Natasha Astrid’s POV My philosophy professor taught us that philosophy is all about asking questions. Pagtatanong na hindi titigil kahit na nasagot na ang gusto mong malaman. Ask and ask and ask, like that. Dati wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa buhay ko at sa mga tao sa paligid ko basta alam kong okay ang kaibigan ko. Pero ngayon sobrang daming tanong sa isip ko habang nakatingin sa mga mata ng lalaking kaharap ko ngayon. Bakit may gustong pumatay sa kanya? Anong ginawa niya? Sino ba siya? Bakit hindi ko magugustuhan na makilala siya? Anong mayroon sa buhay niya? At ang pinagtataka ko sa lahat ay bakit ko siya nakilala? Para saan? Trip lang ng tadhana? I believe in coincidence pero ngayon nag-iisip na ako, what is the purpose of this man? The way he holds me is like a s