Pasimple niyang iniuntog ng malakas ang kanang braso niya sa kotse ni Contreiras at alam niyang magkakaroon iyon ng pasa maya-maya. That kind of pain is nothing to her. Muntik na nga noong bumaon ang bala sa puso niya, minsan na rin siyang nadaplisan ng bala nang magkaroon sila ng engkuwentro sa mga sindikatong halang ang kalukuwa kaya ano ba naman ang isa pasa?
Mas masakit pa nga ang emotional pain na naranasan niya noon nang mamatay ang buo niyang pamilya. Pero kagaya ng pasa na walang exit wound, itinago lang niya ang hapdi sa puso niya dahil mas pinili niyang ipakitang matatag siya.
"Are you sure nothing hurts?" masuyong tanong muli ni Contreiras sa kanya nang bumibyahe na ulit sila papunta na sa bahay nito sa Makati.
They dined somewhere in Makati area while her house is in an exclusive subdivision located in Mandaluyong City. Kaya mas convenient sabihing doon na lang muna siya sa bahay nito iuwi.
He should be happy and proud, dahil siya na mismo ang lumalapit dito! But unlike his usual girls, hindi pa rin siya nagpapakita ng kalandian dito. As a matter of fact, magpapatuloy pa rin siya sa pagpapa-demure kunwari.
At magpapatuloy rin siya sa pagkukunwaring isa siyang mahinang babae.
This time, kagustuhan niya na iyon at hindi na lang dahil sa plano niyang makipaglapit kay Contreiras. She's kind of enjoying it somehow. Parang kasing masaya pala kapag may nag-aalaga sa kanya.
When was the last time that someone really took care of her and treated her like a delicate thing? Nakalimutan na niya. Siguro, noong buhay pa ang pamilya niya. Mahal na mahal siya noon ng pamilya niya at ayaw na ayaw ng kuya niya na nasasaktan siya. She was a princess! Once, she had a bruise and her kuya Maynard fired her Nanny. Ganoon siya nito kamahal.
But everything suddenly changed when they all died. She became stronger and independent and she forced herself to be fearless. That's what she is now. She had forgotten the difference of being a woman to a man, because they can both be strong and can both lead anyway.
But Contreiras reminded her what she had forgotten.
Pero ngayon lang niya ito ii-enjoy at aalalahanin, ngayong nagkukunwari siya rito. Because when she comes back to her world, she will be the fearless and ruthless Mafia Queen again.
"P-Parang masakit ang braso." She answered Contreiras while pretending that she's enduring something painful in her right arm.
To her surprise, he stopped the car and removed his seatbelt then examined her right arm very carefully.
"A-Aww!" kunwari ay daing niya. Medyo masakit naman talaga ang iniuntog niya pero hindi naman malala. Malayo naman iyon sa bituka niya. Tss.
"s**t! Did I hurt you? I'm sorry! Saan ba masakit?"
Itinuro niya ang bandang iniuntog niya at napansin niyang medyo nagkakapasa na iyon kaya lihim siyang napangiti.
"f**k! You have a bruise! We have to hurry and put a cold compress on it."
Agad na ring umayos ng pagkakaupo si Contreiras sa driver's seat at muling pinaandar ang kotse nito. He trully believed that she got hurt! Ang hindi nito alam at kailanman hindi malalaman ay self-inflicted ang pasa na iyon. Easy-peasy.
Napansin pa niya ang pagpunas ni Contreiras ng pawis sa noo nito at ang hitsura nitong parang kinakabahan. Pero maya't-maya rin ang paghigpit ng mga kamay nito sa manibela.
Lihim na lang siyang nagkibit-balikat. Poor Contreiras, paniwalang-paniwala ito sa panloloko niya.
Pero hindi rin niya nakakalimutan ang nangyaring insidente kanina. She will ask her men to find out who's riding that motorcycle, and if the incident was just an accident or intentional.
Few more minutes passed until they arrived at Contreiras' Mansion that has a modern architectural design.
Sinalubong naman agad sila ng maids pagkapasok pa lang nila sa living room at gulat ang mga itong napatingin sa kanya.
Why?? Kung makatingin naman sa kanya ang mga kasambahay na iyon ay parang noon lang nagdala ng babae sa bahay nito si Contreiras. The fact na babaero ito ay imposibleng never pa itong nagdala ng babae roon.
"Good evening, Sir! Good evening, Ma'am!" panabay na bati ng apat na kasambahay na sumalubong sa kanila. Yumuko ang mga ito sa kanila pero pansin niya ang pasimpleng pagtitinginan ng mga ito at patagong pagsulyap sa kanya.
"Manang, tapos na po ba ang ipinagawa ko sa inyo?" seryosong tanong ni Contreiras sa tila mayordoma roon.
Sa apat kasing kasambahay ay may isa roon na halatang pinakamatanda sa lahat. Siguro ay nasa 50s na ang edad ng tinawag ni Contreiras na Manang. Samantalang ang iba ay kaedaran lang yata niya o mas bata pa sa kanya.
Hindi kaya pinatos na rin ni Contreiras ang mga kasambahay nitong iyon? Tsk! Ipinilig niya ang ulo niya sa kung anu-anong naiisip niya. Wala na siyang pakialam doon.
"Alright, thank you. Pwede na kayong magpahinga. Except you, B, bring us a cold compress upstairs at standby ka muna ng isang oras dahil baka mayron pa akong ipagawa."
"Opo, Sir."
Yumuko pang muli ang isang katulong sa amo nito samantalang di naman niya napigilang bahagyang mapanganga at mapatitig sa katulong na iyon.
He called her Bhie.. It's an endearment, isn't it? What the f**k! So pati mga katulong ay pinatos ni Contreiras?! Hindi naman sa panlalait but that maid has a dark complexion and she's small. Not to degrade that maid but... Wala man lang bang taste si Contreiras?! Parang bigla tuloy siyang nangilo. Lahat na lang ba ng butas ay pinapasok nito? The f**k! At talagang hindi nangimi ang playboy na 'to na tawagin sa endearment ang katulong nito sa harap niya? What the hell!
"Come on, honey, ihahatid na kita sa taas."
Napalingon siya kay Contreiras nang balingan siya nito habang nakangiti. Is he f*****g insane? Ngayon ay pa-honey-honey pa ito sa kanya pagkatapos nitong tawaging Bhie ang katulong nito!
Inakay na siya ni Contreiras paakyat sa magarang hagdan pero biglang nahagip ng mga mata niya ang isang malaking picture ng matandang babae na nakasabit sa gilid ng pader bago ang hagdan. It could be no other than Contreiras' grandmother. May hawak itong kahina-hinalang royal blue steel suitcase na hindi kalakihan at mukhang customized at bigla siyang kinabahan nang matitigan iyon.
Could it be possible that the Crown Stone is inside that suitcase?
"Who is she?" she asked.
"Yan.. Si Lola Azon." Proud at nakangiti namang pakilala ni Contreiras sa babaeng nasa picture.
"Where is she now?"
"She's gone.. Just a few years ago."
"Oh, I'm sorry to hear that, Dean." kunwa ay walang kamalay-malay niyang hingi ng pasensiya rito. Though, she feels how painful it is to lost a loved ones.
"It's ok, Deb. Death is something inevitable."
"You're right, Dean. But what is that royal blue suitcase? Or what's inside it? It's quite eye-catching." Pasimple niyang tanong sa huli at agad naman itong nagkibit-balikat.
"Honestly, I don't know. Granny never told me in detail. Pero ang sabi niya ay napakahalaga ng laman niyan. She said, it's treasure!" Tumawa pa ng malakas si Contreiras pagkasabi niyon na ibig sabihin lang ay hindi ito naniniwala sa sinabi ng lola nito rito!
"What do you mean, treasure?" Tanong niya habang lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa excitement! Mukhang malapit na niyang mahanap ang Crown Stone! Kaunting-kaunti na lang at mapapasakamay na niya ang batong iyon!
"I don't know, believe me." Tumatawa pa ring sagot ni Contreiras at nagsimula na ulit itong humakbang sa hagdan paakyat. Nagpaubaya naman siya sa bahagyang paghila nito sa braso niya pero sa isip niya ay hindi pa rin siya titigil sa pag-uusisa nang hindi nahahalata.
"Basta ang sabi niya, napakahalaga ng suitcase na 'yan. She even warned me to never open it unless I'm ready to die." muli itong tumawa ng malakas pagkatapos ay umiling-iling.
Confirmed! The Wisdom Store or better known as the Crown Stone is inside that royal blue suitcase!
Pero halatang walang kaalam-alam itong si Contreiras na fuckboy.
Tama lang na warningan ito ng lola nito dahil oras na lumabas ang Crown Stone ay paniguradong manganganib ang buhay nito ora mismo. Maraming magkakagulo at maraming masasamang tao ang hindi mangingiming pumatay ng mga inosenteng buhay mapasakamay lang nila ang kayamanang iyon at ang kapangyarihang taglay niyon sa mundong kanyang ginagalawan.
"Why are you laughing? Do you think your granny is just joking? Where is it now, anyway?" Diretso ang tingin sa harap na sunud-sunod niyang tanong kay Contreiras. Sa paraang iyon ay iisipin nitong nagtatanong lang siya para may mapag-usapan silang dalawa. Hindi nito maiisip man lang na napakahalaga ng impormasyang nalalaman niya mula rito.
"Nah! You know oldies... Medyo nag-uulyanin na kasi noon si Lola. I just thought that what's inside that suitcase are her old photos with grandpa and their love letters. You know, for them, it's treasure. I never dared to open it anyway, dahil nirerespeto ko ang pagpapahalaga riyan ni Lola." medyo emosyunal na pagku-kuwento naman ni Contreiras. Bigla naman tuloy siyang inatake ng konsensiya niya. It is first time in a while na nakonsensiya siya.
"Hindi ka man lang ba na-curious? Where is it now?" Tanong pa rin niya dito.
"Nope. Besides, kuntento naman ako sa iniwan nila sa akin. I have more than enough. Come on, umakyat na tayo para malagyan na ng cold compress ang pasa mo. I hate to see that bruise on your flawless skin."
Tahimik na lang siyang napasunod kay Contreiras hanggang sa makarating na sila sa isang guest room.
Just that one question and he didn't answer her! f**k! It's so frustrating!
Pero ang mahalaga ay may clue na siya, at sigurado na siya na tama ang hinala niya.