Chapter 12 - Date

1759 Words
To Dean: My flat tire has been fixed and my car is now in my house. Thank you, Dean! Napangisi siya matapos mai-send ang text message na iyon kay Contreiras. It's past lunch time at naisipan niya itong i-text back. Nagsend kasi ito ng walang kakwenta-kwentang good morning message sa kanya kaninang umaga. He's sweet, yeah, but it's meaningless to her. Nagpa-miss lang siya ng kaunti bago mag text back para masabik lalo ito sa kanya. Di nagtagal ay nagri-ring na ang phone niya dahil tumatawag na si Contreiras. Just as she expected. He is so predictable. The more she starve him, the more he craves for her. "Hello, Dean?" Malambing niyang bati rito matapos sagutin ang tawag nito. "Hello, Debbie. Kumusta?" "I'm good. Ikaw? By the way, salamat ulit sa pagtulong maayos ang gulong ng kotse ko. I reserved some of my energy calling here and there." mahinhin siyang tumawa pagkatapos. "You're always welcome, Deb." "You're such a sweet guy, Dean. How can I ever repay you?" she joked sweetly. "Well, kung gusto mo talagang makabawi, why don't you join me for dinner again later?" "Dinner?" kunwa'y ulit niya sa sinabi nito. "Yep. Are you available tonight?" "Hmm, yes.. Of course..." "Alright, it's a date, then. I'll pick you up at 6 in the evening." "Oh! We can just meet halfway." "No, honey... I'd rather pick you up tonight then send you home after dinner." "Okay, if you insist..." "See you, sweetie." Hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag. Ibinaba na niya ang phone niya at binalingan ang nakabusangot na si Hunter na nakaupo sa harap niya. Maaga niya kasi itong pinapunta sa bahay niya para hingin ang detalye tungkol sa naganap na pagnanakaw ng ilan sa mga mamahaling alahas niya sa Canada. "You see, Hunter? Hindi mahirap paikutin si Contreiras. In just a matter of time, iuuwi ko nang walang kahirap-hirap ang Crown Stone and at the same time, I'm gonna burn the demon in hell where he belongs! Kaya ayusin mo ang paghahanap sa demonyong 'yan. By the way, you must make sure na magaganap nang maayos ang susunod na bidding at walang mababawas sa mga collection natin. In that regard, I need you to be there personally because there's a possibility that the demon will ruin that event. I can trust no one but you, Hunter. Hindi ako puwedeng mawala dito dahil nasa kalagitnaan na ako ng plano ko." "Debbie, why don't you just go back to Singapore ang just let me handle all these things? I promise you, I will bring home the Crown Stone and the demon." "Kailan pa, Hunter? We need to double our time and maximize everything we have. Hindi ako tatanga lang habang hinihintay na lumitaw sa harap ko ang demonyo. I will not let the history repeat itself, Hunter. I will kill him before he kills me." Huminga siya ng malalim habang inaalala kung paano nawala ang buong pamilya niya. Steven tried to steal her Dad's throne by killing her own family. Sa nangyayari ngayon sa kanya ay masasabi niyang parehas ng nangyari noon ang gustong mangyari ng kalaban ngayon. But just like before, she will stop him before he succeed. But she won't be late this time. This time, she will do her best to lessen the number of deaths in her own force, hindi kagaya noon na kasabay ng pagkamatay ng Daddy niya ay halos naubos din ang pinakamagagaling nilang magdirigma. Ngayon ay mas magiging handa na siya. She will expect the unexpected and anticipate everything. "Hunter, I have this strong feeling that this enemy is somehow connected to Steven. Are you sure that he has no other family or relatives left? A successor maybe?" kunot-noo niyang tanong kay Hunter. "He's an only son, Debbie. We looked into his relatives and he has no one left. Both his parents are deceased and his only cousin died in an accident together with his aunt and uncle a long time ago." Tumangu-tango siya kay Hunter. She really has a strong gut feeling that Steven is somehow connected to her secret enemy. Imposible namang buhay pa si Steven dahil siya mismo ang tumapos sa buhay nito sa harap ng maraming tao. Kaya nga siya nasa posisyong iyon ngayon bilang Mafia Queen dahil doon. Wala rin namang asawa o anak si Steven na posibeng maghiganti sa kanya. Iyon ang pagkakaalam nila. "Steven never had a girlfriend. He was focused on strengthening his territories and enhancing his properties." saad pa ni Hunter. "Still, our enemy has no identity yet. For the meantime, wag muna tayong magpapapasok ng mga newly trained na tauhan sa malalaki at mahahalaga nating establishments. The enemy might have sent someone to spy on us. We need to be extra careful lalo at hindi pa natin alam kung sino ang kalaban." Determinado niyang utos kay Hunter. Agad naman itong tumango sa kanya. "Sige na, Hunter, you can go now. May date pa ako mamaya." Naisipan niyang biro rito at sumimangot naman agad ito sa kanya. Bago sumapit ang dilim, quarter to 6pm nang dumating si Contreiras sa mansion niya para sunduin siya. Nakahanda na rin naman siya suot ang isang black dress na hakab sa katawan niya. She wore a stilleto, too. Kasama iyon sa mga disguise niya bilang si Debbie na isang dalagang negosyante lang sa mundong ginagalawan ni Contreiras. "You look stunning in anything you wear, honey." Lihim siyang napataas-kilay sa itinawag nito sa kanya. Napapansin niyang nagkakaroon na ito ng mga endearment sa kanya and that's a good sign. "Thank you, Dean. You look awesome as well." ganting-papuri niya rito na totoo naman. He looked even more neat and handsome tonight. Halatang pinaghandaan din nito ang dinner nila ng gabing iyon dahil napansin niyang inahit nito ang mga tumutubo nitong balbas na nandoon pa kahapon. Though para sa kanya, mas malakas ang dating nito kung hindi na lang nito inalis ang maliliit na balbas na iyon. "I'll accept that as a compliment from my gorgeous date." Natawa na lang siya sa sinabi nito at di nagtagal ay sabay na silang tumungo at lumulan sa kotse nito. "So where are you taking me out?" Magiliw niya kunwaring tanong kay Contreiras habang nagda-drive na ito. "Hmm. Do you have something in mind?" "Nothing, actually. I'll let you decide tonight." Nakangiti niyang sagot dito. Unknown to him, it's really her intent to seduce him. Pero nakapagtatakang sa kabila ng mga pagngiti-ngiti niya at mga simpleng pang-aakit niya rito ay hindi ito nagti-take advantage sa kanya. Samantalang kagabi lang ay nagmasturbate ito habang kausap siya. Tsk. Or maybe he's just saving it for later. Dinala siya ni Contreiras sa isang high-end restaurant. And just like yesterday, he's such a gentleman while they eat. Deep inside, nagtaka siya na wala itong malalaswang initiatives sa kanya sa kabila ng katotohanang isa itong womanizer. After their dinner, her plan tonight is to pretend that she suddenly felt unwell when he's about to bring her home and finally, to let him bring her to his home. Mas malapit kasi ang mansion nito sa main City pati na rin ang condo nitong bihira naman nitong uwian. Kapag nandoon na siya ay lihim na siyang maghahanap sa buong mansion. And lastly, hacking his CCTV cameras would be a piece of cake to her. Pero nang tapos na silang kumain at papasok na sana sila sa kotse ni Contreiras ay bigla na lang may mabilis na motorsiklong paparating at mukhang balak siyang sagasaan! Iiwas na sana siya pero alerto namang kinabig agad siya si Contreiras payakap! "Damn that asshole!" Sigaw pa ni Contreiras sa kawalan dahil mabilis nang nakasibad ang suspek sakay pa rin ng motor. "Are you okay, Deb? That son of a b***h, I could've killed him!" Ininspeksiyon agad ni Contreiras ang mga braso niya maging ang mga binti niya. Hindi niya alam kung nag-i-exaggerate lang ito para makuha ang loob niya at nang maikama siya, pero napangiti siya dahil sa concern nito sa kanya. For a very long time, si Hunter na lang ang hinahayaan niyang magpakita ng concern sa kanya. It was always a brotherly concern anyway, at ngayong si Contreiras ang nagpapakita ng pag-aalala sa kanya ay bigla na lang niyang naisip na kahit pala kinakatakutan siya sa mundo niya ay babae pa rin siya. With Contreiras, she felt like a crystal glass that needs to be taken care of. She felt like a fragile flower and it's funny coz she somehow liked the thought of it. "Are you hurt somewhere, Deb? Nauntog ka ba? Tell me." Muli pang tanong ni Contreiras sa kanya. She refrained from smiling when he finally stared at her face to know her answer. Hawak pa rin nito ang magkabilang braso niya habang titig na titig sa kanya. She couldn't read any petension in his eyes and that made her think that he is truly concern about her. "I-I'm okay, Dean... I was just shocked.. And a bit scared. Sino kaya iyon?" And that's her real question to herself. Who could it possibly be?? Or was it just an accident? Alam na ba ng kalaban kung nasaan siya? Nasundan ba siya nito? Alam na kaya nito ang sadya niya sa Pilipinas at kay Contreiras? Sayang at hindi niya nakita ang plate number ng motor! Pero duda rin siyang lehitimo ang plate number na nakalagay sa motor. Bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit ni Contreiras! Totoong nagulat siya at biglang lumakas ang t***k ng puso niya. No one has ever hugged her like that except for her family! Kahit si Hunter ay hindi pa siya nayakap ng ganoon kahit na noong mga panahong nagluluksa siya sa pagkamatay ng buo niyang pamilya. But why is it so easy for Contreiras to care for her like that and to show empathy despite being a fuckboy? Hayan na naman tuloy ang pakiramdam na isa siyang babaing karapat-dapat ding ituring bilang isang prinsesa, hindi bilang isang reyna ng mga Mafia. "Are you sure? Do you want me to bring you home now?" he asked empathically. Pero agad niya namang naalala ang totoong pakay niya. "N-No... My house is far from here, and... C-Can I stay in your house tonight? I'm scared, Dean... I don't want to be alone." Natigilan naman si Contreiras habang nakatitig sa kanya. Why does it seem like he wants to disagree? Ayaw ba nitong iuwi siya at masolo? "O-Okay... I'll bring you home tonight." sa huli ay pagpayag pa rin nito. Lihim siyang napangiti. I'm getting closer and closer to what I'm looking for, Contreiras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD