Jessa Zarossa POV “I knew it! You are just an employee here... not Levi’s girlfriend.” Mababakas ang galit sa magandang mukha ni Cheska. Humakbang pa ito papalapit sa akin. Sa kilos at awra nito ay mukha naman na hindi ito ang tipo ng babae na palengkera na makikipag sabunutan o mahilig mag-eskandalo. Mukha naman na wala itong balak na manakit. Nanatili akong nakatayo at hindi nagpatinag kay Cheska. “Tell me,” muling sambit ni Cheska na nasa harap ko na ngayon. Halos magkasing-tangkad lang kami kaya derecho kong natitigan ito. Ayoko naman na magpasindak dito. “Rebound ka lang ba ni Levi or pinilit ka lang niya na magpanggap para maging girlfriend? Tell me!" Naniningkit pa ang mata nito sa akin. Bigla naman akong kinabahan na baka may masabi akong mali kaya pinilit kong panindigan ang p