Chapter 16 - Attacks

1533 Words
"Debbie, one of the factories had an explosion! Our men tried to stop the fire, but we still lost a lot." Napakunot ang noo niya kasabay ng pagkuyom ng isang kamao niya at paghinga ng malalim dahil sa balitang sumalubong sa kanya ng umagang iyon. It was a message from Hunter. May ilan pa itong mga mensahe sa kanya ng pagbabalita nito tungkol sa nangyaring pagsabog sa isang pagawaan ng mga armas niya sa Singapore. Damn!! Paunti-unti na talagang gumagalaw ang kalaban at iniisa-isa na nito ang mga ari-arian niya. Iyon marahil ang plano ng kalaban para pabagsakin siya, ang isa-isang sirain ang haligi ng kaharian niya! Pero nagkakamali ito kung inaakala nitong manghihina at liliit ang hukbo niya. She is a Mafia Queen! Hindi nasusukat sa mga armas na iyon at ari-arian ang totoong kapangyarihan niya sa underground world. Her presence itself is already a power! And her words are law! There's a reason why that enemy is in hiding. Alam kasi marahil nito na oras na magpakilala ito ay maaaring katapusan na ng buhay nito. Then, sige, mag-enjoy muna ito kung gusto nito. Pero sa oras na mahuli nila ito ay tapos na ang maliligayang araw nito sa mundo! "The organization has been infiltrated, Debbie. We don't know the extent of the enemy's knowledge about us now." ayon pa sa isang mensahe ni Hunter. "Do everything to catch that spy, Hunter." reply niya naman agad kay Hunter. Mukhang matagal nang pinlano ng kalaban na pabagsakin at patayin siya. Sigurado ring hindi ito nag-iisa dahil hindi nito magagawa ang mga iyon nang walang tulong mula sa iba. Kagabi, makalipas ang isang oras matapos makaalis si Contreiras ay nakapag-ikot siya sa mansion. Mayroon lang siyang ikinabit na isang device sa CCTV camera at nagpause na iyon. Pero sa malas ay wala siyang nahanap na Crown Stone! Damn it! Siguradong itinago talaga ng maayos ang Crown Stone na iyon! Kaya tama lang talaga ang naunang plano niya na kuhain ang loob ni Contreiras. May posibilidad din kasi na mismong si Gerard Dean Contreiras ay hindi alam kung saan nakatago ang Crown Stone, pero maaaring alam niya ang posibilidad kung nasaan iyon. There's really a lot of possibilities kaya hindi puwedeng magpapadalus-dalos siya sa mga desisyon. Babangon na sana siya sa kama nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya at agad din naman iyong bumukas. Walang iba ang nasa labas kundi si Contreiras. Magaan ang awra nitong ngumiti sa kanya sabay hakbang papasok para lumapit sa kanya. "Good morning!" Ang saya ng fuckboy! Nakatikim ba naman kasi ng tahong kagabi! "Uhm. 'morning." "The breakfast is ready. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" masuyo nitong tanong bago umupo sa gilid ng kama. Hinalikan din nito ang noo niya na parang sweet na boyfriend o asawa. Tss. "Okay naman." Sagot niya kahit halos hindi naman siya nakatulog. Naging busy siya sa paghahanap sa Crown Stone pero nabigo lang siya. "Ahm, I'll just fix myself, Dean." "Alright. Would you want me to help you?" Ngumiti ito sa kanya ng pilyo pagkatapos ay kinagat pa ang pang-ibabang labi nito. Agad naman niyang naalala ang ginawa nitong pagdila sa kanya kagabi at mukhang may pahiwatig na naman ang mga titig nito. "No! I can manage. Bababa na lang ako pagkatapos. Kailangan ko na ring makauwi pagkatapos, Dean. Something important came up." Agad namang nabura ang pilyong ngiti nito at napalitan iyon ng... Lungkot? Panghihinayang? Hindi niya masabi. Hindi naman niya masyadong kilala ang mga ganoong pakiramdam. "Oh.. Ok. I thought we can still spend some time today. Sige. Ihahatid kita pagkatapos nating kumain." ngumiti na lang din ito at agad naman siyang tumango. "Thank you." Nang araw ding iyon ay lumipad siya papuntang Singapore kasama si Hunter at personal na inalam ang tungkol sa nangyaring pagpapasabog sa factory niya. Pero hindi pa man natatapos ang araw na iyon ay ninakawan naman ang Store Branch niya ng QJ sa Singapore. Fuck! Kaya imbes na makabalik agad siya sa Pilipinas ay naging busy siya sa pag-aasikaso sa mga negosyo niya at dalawang Linggo pa ang itinagal niya sa Singapore bago naman siya lumipad patungong Taiwan dahil nagkaroon din ng problema ang QJ Branch niya roon. f**k! The bidding is coming near, at mukhang kakailanganin na rin ang presensiya niya roon para ipakita sa lahat na sa kabila ng magkakasunod na mga pag-atake sa mga negosyo niya ay nananatili siyang matatag at walang kinakatakutan. "Hunter, kumusta si Contreiras?" sa gitna ng pagkain niya ng breakfast ng araw na iyon ay naisipan niyang tanungin si Hunter. Ang mga tauhan kasi niya ay hindi direktang nag-a-update sa kanya kundi kay Hunter, puwera na lang kung siya mismo ang magtatanong sa tao niyang iniwan niya para lihim na magmasid at magbantay kay Contreiras. Sa totoo lang, madalas niyang naiisip si Contreiras mula nang umalis siya sa Pilipinas. But she never told anyone about it, of course! Especially Hunter. "So far, wala namang umaaligid sa kanya. Looks like the enemy doesn't know that he has the Crown Stone or that he might know where it is." Napatango siya. Isa sa mga dahilan niya kaya niya pinapabantayan si Contreiras ay dahil naisip niyang baka malaman ng kalaban kung sino talaga si Contreiras, at baka kung ano ang gawin ng mga kalaban niya sa binata. Pero tanging siya lang ang nakakaalam ng dahilang iyon. Sa pagkakaalam nina Hunter ay pinababantayan niya ito dahil baka bigla nitong ilabas ang Crown Stone kaya dapat ay nandoon sila para malaman agad iyon. Siguro, nag-aalala rin siya sa safety ni Contreiras. But it is just a concern for an innocent human being. Wala namang mas malalim na dahilan para mag-alala siya rito. Isa lang naman itong ordinaryong tao para sa kanya. Kahit may mga ipinaparamdam na kakaiba sa kanya si Contreiras kahit ngayong malayo ito sa kanya ay hindi pa rin niya ito dapat pahalagahan. Magkaiba ang mundo nila, at kailanman ay hindi siya magkakagusto sa isang ordinaryong tao lang. "... And he keeps on coming back to your house... everyday. He's been looking for you, Debbie. Be honest with me, may nangyari ba bago tayo bumalik sa Singapore? Is there something you're not telling me?" Mariin siyang napapikit ng mga mata. f**k! Bakit ba kasi napakakulit ni Contreiras?! Nang masiguro niyang magagawa na niyang gawing blangko ang ekspresyon ng mukha niya ay saka siya dumilat at sinalubong ang mapanuring tingin ni Hunter sa kanya. Malakas ang pakiramdam ni Hunter kaya kailangan niyang mag-ingat na wag maipakita ang mga emosyong bigla na lang niyang nararamdaman kapag tungkol na kay Contreiras ang usapan. That is also the reason why hanggat maaari ay iniiwasan niyang magtanong tungkol kay Contreiras. "Wala, Hunter. What could've happened? If you're wondering if he was able to f**k me, he wasn't. Kaya wag ka nang praning." bahagya niya itong sinamaan ng tingin at agad naman itong napaiwas ng tingin sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil alam niyang naiilang si Hunter na pag-usapan ang tungkol sa s*x kaya kapag nagsisimula na itong mag-usisa sa kanya tungkol kay Contreiras ay agad niyang binabanggit ang tungkol sa s*x o mga salitang related doon para matigil na kakausisa si Hunter. "Hmn. So the Crown Stone is still in safety, then. Anyway, I received an intel yesterday that the Darker Underground has been gathering themselves up lately. I really have this bad feeling about it, Debbie." Ang sinasabi ni Hunter na Darker Underground ay grupo o mga grupo, mga organisasyon ng ilang Mafias na lubos na masasama at lihim na nagsasagawa ng mga ilegal na operasyon at mga kasuklam-suklam na mga gawain. Iyon ang mga taong gustong kumalaban sa kanya at pilit na sinisira ang katiwasayan ng mundo ng mga sindikato sa Underground world. Iyon ang mga taong hindi nagpapalamang at gustong nasa ibabaw! Mga taong sobrang ganid na sa kayamanan at kapangyarihan. Mga halang ang kaluluwa at kasing-sama ni Satanas! Pero ni minsan ay walang nagtangka sa mga ito na kalabanin siya ng harapan. Subalit ngayon, mukhang may ideya na sila kung saan kumukuha ng lakas, impluwensiya at suporta ang taong gustong magpabagsak sa kanya. Baka nga isa lang din ang taong iyon sa mga taong nabibilang sa Darker Underground nilang tinatawag. "Let's be ready, Hunter. A war is coming." Nakikini-kinita na niya kung paano dadanak ang sandamakmak na dugo sa mundo nila. Mafia vs. Mafia. Masasama laban sa pinakamasasama. "Talk to the military and our loyal allies in discreet. Gather all the armies and make them ready for an offensive and destructive attack anytime! Kailangang handa tayo sa laban kahit anumang araw o oras nila ito simulan. Burning my factories and stealing from me is just a warning, hindi pa tunay na nagsisimula ang laban. Gusto nila akong takutin para ipakita sa lahat na mahina ako, na hindi ko kayang pangatawanan ang posisyong ito dahil babae ako. But that's where they are wrong. I will never bow to them, I will never lose to them! I will show them why I am the Queen." Tumayo siya at lumagok sa wine glass na hawak niya. Soon... Very soon... They will feel the weight of her wrath! They will dig up their own grave and crawl their way to the hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD