She got surprised when they headed to the guest room imbes na sa mismong kuwarto ni Contreiras. Knowing him as a f**k boy, nakakapagtakang hahayaan siya nitong matulog sa ibang kuwarto nang mag-isa.
Not that she wants something to happen to them that night, nagtataka lang talaga siya.
Nakasunod naman agad ang katulong na tinawag nitong Bhie kanina dala ang cold compress na nakalagay sa isang maliit na palanggana, at hindi niya napigilan ang sarili niyang lalo pa itong pagmasdan.
The maid is chubby and about five feet in height. Medyo malaki rin ang tiyan nito, naka-pony tail ang medyo mahabang buhok nito at parang medyo lawlaw na ang dibdib nito. Sa hitsura nito ay para na itong may-asawa at nagkaroon na ng ilang anak.
"Sir, nasa baba lang po ako kung may ipag-uutos pa po kayo." anito sa amo nito.
"Alright." hindi lumilingon ditong sagot ni Contreiras.
Agad na ring lumabas ang maid at kinuha naman ni Contreiras ang cold compress pagkatapos siyang paupuin sa gilid ng kama. Tumabi ito sa kanya at nagsimulang ilapat sa pasa niya ang cold compress.
"Damn that son of a b***h, whoever he is!" galit na namang sambit ni Contreiras bigla-bigla. Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi ang muntikan nang makasagasa o sumagasa sa kanya.
"Hayaan mo na, hindi naman siguro niya sinasadya. Baka nagmamadali lang siya." sabi na lang niya kahit lihim din siyang nakakaramdam ng galit sa dibdib niya.
"I doubt it. May alam ka bang may galit sa'yo? Are you receiving threats from someone lately? Baka kasi bumalik ang taong iyon at magtagumpay siya next time na masaktan ka. You should always be careful, Deb. I can hire a bodyguard for you if you'd allow me. Or if you want, I can even be your bodyguard for the time being." Puno ng concern naman nitong wika sa kanya. What he doesn't know is she can protect herself from anyone in any time. Kahit nga tulog siya ay bahagyang gising ang diwa niya at nagigising siya agad nang tuluyan sa mahihinang kaluskos sa paligid niya. Even in the dark, she can see through her eyes. Marami na siyang napagdaanan kasama na ang iba't-ibang klaseng training niya sa pakikipaglaban mula bata pa siya, at lalo na nang maging Mafia Queen na siya.
"Wala naman... I'm just on a vacation here kaya imposibleng sinadya iyon." she lied again.
"Don't worry about me, Dean, I can take care of myself." at least iyon ay totoo na.
"Maybe you're right. But still, be extra careful next time. I am worried and I got scared that you won't see me again because of that incident." ramdam niya ang sincerity nito pero tumawa lang siya rito ng mahina. She's really beginning to affect him, huh.
"Bakit naman?"
"Dahil baka maisip mong malas ako dahil may nangyayaring masama kapag magkasama tayo. Yesterday, na-flat ang gulong ng kotse mo. Ngayon naman, muntik ka nang masagasaan. Just, damn! Di ba, hindi mo naman siguro naisip na malas ako sa'yo, tama?"
Lalo siyang natawa sa sinabi ni Contreiras. Halos lahat ng nangyayari ay kasama naman sa plano niya, bukod nga lang iyong motorsiklo kanina.
"Of course not! Honestly, I never thought of that." tugon niya na ikinangiti at ikinahinga naman ng maluwag ni Contreiras.
"Mabuti naman... 'Cause frankly Deb, I really, really like you." sabi pa nito.
Wow! Nagtapat pa ito sa kanya pero tinatawag naman sa endearment ang iba! Such a real womanizer!
Sarkastikong tawa tuloy ang naitugon niya.
"Why are you laughing? Hindi ka ba naniniwala? You're special in my sight, Deb. And I really want to know you more."
"But... Tell me honestly, Dean.. Is there something going on with you and your maid?"
Bigla itong napatayo mula sa pagkakaupo sa tabi niya at hindi makapaniwalang napatingin sa mukha niya.
"What the crap! I mean, how could you say that?" bulalas nito sa kanya. Hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang pagkagulat sa tanong niya.
"Well... You called her Bhie.. Isn't that an endearment? And then you're telling me that you like me? Come on, Dean... Just be honest with me." Alam niya, medyo makapal ang mukha niya sa pagdedemand na maging honest ito sa kanya samantalang siya ay puro kasinungalingan lang ang ipinapakita. But, so what? It's her plan! And he's just a part of it. Pasensiyahan na lang.
Bigla na lang itong tumawa ng malakas na ikinagulat naman niya. He's laughing at her again! But this time ay nagtaka na siya at hindi nainis na kagaya noong una.
"I'm sorry... I'm so sorry kung mali ang dinig mo. I mean, mali ang dating sa'yo. It's B. As in letter B. Not Bhie na sinasabi mong endearment ko sa kanya. My maids, I always forget their names. So I decided to just call them by letters A, B, and C. Except for Manang Dory of course. So, yeah. That's my explanation to you why I called my maid B. Again, it's letter B and not my endearment to her." Pigil ang ngiti nitong paliwanag sa kanya.
Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkapahiya! She was an idiot! f**k! B as in letter B? Eh malay ba niya! Sino ba naman kasi ang baliw na magbabansag ng letters lang sa mga kasambahay niya? Ang alam lang niya ay fuckboy si Contreiras!
"Still... Paano naman ako nakakasigurong ako lang ang gusto mo?" nakataas-kilay niyang tanong dito para mapagtakpan ang pagkakamali niya dahil siguradong namumula na ang pisngi niya! She could never be humiliated, ever!
Muli namang umupo si Contreiras sa tabi niya at hinawakan pa nito ang isang kamay niya. Napansin na lang niya na nasa palanggana na ulit ang cold compress na hawak nito kanina.
"Deb... I must admit, marami na akong naikamang babae. I'm telling you this because I don't want to pretend that I'm a saint and that I am a perfect man. But I did not promise anything to them nor did I tell then that I like them. We were just having fun, that's all! It's not my fault that they throw themselves at me, right? But when I met you, I suddenly felt something different... something special for the first time. I knew from then on na iba ka sa kanila."
"P-Paano mo naman nasabi 'yon?" umiwas siya ng tingin dito. Iba talaga siya dahil tinitingala siya, pinangingilagan at kinatatakutan ng mga kalalakihan! Kabaliktaran sa mga babae nitong handang tumuwad at bumukaka kahit saan!
"Because that's how I see you, Deb. So believe me when I tell you that I really like you. Honestly, ikaw pa lang ang babaeng dinala ko rito. Kahit itanong mo pa sa maids ko. Ngayon lang din ako nagpigil ng ganito."
Napansin niyang bahagyang nagtagis ang mga ngipin nito pagkatapos.
"Nagpigil ng ano?"
"Don't play innocent, Deb. You know what I mean!" bahagya pang tumaas ang boses nito dahil sa frustration. Tumayo ito at napasuklay sa sariling buhok.
"I don't get your point, Dean. Please clarify it to me." She reiterated innocently. But of course she knows what he means! Iyon nga lang, ang role niya ngayon ay ang inosenteng si Debbie.
"f**k! Are we really talking about this, Deb?"
"Talking about what? I really don't know what you're talking about."
"Talking about s*x! I only see and meet women for s*x, Deb! Nothing more, nothing less. But it's different with you. Hindi ko nga alam kung bakit dinala pa kita rito. I never allow any woman in my home, Deb, hanggang hotel lang sila pagkatapos ay goodbye na. You get my point now? I want to f**k you right now pero pinipigilan ko dahil naisip kong baka bigla ka na lang lumayo. Do you now understand what I mean? That's how much I like you! I'm stopping myself from f*****g you right now kahit kayang-kaya ko iyong gawin!"
Talaga ba, Contreiras? Kayang-kaya mo ako??
Awtomatikong sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya pagktapos ng mga sinabi ni Contreiras sa kanya. Bullseye!
"Tinatawanan mo lang ako?" tila masama ang loob naman nitong tanong sa kanya pagkatapos ng reaksiyon niya.
"No! I-I'm sorry Dean... I... I don't know what to say." yumuko siya at pinagsalikop ang mga kamay niya.
"Just tell me honestly how you feel about me, Deb. This feeling is new to me. But I'm willing to try and wait for you..."
"I... I... I am inexperienced about these things, Dean! I know nothing about relationships. My only focus is running a business."
"Y-You mean... You're a..." Hindi nito naituloy ang pangungusap bagkus ay pinasadahan na lang siya nito ng namamanghang tingin.
"If you allow me, I promise you that we'll take it slow..."
"You mean... s*x?" Ano pa nga ba? sita niya rin agad sa sarili niya.
Bigla itong tumawa ng mahina pagkatapos ay ginagap ang kamay niya.
"Yes, baby... I can wait for you... But I can't promise that I can endure a long wait without having a taste of you. Ngayon pa lang ay nanggigigil na ako sa'yo!" napakagat pa ito sa pang-ibabang labi nito habang napapatitig sa kanya ng taimtim at malalim.
Napatitig rin siya rito. Isa nga itong fuckboy na tunay!
"Sorry for being vulgar, baby, wala ka pa nga palang experience."
Yeah, she's inexperienced when it comes to s*x. But she's not that innocent. A strong and powerful woman like her is always ready for anything.
"Okay... I think you need to take a rest now... You can use some of my clothes para makapagpalit ka ng damit, just check it in the closet, ipinahanda ko 'yan kay Manang Dory kanina. As I've said a while ago, wala pa akong dinadalang babae rito bukod sa'yo kaya pagtyagaan mo na lang muna ang mga damit ko." Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya pagkatapos ay masuyong hinalikan ang noo niya. Ngumiti rin siya pabalik dito. Medyo napahanga siya nito na magpapaka-gentleman ito sa kanya sa kabila ng pagiging womanizer nito. Sabagay, sinabi rin kasi nito kanina na handa itong maghintay sa kanya.
"Thank you, Dean..." She smiled sweetly at him.
Pero siya ay hindi na kayang makapaghintay ng matagal! Maybe... She can now let him have a taste of her. Mahirap na kung bigla itong mawalan ng interes sa kanya dahil sa pagpapakipot niya. Mabubulilyaso pa kung sakali ang plano niya kung kailan malapit na malapit na niyang mahanap ang totoo niyang pakay.
"Goodnight, Deb... My room is just at the end of the hallway and you can see it from outside this room. if you need anything, don't hesitate to come to me. I won't lock my door, by the way." ngumiti at kumindat pa ito sa kanya bago umatras at naglakad patungo sa pinto.
"Alright. Goodnight, Dean...."
Just wait a little, fuckboy, and I'll let you have a taste of me. But be ready because it won't be for free.