Chapter 11 - Secret Enemy

1561 Words
Napangisi na lang si Deborah habang nakatingin siya sa kotse ni Contreiras at naaaninag pa nga niya kung paano ito humihingal. Tsk! Mahinang nilalang! Biglang tumunog ang cellphone niya kaya awtomatikong sumeryoso ang mukha niya. Siguradong hindi si Contreiras ang tumatawag sa kanya kaya walang iba iyon kundi si Hunter. Siguro ay may mahalaga itong ibabalita sa kanya. "Hunter." Bungad niyang sagot matapos pindutin ang answer button ng cellphone niya. "We have a problem." Tumalim ang tingin niya sa kawalan at bahagyang naningkit ang mga mata niya. "Spill it out." "Some expensive items inside your store in Canada were stolen. Mukhang sinadya nilang pasukin iyon habang nandito ka at busy rin ang karamihan sa mga tauhan natin doon na nagdedeliver ng mga armas. They used high quality of grenades that came from Europe and we lost a dozens of good fighters in that sudden attack." "f**k! Who are these bandits?" kuyom ang kamao at nagtatagis ang mga ngiping tanong niya kay Hunter. Ang lakas ng loob nilang nakawan at kalabanin siya! Mukhang inuubos talaga ng kung sinumang kalaban ang pasensiya niya! "We're still investigating. But I think it's the one after your throne." "Hindi niyo pa rin ba nalalaman kung sino ang demonyong yan? Time is running, Hunter! Move quickly and find out who is our enemy!" halos pasigaw na niyang utos kay Hunter. Kung sinuman ang kumakalaban sa kanya ay maaaring may malalim itong dahilan para isugal nang ganoon ang buhay. At iyon ang isa pang dapat niyang malaman. At kapag nagsunud-sunod pa ang mga pag-atake sa mga properties niya ay ibig sabihin lang na gusto na nitong makipag-giyera sa kanya. Kailangan na niya yatang lalong bilisan ang kilos niya bago pa siya nito maunahang mahanap ang nawawalang kayamanan at simbolo ng kapangyarihan sa mundo nila. Nakita naman niya ang paglabas muli ni Contreiras sa kotse nito at muling pagpasok sa bar kaya bumaba na rin siya ulit mula sa kotse niya at pasimpleng sumunod dito. This time ay iba na ang suot niya, nagsuot na rin siya ng wig and she used a little disguise. Tsk. Contreiras is so fond of night life! Natutulog pa kaya ito? "We're on it, Debbie. This enemy is just so cautious. But we already have some lead—" "I don't need a lead, Hunter, I need a goddamn result. And you'll gonna give it to me within this month. By all means necessary, find that son of b***h! Failure is not an option. Tell that to all our men!" "Understood, Debbie." "How about your investigation with Contreiras' friends? Is there any progress or have you gathered any useful information?" "Nothing, Debbie. They're all clean and innocent." "Continue spying on them and dig deeper into their transactions and meetings, be it personal or not. Baka magaling lang silang magtago." "On it." "Carry on." Pinutol na niya ang pag-uusap nila ni Hunter at lihim na ulit siyang nakamasid kay Contreiras na masaya nang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito. Hindi na bumalik ang babaeng kasama nito kanina at nang may nagtangkang lumapit na mga babae rito ay nabasa niya sa mga galaw nito na tumanggi ito sa panlalandi ng mga babaeng iyon. At least, hindi naman pala ito kagaya ng una niyang impresyon dito na hayok na hayok sa mga babae. And it's quite fun watching him pleasuring himself. Nakakatawa. Ang bilis palang tigasan ni Contreiras sa kanya at mas pinili pa nitong kausapin siya kaysa kantutin ang babaeng kasama nito kanina. Boses pa lang niya, nilabasan na ito. What more if she allow him so see her body? Baka maulol ito sa kanya. But before she decide to do that, dapat ay siguradong may kahahantungan na ang mga ginagawa niyang ito. She needs to be certain that she's not wasting time with Contreiras. She atleast needs to have an assurance that he has the Crown Stone. Kahit totoong walang alam si Contreiras sa hinahanap niya, hindi ibig sabihin niyon na wala talaga sa poder nito ang hinahanap niya. Just one clue. Just one clue and she's willing to do it all the way with him just to get the missing stone. "Hi! I see you're alone. Can I join you in this table?" Napatingala siya sa lalaking nagsalita. A tall, handsome man is talking to her with a wide smile on his lips. "You can't." Walang emosyon niyang tanggi rito. If this man is planning to flirt with her despite her not so attractive disguise, he must be blind or out of his mind. "You see, there aren't any vacant chairs left except in your table. I just want to drink. Please?" Muli niya itong tinitigan at nakangiti na ito ng matamis sa kanya. May hawak din itong isang bote ng alak at isang wine glass. "Why don't you sit at the counter bar, then?" seryoso at may bahid ng inis niyang tanong dito. "I did. But some women kept on coming back to seduce me. I just want to drink. Please?" Ulit pa nito sa sinabi kanina. "Fine. Just don't talk to me." Sabi na lang niya rito. Mabuti na rin sigurong may kasama siya sa table niya para hindi siya masyadong makaagaw ng pansin ng iba. Sa paraang iyon ay aakalain ng iba na magkasama sila ng lalaking nasa harap niya at mas maayos rin siyang makakapagmasid kay Contreiras nang walang nagdududa. "Do you always drink alone?" Naniningkit ang mga matang sinulyapan niya ang lalaki sa harap niya. Kakasabi lang niya na wag siyang kakausapin pero kinakausap na naman siya nito! She just ignored him and took a sip from her own drink. Nakasuot din siya ng bucket hat at pasimpleng sinisipat si Contreiras na nasa malayo. Puwede naman sana siyang umuwi na, kaso gusto muna niyang makapag-isip saglit habang nagmamasid sa paligid. Iisipin na lang din niya na totoong nasa bakasyon siya ngayon at umiinom. "Do you know that it's dangerous for a woman like you to drink alone in this kind of place?" Muli niyang nilingon ang papansin na lalaki pero hindi siya gaanong nakipagtitigan dito. Hanggat maaari ay wala dapat makakilala sa kanya kaya kahit may kaunting disguise siya ay doble ingat pa rin siya. "Didn't I make myself clear?" nauubusan ng pasensiyang tanong niya sa lalaki. "If you want to converse, go find someone else to talk to." dugtong pa niya rito. Pinayagan na nga niyang maupo sa table niya, nagdaldal pa! Eh di sana iyong mga babaeng ika nito ay nagpapapansin dito na lang ang kinausap nito hindi 'yong iistorbohin pa nito ang katahimikan niya! "Today was supposed to be a special day of someone very important to me. Pero wala na siya... Ni hindi man lang kami nagkita ulit." She scoffed. Nagdrama pa! Ganyan talaga ang buhay. Mabuti nga siguro ito at isa lang ang minamahal nitong nawala. Eh siya noon, sabay-sabay na biglang nawala ang buong pamilya niya dahil lang sa isang sakim na tao. Tapos ngayon ay may taong gusto rin siyang maglaho. "But it's okay... It'll be fine..." Hindi na lang niya pinansin ang pinagsasasabi ng lalaki. Mabuti na rin sigurong magsalita ito para magmukha talaga silang magkasama at nag-uusap. Napapanuod niya pa rin si Contreiras na magaan nang tumatawa. If ony he's not a womanizer, maybe she would like him. He's really hot and secretly, she enjoyed his kiss. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Hunter kapag nalaman nitong nahalikan na siya ni Contreiras? Tssk. Maybe someday, pagkatapos ng mga problemang kinakaharap nila ngayon ay ihahanap niya ng mapapangasawa si Hunter. Kahit hindi na siya ang makapag-asawa, si Hunter na lang. Tapos ay ipapasa na lang siguro niya rito ang lahat ng maiiwan niya. Sa estado niya kasi ngayon sa buhay niya ay mukhang malabong magkakaroon din siya ng sariling pamilya. Masyadong magulo ang buhay niya. Siguro, kagaya ng nangyari sa Daddy niya ay paulit-ulit lang ding may magtatangka sa buhay ng pamilya niya. She better stay alone forever. In that way, she will remain stronger. Hindi siya magkakaroon ng kahinaang magagamit ng kalaban sa kanya. "The truth is... Though we're not close, masakit sa akin ang pagkawala niya.. Sobrang sakit na parang gusto ko na ring mawala! Pero ipinapangako ko sa sarili ko na ako ang tutupad sa pangarap niya. Papasayahin ko siya kahit wala na siya." Napapikit siya ng mariin sa pagpipigil na singhalan ang lalaking nagdadrama sa harap niya! Heck! What a weakling! Kalalaking tao, masyadong emotional. Hindi na lang niya ito pinansin kahit mukhang sadyang nagpapapansin ito sa kanya. She has no time for anyone's drama. Mabuti na lang at tumayo na rin si Contreiras maya-maya. Pati mga kaibigan nito ay nagsitayo na rin at mukhang mag-uuwian na. "Aalis ka na?" narinig pa niyang tanong ng lalaking papansin sa kanya nang tumayo na siya ilang minuto matapos dumaan ni Contreiras. She didn't mind him and continued walking. "Ingat ka." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ng lalaki sa kanya. Not only his words made her stop, but also his tone. Parang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Or is it only because alam niyang may nagtatangka sa buhay niya? Nilingon niya ang lalaki at nakita niyang nakayukyok na ito sa mesa. Nagpatuloy na lang siya sa paglabas sa bar at kinalimutan ang lahat ng kadramahan ng lalaki kanina. Tomorrow, she'll meet with Contreiras again and she won't let the day pass without him bringing her to his house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD