"CLOSER YOU AND I" "Bakit wala ka na bang ibang makontak na magpapaligaya sa'yo ng isang gabi, sir?" makahulugan niyang tanong. "Hindi kita masisisi kung iyon agad ang tingin mo sa akin" huminga ng malalim si Drew. "Markie, pangako hindi kita dadalhin sa hotel, hindi kita gagamitin sa s*x para lang mapaligaya ko ang sarili ko. Gusto ko lang talaga ng makausap. Gusto kong makalimot sa problema. Puwede ba 'yun?" Nag-isip si Markie. Kung pagbibigyan niya si Drew, paano kung lalo lang siyang mahuhulog ngayong unti-unti na din siyang nakakalimot? Kaya lang, paano kung ito na ang simula ng kanilang pagkakaibigan na mauuwi sa kanilang pagmamahalan? Sasayangin ba niya ang bihirang pagkakataong ito dahil lang sa natatakot siyang muling saktan ni Drew? "Sige, sasama po ako sir pero sa isang kon