bc

A LOVE FROM NINE THOUSAND MILES (SSPG/R18+)

book_age18+
14.5K
FOLLOW
330.3K
READ
HE
lighthearted
campus
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

BOOK 1

Naging komplikado ang lahat sa buhay ni Margaux Cuevas nang muntikan na silang magkasira ng kaniyang best friend dahil sa pag-amin nito ng lihim nitong pagtingin para sa kaniya. Nasaktan siya nang dahil dito. Dumagdag pa ang paghihiwalay nila ng lalaking mahal niya dahil sa kapangahasan nitong sapilitan siyang angkinin.

Naging sumbungan ni Margaux ang kaniyang chatmate na isang Mechanical Engineer at professor sa New York na si Sagittarius Dela Victoria. Hanggang sa niligawan siya nito at umuwi ito ng Pilipinas upang makipagkita sa kaniya.

Magagawa kaya ni Sagittarius na paghilumin ang sugat sa puso ni Margaux, o magiging rason ito ng mas matinding pagdurusa ng dalaga?

**********

BOOK 2

Sa kagustuhang maging kaniya nang tuluyan si Margaux ay inalok ito ni Sagittarius ng kasal na walang pag-aalinlangan nitong tinanggap.

Naging maayos at masaya ang pagsasama nilang dalawa sa loob ng tatlong linggo lalo na nang ibinigay ng Papa ni Margaux ang basbas nito. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagising na lang si Margaux isang umaga na wala na si Sagittarius sa kaniyang tabi at tanging maikling sulat lang ang iniwan nito.

Madudugtungan pa kaya ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng halos siyam na libong milya sa pagitan nilang dalawa, o tuluyan na lang nilang kalilimutan ang isa't isa?

**********

BOOK 3

Iniwan ni Margaux si Sagittarius sa New York nang madatnan niya itong may kasamang ibang babae sa mismong kama nila. Sa kaniyang pag-alis ay baon niya ang walang kapantay na pighati dahil sa nabigo niyang pag-ibig at nasirang mga pangarap na binuo nila ng lalaking labis niyang minamahal.

Paglipas ng apat na taon ay muli silang pinagtagpo ng tadhana. Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Margaux na madudugtungan ang pagmamahalan nila ni Sagittarius. Ngunit ibang-iba na ito sa lalaking minahal niya noon at patuloy na minamahal hanggang ngayon, kaya ginawa niya ang lahat upang muli siyang mahalin nito.

Magagawa kaya ni Margaux na muling mapaibig si Sagittarius at bigyan ng happy ending ang kanilang love story, o susukuan niya ito sa ikalawang pagkakataon at tuluyang iiwan at kalilimutan?

chap-preview
Free preview
Prologue
⚠‼️MATURE CONTENT! EXPLICIT S-EX SCENES! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS‼️⚠ May 2003 “Sa wakas, second year college na ako,” nakangiting bulong ko sa sarili habang papasok ng computer laboratory ng aming university. Galing ako ng Arts and Sciences Department upang ipasa ang kopya ng registration form ko at tapusin ang pagpapa-enroll. With my enrollment slip in my hand, I went to the counter and talked to the assigned student assistant. “Hi, Miss! Pwede na bang makapag-register ng account? Gagamit sana ako ng computer,” bungad ko sabay abot ng aking enrollment slip. “Hello, Miss! Sure,” sagot niya bago nagtipa sa kaniyang computer keyboard. “Miss, registered ka na. Pwede ka nang mag-log in kahit saang unit. Pero kung gusto mo, doon ka na lang sa pinakadulo upang hindi ka maabala kung sakaling may ibang estudyanteng papasok mamaya,” magalang niyang saad. “Thank you, Miss,” sagot ko bago pumunta sa unit na itinuro niya. I immediately logged into my YM account after turning the computer unit on. At dahil wala naman akong ka-chat ay nag-browse muna ako sa isang website. After a while, a chat box popped up on my computer screen. Sagittarius: “Hi! Care to chat?” Hindi ko na sana iyon papansinin. Pero dahil bored ako ay naisipan kong sagutin ang mensahe. SnowQueen18: “Hello! Sure. ASL?” I replied. “26, M, U.S.A. You?” mabilis nitong sagot na ikinangiti ko dahil sa smiling emoticon na nasa dulo ng mensahe nito. “18, F, Philippines.” “Really? Where in the Philippines exactly?” “Why do you ask?” “Because I am also from the Philippines. Iloilo to be exact. How about you?” “Are you serious? I am from Bacolod.” “No way!” “Yes way, highway!” I answered with several laughing emoticons. “Do you speak Hiligaynon?” “Of course! And you?” “Huo, e. Ginoo ko! Abi ko ma-nosebleed pa ako sa imo.” (Oo, naman. Diyos ko! Akala ko mano-nosebleed pa ako sa ‘yo.) “Ha! Ha! Ha! Nalipay gid ako nga may nakilala ako nga kasimanwa diri sa chat. Kasubo abi sang kabuhi diri sa US.” (Ha! Ha! Ha! Masaya talaga ako na may nakilala akong kababayan dito sa chat. Malungkot kasi ang buhay dito sa US.) “Ay gali? Abi ko masadya ang kabuhi kon ara sa abroad?” (Ganoon ba? Akala ko masaya ang buhay kapag nasa abroad?) “Indi man sa tanan nga ti-on. Kapin pa kon indi mo kaupod ang imo pamilya.” (Hindi naman sa lahat ng oras. Lalo na kung hindi mo kasama ang pamilya mo.) “Indi mo gali upod ang pamilya mo dira? Kon amo na, diin sila ya?” (Hindi mo pala kasama ang pamilya mo riyan? Kung gano’n, nasaan sila?) “Ara lang sila dira sa Iloilo. Ako lang sa amon nga mag-ululutod ang ari diri.” (Nandiyan lang sila sa Iloilo. Ako lang sa aming magkakapatid ang nandito.) “I see. Naintindihan ko na kon ngaa gakasubuan ka dira.” (I see. Naiintindihan ko na kung bakit ka nalulungkot diyan.) (Continued chatting in Hiligaynon) “Siyanga pala, taga-Bacolod ka ba talaga?” “Taga-Cebu talaga ako. Pero dito ako sa Bacolod nag-aaral. I’m a second-year college student.” “I see. Anyway, we still haven’t properly introduced each other. My name is Sagittarius Dela Victoria. What’s yours?” “Margaux Cuevas.” “Hi again, Margaux! Napakaganda naman ng pangalan mo.” “Bolero ka pala?” diretsong sagot ko. “Halata ba? Ha! Ha! Ha! Teka, ano nga pala ang kursong kinukuha mo?” “I’m taking up Bachelor of Science in Mathematics.” Hindi ko napigilang mapangiti habang nagtitipa ng sagot dahil nakatutuwa siyang kausap. “Wow! I think you are one smart lady.” “Not really. How about you?” “I am a Mechanical Engineer and a professor at one of the universities in New York. I finished my Engineering at the West Institute of Technology in Iloilo.” “Woah! You must be smart and intelligent. Anyway, can I call you Sage? Ang haba kasi ng Sagittarius. You can call me Marg.” “Sure, Marg. I would love you! I mean I would love that!” sagot niya na nilagyan pa ng heart emoticon. “Great! Anyway, I must go. May klase pa kasi ako. See you around, Sage.” “Thank you, Marg. Is there going to be a next time for us? I enjoyed chatting with you.” “Sure.” “Wala naman sigurong magagalit, ‘di ba?” “Wala naman. Masaya akong nakilala kita.” “It’s a deal, then. See you around, Marg. I am happy to know you. Take care.” “You, too. Bye, Sage!” “Bye, Marg!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
26.4K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
87.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.5K
bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
217.5K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
60.5K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
28.2K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
101.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook