bc

One Night Stand (COMPLETED)

book_age16+
19.0K
FOLLOW
95.6K
READ
one-night stand
drama
comedy
sweet
bxb
bisexual
humorous
heavy
mxm
like
intro-logo
Blurb

*SECOND PLACE IN LGTB DREAME AND YUGTO CONTEST. MUST READ!*

Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing p********k. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino.

Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman.

Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi.

Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho.

Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.

chap-preview
Free preview
ANG DI SINASADYANG UNANG PAGKIKITA
"ANG DI SINASADYANG UNANG PAGKIKITA" "Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Markie anak?" hinawakan ng Mama niya ang kaniyang braso. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat." paulit-ulit na niyang naririnig na sinasabi ng Mama niya. Huminga siya ng malalim bilang pagtutol. Hindi siya sumagot. Iniabot niya ang dalawang pirasong tableta. Mabilis iyong itinungga ng Mama niya saka naman niya inabot ang hawak niyang baso ng tubig. Pagkainom ng mama niya sa gamot niya ay hinarap naman niya ang dalawang kapatid para tulungan silang magpalit ng kanilang school uniform. Apat silang magkakapatid. 2nd year High School ang sumunod sa kaniyang babae at nasa Elementarya pa ang dalawa. Grade 1 palang ang bunso nila. Anim na taon nang patay ang Papa nila at lalong humihirap ang kanilang buhay. Isa sila sa mga iskwater na pinapaalis na ng Gobyernong nakatira sa tabi ng ilog. Kahit umaalingasaw ang puno sa basurang tubig ay tinitiis nila. Nasanay na nga din sila sa amoy n'on. Isa sa pangarap niya ang magkaroon ng magarang bahay para hindi na sila magsisiksikan sa isang barong-barong. Gusto niyang makatapos sa pag-aaral para matulungan ang pamilya. Bilang panganay, siya ang inaasahan ng kaniyang mga kapatid at Mama. Kung hihinto siya, anong matinong trabaho na may mataas na sahod ang papasukan ng kagaya niya? Lalo lang silang igugupo ng kahirapan. Pangarap lang niya ang tangi niyang kinakapitan. Pinaghirapan niya ang kaniyang scholarship sa isang respetado at kilalang-kilala na Unibersidad. Kung sarili lang niya ang kaniyang iisipin, kakayanin niyang itaguyod ang kaniyang sarili habang nag-aaral ngunit dahil may mga kapatid at Mama siyang may sakit na umaasa kaya siya sobrang nahihirapan ngayon. Ngunit sa gitna ng hirap na kaniyang pinagdadaanan, wala siyang balak bumitaw. Hindi siya susuko. Sumubok siyang pumasok bilang Call Center Agent ngunit full time ang karamihang hinahanap nila. Hindi niya sa ngayon kayang pagsabayin ang full time na maging istudiyante at full time ding maging Call Center Agent. Hindi pa siya nakakahanap ng company na aakma sa kinakailangan niyang schedule maliban sa sinasabi sa kaniya ng kaklase niyang janitorial services agency na pag-aari ng mayaman nitong pamilya. Bilang tulong, bibigyan siya ng maluwang na schedule ayon sa gusto niyang pasok at kung hanggang anong oras lang siya puwede magtrabaho. Iyon ay tulong lang ni Marlon na matalik niyang kaibigan. Mukhang sa kalagayan nila, tatanggapin na muna niya iyon habang wala pa siyang ibang option. "Kuya, baon ko ho saka yung sa ambag ko sa project namin." typical na iyon sa umaga. ATM siya ng kaniyang mga kapatid at Mama. Mabuti pa ang ATM laging may naipapamudmod na cash ngunit siya, said na said na. Allowance niya sa scholarship niya ang ginagamit nila at sa ngayon, paubos na. Pati gamot ng Mama niya na sa akala niya pansamantalang titigil at magpapahinga sa pagtatrabaho ay pinoproblema na niya kung saan huhugutin. "Baon mo lang ang maibibigay ko ngayon, yung para sa project mo, saka na kasi wala na ako pamasahe papasok. Subukan kong umutang muna kay Marlon mamaya." Nakangiti niyang sinabi sa mga kapatid niya habang isa-isa niya silang binibigyan ng pera. Awang-awa siya sa mga kapatid na suot ang mga luma nilang uniporme at sapatos ngunit saan ba siya kukuha ng pambili ng pamalit? Siya man din ay sumusuko na ang kaniyang mga gamit sa kalumaan pero ni wala nga siyang maibili. Pagkaalis ng mga kapatid niya ay siya naman ang kailangang magmadaling pumasok. Habang naliligo siya at sinasabon ang mukha at katawan ay napapaisip siya kung bakit di niya kaya gamitin ang katawan at kaguwapuhan niya para magkapera. Ilang beses na nga niya iyong binalak. Tumambay na nga siya ng ilang beses sa Mall ngunit kung kailan nandiyan na ay bigla siyang nandidiri. Madalas kasing lumalapit at ngumingiti sa kaniya ay matatandang maperang bakla. Hindi sa nagmamalinis siya. Pera lang naman ang talagang habol niya ngunit hindi pa ganoon katibay ang kaniyang sikmura. Hindi na naman na siya virgin. High School pa lang siya, may karanasan na siya ngunit iyon ay dahil gusto din niya. Dahil may namumuong kakaiba sa kanila ng nakilala niya lang sa f*******:. Dala ng kapusukan, pumayag siyang may mangyari sa kanila pagkakita palang nila. Guwapo, maganda ang katawan at mestiso naman kasi ang gagong pinatulan niya. Nag-eyeball lang sila sa isang Mall, nilibre siya ng pagkain saka siya niyaya sa isang mumurahing hotel. Akala niya mauuwi iyon sa relasyon ngunit nagkamali siya dahil ang college student na guwapong iyon ay may guwapo din palang boyfriend. Ibig sabihin, ginamit lang siya sa gabing iyon, pangkamot sa kati. Hindi naman siya gaanong nasaktan ngunit may kurot ito sa damdamin niya dahil bigla na lang itong hindi sumasagot sa text niya at message niya sa f*******:. Nagulat na lang siya nang makatanggap siya ng text na tigilan na daw niya ang pagpapadala ng messages sa f*******: at text dahil maayos na sila ng boyfriend niya. Guwapo din daw naman siya ngunit ayaw niya sa kasimbata niya. f**k! Ayaw niya pala sa bata ngunit bakit pa siya nakipagkita at ang matindi, tinikman pa siya. Ngunit ayos na sa kaniya 'yun. Dahil doon, nalaman niya kung ano nga ba talaga ang gusto niya. Dahil sa karanasan niyang iyon, alam niyang katulad niyang lalaki ang gusto at pwede niyang mahalin. Karanasang magagamit niya sa pagtahak niya sa mas masalimuot na buhay ng mga katulad niyang paminta. Hindi na siya nagkaroon ng panahon makipagrelasyon. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Maraming nagpaparamdam ngunit madalas hindi niya gusto. Madami din naman siyang gusto ngunit hanggang tingin lang siya. Bata pa naman siya sa edad niyang labinwalo. Saka na niya iisipin ang tungkol sa pakikipagrelasyon kung maayos na ang lahat. Lalong humirap ang buhay nila nang nagkaroon ng TB ang Mama niya at tumigil na nang tuluyan sa pagtatrabaho. Ngunit matapang siya sa lahat ng pagsubok. Hindi siya kailanman pinanghihinaan ng loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang sumuko o kahit kaawaan ang kaniyang sarili. Maabot niya ang tagumpay. Hinding-hindi siya titigil hangga't di niya makakamit iyon. Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya. Naglagay lang siya ng kaunting wax sa kaniyang buhok. Pati iyon ay kailangan niyang tipirin. Hindi uso sa kaniya ang suklay. Mas bumabagay sa makinis, may kaputian at guwapo niyang mukha ang buhok na animo'y bagong gising na ayos ng buhok. Tinitigan niya ang mapupungay na mata, matangos na ilong at sinikap niyang ngumiti sa salamin para pampa-good vibes. Lumabas ang kaniyang malalim na dimples. Siya man ay naguguwapuhan din naman sa sarili, iyon nga lang, guwapong pinagkaitan naman ng matiwasay na buhay. Guwapong di naman niya masikmurang gamitin para lang magkapera. "Pag-isipan mo yung sinabi ko sa'yo anak. 2nd year ka palang, may tatlong taon ka pang bubunuin bago grumaduate. Kung mag-focus ka sa pag-ko-call center baka mas gagaan ang buhay natin." muling pasaring ng umuubo niyang Mama. "Hindi ko naman kailangan tumigil sa pag-aaral 'Ma para lang mairaos natin ang buhay natin sa araw-araw. Puwede akong magtrabaho pagkatapos ng klase ko. Saka nakakatulong din naman ang allowance ko para sa atin. 'Ma, kaya ko po 'to huwag lang ninyo akong tanggalan ng karapatang maniwala sa pangarap ko para sa atin. Hindi ako titigil 'Ma." "Ngunit anak, nahihirapan ka na. Hindi ko alam kung paano mo pa kakayanin itaguyod kami habang nag-aaral ka." Isinukbit niya ang kaniyang backpack saka niya pinulot ang kaniyang binder na nakakalat sa lumang mesa. Lumapit siya sa Mama niya at muling pinagmasdan kung lahat ng kailangan nito ay naiayos na niya bago aalis ng bahay. "Ma, alis na ho ako. Baka bukas o sa makalawa, lagi na ako gagabihin ng uwi dahil magsisimula na ako sa trabaho ko. Pagtiyagaan ko ho muna iyon habang naghahanap ng mas malaking pagkakakitaan. Pansamantalang magiging Janitor/ Office Boy muna ako habang hinihintay ko ang iba ko pang ina-aplayan." "Janitor? College level ka anak, matalino, guwapo ta's Janitor lang?" "Ma, mas mataas pa sa basic ang ibibigay na sahod sa akin. Kaysa naman sa wala. Saka sabi ko naman, pansamantala lang iyon. Ito lang kasi yung kahit paano ay swak sa schedule ko kaya pinatos ko na. Isa pa sa kilalang office naman ako ma-assign. Hindi sa kung saan-saang fastfood o Mall lang." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng Mama niya bilang pagpaparamdam na di siya natutuwa sa napili nitong papasukan ngunit pinili niyang manahimik para di na hahaba pa. Walang mali sa pagiging Janitor/ Office Boy na papasukan niya. Mababa ngang klase na trabaho ngunit para sa kaniya marangal naman iyon. Saka maayos naman ang bigay na sahod sa kaniya ng Mommy ni Marlon dahil nga tulong na din nila iyon sa kaniya. May karelyebo lang kasi siyang isa nilang tinutulungang working student din na sa hapon hanggang gabi naman ang klase. Dahil lahat ng klase niya ay sa umaga hanggang sa hapon ay siya ang kinausap ni Marlon kung puwede siya sa ganoong mga oras. Ngayon palang siya papayag dahil sinabihan niya kahapon na pag-iisipan niya muna ang iniaalok. Sanay na siya sa ingay ng kaniyang mga kapitbahay. Umagang-umaga pa nga lang may nagsisimula ng mag-inuman. Mga batang walang damit na nagtatakbuhan. Mga nagtitsismisang di pa yata nakakapagmumog. Ilang mga baklang kinikilig na nag-aantabay sa kaniyang pagdaan. "Markie, pakiss naman diyan!" "Papa Markie, pa-hug, pampabwenas!" Kinasanayan na niya ang mga panghaharot ng mga ito. "Di ka pa nga naghihilamos kiss agad? Mamayang hapon na pagdating ko!" nakangiti niyang sagot. "E, yung hug ko?" panlalandi ng isa pa. "Suot mo pa 'yan damit mo kahapon. Maligo ka muna!" "Daming eklavum! Kakaloka! Naghilom na ang sugat ng pinagawa kong pekpek ko, wasang pa ding wisik man lang galing sa'yo! Markie, anakan mo na kasi ako!" "Ambisyosa! May matris ka 'te?" sigaw ng isang babaeng bakla. "Sa akin puwede pa." "Te, matris lang ang meron ka, mukha at katawan mo masahol ka pa sa wrestler." "Pumasok na kaya kayo sa trabaho ninyo. Kaya kayo laging nasisante kasi late kayo araw-araw. Ako ang nale-late sa inyo eh!" "Bye Baby Markie!" Napapangiti siya. Ano kaya kung malaman ng mga baklang ito na ang kanilang pinagpapantasyahan ay kauri lang din nila. Ang pagkakaiba nga lang, magkaiba sila ng bihis, ng kilos at pananalita ngunit ang laman ng kanilang isip at puso, iisa- ang magmahal at mahalin ng isang lalaki. "Sige. Sasabihin ko kay Mommy na magsisimula ka na sa isang araw ha? Ito nga pala yung hinihiram mong limang daan." iyon ang sinabi ni Marlon pagkatapos ng kanilang klase. "Aprub tol! Bawi na lang ako sa'yo sa assignments mo. Bayaran ko 'tong hiniram ko sa'yo sa susunod na buwan." biro niya. "Ilista mo na lang sa tubig tol. Bulong mo sa hangin baka maniwala siya sa'yo." Sabay tawa nito. Matalino din si Marlon ngunit tamad lang mag-aral. Siguro dahil may inaasahan siya sa mga mayamang magulang niya. Marami sa mga kaklase niya, may sinasabi sa buhay. Pinalad lang siyang magkaroon ng matalinong utak kaya siya napasama sa kanila. Nag-desisyon siyang pumasok na muna sa library para tapusin ang ilang mga assignments niya at research paper. Kailangan niyang matapos lahat ang mga requirements niya sa school bago siya magsimula sa trabaho nang wala na siyang poproblemahin pa. Gabi na nang matapos niya lahat iyon kaya dumiretso na siya sa hintayan niya ng jeep. Nagsimulang pumatak ang ulan ngunit wala pa ding dumadaang jeep. Punuan na ang mga dumadaan at madami ding katulad niyang naghihintay. Nang mapalingon siya sa kanina pa nakahintong magarang kotse ay agad niyang namataan ang napakaguwapo at mukhang mayamang lalaki. Napalunok siya. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Hindi siya sanay makipagtitigan lalo na sa mga taong alam niyang malayong nakakaangat sa kaniya. Yumuko siya. Sinikap niyang ibaling sa iba ang kaniyang mga tingin ngunit may kung anong magnetong humihila sa kaniya para muling pasadahan ng tingin ang nakatitig sa kaniyang guwapong lalaki. Dahil nakita niyang nakatitig at nakangiti pa din ito sa kaniya ay nangatog ang tuhod niya. Mabilis niyang binawi ang tingin saka siya tumalikod. Napalunok siya. Bago sa kaniya ang ganoon. Marami ang madalas tumititig sa kaniya dahil sa ayon sa kanila, maamo at napakaguwapo daw niya lalo na kung nakangiti siya at lumalabas ang kaniyang malalalim na dimples. Ngunit iba ang dating nito sa kaniya. Para talaga siyang kinukuryente. Dumating ang isang jeep. Inilagay niya sa ulo ang binder panangga sa ambon. Nag-uunahan ang mga pasaherong sumakay at di din siya nagpahuli ngunit bago siya nakipagsiksikan sa mga sumasakay na pasahero ay nagdesisyon siyang muling mabilisang lingunin ang gwapong estranghero at gantihan din niya ng nakakahumaling niyang ngiti. Lalakasan na lang niya ang loob niyang gawin iyon dahil sasakay naman na siya sa jeep at maaring iyon na ang una at huli nilang pagkikita. Natigilan siya. Wala na sa kotse ang pogi. Kumunot ang noo niya. Nasaan na siya? Dahil di na niya mahanap pa ay minabuti niyang ibaling ang tingin sa pakikipagsiksikan niya para makasakay. Ngunit biglang tumigil ang inog ng mundo niya. Nasa mismong harap na niya ang kanina lang ay hinahanap niya. Nakangiti. Titig na titig sa kaniyang mga mata. Malayong mas guwapo pa ito sa malapitan. Gusto niyang mag-excuse dahil hinaharangan siya sa dadaanan niya ngunit walang kahit anong kataga na namumutawi ng nakabuka na niyang labi. "Hatid na kita sa inyo?" buo ang boses. Lalaking-lalaki. Gusto niyang tumanggi ngunit wala pa ding lumalabas sa bibig niya. Lalo lang siyang namula. Napapitlag siya nang hinawakan siya sa kaniyang braso. "Huwag ka nang mahiya. Drew nga pala. Just call me Drew." inilahad nito ang kaniyang kamay. Huminga siya ng malalim. Natotorpe siya samantalang kilala siya bilang makulit at masayahin sa kanilang klase. Kahit mahirap pa siya sa daga, napapansin siya dahil sa angkin niyang kaguwapuhan ngunit bakit sa harap ng estrangherong ito, para siyang basang sisiw? "Ma-" kinagat niya ang kaniyang labi. Humugot siya muli ng malalim na hininga. "Markie po." tinanggap niya ang kamay ni Drew. Ramdam niya ang marahang pagpisil ni Drew sa kaniyang kamay kaya mabilis din niyang hinila ang kaniyang palad. Para siyang tanga na hindi magawang tignan ng diretso ang kaniyang kausap. Bakit gano'n siya? Bakit hindi mapakali ang kaniyang mga mata? Bakit lumalakas ang t***k ng kaniyang puso? Bakit siya natatameme? Natauhan siya nang nakita niyang paalis na ang jeep. Humakbang siya palayo kay Drew para subukang habulin ang jeep ngunit huli na. Isa pa, nakita niyang puno na din ang jeep nang umalis na ito. Napailing siya. Lumingon sa bigla niyang iniwan na kausap. Nakangiti pa din ito. Hindi alintana ang paglakas ng patak ng ulan. Kabastusan man siguro ang ginawa niyang pag-iwan dito ngunit napakatagal niyang naghintay pero dahil sa pangungulit ng isang ito ay kailangan niyang maghintay pang muli ng susunod na pagdaan ng isang jeep na walang laman. Naglakad siya pabalik sa tinatayuan niya kanina kung saan siya puwedeng sumilong muna. Hindi na niya kayang balikan pa si Drew. Bukod sa ayaw niyang magkasakit dahil sa ulan, nahihiya din siya dito. Nakita niyang ibinulsa ni Drew ang kaniyang mga kamay sa suot nitong itim na suit. Titig na titig pa din ito sa kaniya kahit umaagos na ang patak ng ulan sa makinis nitong mukha. Siya naman itong kung saan-saan lumilingon para kunyari ay hindi niya napapansin ang malagkit na tingin ni Drew. "Ano bang ginagawa mo, brad? Alam ko katulad din kita. Bakit di ka na lang lumayo? Wala kang mapapala sa akin." bulong niya sa sarili. Muli siyang tumalikod at nagkunyariang naiinip sa paghihintay ng masasakyan kaya panay ang tingin niya sa kalsadang puno din ng dumadaang jeep na iba ang ruta. "Umalis ka na ba? Bumalik ka na ba sa kotse mo? Brad naman kasi, bakit ka ganyang makatitig? Gusto mo ba ako? Huwag kang umasa brad, hindi pa kita papatulan. Mas marami akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa katulad mo. " Huminga siya ng malalim. Para na siyang tanga. Kinakausap na naman niya ang sarili niya. "Sige, lilingon ako pero last na 'to. Lingon lang 'to brad. Walang malisya." Humugot siya ng malalim na hininga. "Kung nakatingin ka pa sa akin, ibig sabihin may gusto ka talaga sa akin brad. Sign na 'yun para patulan kita." Ngunit wala na doon ang lalaki. Nanghinayang siya. Tumingkayad siya dahil maaring natabunan lang ito ng ibang pasaherong naroon ngunit wala na talaga si Drew. Kumilos ang paa niya. Kailangan niyang silipin ang kotse nito at baka bumalik na ito doon. Kailangan niyang isangga sa ulo ang binder para hindi siya mabasa sa lakas ng patak ng ulan. Kailangan niyang masilip ang kotse nito. "Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Drew sa kaniyang likod. Nakasilong na din pala ito sa waiting shed. "Ha?" sagot niya. Dinig niya ang sinabing iyon ni Drew ngunit kasama iyon sa pagkagulat niya na nasa tabi niya uli ito ng di niya napapansin. Dalawang hakbang pa nga lang siya, mukhang natiklo na. Nakangiti siyang bumalik sa tinayuan niya. Pinagpag ang binder dahil sa nabasa ng malakas ng patak ng ulan. "Hindi ah. Nag-aabang lang ako ng masasakyan. Sinilip ko lang baka may malapit nang dadaan." f**k! Bobo lang ng palusot! "Hinahanap mo ako ih. One way 'yan. Walang tangang jeep ang haharang at manggagaling diyan. "Sabi ko nga." kibit-balikat niyang sagot. "Ano, payag ka ng ihatid kita sa inyo?" "Hindi po kita kilala." "Sinabi ko na ang pangalan ko, di ba? Ako si Drew, ikaw si Markie. Magkakilala na tayo. Saka mukha ba akong masamang tao?" "Hindi naman. Nakakahiya..." "Hindi naman pala e. Paanong nakakahiya e ako nga itong nagpupumilit na ihatid ka." mabilis na sabad ni Drew. Halos maglapat na ang kanilang psingi dahil pabulong iyong sinasabi ni Drew sa kaniya. Napakamot siya. "Mahihirapan kang sumakay dahil sa sobrang lakas ng ulan. Mamamaya lang niyan baha na naman." hinubad ni Drew ang kaniyang suit. Puting longsleeve at itim na necktie na lang ang suot nito. Bumakat ang magandang hubog ng katawan ni Drew sa suot niya. "Tara na. Huwag ka na kasing mahiya." sinuko siya ni Drew sa tagiliran. "Sige na nga." Ngumiti siya. Nakita niyang biglang napatitig si Drew sa mukha niya. Alam niyang napansin nito ang kaniyang malalim na dimples. Patakbo nilang pinuntahan ang nakaparadang kotse ni Drew. Unang sumakay si Drew saka niya itinulak ang front door para makasakay si Markie. Nilingon siya ni Drew habang pinapaandar niya ang kotse nito. "Saan kita ihahatid?" tanong nito sa kaniya. Sinabi niya lang kung saan ang malapit sa kanila ngunit hindi ang mismong kinaroroonan ng kanilang bahay. Alam niyang kung magtuluy-tuloy ang ulan ay paniguradong di na kakayanin ng kotse nito ang pumasok pa sa binabahang lugar nila. Ayaw niyang ipahamak ang bagong kakilala. "Di ba bahain do'n?" tanong ni Drew. "Oo nga eh. Kaya nga ayaw ko sanang pahatid sa'yo." nakayuko niyang sagot. "Bakit di ka makatingin ng diretso kapag kinakausap ka?" "Bakit kailangan bang tignan kita sa tuwing sasagot ako sa mga tanong mo?" "Unusual lang na ganyan ang mga reactions mo." "Unusual?" napangiti siya. "Drew, I just met you. I don't even know your intentions kung bakit mo ako gustong ihatid. That, I think is unusual." "Brainy ha?" kumindat si Drew sa kaniya sabay ang nakaka-adik na pagmasdan nitong ngiti. Hindi siya sumagot. Ayaw niyang lumabas na mayabang siya. Kahit gustuhin niyang bawiin ang sinabi niya ay huli na. Nasagot na niya si Drew. Ngumiti na lang din siya. Binuksan ni Drew ang stereo ng kaniyang kotse para kahit papaano ay hindi sila mainip sa mabagal na usad ng takbo ng mga sasakyan. Hey, there's a look in your eyes Must be love at first sight Bigla silang muling nagkatinginan. Matipid na ngiti ang pinakawalan ni Markie. Naisip niyang totoo nga talagang nangyayari ang Love at first sight. Hindi lang sa pelikula o sa lyrics ng kanta iyon nangyayari o napapakinggan. Napatitig siya sa noon ay biglang napakunot na si Drew ngunit nakatingin na sa dinadaanan nila. Naiwan siyang nakatitig dito. Naikintal sa isip niya ang makapal na kilay na binagayan ng nangungusap na mga mata, matangos na ilong at makipot ngunit malulusog na labi ni Drew. Isang pangarap na akala niya hindi niya makikita sa lalaking katabi niya ngayon. You were just part of a dream Nothing more so it seemed But my love couldn't wait much longer Just can't forget the picture of your smile "f*****g love songs!" mahinang tinuran ni Drew kasunod ng malalim na paghinga nito. Inilipat niya ang istasyon ng FM. Tahimik lang siya. Wala siya sa lugar na magreklamo. Nakikisakay lang siya. Kung ano ang trip ng may-ari ng kotse, doon siya kahit sa totoo lang, nadala siya sa lyrics ng kanta. Isang lumang kanta na parang nagbigay ng kakaibang kahulugan sa kaniya. "Hindi ka mahilig sa love songs?" tanong niya. "Hell, no! I am not a melodramatic person. And what about you?" "Tama lang." maikli niyang sagot. Hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila ng traffic. Sobrang lakas kasi ng bagsak ng ulan kaya paniguradong stranded na sila. Lumingon si Drew sa gawing kanan niya. Puwedeng-puwede siyang pumasok doon habang wala pang nakaharang sa kanilang dadaanan. Iyon lang ang naiisip niyang option para di sila mabagot sa kahihintay hanggang sa muling bumaba ang baha at makadaan sila. "What about dinner?" Tumingin si Markie sa noon ay tinitignan ni Drew. Isang mamahaling hotel ang nasa tapat nila. Kanina pa siya gutom ngunit kalabisan naman yatang papalibre siya sa isang ito na makulit lang na ihatid siya. Sasagot palang sana siya nang mabilis na iniliko ni Drew ang kotse. Ipinasok niya ito sa harap ng mamahaling hotel. Sinalubong sila ng isang hotel valet park attendant. Halatang sanay si Drew at kilala siya dahil tinawag siya sa ibang pangalang katunog ng sinabi sa kaniyang pangalang Drew. Mahina lang ang pagkakasabi niyon kaya hindi na niya nadinig ng husto. "Come on, Markie. Baba na?" silip ni Drew sa kaniya at napalingon pa sa kaniya ang nakangiting attendant. "Baba na daw kayo sir." Nakangiting hirit pa nito. Inayos niya ang binder niya saka niya isinukbit muli sa balikat niya ang kaniyang backpack. Naisip niya habang pababa siya sa kotse na hindi na niya kailangang sumama kay Drew hanggang sa loob. Pagkababa niya ay mabilis na pinaandar ng attendant ang kotse at naiwan siya sa kabilang bahagi ng daan habang nakangiti lumapit sa kaniya si Drew. "Let's just have a dinner. Restaurant ang pupuntahan natin diyan at hindi ang kuwarto ng hotel." Mabilis na inilagay ni Drew ang suit niya sa balikat ni Markie. "Wala naman akong sinasabi ah." "Pero alam kong, iyon ang iniisip mo." "Isuot mo muna 'yan para makapasok tayo sa loob. Okey na 'tong neck tie sa akin. Tingin ko naman kapag ipinatong mo ang suit sa suot mo, pwede ka na sa loob." "Huwag na lang kaya?" nanginginig niyang pagtanggi. "You don't have a choice. Umuulan pa at baha sa daan. Hindi ka rin naman makakauwi dahil tignan mo, di pa umuusad ang mga sasakyan. Halika na. Just follow me, okey?" Tumingin siya sa daan at ang malakas na buhos ng ulan. Naisip niya ang pamilya niyang paniguradong mababasa na naman sa tubig ulan. Gusto niyang umuwi ngunit paano siya makakauwi kung wala siyang masasakyan. Nilingon niya si Drew. Hindi niya maintindihan kung anong meron ang taong ito na napapasunod siya sa lahat ng kaniyang mga sinasabi. Nang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Drew. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan. Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? "Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo." "Naisip ko lang ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon." Nangilid ang kaniyang luha. "Well, let's just enjoy the night big boy! Hindi masamang paminsan-minsan, you also pamper yourself. Kahit ngayon mo lang isipin ang sarili mo. Sorry pero hindi ako mahilig sa drama. My rule, I don't want to talk on any of your or my personal issues." Tinungga nito ang laman ng kaniyang kopita. "Umiinom ka ba?" Sa narinig niyang iyon ay bigla siyang napahiya. PInahid niya ang namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Binulungan niya ang sarili. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo Markie at kailangan mong magkuwento ng buhay mo sa estranghero." Sasagutin niya sana ang tanong tungkol sa kung umiinom ba siya o hindi ngunit mabilis na sinenyasan ni Drew ang nakatayo sa di kalayuang waiter. Mabilis itong lumapit dala ang isang kopita. Sinalinan niya iyon ng alak saka magalang na lumayo. "A li'l vodka is not bad, Markie. Konti lang." itinulak na nito ang kopita sa harap niya. "Hindi ako umiinom ng hard." Itinulak niya ang pabalik ang kopita kay Drew. "Try it big boy! Hindi nakakalason ang alak." Muli nitong itinulak sa harap niya. Sasanggain niya sana ngunit nagtagpo ang kanilang mga palad sa hawakan ng kopita. Ramdam ni Markie ang init ng palad ni Drew. Napalunok siya lalo pa't naramdaman niya ang paghimas ni Drew sa kaniyang nanlalamig na daliri. Dumaan ang kuryente mula dito hanggang sa pinakasulok na bahagi ng kaniyang katawan. Dahil doon ay kinuha niya ang kopita at itinungga niya ang laman no'n. Mapait. Matapang. Ngunit may kakaibang init na hagod niyon sa kaniyang lalamunan. Umiinom naman siya ng beer kasama ng mga tropa niya ngunit beer lang. Hindi katulad ng pinaiinom sa kaniya ni Drew. "How old are you?" "18." Maikling niyang sagot. "Young and fresh." Napalunok siya dahil nakita niya ang pagbasa ni Drew sa labi nito sabay ang pagkindat niya parang may gustong iparating. "Are you trying to seduce me?" "No I am not just trying, am doing it purposely. Why? Is it working?" diretsuhang tanong ni Drew. Nakita niya ang pagpapa-cute nito sa totoo lang umeepekto naman talaga. Mukhang sanay siyang gawin iyon. Sanay makuha ang gugustuhin. Muling sinalinan ng sinenyasan ni Drew na waiter ang kanilang mga baso. Pagkaalis nito ay itinaas ni Drew ang kanilang mga baso. "Cheers, big boy!" Kinuha niya ang kopita niya at pinag-umbog nila ang kanilang mga baso. Sinaid muli ni Markie ang laman no'n. "Just sip it. You don't need to gulp it all." Natatawang sinabi ni Drew nang makita niyang muling sinaid ni Markie ang baso. Nagsimula na itong namula dahil sa tindi ng tama ng alak. "Hindi mo sinabi eh! Akala ko lang parang inuman lang sa kanto. Kailangang ubusin dahil may naghihintay sa pag-ikot ng baso." Pabiro niyang banat. Tumawa ng malakas si Drew. "You are son of a b***h! Napatawa mo ako!" "Para 'yun lang? Ambabaw naman ng kaligayahan?" "I think we're done here. Halika, doon tayo sa bar. Mas mag-eenoy tayo doon kaysa dito." Bulong niya. Dahil sa konting tama ay sumunod lang siya. Para lang silang barkadang naglakad. Amoy na amoy niya ang pabango ni Drew. Pabangong parang nanunuot sa kaniyang kaibuturan. Maingay ang bar na pinasukan nila. May mangilan-ngilan doong umiinom at sinadya ni Drew na umupo sila sa sulok. Tumayo siya at pumunta sa bar. Pagbalik niya ay may dala na itong dalawang kopita na naglalaman ng kulay berdeng alak. Kung ano iyon, hindi niya alam. Basta tinanggap niya, tinikman at nagustuhan niya ang lasa nito. Panay lang ang kanilang panakaw na titigan sa isa't isa. Titigang may ibig sabihin kay Markie at hindi niya alam kay Drew kung ganoon din ang nararamdaman nito sa kaniya. Masaya siya. Nag-eenjoy siya, actually. Hindi pa siya lasing ngunit may tama na. Malakas na ang loob niyang makipagtitigan kay Drew ngunit hindi niya alam kung paano magpa-cute tulad ng ginagawa nito sa kaniya. Tinanggal ni Drew ang necktie niya. Tinanggal din nito ang butones ng kaniyang long slevee hanggang sa nasilip ni Markie ang maumbok nitong dibdib. Napalunok siya ng kinagat ni Drew ang kaniyang labi sabay ipinasok nito ang kaniyang kanang kamay sa maskulado nitong dibdib sabay kindat na para bang sinasabi nitong, "game ka ba?" Yumuko siya. Tumingin siya sa mga iba doong nag-iinuman. "Huwag kang mag-flirt sa akin, brad. Papatulan kita." Bulong niya sa sarili. Naramdaman niyang tumayo si Drew at naglakad papunta sa kaniyang likod. "Gusto mong tanggalin ang suit?" tanong ni Drew. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang mainit na bibig ni Drew sa dulo ng kaniyang tainga. Nagsitindig din ang lahat ng balahibo niya. Hindi siya nakasagot. Hindi na niya kontrolado ang init na nararamdaman niya. "Are you ready for the last level?" "Last level? What do you mean?" kumunot ang noo niya. "Alam kong alam mo ang sinasabi ko." huminga ito ng malalim. Itinungga niya ang laman ng kaniyang baso. Ibinalik niya iyon sa mesa na di umaalis sa likod ni Markie. Naramdaman niya ang bumubukol na iyon na lumapat sa kaniyang likod. Matigas iyon. Halatang nagsisimula lang magwala si Mr. Adonis ni Drew. "I'm tired. Gusto ko nang magpahinga. Kung gusto mo ako. Sunod ka sa room 701, 7th floor. Hihintayin kita." Muling pabulong ngunit naramdaman ni Markie ang paghagod ng dila ni Drew sa dulo ng kaniyang tainga. Lalong nangatog ang tuhod niya. Kasunod iyon ng pagtayo ni Drew. Lumapit sa cashier sa bar. Nagbayad. Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat. Naiwan siyang nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nagkambyo muna siya dahil galit na galit ang nagising niyang si Mr. Adan. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kaniyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Drew. Binilisan niya ang lakad. Nakita niyang pumasok ito sa elevator. Halos tumatakbo na siya. Bago tuluyang magsara ang elevator ay naipasok na niya ang kaniyang braso. Muling bumukas ang elevator. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay muna nilang magsara muli ang elevator bago siya nilapitan ni Drew. Hinawakan niya ang pisngi ni Markie. Kitang-kita niya ang paglapit ng labi ni Drew sa kaniya. Napapikit siya. Hanggang sa naamoy niya ang mabangong hininga ng binata, naramdaman niya ang malambot nitong labi na dumampi sa kaniyang labi. Nahulog ang binder na inipit niya sa kaniyang kamay. Hindi niya iyon pinulot. Binuka niya ang kaniyang labi. Uminit ng umit ang kanilang pakiramdam. Gusto niyang ilaban ang kaniyang kaunting kaalaman sa pakikipaghalikan. Ayaw niyang mabigo si Drew kahit pa sabihing hindi siya sanay sa ganitong laro ng buhay. Anong kahihinatnan ng kanilang ONE NIGHT STAND?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Professor is my Husband

read
507.7K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

OSCAR

read
237.3K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook