Natasha Astrid’s POV It’s ten in the morning, and I can see everything from the balcony because of the light from the sun. Ngayon ko lang din nalaman na nasa Baguio pala kami dahil sa lugar na nakikita ko mula sa pwesto ko. No wonder kaya sobrang lamig dito sa balcony. Wala akong magawa kaya pinanonood ko na lang ang mga tauhan ni Jacob sa ibaba na may pinapasok sa truck na mga gamit na nakalagay sa mga karton na gawa sa kahoy. Kanina pa sila diyan at hindi sila matapos-tapos dahil sa dami nilang pinapasok sa truck na hindi ko naman alam kung ano ang laman. Parang hindi nauubos ang mga kahon. “Natasha.” Mabilis akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Jacob na nakatayo sa gitna ng kwarto habang may hawak na jacket. He wears black jeans, a white t-shirt, and a dog tag on his neck.