Chapter 7 "Itigil mo nga 'yan. Ano ba Markie!" singhal nito habang pilit siyang bumabangon. Natigilan si Markie sa inastang iyon ni Andrew. Namumula na kasi ito sa galit. Nang makabangon si Drew ay agad itong tumayo. Salubong ang kaniyang kilay na tumingin kay Markie. "Anong ginagawa mo? Puwede bang walang ganyanan? Nang-aano ka na ih!" pasigaw iyon. "Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko ah. Mali ba yung iparamdam kong..." "Kung sa iba walang masama, sa akin, maling-mali kaya please lang naman...." Humugot si Drew ng malalim na hininga. Ayaw niyang magalit. Gusto niyang isiping likas sa kagaya ni Markie na bata pa ang kapusukan. Dumaan din siya sa pagiging ganoon. Yung edad na palaging inuuna ang damdamin dahil iyon ang alam nilang laging tama. Mas sinusunod nila ang tula