Chapter 7

1921 Words
Jessa Zarossa’s POV Pinilit kong ikalma ang sarili sa tingin ni Mr. Del Fiero. Ewan ko ba at may kakaiba sa mata at titig nito na parang ang sarap tignan. Yumuko ako nang hindi ko na kinaya ang tingin nito. Oo nga pala at narito pa ang Mommy pala nito. Sobrang coincidence naman na sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas ay ang ina pa nitong lalaking kinaiinisan ko ang makakakita sa akin. “Do you know each other?” napalingon naman ako sa ginang at hindi nakasagot, napansin siguro nito ang pagkagulat sa pagitan namin ng anak nito. “Yes, Mommy. She is my employee. My secretary.” Narinig ko naman na sabi ni Levi. Naglakas loob tuloy akong tignan muli ang lalaki na ngayon ay nakangisi sa akin. Natigilan ako sandali at at lumingon muli sa Mommy nito. Nakita ko naman na parang naniwala ang ginang sa sinabi ng anak nito. Magsasalita na sana ako nang muling magpaalam ang ginang sa akin. “Oh, siya sige, hija. Ano nga uli ang pangalan mo?” “Jessa po.” “Jessa, kasing ganda mo ang pangalan mo.” Nakangiti sa akin na sabi ng Mommy ni Levi. “M-mas maganda po kayo, at salamat po sa tulong niyo Ma’am?” patanong na sabi ko. “Aubrey, hija.” Inilahad nito ang kamay nito. “Aubrey Love Del Fiero, and I’m glad to meet you.” Nakipagkamay ako at parang nahiya pa ako sa lambot ng kamay nito. Lumingon naman ito sa anak nito. “I didn’t know na wala na si Mia as your secretary.” saad pa ni Ma'am Aubrey. Tumikhim naman si Levi at nahuli ko itong mataman na nakatingin sa akin. “I transferred her to different department, mom.” Nagkibit balikat na lang ang ina ni Levi at muling ngumiti sa akin at matapos ay lumakad na papunta sa anak nito. “Anyway, Levi. I’m sorry at pinag-alala kita. Kanina kasi na tumatawag ka ay sakto naman na kinausap ako ng doktor at naging busy ako. Please do me a favor at ikaw na ang maghatid sa secretary mo and pay the hospital bills. I’ll meet your dad halfway dahil pati siya ay nag-alala.” Bigla naman na tila sinagot ng Diyos ang dasal ko tungkol sa bills. “Sure, mommy. Mag-iingat po kayo,” magalang na sabi naman ni Levi ng matapos ay hinalikan sa pisngi ang ina nito. Bigla naman natunaw ang puso ko sa nakita. Magalang naman pala sa magulang ang lalaki. Nang tuluyan nang makalabas ang mommy ni Levi ay bigla naman na kumabog ang dibdib ko nang naiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto. Napalunok ako at matapos ay tinitigan ko ng seryoso ang lalaki na dahan dahan na lumapit sa dito sa kama. “What a small world, mahal,” ngumisi pa ito at laking gulat ko na umupo ito sa may kama. Para naman akong biglang na-suffocate. Mabuti na lang at nakasandal na ako dito sa headboard ng kama, kung hindi ay baka natumba na ako sa biglang panginginig ng tuhod ko. Agad akong kumilos nang mabilis kahit parang nanginginig ang katawan ko sa presensya ni Levi. Umurong ako para mapalayo sa lalaki. “Hey, relax. Hindi ako masamang tao. I’m surprise na makikita pa pala kita matapos mo akong takasan last time.” Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa lalaking mataman rin na nakatingin sa akin habang nagsasalita. Kitang-kita ko tuloy ang ka-gwapuhan nito mula dito sa kinauupuan ko. Agad ko rin na sinuway ang sarili ko dahil sa pagpuri sa lalaki. Hindi naman ako dating ganito na mabilis mahumaling sa itsura ng mga lalaki. Lalo na at karamihan sa kanila ay ang purpose lang ay manakit ng damdamin ng babae. Pero ngayon ay naisip ko na baka itong lalaki pa na ito ang magiging sagot sa problema ko. Wala na akong savings para kay Mommy. Kailangan ko ng pera dahil baka pati sa inuupahan ko ay mapalayas ako. Pero umiiral naman itong pride ko at ayokong iparamdam dito na desperada ako para sa trabaho. And one more thing, hindi ko yata kakayanin na magpanggap na girlfriend nito. Ni wala ngang isang lalaki sa edad kong ito na pinayagan ko na manligaw sa akin. Tapos ito, instant ay magiging boyfriend ko? Paano kung pati ang halikan ako ay kailanganin namin para lang patunayan sa ex nito na totoo kaming magkasintahan. Pero bahala na! Sa ganitong pagkakataon ay hindi pwedeng pairalin ang pride. Kapakanan ng ina ko ang nakasalalay. Hindi pwedeng matigil ang gamutan nito. “T-wo hundred thousand, M-mr. Del Fiero," nauutal na sabi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng gwapong mukha ni Levi. "What do you mean, Ms. Zarossa?" Bigla naman akong natigilan na natatandaan pa pala nito ang apelyido ko. "I'll accept your offer to be your secretary and fake girlfriend in exchange for two hundred thousand pesos monthly. Take it or leave it." Kinapalan ko na ang mukha ko at ako na ang nag-presyo kung magkano. Alam kong napakalaking halaga no'n. Kahit wala pang fifty thousand ay sa tingin ko ay kakasya naman. Pero mas okay na magsimula ako sa malaking amount, para may allowance pa in case na makipag-negotiate ito sa halaga na sinabi ko. Siguro naman ay aabot ng fifty thousand ang magiging usapan namin dahil hindi naman madali para sa akin ang magpanggap. Kinakabahan akong nakatitig sa mukha ni Levi dahil alam kong papalag pa ito. Pero laking gulat ko nang lumapad ang ngiti nito sa akin. "I will make it two hundred fifty thousand per month." Napaawang naman ang bibig ko sa narinig. Gusto kong magtatalon ngayon sa tuwa dahil sa sinabi ni Levi. Kung kanina ay halos gustohin ko na magpakamatay dahil sa patong patong na problema ay ngayon naman ay walang pagsadlan ang tuwa ko. Now, I realize na hulog ng langit pala itong si Mr. Del Fiero kahit na paladesisyon ito at inunahan na ang pagpapakilala sa akin bilang girlfriend doon sa ex nito at secretary naman sa mommy nito. "When am I going to start?" tanong ko. "After two days, mahal." sagot ni Levi na nagpatigil sa akin kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. "ARE YOU SURE, hija, na wala kang napansin na kahina hinalang tao na umaaligid sa'yo?" muling tanong sa akin ni Kapitana. "W-wala po." nanghihina pa rin na sagot ko. "Meron ka bang kilala na tao na may galit sa'yo?" muling tanong ni Kapitana. Bigla naman akong natigilan. Isa lang naman ang kilala kong may galit sa akin. My Aunt Deborah. Pero imposible naman na mag interes pa ito na pahirapan ako dahil nandito naman na ako ngayon sa isang depressed area at malamang ay alam na nitong naghihirap na ako. Ang tindi naman nito kung gugustuhin pa na mamatay na ako sa labis na depression sa pera. Narito ako ngayon sa baranggay para i-report ang misteryosong pagkawala ng pera ko sa mga savings account ko. Pero mukhang wala akong mapapala dahil nga hindi nila maituring na pagnanakaw ang nangyari dahil nagamit ng scammer ang cellphone ko at nakuha nito ang OTP. Iimbestigahan pa kaya malamang na matatagalan bago ko malaman kung sino ang may pakana. Umuwi akong laglag ang balikat dahil sa nangyari. Dapat din ay kahapon pa ako nag-report dito sa baranggay. Pero dahil sa nangyari sa akin kahapon sa banko at pagkikita namin ni Mr. Del Fiero ay hindi naman natuloy. Bigla naman pumasok sa isip ko si Levi. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa hindi ko masabi na dahilan. Bukas na magsisimula ang pagiging secretary at girlfriend nito kuno. Kahapon ay pinag usapan namin ni Levi ang set-up habang hinahatid ako nito. Ang gusto pa nga nito sana ay ihatid ako hanggang bahay pero hindi ako pumayag at hanggang sakayan na lang ng tricycle ako nagpahatid. Nakakahiya naman kasi itong patapakin dito sa bahay ko. Laking pasalamat ko na rin at nalutas ang problema ko sa gastusin ng Mommy ko sa mental hospital. Hindi man lang nalakihan si Levi sa offer kong halaga at bagkus ay dinagdagan pa. Pero kapalit no'n ay ang kondisyon na dapat maging kapani-paniwala ang pagpapanggap namin. Napalunok na naman ako habang inaalala ang sinabi ni Levi. Ngayon pa lang ay inaalala ko na ang maaaring mangyari. Sa tingin ko kasi ay paghihiganti rin ang pakay ni Levi kaya gusto nitong pagselosin ang ex nito. But it's none of my business. Ang kailangan ko lang gawin ay pagbutihan ang pag-arte. Dahil ang importante lang sa akin ang ang sasahurin ko mula sa lalaki. Hindi ko naman alam kung anong paraan ang gusto nitong mangyari. Ngayon pa lang tuloy ay parang ayoko na pumasok sa first day of work ko bukas. Umuwi ako ng bahay na maraming gumugulo sa isip. Ang scammer na nagnakaw ng pera ko at si Levi Del Fiero. Kinabukasan ay maaga naman akong pumasok sa unang araw ko bilang secretary. Wala naman si Levi pa dahil may pinuntahan itong meeting muna at mamaya ay dederecho na raw dito sa opisina mga bandang alas diyes pa. Iyon ang sabi ni Mia na secretary nitong papalitan ko. Nauna kasi itong pumasok sa akin. "Grabe! Ang ganda mo, Jessa." sambit naman ni Mia na kanina pa ako tinitignan habang nagtuturo ito sa akin ng mga duties ko. "Kaya pala pinapalipat ni Sir Levi ang table mo doon mismo sa loob ng office niya. Para lagi kang nakikita. Ang swerte mo rin noh? Biruin mo mas mapapalapit ka kay sir Pogi. Brokenhearted pa naman 'yun dahil sa ex niya." Napalunok naman ako sa kaba sa sinabi ni Mia. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil paano kung saktan ako ni Levi kapag nasa loob na kami ng office nito. Mahihirapan akong humingi ng tulong. Madaldal si Mia at marami itong naikwento tungkol kay Levi. Lalo na sa lovelife nito. Workaholic daw si Levi na sa tingin nito ay isa sa dahilan kaya nag-cheat ang ex-fiance nito. Dahil nawalan ng time. Ako naman ay patuloy lang sa pakikinig habang sineryoso ang trabaho. Ayoko rin na masyadong magbigay ng info at baka madulas pa ako. Hindi pa naman daw na-announce ni Levi na magkasintahan kami. Na sa tingin ko ay itatago namin dito sa opisina. Lumipas naman ang ilang oras at ilang sandali naman ay alam ko na dadating na si Levi dito sa opisina. Si Mia naman ay nagpunta muna sa department na lilipatan niya at may iniwan lang sa akin na clerical jobs. Sabi lang nito na babalikan niya ako mamayang after lunch. Hindi ko alam kung bakit bigla ako hindi mapakali. Nagpunta muna ako sa restroom para tignan ang itsura ko. Fresh pa naman ako sa suot kong blouse at skirt na five inches above the knee. Matapos tignan ang sarili ay bumalik ako sa table ko. Hindi pa man ako nakakaupo ay nag-ring naman ang telepono at nang sinagot ko ay mula sa reception ang tumatawag. "Miss Jessa, si Miss Francheska po papa-akyat d'yan sa opisina ni Sir Levi .Pinigilan na po siya pero ayaw po magpapigil." Bigla naman akong kinabahan sa narinig. Ibinaba ko ang tawag matapos ma-inform ng reception ang unwanted guest. Ilang sandali lang ay narinig ko na lang ang yabag ng naka-takong na papalapit sa akin. Napatayo na lang ako nang makarating ng tuluyan sa table ko ang babaeng nakita ko na noong nakaraang araw. Agad kumunot ang noo nito pagkakita sa akin. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "I knew it! You are just an employee here, not Levi's girlfriend"...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD