castillo sa isang aksidente na dahilan ng kaniyang pagkamatay. Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na imbestigasyon ang mga pulis kung sino ba ang bumagga sa kaniya. At ang bangkay ni Mrs. Castillo ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang mansyon."
Kumuyom ang kamay ko. Paanong nangyari 'yon? Nandito ako. Paanong nakaburol ang bangkay ko sa mansyon. Maliban na lang kung kumuha sila ng katawan na patay na at sinabing ako 'yon.
Natawa ako. "Nagluluksa?" Napailing ako. "Baka nagsasaya na sila ngayon dahil akala nila patay na ako," sabi ko.
Pinatay ni Azriel ang tv. "Anong plano mo ngayon?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya. "Plano?" nagtatakang tanong ko.
Tumango si Azriel.
Tumaas lang ang sulok ng labi ko. "Maghihiganti ako sa kanila. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila sa akin mas lalo na ang Matthew na 'yon," sabi ko.
Tumayo si Azriel at umupo sa gilid ng kama na kinaroroonan ko.
"Sa totoo lang, magkalaban ang Hernandez Group of Companies...it's my company actually...at ng Monteverde Group of Companies," sabi niya sa akin. "Pero hindi 'yon ang mahalaga ngayon. Kung gusto mong maghiganti sa kanila, tutulungan kita."
"Bakit?" tanong ko. "Bakit mo ako tutulungan? Hindi naman tayo magkakilala," sabi ko. "Hindi kaya may iba kang plano sa akin kapalit ng pagtulong mo."
Ngumiti si Azriel. Hindi naman sa klase ng ngiti na may masama siyang balak. But he gave me a warm and genuine smile. "Huwag kang mag-alala. Tinutulungan kita dahil kailangan mo ng tulong ko. Wala akong iba plano o masamang balak sa 'yo."
Sandali ko siyang tinitigan. "Can I trust you?"
"Of course," he said and he looked at me in the eye.
Tipid akong ngumiti at tumango.
"Pero payo ko sa 'yo, huwag muna ngayon ang paghihiganti mo. Mainit pa sa lahat ang nangyari at akala ng lahat patay ka na. Pero huwag kang mag-alala, sasabihan ko ang tauhan ko na imbestigahan ang nangyari at kanino ang katawan na sinabi nilang bangkay mo," sabi ni Azriel.
Umiling ako. "Huwag ka ng mag-abala pa. Hayaan mo na."
Tumango si Azriel at tumingin sa tiyan ko. "Focus your attention to your baby first. Saka na ang paghihiganti na gagawin mo. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita haggang sa makapaghiganti ka."
Kumunot ang nuo ko. "Bakit ang bait mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Kung makapagsalita ka, parang matagal mo na akong kilala."
"Matagal na kitang kilala, ikaw lang ang hindi nakakakilala sa akin," sabi ni Azriel na hindi ko masyadong narinig.
"Ah?" Nagtaka ako.
Umiling si Azriel at tumayo. "I'm willing to help you but I also advice not this time."
Napahawak ako sa tiyan ko at tumango. "Tama ka. Hindi sa oras na 'to. Maghihiganti man ako pero kailangan ko munang isipin ang baby ko. Kahit pinatay ako ng ama niya, wala siyang kasalanan. Inosente siya."
"You're right. Your baby is innocent," sabi ni Azriel.
"But I don't know where I go after I go out here," sabi ko. "I have nothing now."
"Sabi ko tutulungan kita kaya hindi kita papabayaan," sabi ni Azriel sa akin. "I can bring you to my home."
Nanlaki ang mata ko. "Your home?"
Tumango si Azriel. "Mag-isa lang naman ako doon. Kasama ang mga katulong at ang mga tauhan ko. Wala na akong magulang. Ang kapatid ko naman na babae ay nasa California at ayaw umuwi o manatili rito sa Pilipinas."
Napabuntonghininga ako. "Salamat," I said full of gratitude.
Ngumiti si Azriel. "I will take care of you. But you must promise me one thing."
"Ano 'yon?"
"Kailangan na mapasaakin ang Monteverde Group of Companies," seryosong sabi ni Azriel.
"Pero baka matagal pa bago mangyari 'yon," sabi ko naman.
"Kaya nga nandiyan ka hindi ba? Hangga't buhay ka, kayang-kaya mong bawiin ang kumpanya na para sa 'yo," sabi ni Azriel. "And I have patience. I can wait."
Tumango ako. "Sige. Mapapasayo ang Monteverde Group of Companies pero hindi sa ngayon dahil kailangan kong alagaan ang baby ko."
"I understand."
"Pero bakit mo gustong makuha ang Monteverde Group of Companies?" tanong ko sa kaniya.
"The MGC is my biggest competitor."
"Oh. Business," sabi ko saka napatango. "Okay. I will help you to get it. Sa totoo lang wala na akong pakialam pa sa kumpanya pero dahil tinulungan mo ako. Sige, pangako, kapag bumalik ako sa kumpanyang 'yon, sisiguruhin kong mapasayo ang MGC."
Ngumiti si Azriel. "Deal." Inilahad niya ang kamay.
"Deal," sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko at pumasok ang isang doctor.
"Doc, please check her now."
"Okay."
Nagpagilid si Azriel habang chineck up naman ako ng doctor. At pinayuhan sa mga dapat kong gawin. Nang makaalis ang doctor, tumingin ako kay Azriel.
"Paano kung may makakita sa akin dito?"
Ngumisi si Azriel. "May mga tauhan akong nagbabantay sa labas ng kwartong mo. Walang ibang doctor at nurse ang papasok rito kundi ang doctor na pumasok kanina. I already paid him to shut his mouth."
Napatango ako. "Salamat."
Ngumiti lang si Azriel saka umupo sa upuan.
Humugot ako ng malalim na hininga saka dahan-dahang bumangon. Napangiti ako dahil nasa tabi ako ng bintana. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Baby, huwag kang mag-alala. Makikita mo rin ang magandang mundo na nakikita ko ngayon. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa 'yo," sabi ko.
Pero kapag naging malakas na ako, babalikan ko ang mga taong nanakit sa akin, mas lalo na si Matthew. Sisirain ko ang lahat ng mayroon sila at papabagsakin ko sila. Kung ako ang nagmamakaawa ngayon, darating ang araw na sila rin ang magmamakaawa sa akin. Ngumiti ako. A dangerous sweet smile.
"YOU CAN stay in this room." Azriel told me while showing me the whole room. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto at maganda naman ito. May mga gamit na sa loob. Nagtagal rin ako ng isang linggo sa hospital bago ako pinayagan ng doctor na umuwi at dahil wala naman akong uuwian, dinala ako ni Azriel sa mansyon niya.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Azriel. "Salamat," sabi ko kaniya.
"Nandito na ang lahat ng gamit na kakailanganin mo except for your baby's thing. Well, hindi ko pa nasubukan ang maging isang ama kaya hindi ko alam," sabi ni Azriel. "At kung may kulang pa, magsabi ka lang sa akin."
"Salamat." Ngumiti ako at tumingin kay Azriel. "Bakit ang bait mo sa akin?" tanong ko.
"Mabait ba ako?" Azriel asked me too.
I nodded my head. "Yes. Mas mabait ka kasya kay Matt..." Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin. Ayaw kong maging awkward kaming dalawa at ayaw kong sabihin ang pangalan ng taong kinasusuklaman ko ngayon.
Hinawakan ni Azriel ang siko ko at iginaya ako papasok sa loob ng kwarto.
"May sasabihin ako sa 'yo," sabi ni Azriel at pinaupo ako sa kama.
"Ano 'yon?" tanong ko at tumabi ng upo sa akin si Azriel.
"Pinaimbestigahan ko ang asawa mo," sabi ni Azriel. "Nalaman kong on going na pala ang annulment niyong dalawa bago pa niya 'yon ginawa sa 'yo—I mean ang pagpatay niya sa 'yo at na-approve ang araw ng annulment sa mismong araw ng libing mo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa sinabi niya. "Hindi na ako magtataka," sabi ko. "Buntis ako. At habang lumalaki ang tiyan ng isang babae, nagiging pangit siya." Ngumiti ako ng mapait. "Kaya hindi na ako magtataka," sabi ko habang nakatingin kay Azriel at bumuntonghininga.
Azriel looked at my stomach. Umangat ang kamay niya at dahan-dahan niyang hinawakan ang tiyan ko. "Hi, baby." Azriel said while touching my stomach.
Natigilan ako habang nakatingin kay Azriel na nakangiti. He had a warm smile on his lips and a warm emotion in his face. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil parang natutuwa siya sa baby ko.
"Hindi ka pa niya nararamdaman," sabi ko ko habang nakatingin sa mukha niya.
Napakurap si Azriel at napatingin sa akin. Sandali siyang natigilan.
"What?" I said when he was just looking at me.
Mabilis na umiling si Azriel at tumayo. "Ahmm... magpahinga ka na. May gagawin pa ako sa opisina ko." Sabi niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Napahawak naman ako sa tiyan ko. I had that warm feeling when Azriel touched my stomach. Hindi ko alam pero parang naging masaya ako nang hinawakan niya ang tiyan ko. Natawa ako ng mahina at napailing. Dahan-dahan akong humiga sa kama at tumagilid ng higa.
Hindi ko alam na ganun pala ang ginawa ni Matthew. Sigurado akong nagsasaya siya ngayon dahil napatay na niya ako. Pero nagkakamali siya dahil buhay pa ako. Humanda siya sa pagbabalik ko dahil pagbabayarin ko silang lahat.
Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko at hindi ko hinayaan na lamunin ako ng galit dahil sa nalaman ko. Kailangan kong magpokus sa baby ko. Tama ang sinabi sa akin ni Azriel sa hospital, ang baby ko muna ang pagtuunan ko ng pansin at saka na ang ibang bagay.
Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising ako na lang ako sa katok na nanggagaling sa pintuan. Maingat akong bumangon. "Pasok," sabi ko.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Kaagad kong nalaman na isa siyang katulong dahil sa suot niyang damit. May hawak itong tray na may lamang pagkain. Ngumiti ito saka naglakad palapit sa akin.
"Sino ka?" tanong ko.
"Ma'am, ako po si Jocelyn. Isa po akong katulong dito sa Hernandez' Residence. Inutusan po kami ni Sir Azriel na dalhan kayo dito ng pagkain baka raw po kasi hindi kayo lalabas sa kwarto niyo para kumain."
Tumingin ako sa tray. All the foods in the tray are all nutritious.
"Salamat," sabi ko.
Ngumiti si Jocelyn at inilapag ang tray sa bedside table. "Kumain na po kayo, Ma'am. Sabi ni Sir Azriel, hindi raw po kayo pwedeng malipasan ng gutom dahil buntis kayo."
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi ni Jocelyn. Kahit kailan hindi ko naramdaman na nag-alala si Matthew sa baby namin. Hindi ko alam na ang ibang taong hindi ko pa masyadong kakilala ang mag-aalala para sa baby ko. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jocelyn. "Pwede mo na akong iwan."
"Hindi ko ho kayo pwedeng iwan, Ma'am. Baka po may kailangan pa ho kayo," sabi ni Jocelyn.
Ngumiti ako. "Wala na akong kailangan."
"Sige, Ma'am. Kung may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako."
Tumango ako at tipid na ngumiti.
Nang makalabas si Jocelyn, napatingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. Ngumiti ako at nagsimula ng kumain. Hindi nga ako pwedeng malipasan ng gutom. Habang kumakain ako, napansin ko ang isang cellphone na nasa mesang kinalalagyan ng lampshade. Kumunot ang nuo ko at tumayo. Kinuha ko ang cellphone pero may nakatuping papel sa tabi nito kaya kinuha ko.
'It's for you. Tulog ka pa kasi kaya iniwan ko na lang dito.'
-Azriel
Tinignan ko ang cellphone. Napabuntonghininga ako sa bumalik sa pagkain. Inilapag ko ang cellphone sa kama.
Nang matapos akong kumain, lumabas ako ng kwarto na dala ang tray para dalhin sa kusina. Hindi ko alam ang daan papunta sa kusina, mabuti na lang at nakita ko si Azriel.
"Hindi na dapat ikaw ang gumawa niyan. Ibigay mo na lang 'yan sa mga katulong," sabi ni Azriel.
"Pero hindi ko alam ang daan patungo sa kusina," sabi ko.
"Ako na," sabi ni Azriel at kinuha ang hawak kong tray.
"Azriel..." Pero nakapasok na si Azriel sa pintuan patungong kusina.
Huminga na lang ako ng malalim at hinintay si Azriel na makalabas ng kusina.
"Buntis ka kaya dapat huwag kang masyadong magpagod," sabi sa akin ni Azriel nang makalabas siya ng kusina. Hindi ko alam kung sinesermunan niya ako o ano.
"Come here."
Masuyong hinawakan ni Azriel ang siko ko at dinala niya ako sa living room ng mansyon niya. Pinaupo niya ako sa sofa at umupo naman ito sa sofa na katapat ng kinauupuan ko kaya magkatapat kaming dalawa.
"Gusto mo bang malaman kung ano ang nangyayari sa Monteverde Group of Companies?"
Kumunot ang nuo ko. "Ano ang tungkol sa MGC?" tanong ko.
Azriel sighed. "Nagtatalo na sila kung mananatili ba si Matthew sa posisyon niya bilang presidente ng MGC o hindi na."
"Anong nangyari?" tanong ko. Hindi ako interesado kung mananatili si Matthew bilang president ng MGC. All I want to know is the company.
"Your husband is still the president of MGC. Knowing that you two are legally married pero namatay ka nga lang."
Tumikhim ako. "Excuse me. Ex-husband," sabi ko.
Natawa si Azriel. "Okay. Your ex-husband."
Ngumiti ako. "Much better."
Azriel shook his head. "But I did something. Don't get mad. Buntis ka pa naman."
Tumaas ang kilay ko. "Ano?"
"Binili ko ang stocks ng dalawang stockholder ng MGC. Ibinenta nila so I took the opportunity."
Napatango ako. "Okay."
"You're not mad?"
Kumunot ang nuo ko. "Bakit naman ako magagalit? It's your decision. At isa pa, maganda na rin ang ginawa mo. Pero alam mong magkalaban ang HGC at MGC, hindi ba..."
Umiling si Azriel. "Gumamit naman ako ng ibang pangalan kaya hindi nila malalaman."
Natawa ako saka napailing.
"Why are you laughing?" Azriel asked me.
Umiling ako. "Hindi pa talaga kita kilala, Azriel. Hindi ko alam kung ano ang mga iniisip mo."
"Makikilala mo rin ako kung gusto mo akong kilalanin."
Tipid na lamang akong ngumiti saka sumandal sa sofa na kinauupuan ko. Huminga ako ng malalim. "How does it feel to visit your own grave?" tanong ko kay Azriel.
"Do you want to visit your own grave?"
I sighed. "Pangalan ko lang ang nakalagay doon at hindi ang katawan ko. Actually, naaawa ako sa katawan na inilagay nila doon," sabi ko. "Iba ang pangalan na nakalagay."
"Kinuha nila sa morgue ang katawan na nailibing. Binayaran ni Matthew ng malaking halaga ang nagbabantay sa morgue para isara niya ang bibig niya."
Kumunot ang nuo ko. "Paano mo nalaman?"
Ngumisi si Azriel. "Don't underestimate me, Leigh. Marami pa akong kayang gawin na hindi mo pa nakikita."
Napakurap ako. Naging seryoso kasi ang mukha ni Azriel. "Kaya ko ring ipapatay si Mr. Castillo kung gugustuhin ko."
Natigilan ako at nakaramdam ng kaunting kaba. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Azriel. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan dahil sa sinabi niya. Parang ibang Azriel kasi ang nakikita ko ngayon na nasa harapan ko.
"Azriel."
Kumurap si Azriel at bumalik ang dating Azriel na nakilala ko. Ngumiti ito. "Sorry about that."
Tumango lang ako.
"By the way," tumayo si Azriel at may kinuha ito sa wallet nito, "here is my credit card. Take Jocelyn with you and buy things for you and your baby."
Napatitig ako sa kaniya. "You trust me?"
Ngumiti lang si Azriel at inilapag ang credit card sa center table.
"May gagawin pa ako," sabi ni Azriel at umalis sa living room.
Napatitig ako kay Azriel na naglalakad paalis. Then tinignan ko ang credit card na nasa center table. I sighed. Alam kong may kapalit ng lahat ng 'to so I won't take all of this for granted.
NANG makalabas si Azriel ng mansyon, nakita niya si Owen sa labas.
"Arrange a team for Leigh. Ayaw kong mapahamak siya kapag lalabas siya ng mansyon," utos ni Azriel kay Owen. His right-hand man.
Tumango naman ito. "Yes, Boss. Ako na ang bahala. I will form a team. Marami naman sa mga tauhan natin ang magagaling. I'm sure they can protect Madam."
Tumango si Azriel. "Good," aniya. Tinapik niya ang balikat ni Owen saka siya naglakad patungo sa kotse.
Sumakay siya sa kotse at minaneho ito palabas ng compound. Humigpit ang hawak niya sa manibela ng kotse at tumalim ang mata niya. She nearly died. They will pay for it. Just wait.