Natasha Astrid’s POV After finishing my food, hindi na ulit ako nakatulog pa. Masyadong mahaba ang tulog ko kanina kaya hindi ko na kaya kahit pa umidlip lang. Hindi rin naman ako makakatulog kung kasama ko si Jacob sa iisang kwarto na parang binabantayan ang bawat ginagawa ko. Nakaupo lang ako sa isang silya rito sa balcony habang naglalaro ng candy crush sa iPad ni Jacob. Wala akong magawa kaya nilaro ko na lang ang iPad niya. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bag ko. Hinanap ko sa buong kwarto pero hindi ko nakita. Ayoko rin naman na magtanong kay Jacob dahil iniiwasan ko siyang kausapin. Mabuti na nga lang, hindi siya kumibo nang kinuha ko ang iPad niya kaya nag-download na agad ako ng mga laro na pagkakaabalahan ko. Ang boring naman kasi ng iPad niya. Parang display lang at