Chapter 9 Tumayo si Drew nang nasa harap na niya si Ken. Naalala niya ang banta nito noong nasa bar sila na kukunin niya ang lahat ng mahalaga sa kaniya. Nagsisimula na si Ken na gawin iyon ngunit wala siyang balak tumiklop. Handa siya sa anumang laban. Ngayon pa na kaya na niyang makipagsabayan? Nang inilahad ni Ken ang kaniyang kamay ay wala siyang balak iyon tanggapin. Bago siya lumabas ng conference room ay di niya maiwasang hindi tignan ng masama ang Daddy niya. Kahit pa walang alam ang Daddy niya sa kung anong namamagitan sa kanila ngayon ng matalik niyang kaibigan noon, hindi pa din niya maiwasang hindi magkaroon ng hinanakit dito dahil binibigla siya sa mga mahahalagang desisyon na dapat alam niya bilang isa sa may mga pinakamataas na posisyon sa kanilang kumpanya. Pumasok siya