Chapter 3 - Wasted

1433 Words
Sa kabila ng problema ko sa academics ay masaya pa rin ako dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Sage kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang kaniyang mga sinabi. Bandang alas kwatro ng hapon, habang nasa last period ako ng klase ko ay nag-vibrate ang cellphone ko. Patago ko iyong kinuha sa bag. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ng sender, si Kuya Leonel, ang malapit kong kaibigan sa Engineering Department. “Cute, last period tayo mamaya.” Cute ang nakasanayan niyang itawig sa akin dahil petite akong babae. Nasa four feet, eleven inches lang ang height ko. Ang mga damit ko ay extra small ang size at ang sapatos ko ay sa kids’ section ko pa binibili kaya minsan ay napagkakamalan akong high school student. May isa pang endearment si Kuya para sa akin, sweetheart. Pero malimit lang niya iyong gamitin. Palihim akong nagtipa ng sagot sa pag-aalalang mahuli ako ng professor ko. “Last period, Kuya?” “Alam mo na, shot tayo. Kahit 4 bottles ng red horse lang. Kasama natin ang isang kaibigan ko na Engineering din.” Dahil sa problemang kinakaharap ko ay naisipan kong sumama sa kanila. Tamang-tama dahil hindi pumasok si Maurine ngayong hapon. May pupuntahan daw silang importante ng pamilya niya. “Baka sakaling pagkatapos ng last period, e, mahismasan ako,” wika ko sa isip ko. Pero alam ko sa sarili kong walang maidudulot na maganda ang pag-inom lalo pa’t hindi ako sanay uminom ng alak o beer. Habang nag-iisip ay wala sa loob na nagtipa ako ng sagot. “Sige, Kuya. Basta sure ka na 4 bottles lang, ha? Alam mo namang hindi ako sanay uminom ng alcoholic drinks, e.” "Trust me, okay? Ihahatid kita sa boarding house mo mamaya. Alas syete siguro tapos na rin naman tayo. May masasakyan pa pauwi. Siyanga pala, kasama rin natin ang pinupormahan kong chick.” “Sige, Kuya. Patapos na rin naman ang klase ko. Doon pa rin ba sa tambayan?” “Yes, cute, doon pa rin. Hihintayin ka na lang namin sa main entrance para sabay na tayong pumunta roon.” “Okay, Kuya. See you.” Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos din ang klase. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Malayo pa ako sa gate ay natanaw ko na si Kuya Leonel at ang mga kasama niya. “Hello, Kuya! Kanina pa ba kayo?” bati ko sa kaniya sabay yakap bago humalik sa kaniyang pisngi. Yumakap din siya pabalik at binigyan ako ng magaang halik sa aking ulo. Parang magkapatid ang turingan namin ni Kuya. Palagi akong pumupunta sa kanilang bahay at napalapit na rin sa akin ang pamilya niya. Minsan tinutukso kami ng Mommy at Daddy niya pati na rin ng kaniyang mga pinsan. Gusto raw nilang maging kami ni Kuya. Hindi mahirap magustuhan si Kuya. Gwapo siya at sobrang linis kung manamit. Mas maarte pa yata siya kompara sa akin. He’s five feet, eight inches tall, maputi at chinito. He is a fourth year Electronics and Communications Engineering student, and he is two years my senior. Matalino rin siya at ubod ng bait. Sinasakyan lang naming dalawa ang mga sinasabi ng pamilya niya. Ngunit ang hindi nila alam ay napag-usapan na namin ni Kuya na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Nangako kami sa isa’t isa na magiging matapat kami sa oras na maramdaman naming nahuhulog na ang isa sa amin. Nang sa ganoon ay magawan ng paraan upang hindi na lumala at posibleng maging dahilan ng pagkasira ng aming pagkakaibigan. “Kadarating lang din namin, cute. Ito nga pala ang kaibigan ko, si Allan Jay. And this is Charry, a special friend. AJ, Cha, this is Margaux. She’s the one that I’ve been telling you about. She’s like a little sister to me.” Tumango at ngumiti ako sa dalawang kasama ni Kuya. “Hi, Margaux! Ang cute mo ngang talaga. Akala ko exaggerated lang ang kuwento nitong kaibigan ko,” ani Kuya AJ. “Hello! Thank you po, Kuya,” tipid kong sagot. “Hello, Margaux! Ang ganda mo! Para kang living barbie,” si Ate Charry. “Hindi naman, Ate. Pero thank you po,” pasasalamat ko na sinabayan ko ng tipid na ngiti at bahagyang pagyuko ng ulo. “So, ano? Tara na?” tanong ni Kuya. Kaagad naming tinahak ang daan papunta sa tambayan na malapit lang sa university. Pagpasok namin ay umorder si Kuya ng apat na bote ng beer at dalawang servings ng pulutan. Tila usok na nawala sa isipan ko ang dinadala kong problema nang nagsimula na kaming mag-inuman. Ni hindi ko na namalayan na nadagdagan na ang apat na bote at naging sampu na. Unti-unti na ring umiikot ang paningin ko. Nakararamdam na ako ng pagkahilo nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Inalis ko na iyon sa Vibrate mode pagkalabas ko ng classroom kanina. Kinuha ko iyon sa aking bag ngunit dahil sa medyo lasing na ako ay nabitawan ko iyon. Pinulot iyon ni Kuya at sinagot. “Hello? Yes, good evening. Yes, phone ito ni Margaux. Sino ‘to?” “This is Josha. Can you please hand the phone over to Margaux? I badly need to talk to her,” saad ng caller na narinig naming lahat dahil naka-loudspeaker ang phone. Si Josha ang board mate ko na ka-MU ko ngayon. “Josha? Nandito si Margaux sa tabi ko. You’re on loudspeaker, so go ahead and talk to her.” “Who are you? Why is Margaux with you?” sagot ni Josha sa medyo galit na boses. “H—Hi, Josh—Josha! Ba—kit ka na—napata—ta—wag? Hek!” paputol-putol kong sagot dala ng kalasingan. “What the heck, Marg?! Lasing ka ba? Alam mo ba kung anong oras na? It’s almost nine in the evening. I thought you’re already home. Tapos malalaman kong nasa labas ka pa and worse, you are drinking with some random people!” pagalit nitong saad. “H—Hin—di, a! Na—nakai—inom lang a—ako. A—At a—anong r—random? Fri—friendsss ko s—sila!” “Nakainom? Listen to how you talk. You sound wasted. Paano ka uuwi nito ngayon? My hands are tied up now because of my school projects. Nasa eskwelahan pa ako at nagliligpit ng gamit kasama ang mga kaklase ko. We just finished doing our thesis. I can’t come to pick you up,” mahaba nitong sagot. Akmang sasagot ako ngunit naunahan ako ni Kuya. “Hello, bro. This is Leonard Cynel, Marg’s friend. Don’t worry. Ako na ang bahala sa kaniya. Ihahatid ko na siya ngayon. Just meet us in front of your school.” Alam ni Kuya ang tungkol kay Josha at alam din niya kung saan ito nag-aaral. "Sige, bro. Malapit na rin naman kaming matapos dito. Sa gate ko na lang kayo hihintayin. Please do take care of her. Salamat,” medyo malumanay na nitong saad kay Kuya na ikinairap ko. “Napaka-plastic talaga! Kanina halos bulyawan ako. Tapos bigla na lang kakalma kapag ibang tao na ang kausap. Tse!” kako sa isip ko. “No problem, bro. See you in a few.” Tinapos na ni Kuya ang tawag at ibinalik sa loob ng bag ko ang cellphone. “Let’s go, cute. Ihahatid na kita dahil parang galit na ang Josha mo. But before we go home, go to the washroom first and fix yourself. Maghilamos ka at ayusin mo ang magulo mong buhok. Baka kung ano pa ang isipin ng jowa mo,” saad ni Kuya na binigyang-diin pa ang salitang jowa bago ako tinulungang makatayo. Inalalayan niya ako papunta ng washroom. “I’ll be outside. Just call me if you need anything,” pagpapaalam niya na tinanguan ko lang. I started fixing myself. Naghilamos ako gaya ng sinabi ni Kuya. Nagsuklay din ako ng buhok bago lumabas. I found him patiently waiting for me while leaning against the wall. Bumaling siya sa direksiyon ko at kaagad akong sinalubong. “How do you feel?” kababakasan ng pag-aalala ang kaniyang boses. “I feel a little better now, Kuya. Kaya ko nang umuwing mag-isa. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Isa pa, nakahihiya sa mga friends mo,” sagot ko. Pinilit kong magsalita nang diretso. “Nah! They’ll understand. Sabay naman tayong lalabas dito,” aniya sabay hawak sa aking siko at iginiya ako pabalik sa lamesa namin. Pagkatapos niyang bayaran ang mga nainom namin ay umalis na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD