Chapter 2 - Chatmate

1147 Words
Kaagad kaming pumasok ni Maurine ng computer laboratory at umukupa ng magkatabing unit. It’s only ten o’clock in the morning, my time. Sigurado akong online pa si Sage sa ganitong oras. Minsan ay inaabot ang chat namin hanggang ala una ng hapon. Ala una iyon ng madaling araw sa kaniya dahil sa twelve-hour time difference. Tungkol sa kung ano-anong bagay lang naman ang pinag-uusapan namin. Pero kadalasan gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral ko at isa iyan sa mga nagustuhan ko sa kaniya bukod sa pagiging matalino niya. Minsan ay nakararamdam ako ng insecurity kapag kausap ko si Sage. Ingat na ingat ako upang hindi magkamali dahil napakaperpekto niya sa paningin ko. Despite that, I always enjoy his company every time we chat. Sa tuwing kausap ko siya, hindi ko namamalayan ang oras. It seemed like only yesterday, but it has already been almost four months since the day we met online. Napatingin ako sa aking messenger nang magpop-up ang isang chat box. As expected, it’s a message from Sage. “Good morning, Margaux! How are you?” “I’m good, Sage. Thanks for asking. Ikaw? Kumusta ka na?” “Ganoon pa rin. Busy pa rin sa trabaho at sa university. Kumusta ang studies mo?” Simula pa lang ng usapan pero ang pag-aaral ko na kaagad ang itinatanong niya. Siguro ay dahil sa professor siya kaya parang normal na sa kaniya ang magtanong tungkol doon. “Okay lang naman,” tanging sagot ko. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan tungkol sa pag-aaral ko. I didn’t want to lie to him about my struggle in Calculus. “That’s good to know. Keep it up, so you’ll graduate with Latin honors.” “Nah! Hindi ko na pinapangarap iyan. Makapagtapos lang ako at makatanggap ng diploma ay sapat na sa akin. Iyon naman talaga ang mahalaga.” “I couldn’t agree more. However, if you graduate with flying colors, trabaho ang maghahabol sa ‘yo.” “Yeah, but I’ll cross the bridge when I get there.” “Right! Maiba ako. Kumusta ang love life mo, Marg?” I was caught off guard by Sage’s question. In the past months of being chatmates, not once did he try to ask or talk to me about my love life or even about his own. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan sa bagay na iyon. “Hey, Marg! Are you there? I’m sorry if I offended you. Hindi ko sinasadya.” “Oh, no. It’s okay, Sage. May kinokopya kasi akong assignment kaya hindi ako nakasagot kaagad. Tungkol sa tanong mo, okay lang naman ang love life ko. May board mate ako na ka-MU ko ngayon.” “Really? Gaano na kayo katagal sa ganyang estado? What’s holding the both of you back?” “He has a girlfriend who happens to be his schoolmate. Sa ibang school kasi siya nag-aaral,” I answered truthfully. “I see. Hindi ba mahirap sa ‘yo ang ganyang set-up?” “Hindi naman. Isa pa, MU lang naman. It’s nothing serious.” “It’s nothing serious, so I assume you haven’t reached the first base yet.” “First base?” buong pagtataka kong tanong. Medyo nakaramdam ako ng pagkaasiwa dahil ito ang unang beses naming mag-usap ng tungkol sa ganito kapersonal na bagay. “You know. The both of you getting intimate with each other. You’ve never reached that level of your relationship yet, have you?” Napaawang ang bibig ko dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko iyon inaasahan. “Where is this conversation going?” I thought to myself. Pero dahil itinuring ko na siyang malapit na kaibigan sa ilang buwan naming pag-uusap ay nagdesisyon akong magtiwala sa kaniya at sabihin ang totoo. “Actually, I have no idea how intimate is intimate to you. But to answer your question, we’ve already reached the point na naghahalikan kami. I know it’s wrong because he has a girlfriend, but I just can’t help it. Sa tuwing magkasama kami, lalo pa’t iisa ang tinitirahan namin, ay umaabot kami sa ganoon. Nadadala ako sa mga ginagawa niya. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam kung hanggang saan ba kami dapat,” mahabang paliwanag ko. “Marg, I never expected that you’d honestly answer my question. But damn! I’m beyond surprised! Most of all, I felt honored that you entrusted me with this personal information.” “Nagtanong ka kasi, kaya binigyan kita ng sagot. Isa pa, kaibigan na ang turing ko sa ‘yo, Sage kaya ipinagkatiwala ko sa ‘yo ang ganitong bagay. I just hope you won’t fail me.” “No worries, Marg. Whatever we talked about and will be talking about in the future, everything will stay between us. I’ll never do anything to break your trust. I swear.” “Thank you, Sage. I appreciate it.” “No, I should be the one thanking you, Margaux. Salamat sa tiwala. Siyanga pala, mag-iingat ka sa tinitirahan mo. Take care of yourself and be very careful, especially with the kind of relationship that you have with your board mate. I don’t want you to get hurt.” “Thank you for your concern, Sage. I will always bear that in mind.” “Don’t mention it. Katulad ng sinabi mo, kaibigan na rin ang turing ko sa ‘yo. I would be devastated if something bad is going to happen to you. And Marg, if you need someone to talk to, I’m all ears. I’m very open-minded, so feel free to talk to me about anything.” “Thank you, Sage. Anyhow, when you say anything, you mean ANYTHING, right?” “Right! Kahit tungkol pa doon sa ka-MU mo. No matter what it is, I won’t judge. Anyway, I’ll get going. Medyo gabi na kasi rito at sigurado akong hindi ka pa kumain ng lunch.” “Alright. Until next time, Sage. Pasensiya na at napahaba yata ang pag-uusap natin.” “No worries, Marg. The pleasure is always mine. Bye for now.” “Goodbye, Sage. Good night.” Naglog-out ako sa messenger ko at humarap sa katabi kong si Maurine na hindi ko namalayan ay nakatutok ang mga mata sa computer screen ko at binabasa ang usapan namin ni Sage. “Oh, my goodness gracious, Marg! Kinilig ako sa pag-uusap ninyo! Grabe! Parang ang sweet naman niyang chatmate mo. Pwedeng patikim?” saad niya na may ngiting nakakaloko. “Gaga ka ba? Ano si Sage? Pagkain?” “Pero fren, feeling ko talaga may gusto iyang si Sage sa ‘yo. The way he chats with you, parang may something. Nararamdaman mo rin ba iyon?” “Wala naman akong nararamdaman,” balewalang sagot ko. Nahihiya akong aminin kay Maurine na kinikilig din ako sa mga linyahan ni Sage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD