It's already dark, at naroon na naman siya sa labas ng bahay ni Debbie para magbakasakaling umuwi na ito roon o magpakita na ito ulit sa kanya bigla.
It's been few months since he last saw her. Damn! Pero bakit tila bigla na lang nawala ang dalaga pagkatapos ng araw na iyon?
Matapos niyang ihatid noon si Deborah ay bumalik siya kinahapunan sa bahay nito. Pero ayon sa maid nitong weirdo ay wala raw ito at hindi nito alam kung saan pumunta o kung kailan babalik ang amo nito. Bakit niya nasabing weirdo ang maid ni Debbie? Kasi kakaiba itong tumingin sa kanya, malalim na medyo matalim. Isa pa, masyado itong mausisa, bukod sa may kakaiba din itong ganda. Parang maid na may lahi. Tsk. There's really something different about that maid! Para bang hindi talaga ito maid!
Still, hindi naman siya naakit sa maid na iyon dahil ang tanging nasa isip lang niya ay makita at makausap si Deborah. Pero ano? Kahit araw-araw siya nagpabalik-balik doon sa loob ng isang buwan ay bigo pa rin siyang makita o ni makabalita man lang kay Deborah!
At umabot pa nga ng ilang buwan na wala pa rin itong paramdam! He couldn't even reach her through her phone number!
Bumalik na kaya ito sa ibang bansa? Pero bakit hindi man lang ito nagpaalam o nagsabi sa kanya? She knows how to reach him, pero bakit parang kinalimutan na lang siya nito bigla?
Did she get mad at him because of what he did to her? Nagsisisi na ba itong nakipaglapit ito sa kanya?
Damn! He's so clueless! Mababaliw na yata siya kakaisip!
Sa gitna ng pagmumuni-muni niya ay biglang nag-ring ang phone niya. Nakaramdam siya ng excitement nang maisip na baka si Deborah na ang tumatawag sa kanya! Pero muli ay bigo na naman siya dahil nang tingnan niya ang screen ng phone niya ay nakita niya ang pangalan ni Brian na siya niyang caller.
"Hello?" tinatamad niyang sagot sa tawag nito.
"Pare, I have a good news! Malapit nang umuwi si Clinton! He will be celebrating his birthday with us!"
"Oh, yeah? That's really a good news." kahit papaano ay nabawasan ang sad vibes niya kaya napangiti na siya.
Mabuti naman at uuwi na sa wakas si Clinton. Ilang taon na nga ba itong nawala? Tss. Dahil lang sa pagkabigo sa babae, bigla itong nagbago to the point na kinailangan pa nitong lumayo dahil hindi nito kinaya ang lungkot.
Siguro naman ay nakamove-on na ang kaibigan niyang iyon dahil kung hindi ay siguradong pagtatawanan at aasarin na naman nila itong magkakaibigan dahil sa pagiging broken-hearted nito!
Bigla siyang natigilan. Oo, pinagtatawanan niya rin si Clinton kahit noong mga panahong umiiyak ito sa harap nilang magkakaibigan nang iwan ito ng babaing mahal nito.
Pero nasaan nga ba siya ngayon, sino ang hinahanap niya at ano ang ginagawa niya roon?
Suddenly, a realization hit him. He is only focusing to Deborah since he met her. f**k! Hindi kaya matulad din siya kay Clinton?
No way!!
He will never be like Clinton! Hinding-hindi niya iiyakan ang isang babae! Yeah, Deborah is exceptional but he is not someone who takes a woman seriously! Nakalimutan niya pansamantala na niloko na siya ng isang babae noon. At ngayon, bigla na lang lumayo si Deborah nang wala man lang pasabi! At heto siya na parang asong ulol na hanap ng hanap dito!
Damn! He is a womanizer! At hindi dapat siya naghahabol sa isang babae dahil ang mga babae ang nagkakandarapa sa kanya!
With that thought ay pinaandar na niya ang makina ng kotse niya. If Debbie left and avoid him, fine! Andami pa naman diyan na mga babae!
"Kaya nga, pare. Where are you now? Will you meet up with the gang? I already called William, too, at sinabi ko na rin sa kanyang uuwi si Clinton."
Tuluyan na siyang nag-drive paalis sa harap ng bahay ni Debbie. He's just wasting his time there! Mabuti pang makipagkita siya sa mga kaibigan niya at mambabae na lang ulit siya kaysa maghintay sa wala!
Mabuti na lang talaga at wala pa siyang napagku-kuwentuhan sa mga kaibigan niya ng tungkol kay Debbie, kung sakali ay siya naman ang magiging pulutan at katatawanan sunod kay Clinton! Tsk!
"Yeah, I'm on my way to those lascivious guys."
Natawa naman si Brian na nasa kabilang linya.
"At madadagdagan pa ng isa. Anyway, alam niyo naman na busy ako kaya kayo na lang ang magkita-kita."
"Lagi naman." He smirked then scoff. Hindi naman sa nagtatampo silang magkakaibigan kay Brian dahil bihirang-bihira na nila itong makasama. Minsan pa nga ay parang naaawa na siya ng lihim sa kaibigan niya.
Doesn't Brian get bored? Halos wala na itong oras makipagbonding sa kanila at palagi na lang itong busy sa asawa nito. Isa pa iyon, hindi ba ito nagsasawa na iisa na lang ang nakakatalik nitong babae? Parang ang boring non at nakakawalang-gana! Kaya nga hindi na nakakapagtaka na may mga taong kasal na pero nagagawa pang makipag-s*x sa iba.
Kaya siya, hinding-hindi siya mag-aasawa! Siguro someday, kung gugustuhin niyang magkaanak ay mambubuntis na lang siya.
Bigla na namang pumasok sa isip niya si Deborah at naimagine din niyang may karga itong bata na small version niya.
Tss!!
"When you fall in love with someone, saka mo maiintindihan." natatawang sagot ni Brian sa kanya.
"Fall in love ka diyan. Tingnan mo ang nangyari kay Clinton, wasak!" aniya at lalo lang natawa si Brian sa kabilang linya.
"Pare, kapag nagmahal ka ay hindi naman ibig sabihin na magiging masaya ka na agad. That's what you call pagsubok. Lahat ng nagmamahal ay dumadaan sa pagsubok at doon mo talaga malalaman kung gaano mo ka-mahal ang isang tao. Kung handa ka bang mahalin siya sa kabila ng lahat ng problema at handa kang ipaglaban siya, kung kaya mo bang panindigan ang pagmamahal mo sa kanya. At kung kayo talaga ang para sa isa't-isa ay malalampasan niyo ang lahat ng hadlang sa inyong dalawa."
Tss.. naglecture pa!
"Ang corny mo, pare. Nangingilabot ako sa'yo, alam mo ba?"
Muli na namang tumawa si Brian. Ang saya-saya lang?
"You will know what I mean when your heart beats for someone."
Bigla na namang pumasok sa isip niya si Deborah kaya agad siyang napailing.
He just likes her! At siguro ay natamaan lang ang ego niya na bigla na lang itong hindi nagpakita sa kanya pagkatapos masarapan sa ginawa niya!
But starting tonight, wala na siyang pakialam sa babaeng iyon! Babalik na siya sa pagiging playboy.
"Gago! Bakit, palagay mo ba hindi na tumitibok ang puso ko? Buhay pa ako, gago!"
"It's not—"
"Sige na, nagda-drive ako. Mahawa pa ako sa kabaliwan at kakornihan mo."
Muli pang humalakhak si Brian kaya napailing na lang siya at pinatay ang tawag.
Fall in-love daw... Tss!
Pagdating niya sa bar ni Clinton na paborito nilang puntahan na magkakaibigan ay nadatnan niya roon sina Luke at William. Palagi namang nauuna doon ang dalawang iyon.
"Oh, pare, bakit ngayon ka lang?" Tanong agad sa kanya ni William. Sa kanilang magbabarkada ay ito talaga ang pinakamaingay at napakatsismoso pa!
"Let me guess, nag-biglang liko ka muna?"
Napatingin siya kay Luke at nakita niya ang kakaibang ngisi nito sa kanya, na para bang pinaparatangan siyang nambabae na naman siya! Kung makapang-husga akala mo hindi rin babaero ang gago! Medyo low key lang ang pagiging babaero nito pero alam niyang kagaya rin niya ito! Lahat naman silang magkakaigan ay babaero, pero nagbago na si Brian mula nang magka-girlfriend ito hanggang ngayong may asawa na ito; at nabawas na rin sa listahan ng pagiging babaero si Clinton mula nang mainlove naman ito. Tskk. So ngayon, sila na lang apat nina Luke, William at Bruce ang natitirang babaero.
"Para namang hindi niyo rin gawain." Sabi na lang niya sa sinabi ni Luke.
"Si Bruce pala, wala pa rin?" nagpalinga-linga pa siya sa paligid nila at nakumpirmang wala pa talaga roon ang isa pa nilang kaibigan.
"Wala pa nga. Parang lagi nang late sa jamming natin ang bastardong 'yon. Minsan naman ay hindi na siya nagpapakita. Hindi kaya tuluyan na siyang nabighani doon sa chika babe na 'yon?"
Naalala naman niya ang babaeng iyon na muntik na niyang lapitan sa dance floor kung hindi lang siya inunahan ng Bruce Axell na iyon. What's her name again? Nakalimutan na niya o baka hindi lang talaga niya alam. Hindi naman kasi siya ganon ka interesado sa babaeng iyon. At mukhang tama nga ang hinala ni William na nahulog na sa babaeng iyon ang tropa nila. Tssk. Mukhang may madadagdag na naman sa team boring nilang tropa.
"Speaking of the bastard." mahina niyang turan nang mamataan na kapapasok lang ni Bruce sa bar ni Clinton at palapit na ito sa direksiyon nila.
Ganoon minsan ang tawag nila kay Bruce kapag wala ito at nagbibiruan lang sila. Pero kapag nandoon ito ay tinatawag nila ito sa pangalan, pare, o kung anong tawagan nila dahil baka magalit ito sa kanila. Totoo kasing bastardo ito at hindi pa rin maayos ang relasyon nito sa pamilya ng ama nito hanggang sa kasalukuyan. Ang katunayan ay mortal na kaaway pa nga nito ang kapatid nitong lalaki sa ama.
Sa pag-aabang niya na makalapit sa kanila si Bruce ay nahagip ng mga mata niya ang isang lalaki. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon pero agad din itong umiwas ng tingin sa kanya.
Napakunot-noo siya. Para kasing iyon din ang lalaking minsan niyang nakita sa labas ng store niya sa isang mall at nagkatinginan din sila.
Lihim na lang siyang nagkibit-balikat. Baka nagkataon lang naman iyon.
"Pare! Mabuti at nandito ka na rin." narinig niyang bati ni William kay Bruce.
"Clinton is coming home on his birthday Akalain mo 'yon?" masayang pagbabalita agad ni William kay Bruce.
"Really? It's about time! Masyado na siyang matagal na nawala rito sa Pilipinas." Sagot naman ni Bruce bago kinuha ang nakaabang na baso nito at sinalinan agad ng alak.
"Tama ka, pare. Sana naman ay hindi na siya broken-hearted pag-uwi." muling sabi ni William kaya napailing na lang siya.
"Ang damot kasi, ayaw man lang ipakilala ang chick niya ayon tuloy, iniwanan siya." nakangisi pang dagdag ni William at agad naman iyong sinundan ng tawa ni Luke.
"You assholes, tantanan niyo na 'yong tao." Sagot naman ni Bruce kaya napatitig siya rito.
Mukha nga talagang malapit na itong mag-member sa team boring ng tropa nila! Dati kasi ay tinatawanan din nito si Clinton, pero ngayon ay ipinagtatanggol na.
Napaisip na naman tuloy siya. Kung nagtagal pa kaya si Deborah at madalas pa silang nagkita ay posibleng nakasali na rin siya team boring ng kanilang tropa? Tssk!
Muli na naman tuloy siyang napaisip kung nasaan na nga kaya talaga si Deborah? Tss!