bc

Mafia Lord's Spoiled Brat

book_age16+
31.1K
FOLLOW
200.9K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
mafia
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Natasha Astrid is happy-go-lucky person in front of her friend. But in reality, she was facing a big problem every night.

And that problem will only have one solution, which is living under the same roof with the mafia lord.

“Come with me. I will not let you get hurt, baby.”

chap-preview
Free preview
Episode 01
Natasha Astrid’s POV “Astrid, ‘yong ex mo nakatingin sa’yo!” sigaw ng kaibigan kong si Jessica kasabay ng maingay na musika sa dance floor ng club. “Nasaan?” nakangising tanong ko habang tuloy sa pagkembot ng bewang habang suot ko ang itim spaghetti strap dress na hapit na hapit sa katawan ko. Sinasabayan ko ang bawat beat ng tugtog at ang malilikot na ilaw ng bar. “Ayon oh!” Nginuso niya ang likod ko pero hindi ko na nilingon pa ang babaero na ‘yon na isang walang kwentang tao. “Nasaan ang pake ko?” tuloy ko sa tanong ko na kinatawa namin ng sabay. Two weeks na nang hiwalayan ko si Nate dahil sa pambababae niya habang may relasyon kami. Akala niya yata hindi ko siya kayang iwan. Well, mali siya dahil hindi ko tino-tolerate ang cheater. Niloko niya ako at nahuli ko siya ka-make-out ang isang babae sa club. Hiniwalayan ko na agad siya dahil ang pinaka-ayoko sa lahat ay ‘yong cheater. Puro maka-Diyos na manloloko ang pamilya ko kaya diring-diri ako sa mga cheater! Ang lolo ko ay niloko ang lola. Matanda na pero nakuha pa niyang mababae. Habang ang tita ko naman ay sinira ang sarili niyang pamilya para sa ibang lalaki at ang pinakakinagagalitan ko ay ang sarili kong ina. Dahil sa kanya kaya nasira ang pamilya namin. Palagi kong hinihiling na sana ay dumating na ang karma nila at sana ma-emotional damage silang lahat! Sana mamatay na lahat ng cheater! “Sis, let’s go na!” Naputol ang pag-iisip ko dahil kay Jessica. “Alas-dose na! Umuwi na tayo,” anyaya niya sa akin. “Oh, come on, Jessica! Bakasyon na natin. Graduate na tayo! Natapos na ang ilang taon nating pag-aaral kaya mag-enjoy na lang tayo!” masayang sigaw ko. I know na kapag umuwi ako sa malademonyo kong bahay, hindi na ako ganito kasaya. Lalo na kapag narinig ko na naman ang mga unggol mula sa kwarto ng walang hiya kong ina na nakikipag-s*x sa lalaki niya. Hindi ko nga alam kung sino ang lalaki na kinakalantari niya at wala rin akong balak na alamin dahil umiinit lang ang dugo ko! Baka masaksak ko pa ang lalaki niya. “We need to go, Astrid! Susunduin ako ng Kuya ko mamayang one a.m sa condo ko! Kailangan kong umuwi bago pa niya malaman na nagpunta na naman ako rito sa bar!” Takot na takot talaga ‘tong best friend ko sa kuya niya. Syempre, isa akong butihing kaibigan kaya tumigil na ako sa pagsasayaw. “Okay, let’s go na,” sambit ko. Hinatak ko si Jessica paalis sa kumpulan ng mga tao sa dance floor. Hindi naman kami lasing dahil konti lang ang ininom namin magkaibigan. Mas sumayaw talaga kami at wala talaga kaming balak na maglasing ngayon dahil susunduin nga si Jessica ng kapatid niya. “Si Nate,” bulong ni Jessica sa akin nang mapadaan kami sa lamesa nila Nate. Hindi ko pinansin ang ex ko pero nakarinig ako ng tuksuhan sa lamesa nila bago pa man kami makalayo ni Jessica. “Wala ka pala, tol! Hindi ka naman pala papansinin. Akala ko ba maghahabol sa’yo si Astrid?” Akala niya siguro hahabulin ko siya. Napakayabang talaga ng ugok na ‘yon sa harap ng mga kaibigan niyang kunsitidor! Sana mauntog siya sa pader at magkabukol ng malaki sa noo niya! Diablo talaga! “Dapat talaga hindi mo pinatulan ang lalaking ‘yon, Astrid!” ani ni Jessica nang makalabas kami ng club. Binitawan ko siya at pinag-krus ko ang dalawang braso ko sa harap ng dibdib ko, “Kahit ako, nagsisisi na nasama siya sa bilang ng mga ex ko. Unggoy na ‘yon! Pero naka-move on naman na ako sa kanya kaya wala akong pakialam.” “Dapat kasi, doon ka na lang sa kuya ko!” reto pa nito. Napairap ako sa kaibigan ko at huminto kami sa harapan ng sasakyan kong itim, “Matanda na ang kapatid mo, Jessica. Ayoko sa matatanda.” “Huy! Bakla ka! Anong matanda?” nanlalaki ang mga mata na sigaw niya sa akin at naglakad papunta sa kabilang side ng sasakyan kung nasaan ang shot-gun-seat. “Nasa trenta pa lang ang kuya ko! Gwapo ‘yon at hindi ka pa sasaktan!” Napairap muli ako at pumasok na sa loob ng sasakyan ko. Pinagmalaki niya pa talaga ang Kuya niya sa akin na parang binebenta niya. Talagang nirereto niya ako sa kapatid niya, huh. “Kapag matanda, maraming experience,” sambit ko nang makaupo sa driver seat kasabay nang pag-upo ni Jessica sa shot-gun-seat. “Malamang, marami na rin naloko ‘yang kuya mo. Ayoko sa kanya dahil baka isama pa niya ako sa bilang ng mga babae na lolokohin niya.” “Girl, hindi ka naman sasaktan ng Kuya ko.” Napalingon ako kay Jessica na kinakabit ang seatbelt sa katawan niya. “Super bait ni Kuya pero mahigpit lang siya minsan dahil— Oh my God!” “Ah!” Sabay naming sigaw dahil sa malakas na kalabog sa likod ng sasakyan ko! Napalingon ako at nakita ko na basag ang salamin sa likod ng kotse ko at may malaking bato pa sa ibabaw ng silya ng kotse ko! “What the f*ck!” Mabilis kong binuksan ang pinto sa gilid ko at magkasalubong ang kilay na hinarap ang lalaki na bumato sa salamin ng sasakyan ko. “Ano bang problema mo?!” inis na sigaw ko kay Nate. Walang iba kundi ang ex kong g*go! Sa lahat ng ex ko, siya ang hindi maka-move on! Pikon na pikon na talaga ako rito! “Ikaw?! Bakit ka nagpunta rito?!” balik tanong niya sa akin at naglakad palapit sa akin. “Gusto mo magpapansin sa akin?” Huminto siya sa harapan ko. “At bakit naman ako magpapapansin sa’yo? Ni hindi ka nga magaling humalik!” sigaw ko na kinatawa ng mga tao sa paligid namin. Tumaas ang sulok ng labi ko. Siya ang nagsimula nito kaya ipapahiya ko talaga siya sa harap ng maraming tao. “At hindi ka pa ba maka-move on sa akin kaya sinira mo ang salamin ng kotse ko?” mapaglarong tanong ko sa kanya. Itinaas ko ang kanang kamay ko at inilapit ko sa kanyang tenga. Pinaikot-ikot ko ang hintuturo ko sa kanyang tenga at napatingin sa mga mata niya. “Hindi ko na pababayaran sa’yo ang nasira mo dahil alam ko naman na wala kang pera,” kunwaring naaawa na sambit ko. “Pero sana naman mag move-on ka na kasi kawawa ka naman—” “Shut up, Astrid!” “Oh, come on, Nate! Alam natin na ikaw ang ayaw manahimik dito—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong tinulak palayo sa kanya. Natawa ako sa ginawa niya dahil hindi man lang ako natinag at natakot. “Umuwi ka na lang sa nanay mong maraming lalaki!” malakas na sigaw niya na kinapantig ng tenga ko. Ang ayoko sa lahat ay ang binabanggit ng ibang tao ang tungkol sa walang kwenta kong pamilya. Ayokong ginagamit nila sa akin ‘yon! “Nate!” Napatingin ako sa likod ni Nate at nakita ko na nakatayo roon ang kaibigan ko. Nilingon siya ni Nate at pagkalingon niya ay tumama sa mukha niya ang heels ni Jessica na kinagewang ng katawan niya. Mabilis na lumapit sa akin si Jessica at tumayo siya sa tabi ko habang natatawa akong pinagmasdan si Nate na nakahawak sa mukha niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa amin at masamang-masama ang tingin niya sa kaibigan ko. “Bagay lang sa’yo ‘yan!” sigaw ni Jessica. “At alam mo, Nate, hiling ko lang na sana isa ang tatay mo sa mga maging lalaki ng nanay ko,” nakangising sambit ko sa kanya. Siya ang unang nandamay ng pamilya kaya idadamay ko rin ang kanya. Anong akala niya, magpapatalo na lang ako basta? No way! “Nate na anak sa labas ni Vice Mayor,” may pang-aasar na sabi ko. “Astrid!” he shouted. “What?” Malakas akong tumawa dahil kitang-kita ko ang galit niya. “Totoo naman, hah. Anak ka sa labas ni Vice Mayor.” “b***h!” Mabilis itong sumugod sa amin pero hindi pa siya nakakalapit pero natumba na agad siya dahil sa isang lalaki na sumulpot sa harapan namin ni Jessica at sinuntok siya! Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa lalaking nakatalikod na sumuntok kay Nate na ngayon ay bagsak na sa sahig. Isang suntok lang pero nakatulog na si Nate! “Weak,” he said coldly. And who is this man? Lumingon sa amin ang lalaki at parang nakita ko na ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo! That deep hooded eyes na bigla na lang inalis ang tingin sa akin! Nalipat ang tingin niya kay Jessica na katabi ko. “Umuwi na tayo, Jessica,” malamig na turan niya sa kaibigan ko. Magkakilala sila?! Kaano-ano ni Jessica ang lalaking ‘to? Boyfriend?! “S-Sige,” sambit ni Jessica na parang kinakabahan pa. Umalis sa harapan namin ang lalaki at naglakad ito palayo. Sinundan ko pa ito ng tingin at nakita ko na pumasok ang gwapong lalaki sa isang van. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaibigan ko, “Sino ‘yon?” nagtataka na tanong ko. “Ang kuya ko,” sagot niya sa akin. “Baka mapagalitan ako kasi nakita niya ako rito sa bar!” Kuya niya ang lalaking ‘yon?! ‘Yon ang sinasabi niyang thirty years old? Ngayon ko lang nakita ang kapatid niya sa personal at ang gwapo! Napaka-seryoso pa ng mukha. Parang hindi pwedeng biruin dahil baka masapak tulad ng nangyari kay Nate. “Sumabay ka na lang sa amin, Astrid!” “Hah? Paano ang sasakyan ko?” “Basta!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa van kung saan pumasok ang kapatid niyang lalaki. “Ang tauhan na ni Kuya ang bahala sa kotse mo,” sambit pa niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Astrid. Gusto ko rin sumabay sa kanya dahil ang gwapo pala ng kapatid nito! Gusto ko pang titigan ang mukha niya. Pagdating namin sa sasakyan ng Kuya niya, hindi agad kami pumasok sa sasakyan, “Mauna ka na, Astrid. Kakausapin ko lang ang tauhan ni Kuya.” Tumango ako sa kanya at binuksan ko ang van. Naestatwa ako nang makita ang kuya ni Jessica na naka-dekwatro ang hita habang ang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng armrest. “Pumasok ka na kung papasok ka,” seryosong sambit nito na nagpagalaw sa akin. Humakbang ako papasok ng sasakyan at sinara ko ang van. Naupo ako sa silyang nasa harapan niya dahil magkakaharap ang silya ng van nila habang sa likod naman ng silya niya ay may couch. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang gwapong mukha ng lalaki sa harapan ko. Hindi ko alam na may ganyang mukha pa pala sa Pilipinas na naliligaw. Mukha siyang foreigner! Matangos ang ilong, magaganda ang mga mata, makapal ang kilay niya na perpektong naka-arko. Ang balat niya ay kulay kayumanggi na bagay na bagay sa kanya. Malinis ang buhok and it’s perfectly sideways. Syempre ang gusto ko sa lahat ay ang mga mata niya. He’s deep hooded eyes with the hazel color. “Stop looking at me, young woman.” Napakagat ako sa ibabang labi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin! Nakakahiya! Baka isipin niya na pinagnanasahan ko pa siya! “Who are you, by the way?” he asked. Malamig na nga ang sasakyan, malamig pa ang boses niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, “I’m Natasha A-Astrid but you can call me Astrid—” “Natasha,” tawag niya sa pangalan ko at hindi sinunod ang sinabi ko. Ayoko na tinatawag ako sa pangalan kong Natasha dahil ang mama ko ang nagpangalan no’n sa akin pero kung siya naman ang tatawag no’n sa akin, okay na okay lang! Ang gwapo niya kasi masyado! Mukha namang hindi manloloko ang isang ‘to. “You are Jessica’s friend?” he asked. Parang nasa isang interrogation ako tapos dim pa ang ilaw rito sa loob ng sasakyan niya. “Yes,” sagot ko. “I did not know that Jessica has a crazy friend.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook