Chapter 1 - Assassination
"In the underground world where there are organizations lead by mafia kings, here I am with them, ruling my own kingdom for I am… a MAFIA QUEEN."
5 years ago....
"Dad, do I really have to face your guests tonight? You know how I hate to be in the spotlight. Kayo na lang nina Mommy at kuya ang humarap sa mga bisita mo, please dad." naglalambing niyang pakiusap sa Daddy niya.
She is Deborah Quinn and her Dad is Alfredo Quinn, the most powerful Mafia King in Asia. That's right. Her dad is a criminal and she is aware of that. Pero hindi niya ikinakahiya ang Daddy niya at hindi masama ang tingin niya rito. Why? Kasi ang mga taong ninanakawan at ginagawan lang naman ng masama ng organisasyon ng Daddy niya ay ang mga masasamang mayayaman. Those rich people also steal not just money from people. Sometimes, those crazy billionaires also kill lives for power, stability and even just for fun. Kaya sino ang mas masama?
Her Dad's organization also produce and sell high caliber or firearms pero pinipili lang ng daddy niya ang pagbebentahan ng mga armas na iyon. People might even be shocked if they would know na pati ang kilalang politicians na may matataas na posisyon ay ka-deal ng Daddy niya.
But her Dad's main business in the underground world is selling the most expensive stones in the world.
"Debbie, the program's gonna start in just a few minutes! Come on, sweetheart. People are waiting for us." Nakangiting anyaya pa ng Daddy niya sa kanya kahit ayaw niya sanang makiharap sa mga bisita nito.
Paano ba naman, parang mga goons ang mga bisita ng Daddy niya maging ang lahat ng lalaking nakakasalamuha nito! Hindi naman lahat masama o nakakatakot ang hitsura pero iyon na kasi ang tumatak sa isip niya eversince malaman niya kung ano at sino and Daddy niya.
"Fine. I'll just check my outfit tonight one last time at susunod na ako sa inyo sa labas." pagpayag na lang niya rito.
Today is his 51st birthday and they are celebrating it in their own mansion in Singapore with selected visitors.
Her Dad and Mom are both Filipinos that's why she is also fluent in Filipino language. It's her grandmother on father's side who's only a half-Filipina.
"Okay. Wag ka lang masyadong magtatagal." Bilin pa ng Daddy niya at hinalikan siya ng mariin sa noo niya bago ito naglakad palayo sa kanya kasama ang assistant nitong si Hunter.
She scoffed and walked towards her room. The party is happening outside their mansion.
Kinuha niya ang cellphone niya sa kuwarto niya and was about to go outside when suddenly, she heard loud and continuous gunshots from outside the house!
Napatakbo siya palabas but two familiar men blocked her at the front door. Those weren't her Dad's men, anyway. Umiwas siya agad nang akmang babarilin siya ng mga ito hanggang sa makalapit siya at pinaulanan niya ng maraming suntok at sipa ang dalawa! If they thought they could easily attack and kill her, that's where they are wrong! Bata pa lang ay sinanay na siya ng Daddy niya sa martial arts so that she can protect herself in times like this. Ngayon niya pala pinaka magagamit ang mga natutunan niya.
But both of the goons are so strong too and have a huge body built so they managed to hold her hands and tried to give a strong strike but she avoided it and she escaped from them. She fought back at napatumba niya ang dalawang pangit na goons na sinubukan pa siyang saksakin ng hawak nitong kutsilyo. She gave each of them a good beating and one last strong uppercut until they both passed out. Hindi lang niya maalala kung saan niya unang nakita ang mga iyon but she's sure that she had seen them before.
Nang akma na siyang lalabas sa mansiyon ay siya namang pagpasok bigla ng Tito Steven niya, her dad's closest friend.
"Tito, what's happening outside? I heard gunshots! How's mom and dad—" But she suddenly stopped when she saw him smirked at her. Bigla siyang kinabahan at kinutuban ng masama. That moment, she already knew that he is not on her side.
"They're already dead, Debbie. Even your brother. They're all gone. And you're next..."
May kinuha ito sa bulsa ng coat nito at nanlaki ang mga mata niya nang makitang baril iyon at walang pag-aalinlangang itinutok nito iyon sa kanya. She gulped and her foreheard started to get sweat. At that very moment, she got scared to die. Pero hindi siya natakot dahil mahina siya.. Natakot siya dahil hindi na niya magagawang maipaghiganti ang pamilya niya kung mamamatay na siya!
That devil is a traitor and she must get her revenge!
"Goodbye, Debbie.. Don't worry, your Dad's throne will suit better to me." He smiled devilishly at her and pulled the trigger.
Nahigit niya ang paghinga niya nang tumama ang bala sa dibdib niya. It was so painful... and she was slowly becoming breathless... Hanggang sa tumumba na lang siya sa sahig at binalot ng dilim ang paningin niya.
She thought it was her time to die. Pero nagising na lang siya sa isang kuwarto at nakita niya si Hunter na nakaupo sa isang tabi.
"Hunter..." she weakly called her Dad's assistant. Alerto naman itong napatingin sa gawi niya at tila biglang nagliwanag ang mga mata nito nang makitang gising na nga siya.
Sinilip niya ang dibdib niya kung saan niya naramdaman ang pagtama ng bala kagabi at nagtaka siya na maliit na gauge lang ang nakalagay doon at mukhang hindi naman siya inoperahan doon.
Napansin yata ni Hunter ang pagtataka niya kaya may kinuha ito sa bulsa nito at ipinakita nito iyon sa kanya nang makalapit na ito.
"Your necklace saved you. Ito ang dahilan kaya hindi bumaon ang bala sa katawan mo." He clearly explained to her at napatango naman siya. That necklace was her Dad's gift to her on her 18th birthday. It has a big heart- shaped pendant that is a bit unsual to it's size. Iyon pala ay magiging proteksiyon niya iyon isang araw.
"Si Mommy at Daddy? Si kuya Maynard? Kumusta sila?" She asked and forced herself to sit on the bed.
"They're all gone..." Malungkot at galit na sagot ni Hunter sa kanya. Natigilan naman siya at tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya.
No! It can't be possible! Her dad is a strong and powerful man! Hindi ito basta-basta mamamatay!
"I'm sorry! It's my fault! I wasn't able to protect them!" Yumuko sa kanya si Hunter at kita niya ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao nito. Obviously, Hunter is blaming himself for her family's death.
"We're trying to find out who's behind the attack–"
"No need for that." Putol niya sa sinasabi nito na ikinagulat nito at kahit nanghihina pa ang katawan niya ay inayos niya ang pagkakaupo niya sa kama at sumandal sa headboard niyon.
"How long am I unconscious? And who else knows my condition?" Lumuluha siya pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya. She's hurt but she has yet the time to mourn! Gaganti pa siya! At pagkatapos noon ay saka lang niya ipagluluksa ang pagkawala ng pamilya niya.
"Ako lang. You were uncoscious for 5 hours. I think there's a traitor in our team–"
"There is. And I know who's behind the assassination of my family." matigas niyang sambit kay Hunter habang nakatingin siya sa bintana at lagpasan ang tingin niya. Mariing nagkikiskisan ang mga ngipin niya dahil sa galit at pagkasuklam na nararamdaman niya para sa traydor na kaibigan ng Daddy niya!
"Who is it?"
Lalong kumuyom ang mga kamao ni Hunter pero alam niyang ang galit nito ay hindi para sa kanya kundi sa taong pumatay sa pamilya niya. Hunter has been very loyal to her Dad, that's why he's not just her Dad's bodyguard but also his assistant in all his business dealings, be it legal or not.
"Steven Charlie Leez... That's his name."
Natigilan naman si Hunter at napatitig sa kanya.
"Are you sure?"
"Sure as hell. He's the one who tried to kill me. Now get me out of here. It's payback time." She smirked and got out of the bed, while thinking of the best way to have her satisfying revenge.