bc

The Battered Wife's Daughter

book_age18+
10.7K
FOLLOW
97.7K
READ
billionaire
possessive
dominant
aloof
CEO
bxg
lighthearted
first love
virgin
addiction
like
intro-logo
Blurb

DEL FIERO EMPIRE SERIES #3

‼️ Warning : R18+, Mature content, detailed s3x scenes 🔥🔥🥵🥵

Sa edad na thirty ay wala pa na naging kasintahan si Jessa Zarossa. Dahil sa nakitang pang-aabuso ni Jessa ng ama sa ina niya na tuluyan nang nabaliw, ay naging mailap siya sa mga lalaki.

Paano kung kailanganin ni Jessa ang isang Levi Del Fiero sa kanyang tabi para magpanggap na girlfriend nito, kapalit ng trabaho na kinakailangan niya.

Magamot kaya ni Levi ang puso ni Jessa na takot magmahal o magiging dahilan kay Jessa na mas lalo niyang kamuhian ang mga lalaki?

LEVI DEL FIERO & JESSA ZAROSSA

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Note: May “Battered” sa title, but I assure na walang mangyayari na violence between main characters. Warning! Some chapters will include detailed s*x scenes that are not suitable for minors. Read at your own risk. Jessa Zarossa’s POV “Parang awa niyo na kuya, ‘wag niyo akong saktan!” puno ng emosyon na tinig ng isang babae. Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng gulo. May isang kawawang babae na tila tinatakot ng grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan. Hindi ko makita ang mukha ng dalawang lalaki na likod ang nasisilayan ko. “Jessa!” napalingon naman ako sa kaibigan ko na si Joy na nasa tagiliran ko. “Bilisan mo na at huwag pansinin ang gulo.” “P-pero yung—” “Gusto mo bang madamay?” Mariin na sabi ni Joy sabay hablot sa braso ko at halos hilahin na ako sa paglalakad. “Joy!” malakas na tawag ko sa kaibigan ko matapos ang sandaling paglingon sa kaguluhan. “Sino ang tutulong sa babae?” Biglang nanikip ang dibdib ko sa nasaksihan na gulo. Binitiwan naman ako ni Joy nang nakita na nito ang itsura ko at hinawakan sa kamay. Paano ba naman ay nararamdaman ko na ang panunubig ng mata ko. “Jessa.” Mahinang sabi naman ni Joy. Binitawan nito ang kamay ko at inilapit ang katawan sa akin. Naramdaman ko ang paghimas nito sa likod ko para aluin ako. “Huwag kang mag-alala, panigurado ay hindi nila sasaktan ang babae. Kapag bagong salta kasi sa lugar na ito ay kadalasan talaga ay tinatakot nila.” Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang malakas na iyak ng babae. Nilingon ko ang babae na kanina ay binu-bully ng mga kalalakihan na ngayon ay naglalakad na paalis sa pinangyarihan ng gulo at iniwan ang kawawang babae. Tumakbo ako patungo sa babae na nakasalampak na sa sahig. “Jessa!” narinig ko na tawag pa ni Joy pero tuluyan na akong nakalapit sa kawawang babae. “Okay ka lang Miss?” agad kong tanong sa babae na tinulungan ko na tumayo. Kinuha muna nito ang dala nitong bilao. “Yung pera ko kinuha nila.” Hagulgol na sabi nito na tumingin sa mga papalayong lalaki hanggang sa nawala na ito sa paningin namin. “Miss, bakit nila ginawa ‘yun? Sino ba sila? May atraso ka ba sa kanila?” Sunod-sunod na tanong ko. Pero bago pa man ako sagutin ng babae ay may batang lalaki na nagtatatakbo papunta sa amin. "Ate! Ate!" humahangos ito ng lumapit sa amin, matapos ay umiyak ang bata. "Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa’yo?" Pinabayaan ko lang sila, matapos ay binaling na ng babae ang pansin sa akin. Kinausap ako nito at sinabi na hinarang siya ng mga lalaki kanina para kunin ang pinagbentahan niya sa pagtitinda ng kakanin. Labis naman akong naawa sa babae. Nadurog ang puso ko dahil sa naririnig. Kahit nagigipit na ako at kapos na sa pera ay nag-abot ako ng three hundred pesos para man lang kahit paano makatulong dahil baka walang kainin ang pamilya na uuwian ng babae, at laking pasalamat naman sa akin ng babae. "Jessa." Napalingon naman ako kay Joy na nakangiti sa akin. "Alam ko hindi mo kayang tiisin ang mga pang-aabuso sa kababaihan, pero nag-aalala ako sa'yo na baka pati ikaw ay mapahamak kung makikisali ka sa gulo. Alalahanin mo mag-isa ka lang, hangga’t maari ay protektahan mo ang sarili mo." "Don’t worry, Joy. I can handle myself.” Bumuntong hininga lang si Joy ng malalim bago ako tuluyan na kinayag at dinala sa bahay na pupuntahan namin. "Dito na 'yun Joy?" tipid kong sabi matapos kong makita ang loob ng kwarto na tutuluyan ko. "Oo, Jessa." Pasensya ka na kung medyo magulo sa lugar na ito. Alam kong mahihirapan kang mag-adjust, pero ang suggestion ko sa iyo ay kapag may nakikita kang gulo sa paligid mo ay huwag ka na lang makigulo, dahil mahirap na at baka madamay ka. Sa lugar na ito ay meron na mga grupo na naghahari-harian. Maraming mga gangster dito. Wala lang talaga akong mahanap na lugar na mura bukod dito. Isa pa malayong kamag-anak ko rin kasi ang may-ari ng paupahan na ito. Para kung sakali na hindi ka makabayad ay mapapakiusapan ko pa." Sa isip-isip ko ay sino ang mga tutulong sa mga inaabuso na kababaihan sa lugar na ito. Pero sabagay, sarili ko nga na ina ay hindi ko nagawang tulungan nang panahon na kailangan niya ng tulong laban sa Daddy ko. Wala rin akong nagawa. Tumango lang ako kay Jessa. Tama naman siya, kailangan kong mag-ingat sa lugar na ito, dahil hindi ko kabisado ang likaw ng mga bituka ng mga tao dito. Ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung ilang araw bago ako maka-adjust sa lugar na ito na malayong malayo sa mansyon na kinalakihan ko. Ilang sandali lang ay napilitan na akong iwanan ni Joy mag-isa sa lugar na ito. "Salamat Joy, pasensya ka na at naabala kita, alam ko na busy ka dahil malapit ka ng ikasal, pero binigyan mo pa rin ako ng oras para samahan." "Walang anuman, Jessa." yumakap ito sa akin, matapos bumitaw ay may kinuha ito sa bag nito na isang sobre at envelope inabot sa akin na agad ko naman na kinuha at sinilip ang laman kahit na may idea na ako kung ano ‘yun. Nagulat na lang ako nang makita ang ilang piraso ng sanlibong piso. "J-joy? Para saan ito?" Kunot noo na tanong ko. “H-hindi ko matatanggap ito, alam ko na mas kailangan mo ng pera lalo na ikakasal ka na.” Pinipilit kong ibalik ang pera sa kaibigan ko pero bigo ako at tila magagalit na ito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang kunin at ilagay sa bag ko. “Kung tutuusin kulang pa ‘yan sa lahat ng mga naitulong mo sa akin at kay Nanay, Jessa.” Ang sabi na lang ni Joy nang hindi na ako nakapagsalita. Puno ng pasasalamat ang puso ko na mayroon akong natatakbuhan sa oras na kailangan. Hindi na nagtagal si Joy at umalis na rin dito sa magiging bago kong tahanan na kung hanggang kailan ay hindi ko rin alam. Sana ay hindi rin magtagal dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ko sa lugar na ito kung makakakita ako ng karahasan sa mga kababaihan kagaya ng nangyari kanina. Tumungo ako sa pinto na nilabasan ni Joy at ni-lock ang pinto. Napangiwi pa ako sa itsura ng pinto na tila isang tadyak lang ng lalaki ay mabubuwag na. Sana lang ay walang akyat bahay dito dahil sinilip ko ang bintana at masasabi ko na hindi talaga ako safe dito. Malalim na buntong hininga uli ang pinakawalan ko nang tumungo sa bintana at doon natanaw ko pa ang bulto ng papalayong si Joy. Bigla akong dinalaw ng kakaibang lungkot habang unti-unting nawala si Joy sa paningin ko. Ilang araw na lang ay tuluyan na akong mawawalan ng kaibigan na kaagapay dahil uuwi ng probinsya si Joy para sa kasal nito sa long-time boyfriend nito na si Caloy, na anak ng driver namin dati. Bilog talaga ang mundo. Ako ang dating nagbibigay ng pera kay Joy pero ngayon ay siya na. Bata pa lang ako ay kaibigan ko na si Joy. Anak siya ng mayordoma namin sa mansion sa probinsya ng Bicol kung saan ang pamilya ko ay isa sa pinaka-maimpluwensya at tinitingala. Nag-iisa akong anak ng mga magulang ko pero masasabi ko na lumaki akong masaya at hindi kakulangan sa akin na walang kapatid dahil sobra-sobrang pagmamahal ang pinaramdam sa akin. Not until I reached the age of sixteen na unti-unti na nagbago ang pakikitungo sa akin ni Daddy. My sweet and loving father became cold and distant on me. Isa iyon sa malaking palaisipan sa akin hanggang ngayon. Hindi lang sa akin at pati na rin kay Mommy ay nag-iba ang pakikitungo ni Daddy. Si Daddy na never akong pinadapuan sa lamok at hindi ko nakita ever since na nagbuhat ng kamay kay Mommy ay tuluyan na nagbago. Kaya pala madalas ko na nakikita si Mommy na umiiyak ay nagsisimula na si Daddy na saktan siya, emotionally and physically. Hindi ko pa nga agad napansin iyon dahil natataon na nasa school ako at inilihim rin sa akin ng mga kasambahay sa utos na rin ni Mommy para hindi na rin daw ako mag-alala. Nang mag-college na ako ay pinag-aral ako ng mga magulang ko sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila. Napilitan ako na manuluyan sa dormitory at umuuwi lang ako tuwing bakasyon sa school. Habang nag-aaral ako ay lingid sa kaalaman ko na patuloy pa rin ang pananakit ng ama ko kay Mommy. Napansin ko naman na may kakaiba at may lamat na ang pagsasama ng mga magulang ko. Pero siguro dahil hindi handa ang utak ko sa masakit na katotohanan ay pilit na isinantabi ng utak ko ang bagay na ‘yon. Nanahimik ako. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magiging broken family kami. Sa sarili ko ay iniisip ko na hindi kayang saktan ni Daddy si Mommy. Bukod pa roon ay talagang naglihim sa akin si Mommy at mga kasambahay sa kalagayan nila habang nag-aaral ako. Hanggang sa tuluyan na akong naka-graduate sa kursong Marketing Management na mismong si Daddy ang may gusto. Para raw magamit sa mga negosyo namin. Hindi ko ginusto ang kursong kinuha dahil simula pa lang ng pagkabata ay Fine Arts na ang kursong pinangarap ko. Dahil gusto kong maging proud sa akin si Daddy ay mas pinili ko na sundin ang gusto nito. Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko at nagsunog ng kilay para sa mataas na grades. It’s hard on my part na gustohin ang kursong pinili sa akin ni Daddy. Mahirap. I focused on the goal that my father set. Maraming nanliligaw pero hindi ko pinansin. School at dormitory lang ang tanging lugar na alam ko. Bilang sa daliri ko kung ilang beses lang ako sumama sa mga kaibigan ko para gumala o magpakasaya. Lahat ginawa ko para masama sa top of the class. I graduated with flying colors—a Dean’s lister. But still, my hardworks were not enough. I should have graduated Summa or Magna c*m Laude. That was what my father told me. I was depressed. Kahit anong gawin ko ay kulang para sa ama ko. Sa pag-aakala na bibigyan ako ng posisyon ni Dad sa isa sa mga companies na pag-aari namin ay umuwi ako ng Bicol. Nanirahan ako sa mansion namin. I ask Daddy kung magsisimula na ba akong magtrabaho sa company pero hindi ako nito binigyan ng trabaho. Nagsimula ang kalbaryo ko. Kung alam ko lang na hindi ko magagamit ang pinag-aralan ko ay sana pinili ko na lang kung ano ang gusto ng puso ko. Naging tambay pa ako ng ilang buwan sa mansion namin. Doon nakita ko na ang pagpapahirap ni Daddy kay Mommy. Totoo ang mga hinala ko na pilit pinagsasawalang bahala dahil may tiwala pa ako sa ama ko. Isang gabi ay mismong nakita nang dalawang mata ko. Halos patayin na ng ama ko si Mommy. Ilang taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin kung paano ko nakita si Daddy na inumpog ang ulo ni Mommy sa marmol na dingding. Nagtatakbo ako kay Mommy. Duguan na ang ulo nito at ang mata ko naman ay nanlalabo dahil sa mga luha. Akala ko patay na si Mommy. Pilit kong tinatapik sa pisngi ang ina ko para gumising pero wala na itong malay. Mabuti ay agad kaming natulungan ng may pulis na agad rumesponde sa tulong ng mga kasambahay ko na agad tumawag sa presinto. Pati ako ay nadamay sa galit ni Daddy at napagbuhatan ng kamay. Labis ang takot ko nang mga panahon na iyon. That night was my most unforgettable nightmare. After that terrible night, I didn’t see my father anymore. Naglaho siya na parang bula na hindi man lang napagbayaran ang muntik nang pagpatay kay Mommy. And worst, due to severe trauma hindi na tuluyan na nakabawi si Mommy at tuluyan nang naging baliw. Hindi ko alam kung paano magsisimula. I never expected that I will become a battered wife’s daughter. Para akong naulilang lubos. Ang business namin ay hindi ko na-manage. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Daddy dahil sa mga kasunduan na pinasok nito habang nag-aaral pa lang ako. Hindi pala ako ang nakatakda na maging susunod na tagapamahala ng businesses namin. Napunta ang pamamahala sa Tita Deborah ko. Nag-iisang kapatid ni Daddy. Hindi naging madali sa akin ang set-up. Tila malalim ang galit sa akin ng kapatid ni Daddy at sinisisi ang Mommy ko sa pagkawala ng kapatid nito. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Nawalan ako ng kapangyarihan sa tahanan na binuo ng mga magulang ko. Sa loob ng isang taon na pagiging tambay ko ay wala akong ginawa kung hindi ang mamalagi sa bahay at dumalaw sa mental hospital. I was twenty-two years old when I decided to find a job. My Auntie Deborah allowed me to work for other company. I was hurt that instead of managing my own properties, I was forced to work for other. I don’t have a choice. I was twenty-five years old nang nag-resign ako sa trabaho. Lakas loob kong hinarap si Tita Deborah at tahasan na gustong kunin ang dapat na sa akin. Doon ay mas lumabas ang devil side ni Tita at pinalayas ako ng mansion. Wala akong makapitan ng mga panahon na ‘yun. Sa lakas ng impluwensya ni Tita ay pati ang pinaglaban ko sa korte ay nabaligtad. Tuluyan akong nalugmok. Pero nang panahon na lugmok ako ay hindi ko inaasahan na ang Mommy kong wala na sa tamang pag-iisip na ay patuloy pa rin akong na-protektahan. Eighteen years old pa lang daw ako ng mag-transfer ng ten million si Mommy ng lihim sa pinagkakatiwalaan na mayordoma namin. Si Nanay Esther na ina ni Joy. Doon ay binigay sa akin ng mayordoma namin ang pera na itinabi para sa akin ng Mommy ko. Nakabangon ako sa perang iyon na ginamit ko rin na pang-tustos kay Mommy habang nasa mental hospital ito. Nagtayo ako ng sariling negosyo at nakapagbigay ng pera kay Nanay Esther. Fifty percent ng pera ay inilaan ko para sa mental illness lang ni Mommy. Sinigurado ko na hindi ko magagalaw iyon para in case of emergency ay hindi mapapa-alis si Mommy sa mental kapag wala akong trabaho. Computer shop at water refilling station ang pinili kong negosyo na kahit papaano ay nagbigay sa akin ng kita para maging maginhawa ako. Nangarap ako na babangon at kukuha ng lakas para tuluyan na mabawi ang kayamanan na dapat sa akin. Magpapayaman ako hanggang sa kaya ko nang pantayan ang Tita Deborah ko at hindi na ako matapak-tapakan lang. Magdadalawang taon na ang business ko nang bigla naman dumating ang isang malaking trahedya. Nasunog ang water refilling station ko at wala pang isang linggo ay ninakawan at nilimas ang computer shop ko. Sobrang depress ko sa pangyayari that I even questioned why God allowed bad things to happen. Akala ko ay hindi na ako makakabalik at magagaya na kay Mommy na nawala na sa katinuan ang isip. Sa tulong nila Nanay Esther at Joy at sa mga pangaral nila ay muli akong nakabangon. With the same goal na mabawi ang ari-arian nila Mommy at Daddy from Tita Deborah. Naghanap ako ng trabaho gamit ang perang natira sa nalugi kong business. Nakailang palit ako ng trabaho dahil sa kung ano-anong rason ng mga employers kahit pinagbutihan ko naman. Ilang beses akong tinanggal sa trabaho. Gustohin ko man na magreklamo sa Department of Labor ay tila nagsawa akong makipaglaban sa korte simula nang natalo ako. Kahit alam ko naman na ako ang nasa tama at walang basehan ang bintang sa akin. Sa tulong nila Joy at Nanay Esther na umaalalay sa akin ay ilang taon naman na nakaraos ako. Patuloy pa rin ako sa pagdalaw sa mental hospital kay Mommy na nagkaroon ng kaunting improvement. Isang beses nga ay hinawakan ako ni Mommy sa kamay. Napaiyak ako sa pangyayari na iyon dahil tulala lang ang ina ko madalas. I know, there’s still hope for my Mom to return to the real world. At hinding hindi ako magsasawa na maghintay sa panahon na darating ang araw na iyon. And when that happens, I will be the happiest daughter in the world. Now, I’m turning thirty years old after two days. Hindi man lang nakaranas na magkaroon ng boyfriend dala na rin siguro ng takot na masaktan ng mga lalaki kahit madami ang nagtangka na manligaw. Pero hindi lalaki ang birthday wish ko. Trabaho. Trabaho lang sapat na. Binuksan ko ang envelope na binigay ni Joy sa akin. Laman ang ilang print-out ng resume’ na pinasuyo ko. Bagong batch iyon na ipapasa ko bukas sa mga company na target kong pasukan. Sa dami ng napasahan ko ng resume’ ay halos ilan lang ang tumawag at nasa initial interview pa lang ako. Akmang ipapatong ko na ang envelope sa table nang narinig ko na tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko. Unregistered number. Agad kong sinagot na baka isa sa mga napasahan ko ng resume’ “Hello?” “Hello? May I speak to Miss Jessa Zarossa?” “Speaking. May I know who’s on the line?” bigla naman akong natuwa dahil feeling ko ay job interview nga ang tawag. “This is Kimberly of Amare Chocolates Phils Inc., under the Del Fiero Group of companies. Can I invite you for a one-day hiring tomorrow?” Biglang lumapad ang ngiti ko sa labi. Isa ito sa kilalang kumpanya sa Pilipinas. And Amare chocolates are one of my favorite chocolates. Ilang sandali lang ay binigay na sa akin ni Kimberly ang details ng interview kung ano ang dapat isuot, oras at saan. “Yes, Ma’am.” magalang na sabi ko. “One more thing, Miss Zarossa.” Biglang sabi naman ni Kimberly. “Our CEO, Mr. Levi Del Fiero hates latecomer. So kung sa tingin mo na mala-late ka na sa interview pa lang ay huwag ka nang tumuloy dahil hindi na po kayo tatanggapin.” “Copy, Ma’am.” Magalang ko na sabi bago tuluyan na nagpaalam. “Thank you, Lord. Sana matanggap ako.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook