Jessa Zarossa’s POV
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang paninikip no’n. Muli akong umatras dahil para na akong matutumba nang makita ang dugo sa kawawang lalaki na nakabulagta na sa daan. Naawa ako sa lalaki pero kahit gusto ko naman na tumulong ay wala akong magagawa.
“Ahhh,” bigla naman ako nagulat dahil may natapakan na pala akong paa ng isa sa mga nakiki-usyoso sa naganap na suntukan. Bahagya akong na out of balance.
“Miss okay ka lang?” Napakislot naman ako nang biglang may humawak sa bandang beywang ko kaya agad akong napalingon. Ang lalaking natapakan ko ang paa ang sumalubong sa tingin ko. Bigla akong lumayo sa lalaki para maalis ang ang pagkakahawak nito sa akin.
Marahan akong tumango at inusal ang salitang sorry sa lalaking ngayon naman ay nakaawang ang bibig sa akin at hinahagod ng malagkit na tingin ang mukha ko. Nailang ako sa titig nito kaya tinalikuran ko na ito. I decided to leave dahil na-trigger lang ng kaganapan ang trauma ko. Sa lahat ng ayoko ay ang nakakakita ng nag-aaway, nagsasakitan at nag-sisigawan. Para kasing bumabalik lagi ang ala-ala ng gabi na muntik nang mamatay si Mommy.
Naririnig ko pa rin na tila nagsasagutan na ang lalaking nakabangga ko kanina na nanuntok pati ang babaeng kadadating lang. Pero hindi ko na sila inintindi at nagmamadali akong umalis ng lugar.
Habang naglalakad naman ay hindi ko alam kung saan pupunta. Tuliro na ako at hindi na alam ang gagawin ko matapos ang mga masasamang nangyari sa akin. Wala pa ang tanghali ay napakarami nang nangyari sa akin. Mula sa panghaharang sa akin ng mga goons sa bagong lugar kong tinitirahan, banggaan sa taxi, pagliligtas sa matandang babae tapos hindi naman ako umabot sa interview. Ang masaklap yata sa lahat ay ang pagkakita ko pa lang na karahasan sa tapat ng Del Fiero building. Napailing na lang ako.
Bigla ko naman na naalala ang vouchers na ibinigay sa akin ng ginang kanina. Kahit papaano pala ay may mabuting nangyari sa akin ngayong araw. At least, pwede akong kumain at i-celebrate na agad ang birthday ko sa mamahalin na restaurant ng libre.
Napangiti na lang ako nang mapait dahil naalala ko ang ina ko. Sana man lang dumating na ang panaahon na makakasama ko ito sa birthday ko. Tapos kakain kami sa labas. Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko. Parang naiiyak na naman ako. Naisipan ko na lang na para maging productive ay magpasa na lang ako sa ibang kumpanya ng resume. Tutal naman ay may dala akong extra copies ng resume’ ko.
Dalawang kumpanya ang napasahan ko ng resume’ na kalapit lang naman na building ng Del Fiero. Gaya ng kadalasan na sinasabi ay tatawagan na lang daw ako kapag may bakante na posisyon.
Napagod na ako kakalakad kaya napagpasyahan ko na tumambay muna sa nakita kong minipark. Lumipas ang halos isang oras nang maisipan ko naman na magpunta na sa restaurant para makakain na. Tutal naman ay malapit na ang tanghalian. Isang sakay lang mula dito sa kinalulugaran ko ay makakarating na ako doon.
Nakahanap naman agad ako ng masasakyan pero medyo natagalan ako sa byahe dahil halos ilang minuto naghintay si kuya driver ng pasahero nang huminto ito sa jeepney stop. Pagkarating ko naman sa tapat ng restaurant ay napangiti ako at biglang na-excite. Ang tagal ko na rin hindi hindi nakakain sa restaurant na ito.
Pagkapasok ng entrance ng restaurant ay nilingon ko naman ang kabuuan ng restaurant para maghanap ng bakanteng upuan. Hayan tuloy at lunchtime na, dahil sa delay ko sa byahe ay mukhang naunahan na ako ng ibang customers sa upuan. Marami na ang customers na kumakain.
Bigla naman na may lumapit sa akin na waiter. Malapad ang ngiti nito sa akin at parang nag-sparkle pa ang mata na nagpapa-cute.
“Table for one.” Sambit ko naman sa waiter.
Bigla naman akong itinuro ng waiter sa bandang sulok at iyon na lang daw ang available na table. Nagpunta na lang ako doon na table for four at binigyan na ako ng waiter ng menu. Nailang pa ako dito na tila gusto akong bantayan habang namimili ng menu. Sinabi ko na lang sa waiter na tatawagin siya kapag ready na akong mag-order. Nang makapagpasya kung ano ang mga gusto kong order-in ay tinawag ko na ang waiter at sinabi ang order ko. Nagpapa-cute naman ito habang nililista ang mga sinasabi ko.
Nang maka-alis ang waiter ay nilibot ko naman ang paligid. Halos lahat ng kumakain ay may mga kasama. Bigla na naman ako nakaramdam ng kakaibang lungkot. Lungkot dahil bumabalik ang good memories with my Mommy habang kumakain kami sa restaurant na ito. How I wish na gumaling na siya.
Napabuga na lang ako ng hangin at binaling ang pansin sa loob ng bag ko. Doon ay kinuha ko ang envelope na nilalaman ng resume ko. Binilang ko ang laman kung ilan pa ang extra ko. Wala na palang natira kaya kailangan ko na naman na magpa-print ng mga bagong kopya. Bigla ko naman nakita ang invitation for interview details from Amare Chocolates Phil Inc.
Sayang talaga. Nagkaroon sana ako ng chance sa interview kung hindi lang ako na-late. Muli ko na lang ipinasok ang mga papel sa envelope at inilapag sa gilid ng table. Bigla ko lang kasi naalala ang bayolenteng lalaki kanina.
Bigla naman akong napatingin sa kabilang table nang mapansin na tila kinikilig ang mga ito. Tinignan ko kung ano ang ang pinagkakaguluhan ng dalawang babae at nang tumingin ako sa direksyon na tinitignan nila ay laking gulat ko naman nang makita ang dalawang lalaki na nakabangga namin kanina.
Mukhang dito rin sila kakain at naghahanap ng available na table. Bigla naman akong kinabahan nang magtama ang tingin namin ng lalaki na nakita kong may binubugbog. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit bigla akong nanigas dito sa kinauupuan ko. Iniwas ko naman ang tingin at binaling na lang sa ibang direksyon.
“My gosh! Papalapit sila, besh!” narinig ko naman na sabi ng nasa kabilang table kaya hindi ko na napigilan tignan muli ang mga lalaki at laking gulat ko nang patungo sila sa akin. Nabaling pa ang tingin ko sa nakangising lalaki na mukhang babaero. As far I remember, his name is Lucio.
“Hi, Miss beautiful.” sambit naman ng Lucio na abot hanggang tainga ang ngiti. Mas gwapo ito sa malapitan. Pero dahil mukha itong babaero at nainis na ako dito ay hindi ko man lang ito nginitian. “It seems na wala kang kasama, can we join you?” dagdag na tanong ng Lucio. Proven guilty talaga ito na babaero sa ginagawa nitong asta sa akin.
Napalunok naman ako. Ayoko na makasama ang dalawang lalaki dito sa table. Tumingin ako sa paligid at wala na talagang bakante pa lalo na at oras pa lang talaga ng tanghalian. Pinaramdam ko naman sa dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko na ayokong may kasama sa pagkain.
“Lucio, I think we better look for another restaurant.”
Bigla naman akong napatingin sa lalaking nagsalita at nagtama ang mata namin. Hindi ko namalayan ay napa-awang na ang labi ko. Bigla kong iniwas ang tingin ko dahil sa hindi ko maintindihan at napapaso ang tingin ko sa lalaki.
“Kuya, I wanna eat here. I’ll be late sa screening ng contestants for Bikini Open kung maghahanap pa tayo ng ibang makakainan.” pangungulit naman nung Lucio.
“Tsk!” narinig kong sabi naman ng isang lalaki.
Ayoko man na paupuin ang dalawang lalaki ay napilitan na lang ako dahil pakiramdam ko ay pinagtitinginan na ang table namin. Isa pa at baka dumating ako sa ganitong sitwasyon na mangailangan ng mauupuan at walang magpapaupo sa akin.
“You can join me,” tipid na sambit ko.
Bigla naman na lumapad ang ngiti ng Lucio at nakita ko pa na kagat nito ang ibabang labi habang umuupo.
“Thank you, Miss.” Narinig ko naman na sambit ng isang lalaki na gwapo. Pati boses nito at lalaking lalaki at bumagay sa itsura nito. Pinasadahan ko ito ng sulyap sabay mabilis na tango. Sinigurado ko na wala akong emosyon na pinapakita dito. Umupo ito mismo sa tapat ko pa. Bigla ko naman naalala ang ginawa nito sa kawawang lalaki kanina. Bigla tuloy akong nag-alala doon sa lalaking nakahandusay na kahit wala ng laban ay pinagsusuntok pa rin nitong lalaki gwapo.
Nanatili akong tahimik. Ang lalaking mukhang babaero na Lucio ang pangalan ay tinawag naman ang waiter. Binaling ko ang tingin sa cellphone ko, pero ewan ko ba at ako ay naiilang dahil pakiramdam ko ay tinititigan ako ng lalaking hindi ko alam ang pangalan.
Ilang sandali lang ay bigla naman na dumating ang order ko. Mag-isa lang akong kakain pero naparami ang order ko dahil balak ko naman na i-take out ang matitira para ulam ko na rin mamaya.
“By the way, Miss,” napaangat naman ang tingin ko doon sa Lucio. Bigla naman akong nairita. It’s obvious na nagpapa-cute ito. “Can I get your number?”
“Lucio!” bigla naman saway ng kasama nito.
Ako naman ay napa-awang na lang labi. “Agad agad!?” Ang landi naman ng lalaking ito. Ganito na ba dumiskarte ang mga lalaki ngayon?
Tumikhim ako at sinamaan ng tingin ang lalaki, pero mukhang sanay na itong mambola ng babae. Hindi pa rin naaalis ang ngiti nito sa akin. Oo gwapo ito, pero mas gwapo ang kasama nitong lalaki na sa tingin ko ay kapatid nga yata nito.
“Excuse me, mister.” mariing sabi ko. Hawak ko na kasi ang kutsara at gusto kong kumain na. “I don’t talk to stranger.”
Muli ko naman na binaling ang pansin sa pagkain narinig ko naman ang pagsaway ng kasamang lalaki nung Lucio, matapos ay napabuntong hininga na lang ang lalaki. Tinantanan naman nila ako at dumating na rin ang order nila. Naging tahimik naman ang pagkain namin.
Hindi ko na inubos ang mga pagkain ko. Gutom ako, pero bawat subo ko kasi ay sa tingin ko ay nakatitig ang magkasamang lalaki sa harapan ko dahilan para ma-conscious ako ng husto.
Ilang sandali pa ay tinawag ko ang pansin ng waiter na nakangiting lumapit sa akin. Halata ko pa ang kilig nito.
“I’ll take-out my leftover and bill, please.” Tumikhim pa ako sabay sulyap ng tingin sa lalaking kaharap ko. Bigla naman parang nag-init ang pisngi ko. Nahihiya ako at nakikita pa ako nitong nag-take out. Pero babayaran ko naman ito kaya wala itong pakiaalam dapat.
Kinuha naman ng mga waiter sa mesa ko ang mga tira kong pagkain. Iniwas ko pa rin ang tingin sa dalawang lalaking kaharap ko. Sa peripheral vision ko ay nakatingin pa rin sa akin partikular ang gwapong lalaki sa harap ko.
Mukhang patapos na rin sa pagkain ang mga kasama ko sa table. Dumating na rin ang waiter sa mesa ko at inilapag ang mga nakasupot na iuuwi. Matapos ay ibinigay nito sa akin ang bill. Inabot ng mahigit two thousand pesos ang nakain ko.
Inilabas ko na naman ang vouchers worth three thousand at inipit sa bill matapos ay binigay sa waiter. At least I still have seven thousand vouchers left, in case na mag-crave ako ay magagamit ko pa. Tinignan muna ng waiter ang vouchers at alanganin na tumingin sa akin.
“A-ah e-eh, Mam. Pasensya na po. Hindi po kasi namin pwedeng i-honor itong vouchers na ito dito sa branch. Valid lang po kasi ito sa BGC Taguig branch namin,” sabi ng waiter.
Bigla naman akong kinabahan at tila pinagpawisan ng malapot sa kaba. I don’t have enough cash right now. Nakagat ko ang ibabang labi.
“A-are you sure?” sambit ko sa waiter. Ibinalik naman nito sa akin ang vouchers, and yes, may nakalagay nga roon na valid lang iyon sa nabanggit na lugar. Napalunok ako sa kaba. Maghuhugas pa yata ako ng pinggan. Oh Lord, ano bang kamalasan itong nangyayari ngayong araw.
“Excuse me,” Napa-angat naman ang tingin ko ng marinig ko ang boses ng babaero. Nakangisi ito nang magtama ang paningin namin at matapos ay tumingin sa waiter. “Ako ang magbabayad ng kinain niya.” Dagdag nito sa waiter at matapos ay muling tumingin sa akin.
Napaawang na lang ang bibig ko at agad rin naman umalis ang waiter sa table namin. Hindi ko alam kung ano ang ire-react. Wala naman talaga akong pambayad pero ayoko naman na itong lalaki na ito ang magbayad para sa akin.
“You don’t have to pay for my food. I have money.” Pagsisinungaling ko. Kakausapin ko na lang ang waiter mamaya na maghuhugas ako ng pinggan.
“Don’t worry, Miss beautiful. Hindi naman kita ililibre. Just give me your phone number para i-text na lang kita kapag sisingilin na ki—”
“Lucio, stop it.” Saway naman ng kasama nito matapos ay tumingin sa akin. Sa gwapo nito ay nahihirapan akong tumingin ng derecho pero pinilit kong labanan ang tingin nito. “Don’t mind him. I’ll pay for you bill, no need to give your number to anyone.”
Ibubuka ko na sana ang bibig ko kahit hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.
“Honey, mag-usap tayo.”
Bigla naman na napunta ang atensyon naming lahat sa babaeng lumapit sa amin. Nagulat naman ako dahil ito ang babaeng nakita ko kanina na umaawat kaninang umaga. Magkasintahan pala ang dalawa.
“Cheska, how did you know that we are here!?” ramdam ko ang pagpipigil sa boses ng lalaking katapat ko. His perfect jaw is clenching. Napansin ko din ang pagkuyom ng kamay nito habang hawak ang tinidor.
“I’m trying to call you. Hindi mo na dapat ginawa kay Andrew ‘yun. Nasa ospital siya ngayon.” Wika ng babae na tindig at postura ay malalaman na galing sa mayamang pamilya.
“Don’t make a scene here, Cheska. Andrew deserves what he got. Kung gusto mo ay bantayan mo magdamag ang lalaking iyon. I don’t care anymore.”
“Hone—”
“Don’t you dare call me honey. We’re done!” Bahagyang lumakas na ang boses ng lalaki sa tapat ko.
Napatingin naman ako sa paligid, ang iba ay nakatingin na sa amin. Mapapahamak pa yata ako sa kahihiyan mula sa dalawang lalaki na ito. Marahil ang isa sa dalawang lalaki na ito ay may balat sa pw*t. Naisipan ko na tatayo na lang kahit hindi pa ako bayad sa kinain ko. Tutal naman ay sinabi nitong bayolenteng kaharap ko na siya na ang magbabayad. Hayaan ko na ilibre ako nito kahit labag sa loob ko. Sigurado naman akong hindi na magtatagpo ang landas naming dalawa pagkatapos ng araw na ito. Hindi naman siguro ganoong kasikip ang mundo para makita ko pa ito.
“I still love you, Levi!” sambit ng babae.
Kapangalan pa pala ito ng CEO ng Amare Chocolates.
Akmang magsasalita ako para mag-excuse nang nagulat na lang ako na biglang kinuha ng tinawag ng babae na Levi ang kamay ko at pinagsaklop iyon. Tila libo-libong kuryente ang dumaloy sa sistema ko sa ginawa ng lalaki.
“I don’t love you anymore Francheska! Don’t you see? I have a new girlfriend.” Sambit ng lalaki na nagpatuod sa akin sa kinauupuan ko. Binaling sa akin ng lalaki ang tingin dahilan para manginig ang katawan ko sa kaba...