Chapter 8 "Why don't you ask Markie kung sino sa ating dalawa ang gusto niyang samahan ngayon?" nakangiti si Ken. Nilapitan niya si Drew at may ibinulong. "This time, I assure you, kaya ko pa ding agawin sa'yo ang lahat." "So, Markie, you decide. Siya na walang ginawa kundi ang saktan ka at makipag-flirt kahit nandito ka, o ako na walang ibang gawin kundi ang panindigan ka?" tanong ni Ken sa noon ay naguguluhang si Markie. Kung pagbabasehan lang niya ang tinurang iyon ni Ken, hindi na dapat siya magdadalawang isip pang sumama dito lalo pa't nasaktan siya ng husto sa pakikipaglandian ni Drew sa iba ng harap-harapan. Ngunit sadyang mahirap kalaban ang puso. Guwapo din naman si Ken ngunit wala pa siyang nararamdaman para dito. Si Drew pa din ang mahal niya kahit pa sabihing nasasaktan na s