Levi Del Fiero’s POV
Nagtama ang tingin namin ng babae na nasa tapat ko. Of course, nagulat ito sa sinabi ko na girlfriend ko ito. Naramdaman ko pa ang panlalamig ng malambot nitong kamay.
“Levi, my honey!” I heard Cheska’s voice again. “I don’t believe you. You are head over heels in love with me. I know hindi mo ako kayang ipagpalit nang ganitong kabilis.”
Muli kong nilingon ang ex-fiance ko. She really looks desperate na hanggang dito ay sinundan ako. She’s been calling me many times simula nang naghiwalay kami over a month ago. Isang beses ay nagpunta pa ito sa mansion para lang makausap ako pero hindi ko ito hinarap. Sa sakit na dulot nito sa akin dahil sa panloloko nito ay hindi ko na ito mapapatawad. Even my parents are affected dahil alam kong alam nila na masakit para sa akin ang hiwalayan namin ni Cheska.
Francheska and I have been in a relationship for over six years. Nakilala ko ito sa isang business event. I didn’t really believe in love at first sight until I met her. Dahil sa lakas ng tama ko dito ay nagawa ko pang mag-utos sa mga lalaki na ipahablot ang bag nito para mailigtas ko ito at tuluyan na makilala. My first move was success and since then ay nakipagkaibigan ito sa akin. Hindi ko na hinayaan na may ibang lalaki na umaaligid kay Cheska. I am possessive kahit na magkaibigan pa lang kami.
Cheska has had a long-time best friend since college, Andrew Fuentebella. But obviously, the guy is in love with her. Mukhang hindi nagustuhan ni Andrew ang pagiging malapit ko kay Cheska. Then I discovered that Andrew is my company Amare Chocolates’ main competitor.
Dahil ayokong pati sa pag-ibig ay maging kumpitensya pa si Andrew Fuentebella ay niligawan ko na si Francheska nang pormal. Matapos nang halos dalawang buwan ay sinagot ako nito. That was one of the happiest days of my life at ang alam ko na si Cheska na ang babae na ihaharap ko sa altar.
The competition between my company and Andrew company’s Amour Chocolates intensified. Isang beses ay alam kong sinabotahe pa ni Andrew ang operation ng business ko. Ito lang naman ang alam kong may galit sa akin dahil hindi nito matanggap na ako ang pinili ni Cheska.
Nagsumikap ako sa pagpapalago ng Amare Chocolates, and my company became the lead producer of premium chocolates in the Phillipines and other asian countries as well. Ayoko na masapawan ng Amour Chocolates kaya ginawa ko ang lahat para kami ang manguna sa larangan ng chocolate business. Naging kilala ang Amare Chocolates locally and international. I’m happy because my parents are proud of me, especially my Mom, the founder of Amare Chocolates Phil Inc.
Kapalit ng success ko sa pagpapatakbo ay naging workaholic ako dahilan para mabawasan ang quality time with my girlfriend. Hindi ko alam na ginamit pa iyon ni Andrew para mapalapit muli sa girlfriend ko.
Dahil sigurado naman na ako sa nararamdaman ko kay Francheska ay nag-propose ako dito last year. I really love Cheska at ito na ang nakikita kong ina ng magiging anak ko. Para na rin tigilan na si Cheska ng mga umaaligid dito na lalaki kagaya ng kaibigan nito na si Andrew.
Naging busy pa rin ako sa pagpapatakbo ng negosyo ko na lingid sa kaalaman ko ay nagkaroon na pala ng lihim na relasyon si Cheska kay Andrew. Kaya pala nitong huling mga buwan na bago kami magkahiwalay ni Cheska ay naging malamig na rin ang pakikitungo nito sa akin.
Dahil na-realize ko rin ang pagkukulang ko ay sinikap kong bigyan ng maraming time si Cheska. Isang araw ay plano ko itong i-surprise at nagtungo sa condo nito. Pero ako ang nasorpresa nang mahuli ko sila ni Andrew sa akto. They are having s*x. Labis akong nagalit sa nakita. Halos nagwala ako sa loob ng condo ni Cheska. Hindi ko naman nagawang masaktan si Andrew ng araw na iyon dahil nagmamadali itong tumakas.
Kulang na lang ay masaktan ko si Cheska dahil sa sobrang galit, pero hindi ko ginawa dahil kahit kailan ay hindi ko magagawang manakit ng babae. Nang araw din na iyon ay nakipaghiwalay ako kay Cheska.
Naging bugnutin ako simula nang maghiwalay kami ni Cheska. Halos gabi-gabi ay naglalasing ako at napapabayaan ko na rin ang trabaho ko. Cheska tried to talk to me ng maraming beses para makipag balikan. Nagawa niya lang daw ang pagkakamali dahil naramdaman niya na hindi ko siya pinahahalagahan. Huli na ang lahat dahil sa sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Cheska ay hindi ko na ito kayang patawarin kahit na hanggang ngayon ay sobrang mahal ko pa ito.
Kanina lang ay nakita ko si Andrew pagpasok ko. Ito pa ang may gana na mang-inis sa akin. Dahilan para mabugbog ko ito. Nagpigil ako, but he pushed me on my limit at pinagmamalaki pa na silang dalawa ni Cheska ang magkakatuluyan. Labis pa rin ang sakit sa dibdib ko at hindi matanggap na ang babaeng pakakasalan ko ay nakipag-relasyon sa iba.
“Levi, please.” Muling sambit ni Cheska na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. “I love you. Forgive me.”
“Get lost, Cheska. Hindi na kita mahal.” Nakita ko ang bumalatay na sakit sa mukha ni Cheska.
Ilang saglit naman ay tila kakawala naman ang kamay ng babaeng kaharap ko pero agad kong hinigpitan iyon at tumingin dito ng malagkit.
“I’m sorry, mahal,” sambit ko sa babae na agad namula. “I promise na hindi niya na tayo guguluhin.” Pagkabanggit ko sa babaeng maganda ay muli kong nilingon si Cheska na ngayon ay tumulo na ang luha.
“I swear, tayong dalawa pa rin hanggang sa dulo. Honey,”
Pagkasabi ni Cheska ay agad itong umalis sa kinatatayuan nito at iniwan kami. Tinignan ko pa ang paligid at nakagawa na kami ng eksena. Hindi naman sobrang lakas ng mga boses namin, but I’m sure narinig nang kalapit na nasa table.
“Kuya why did you do that?” Narinig ko naman na banggit ni Lucio na ngayon ay tila badtrip na. Hindi ko ito masisisi dahil mula kaninang umaga na nakita nito ang babaeng maganda sa harapan ko ay alam kong malakas na ang tama nito. But knowing Lucio ay madali talaga itong ma-attract sa magaganda.
Kaninang umaga pa lang na papasok kami sa opisina ay dinadasalan na nito na muling makita ang babaeng sinasakyan ng nakabangga namin. Ang sabi pa ni Lucio ay gusto nitong isali itong babae sa bikini open na isa sa mga annual event na pinagkaka-abalahan ni Lucio. Napansin niya raw kasi na sexy itong babae. Matinik talaga itong si Lucio sa babae dahil kahit hindi naman hapit sa katawan ang suot ng babae ay masasabi nito kung sexy ang isang babae.
Sasagot sana ako kay Lucio nang bigla kong naramdaman ang marahas na paghila ng babae sa kamay nito. Tinignan ko ito at nakita ko ang pamumula sa mga pisngi nito. Tinaliman nito ang tingin sa akin.
“Excuse, mister,” sambit nito na nagtaas na ng boses. “How dare you to use me,” ngayon ay nakakunot na ang noo ng babae. She is beautiful, kanina ko pa siya tinitignan habang kumakain. I don’t know why, there is something in her eyes na masarap lang titigan. Kahit ngayon na galit ito ay hindi naman nabawasan ang ganda ng angelic face nito.
“I’m sorry, Miss.” tanging sambit ko na lang.
“Look, miss beautiful,” bigla naman na singit ni Lucio at ito naman ang sinamaan ko ng tingin, pero hindi ako nito pinansin. “Maybe I will set-up a date para makapag-usap tayo. Pagpasensyahan mo na ang kuya ko sa gina—”
“Date!?” bigla naman na putol ng babae sa sinasabi ni Lucio, masamang titig ang ibinigay nito sa kapatid ko. “Are you out of your mind? Bakit naman ako makikipag-date sa lalaking hindi ko naman kilala.” Bigla naman itong tumingin sa akin “At ikaw naman, paano kung magkita kami ng girlfriend mo at sabunutan na lang ako—”
“Ex! She is my ex-fiance.” Putol ko naman sa sinabi ng babae.
“Ex-girlfriend, ex-fiance, whatever. I don’t care! The point is pinakilala mo akong girlfriend mo na hindi naman tayo magkakilala!” galit pa rin na sabi ng babae sa akin. Nagbuga ito ng hangin at halata talaga ang inis sa akin. “You know what? Mabuti nga at kayo na ang magbayad ng kinain ko. Sa perwisyo pa lang na dala niyo sa akin mula kaninang umaga ay kulang pa nga na kabayaran yan! Hindi bale at mukhang hindi na magtatagpo ang landas natin.”
Bigla naman na tumayo ang babae sabay hablot sa take-out nitong pagkain.
“Hey, Miss!” tawag ko pa dito para muli na humingi ng paumanhin. Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi dumating si Cheska ay hindi ko naman magagawa ang bagay na iyon sa babae. Now problema ko pa na mangungulit uli sa akin si Cheska na makipagbalikan.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinatanaw ang magandang babae na hindi ko man lang nakuha ang pangalan.
“D*mn, Kuya Levi. Nasira ang diskarte ko!”
Tinignan ko naman ng masama si Lucio.
“Pwede ba Lucio, alam ko naman na isasama mo lang sa collection mo ng babae ‘yung tao. Sasaktan mo lang siya.”
“Saktan?” sambit ni Lucio. “Alam mong wala sa anak ng isang Lucas Del Fiero ang nananakit ng babae, Kuya. Ang babae, hindi sinasaktan kung hindi pinapaligaya, especiallly in bed.”
Napalingon naman ako kay Lucio na hininaan pa ang mga huling salitang sinabi pero narinig ko pa rin. Napailing ako pagkatapos.
“Kahit na, Halos every month ay nagpapalit ka ng girlfriend, basta maganda at sexy, nililigawan mo agad.”
“Fine, wala na akong sinabi,” sabi naman ni Lucio na uminom na ng tubig matapos ay tumingin sa akin. “What are you going to do with Cheska? Paano ‘yan at pinakilala mong girlfriend si Miss beautiful, eh hindi naman na magtatagpo ang landas niyo.”
Bigla naman ako napaisip sa tanong ni Lucio. I just shrug. Hindi ko rin alam kung paano kung mangulit si Cheska na makipagbalikan. Mas lalo akong hindi patatahimikin ng babaeng ‘yun kapag nalaman na wala talaga akong girlfriend.
Bigla naman napukaw ang tingin ko sa isang envelope na nasa table at mukhang naiwan ng babae. Kinuha ko iyon.
“What is that, Kuya?” nagtatakang tanong ni Lucio.
“Mukhang naiwan nung babae” sagot ko.
Bigla naman akong nagulat nang buksan ko ang envelope at nakita ko agad ang letterhead ng Amare Chocolates.
What a small world. Mukhang aplikante ang babae sa kumpanya ko pero malamang ay hindi ito natanggap dahil late ito, lalo na at nabangga pa ang sinasakyan nito kanina.
“I think, Lucio, na magkikita pa kami ng future fake girlfriend ko.”
“What?”
“The girl is an applicant for Amare Chocolates,” I said while grinning.
Binasa ko ang details of interview na nakalagay sa papel.
Her name is Jessa Zarossa.
Ibinaba ko ang hawak na papel at matapos ay kinuha ang cellphone ko at nag-dial. Ilang sandali lang ay may sumagot sa kabilang linya.
“Good afternoon, Sir Levi,”
“Good afternoon, Kimberly. I want you to do something for me...”