Chapter 18 - She's Back

2053 Words
Nagising si Gerard dahil sa malakas na ringing tone ng phone niya. Hindi dumidilat na kinapa niya iyon sa bedside table at nang makuha ay saglit lang niyang idinilat ang isang mata niya para hanapin at pindutin ang answer button sa phonescreen. "Hello?" Medyo paos pa niyang tanong matapos sagutin ang tawag. Naroon siya ng mga sandaling iyon sa loob ng kuwarto ng isang hotel. Yes, he had a one night stand again. Matapos niyang makilala si Deborah ay kagabi lang ulit siya nakipagsex sa isang babae. He kept on acting the same in front of his friends pero alam niya sa sarili niya na may nagbago sa kanya. But last night, he got so drunk and met a beautiful woman who seduced him and they ended up in a hotel. Pero matapos lang ang isang beses nilang pagsi-s*x ay kaagad din niyang pinaalis ang babae. And even if he was drunk, he never forget to use a damn protection while f*****g that woman. Then, he just decided to sleep in that hotel room dahil tinamad na siyang umuwi. Sayang din naman ang ibinayad niya sa hotel room kung hindi niya susulitin. "What's up, pre? Tanghali na, kakagising mo lang? Mukhang galing ka na naman sa pakikipag-bakbakan. Wala ka pa rin talagang pagbabago ha." Biglang nawala ang antok niya nang marinig ang boses na iyon ni Clinton. Yeah, he's really back! It's been more than a week since he suddenly showed himself in his bar kung saan sila noon nag-iinuman na magkakaibigan. "Pare, don't tell me tumawag ka lang para asarin ako niyan?" Natatawang umupo siya at sumandal sa headboard ng kama habang nananatiling nakapikit. "Of course not. I just called to remind you about my party tonight." Bigla siyang napadilat at bahagyang ipinilig ang ulo niya. "f**k! Is that tonight? Happy birthday, pare!" "Tss. Kung hindi pa pala ako tumawag sa'yo ay hindi mo pa maaalala?" "Of course not, pare. Kakagising ko lang kasi. I got so drunk last night." paliwanag naman niya rito. "Alright. Sige na pare, I just called to make sure that you don't forget about my party later. Ciao!" Napangiti na lang siya habang napapailing-iling matapos ang pag-uusap nila ni Clinton. Since Clinton came back, napansin agad niyang bumalik na ulit ito sa pagiging masayahin. Mukhang ok na ulit ang kaibigan niyang iyon at mukhang tuluyan na itong nakapag-move on mula sa pagkabigo nito sa pag-ibig. Mabuti naman kung ganoon! Silang mga lalaki ay hindi dapat nakasalalay ang kaligayahan sa isang babae lang. Lalo na sa kanilang magkakaibigan! There are a lot of fishes in the sea! Ano naman kung iwan sila ng isang babae, right? It's just one woman, ang dami diyang iba! With that thought, he became more determined to forget Deborah kahit hindi niya pa rin magawa-gawa. Pero pasasaan ba at magtatagumpay din siya. So, he called at an escort agency to hire not just one date for later but two! Ipapakita niya sa mga kaibigan niya na hindi pa rin siya nagbabago, at papatunayan niya sa sarili niya na hindi makokontrol ng isang Deborah lang ang kaligayahan niya! f**k! That night, he came to Clinton's bar and went straight to one of the VIP rooms with two dates. Napanganga at natawa naman sa kanya ang mga kaibigan niya. "Pare, happy birthday!" Saglit niyang binitiwan ang mga date niya para lapitan at batiin si Clinton. "You really haven't changed a bit." Iiling-iling na lang si Clinton sa kanya at sinulyapan pa ang dalawang babaeng dala niya. But he just brought those women to boast, not to f**k those women later. Ewan ba niya, medyo tinatamad na kasi siyang makipag-siping kung kani-kaninong babae. It's Debbie's fault! "I brought two in case you don't have a date tonight, pa-birthday ko na lang sa iyo ang isa." Biro niya rito at ito naman ang napailing sa kanya. "Magdadala raw pare si Bruce ng date ni Clinton." William walked towards them with Luke and reminded him. Oo nga pala, nasabi iyon ni Bruce noong nag-iinuman sila. "Puro kayo kalokohan." naiiling na lang na wika ni Clinton. "Why, pare, hindi ka pa rin ba nakakamove-on? Ang daming babae, mamili ka lang! Forget that woman already!" sulsol naman ni William kay Clinton. "I didn't say anything. Teka lang, ipapahanda ko lang ang mga pagkain at inumin." Mabilis nang nag-excuse sa kanila si Clinton na agad nang lumabas sa VIP room. Nailing na lang siya. Looks like Clinton isn't ready yet to have fun like before. Masyado ba talaga itong nasaktan sa babae nito noon? Tss. He will never be like him, ever! Maya-maya pa ay siya namang pagdating ni Bruce at may kasama din itong dalawang babae. Ang isa ay iyong chicka babe na mukhang kinababaliwan na ng kaibigan nilang iyon at ang isa ay unang beses niyang makita "Whoa, whoa! You brought two beautiful women—" nilapitan niya sina Bruce at balak sana niyang makipagkilala ng maayos sa mga babaeng kasama nito pero tinaliman naman agad ni Bruce ang tingin sa kanya. "Back off. This is Rona, my girlfriend and this is Becka, her friend. Now stay away. Si Clinton?" agad din nitong putol sa sinasabi niya. Damn! Bakit parang nagmukhang napaka-possessive na yata ng kaibigan niya? "He just went ouside." Sagot ni Luke kay Bruce. "Whoa, did you say girlfriend? Since when did you learn how to have a girlfriend, man?" biglang tanong naman ni William kay Bruce na ikinatango niya dahil... Fuck... Bruce hates and avoids being in a relationship as much as he can! But it just suddenly changed! How come? Maya-maya pa ay tila biglang nataranta ang isa pang magandang babaeng kasama ni Bruce na mukhang kaibigan ng girlfriend nito na kung tama ang dinig niya ay Becka ang pangalan. Mukhang lalabas na sana ito pero siya namang pagpasok ni Clinton. Di nagtagal, bigla na lang ay tumakbo palabas si Becka kaya nagulat silang lahat! What the f**k? Lalo pa siyang nagulat nang tumakbo rin palabas si Clinton para sundan ang babaeng iyon! Pati si Axell ay tumakbo rin palabas para sundan iyong babae at si Clinton! What the hell...?! Parang nagkaroon pa ng shooting sa birthday party ni Clinton! Action-drama ang theme. Tsk! Bumalik na lang siya sa upuan niya hanggang sa balingan at lapitan nilang tatlong magkakaibigan ang girlfriend ni Bruce at kausapin. Heck, he really can't believe that Bruce has a girlfriend! At maging sina Luke at William ay gulat na gulat din. Ang mga date naman nila nina William at Luke ay nag-umpukan naman sa isang tabi. "Hi Babe! Are you really Bruce's girlfriend?" Swabeng tanong ni Luke sa girlfriend ni Bruce na Rona pala ang pangalan. "Hmm.. Oo, boyfriend ko siya." Sagot naman nito at sabay-sabay silang tatlong napanganga habang namamangha sa kumpirmasyong iyon ni Rona. Heck... Mag e-end of the world na ba dahil mukha talagang nagbago na si Bruce? Of all his friends, si Bruce ang pinakaayaw makipagrelasyon sunod sa kanya. Maybe because he came from a broken family. But now... May himala! "Really? Since when?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ulit niya kay Rona. Kaya pala ganoon na lang 'agawin' noon sa kanya ni Bruce si Rona dahil may gusto talaga rito si Bruce. "Noong isang buwan lang." sagot naman muli ni Rona. Mukhang matinong babae naman si Rona, hindi kagaya ng mga babaeng nakakasalamuha nila madalas na puno ng kalandian. Napakaganda rin talaga ni Rona at sexy pa, probably that's why their friend Bruce is smitten with her. Tssk. Pero kahit na... Nakakapagtaka pa ring pumasok sa isang relasyon ang kaibigan niyang hate magkaroon ng sariling pamilya. "What the f**k! And yet he kept this a secret to us?" Hindi niya napigilang bulalas. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Bruce. Nang makita sila nitong tinabihan at pinalibutan si Rona ay biglang dumilim ang anyo nito. "Hey, hey, hey! What the f**k are you doing to my girlfriend? Stay away from her, you motherfuckers!" bigla na lang silang tatlo pinagtutulak ni Bruce palayo sa girlfriend nito. "You have your own date, so don't bother my girlfriend!" Seryoso at tila galit pang wika ni Bruce sa kanila. "Nakikipagkuwentuhan lang naman. Don't be too possessive, man!" aniya rito pero inirapan lang siya ng gago. "The party is cancelled. Something came up with Clinton. But if you want to stay, you can. Babawi na lang daw siya sa atin." Sabi pa ni Bruce at kinuha ang kamay ng girlfriend sabay lakad papunta sa pinto ng VIP room. "Are you serious? What the hell? What's more important than his homecoming and birthday party with us tonight?" pahabol na tanong ni William. Parang gusto niyang isaboses ang pag-sang-ayon niya rito dahil... Heck, ilang taong nawala si Clinton tapos ngayong bumalik na ito para makabonding sila sa birthday nito ay ipinagpalit naman sila nito sa kung ano o kanino? "Love-life." sagot naman ni Bruce na muling ikinanganga niya maging nina luke at William. Love-life? Lovelife ni Clinton?? What the hell?! Akala pa naman niya ay natauhan na ang mokong na iyon pero balik na naman pala sa dati? And that Becka.... s**t! Posible kayang iyon ang babaeng kinahumalingan noon ni Clinton kaya bigla na lang naghabulan ang mga ito kanina? Holy s**t! What a coincidence! He couldn't believe it! Tuluy-tuloy nang lumabas sa VIP room si Bruce kasama ang girlfriend nitong si Rona at hindi na pinansin ang gulat na reaksiyon nilang tatlo. "Can you believe it? Clinton left us again for a woman!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni William. "We can't do anything about it. Hindi naman natin mapipigilan ang baliw na iyon. Hindi naman iyon nagpapapigil pagdating sa babae niya." Aniya. Napapailing na lang siya. Nasayang lang ang pag arkila niya ng escort girls dahil hindi naman pala matutuloy ang party ni Clinton dahil sa paghabol nito sa babae nito. Tsk! Now, what? Parang mas gusto na lang niyang matulog ng maaga, wala rin naman siya sa mood uminom. "I'm going home. Kung gusto niyo, sa inyo na ang mga date ko. Don't worry, I've already paid for their services. You can both take them home tonight." tinatamad niyang paalam kina Luke at William na napamulagat naman sa kanya. "Pati rin ikaw?! What's wrong with you people?" Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni William. He suddenly felt tired. Bahala na ang mga iyon kung gusto ng mga itong uminom buong umaga o magpakasasa sa mga babaeng iyon. As for him, seryoso siya sa sinabi niyang uuwi na lang siya. Pagkalabas na pagkalabas niya sa bar ni Clinton ay tila natulos siya sa kinatatayuan niya at tila biglang nanigas ang buong katawan niya. Pakiramdan din niya ay biglang nagising ang dugo at mga ugat sa katawan niya habang napapatitig sa babaeng ilang buwan niyang hindi nakita na ngayon ay nasa harap na niya at nakatitig din sa kanya. Unti-unting lumapit sa kanya si Deborah. He couldn't move his feet to make even a single step, damn it! Halo-halo rin ang nararamdaman niya pero mas lamang ang pagka-miss niya ng sobra kay Deborah. Parang biglang nawala ang tampo niya rito na nararamdaman pala niya at agad niyang kinain ang mga sinabi niya na kakalimutan na niya ito! "D-Deb... Y-You're here... Where have you been?" Halos walang boses niyang tanong. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pinakatitigan pa niya ang mukha nito para masiguradong hindi nga siya namamalik-mata. And it's really her! Bigla na lang ay tila lumukso ang puso niya sa sobrang saya sabay yakap dito ng mahigpit! He smelled her scent and hugged her even tighter! "I missed you honey... Where have you been?" namamaos niyang taong dito. Tuluyan na talagang nawala ang pagkainip, lungkot, frustation o kung anupamang negatibong damdamin niya ngayong yakap na niya ng mahigpit si Deborah. "Dean... I want you to make me happy." Agad siyang napakalas dito at napatitig sa mukha nito. Is she talking about s*x? For the first time, nawala iyon sa isip niya dahil ang buong atensiyon at kamalayan niya ay nakatutok lang sa presensiya ni Deborah, wala nang iba. "W-What do you mean...?" Nalilito niyang tanong pero kasabay niyon ay ang biglang pagragasa ng kasabikan niya na masolo at maangkin si Deborah. "Take me now, Dean... Take me completely." Napaawang ang mga labi niya at lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD