Jessa Zarossa’s POV
Ilang sandali na nagpatuloy ang malakas na kabog ng dibdib ko. Sa tingin ko naman ay dahil lang ito sa kaba ko kanina pa tungkol sa final interview ko. Hindi dahil sa malagkit na titig ng lalaking nasa swivel chair.
Ilang sandali ang nakalipas ay bigla nang nag-sink in sa akin ang sinabi ni Mr. Del Fiero. Tumikhim ako.
“Ikaw?” ang nasambit ko na lang. I don’t know how or what to react tungkol sa sinabi nito. Last time I know ay sinungitan ko pa ito, then magiging amo ko pa yata ito ngayon. Ang awkward sa pakiramdam. Gusto kong humakbang paatras at umalis dito sa office ng lalaki pero hindi ko magawa.
Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng lalaki ay ito pa ang magiging amo ko?
“Yes, ako nga,” sambit ni Mr. Del Fiero. Bigla naman itong tumayo mula sa swivel chair nito. Mas lalo akong kinabahan nang bigla na lang itong lumapit sa akin. Ngayon ay malapit na ang pagitan namin. Pinilit kong labanan ang tingin nitong nakakapaso para ipakita na hindi ako intimidated dito. Ewan ko kung bakit biglang bumigat ang paghinga ko.
“Do you want to work here in my company?”
I wanted to smile sarcastically pero hindi ko ginawa. Wala yatang common sense itong lalaking kaharap ko. Hindi naman ako siguro pupunta dito para mamasyal lang. Of course, I wanna work here dahil kailangan ko ng trabaho.
“Yes,” tipid na sabi ko na lang. Gusto ko man pilitin ang ngiti sa labi ko kahit kaplastikan lang ay hindi ko magawa. Bumabalik ang inis ko dito sa lalaki dahil sa nangyari noong isang araw. Mabuti na rin at medyo kumalma na ang t***k ng puso ko at nakakaya kong titigan ang mukha nitong kaharap ko.
“Then, be my fake girlfriend na ihaharap ko sa ex-fiance ko. Kapag pumayag ka, you’re hired automatically as my secretary.”
Kumunot ang noo. So, may kapalit?
Doon na ako napangisi mula sa narinig kay Mr. Del Fiero.
“Seriously, Mr. Del Fiero?” hindi ko na napigilan na tumaas ang boses ko.
“I’m serious right now.” Balewala naman na sagot nito kahit pinahalata ko na ang disgusto ko sa sinabi nito.
“Kung may kapalit ang position na offer sa akin dito, then I think I’m just wasting my time here. Humanap ka na lang ng ibang babae na papayag sa gusto mo.”
Akmang tatalikod ako pero nagulat ako nang hinawakan ako ni Mr. Del Fiero sa braso. Parang libo libong kuryente ang dumaloy doon sa pagdikit ng palad nito sa balat ko.
Napaawang naman ang labi ko at muling napapatig sa lalaki, ngayon ay mas malapit na ako dito, dahilan para mas maamoy ko ang katawan nito. Napalunok ako.
“Miss Zarossa, please. Ang alam ng ex ko ay ikaw ang girlfriend ko kaya dapat magpatuloy tayo sa pagpapangga—”
“What the—” Putol ko sa sasabihin ng lalaki sa akin pero hindi ko naman maituloy ang sasabihin ko. Tinaasan ko na lang ito ng kilay sabay kuha sa braso ko. Umaatras ako dito dahil parang ma-suffocate ako sa pagkakalapit dito.
“Miss Zarossa, please.” muling sambit ni Mr. Del Fiero.
At least he manage to say please. Pero naiinis pa rin ako sa word nito na dapat daw ipagpatuloy ang pagpapanggap.
“I’m I obliged to pretend as your girlfriend dahil lang sa pagsisinungaling mo sa ex-fiance mo? It’s not my problem anymore, Mr. Del Fiero. Ikaw ang gumawa ng sarili mong problema at hindi ako ang solution mo.” Mariing sabi ko na agad din akong tumalikod. Mabilis akong kumilos para lumabas at sinigurado kong hindi na ito makakahabol sa akin.
“Hey, Miss Jessa Zarossa!” narinig ko pang tawag ni Mr. Del Fiero. Nakapasok na ako sa loob ng elevator akmang hahabol pa nga ito sa akin kaya kinakabahan akong pinindot and close button. Akala ko ay mahahabol nito ang pagsara ng pinto ng elevator pero mabuti na lang ay sumara na iyon.
“D*mn it!” narinig ko pang mura ni Mr. Del Fiero
Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang tuluyan na bumaba na ang elevator. Kinakabahan akong makasalubong ko pa si Miss Kimberly at magtaka kung bakit bigla akong umalis gayon na alam nito na kasalukuyan akong nakasalang sa interview.
Gigil talaga ako sa lalaking iyon. Bakit ba may mga taong sasamantalahin ang gipit na sitwasyon ng iba para sa sariling interes. The heck! Malay ko ba kung ano ang gawin nito sa akin sa pagpapanggap na gusto nito. Malay ko ba kung mapang-abuso itong tao at masaklap ay rape-in lang ako. O kaya bugbugin ako.
Sayang lang ang pamasahe ko sa pagpunta dito. Kung minamalas ka nga naman oh.
Dahil sa inis ko ay dumerecho na ako ng uwi ng bahay. Nagkulong na lang ako doon. Gustohin ko man na maging productive ay hindi ko na magawa dahil sinira na ng Levi Del Fiero na ‘yun ang araw ko. Maghapon akong nagmukmok sa loob bahay.
Nawawalan na rin ako ng pag-asa na magkaroon ng bagong trabaho. Pero biglang pumapasok sa isipan ko ang Mommy ko. Sa mga ganitong pagkakataon na nawawalan ako ng lakas para lumaban sa hamon ng buhay ay ginagawa kong inspirasyon si mommy para magpatuloy. Kaya naisipan ko na bukas na bukas din ay maghahanap pa rin ako ng bagong trabaho.
Sa ngayon ay ipapahinga ko pa ang utak ko sa mga masasamang nangyari sa akin nitong nakakaraan na araw. Kinagabihan ay nagpasya akong maaga na matulog. Naisipan ko naman na tumawag muna kay Joy at kamustahin ito.
“Joy, kamusta?”
“Jessa, mabuti naman. Heto, super excited sa araw ng kasal ko.”
Maraming nai-kwento ang kaibigan ko. Sobrang na-miss ko rin ito lalo na ang ang ina nito na si Nanay Esther. Hindi rin ako nakapagpigil nang i-kwento ko ang tungkol kay Mr. Del Fiero at kung paano ko ito nakilala.
“Talaga, Jessa?” tila kinikilig pa na sabi ni Joy.
“Teka, bakit parang kinikilig ka pa d’yan?”
“Eh, kasi ay cute ng pagkikita niyo. Parang destiny pa talaga at sobrang coincidence pa na magiging future boss mo siya.”
“Eh, sino naman nagsabi na magiging future boss ko siya, Joy? Meron pa naman sigurong magandang kompanya na pwede kong pasukan.”
Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako kay Joy. Hindi na rin kasi ito natapos ng panunukso sa akin.
Matapos maglinis ng katawan ay nag-browse muna ako ng mga pwedeng pasukan na kumpanya. Nagpasa muna ako ng mga resume online. Bukas ay aalis ako at magbabakasakali na maka-apply at makapagbigay ng resume sa ibang employers.
Wala na akong pera kaya kailangan kong mag-withdraw sa natitira kong savings na nasa banko. Pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot iyon dahil wala ng thirty thousand pesos iyon. Sobrang nagigipit na ako at tipid na tipid. Nakatulong din naman ang iniabot ni Joy sa akin na pera.
Pahiga na ako at tinignan ko muna online ang perang nasa banko kung magkano na lang ang natitirang pera na nakalaan para sa gamutan ni Mommy. Nakakapanlumo dahil alam kong hindi sasapat ng isang taon ang halaga na iyon. Kahit anong hirap ko talaga sa buhay ay hindi ko ginagalaw ang perang iyon. Okay lang na mag-ulam ako ng asin huwag ko lang magalaw ang pera na nakalaan kay Mommy.
Nakuyom ko na lang ang palad ko. Naalala ko naman ang businesses ni Daddy na dapat ako ang namamahala. Kamusta na kaya iyon. Kailangan ko nang mabawi iyon mula kay Tita Deborah. Pero sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pag-asa na makukuha pa ang yaman ko. Sa katayuan ko ngayon ay mukhang mahihirapan na akong mapantayan at makalaban ang Tita ko.
Nilagay ko na ang cellphone ko sa may sidetable bago matulog. Ipinikit ko na ang mata ko. Ewan ko ba kung bakit nahirapan akong dalawin ng antok. Bawat pikit ng mata ko ay tila nakikita ko pa ang mukha ni Levi Del Fiero. Sa sobrang inis ko sa lalaking ‘yun ay pati pagtulog ko pinepeste nito.
Naka ilang biling na ako sa kama. Huling tingin ko sa orasan ay mag alas onse na at hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog.
Nagising ako ng madaling araw nang maramdaman ko na naiihi ako. Binuksan ko ang ilaw. Bigla naman akong nagtaka dahil napansin ko ang naka-awang na bintana. Agad akong nagtungo doon at isinara.
“Gosh!” sigaw ng utak ko. Ang alam ko ay isinarado ko ito bago ako matulog. Bigla tuloy akong napa-isip kung naisara ko nga agad. Napabuntong hininga na lang ako at mabuti ay hindi ako pinasok ng masamang loob dito habang natutulog.
Kailangan ko talagang maka-alis dito sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.
Ewan ko bakit parang hindi mawala ang kaba ko hanggang makabalik ako ng kama at tuluyan na humiga. Ilang sandali naman ay nakatulog at nagising na lang ako dahil narinig ko na parang may nag-aaway. Agad akong sumilip sa bintana at napatakip na lang ako ng bibig nang makita ko na may rambulan na naman ng mga gangster.
Natakot tuloy ako na lalabas ako mamaya. Lumayo na ako sa bintana dahil baka biglang makakita ako ng dugo at mahimatay pa ako. Ilang sandali lang ay tumungo na ako sa kama at umupo doon kinuha ko ang cellphone ko na nasa table.
Napakunot naman ang noo dahil nang binuksan ko ang mga messages ay hindi ko alam kung bakit nabura ang lahat ng naroon. Bigla akong kinabahan. Imposible naman na nagbura ako ng messages sa inbox ko. Bigla ko tuloy kinalkal ang contacts ko. Doon na ako tila nanlambot at buong katawan ko ay nanginginig dahil pati contacts ko ay burado.
Doon na ako napatayo at napahawak sa dibdib ko. Nanginig na ang tuhod ko dahil sa kakaibang takot na naramdaman. Puno pa rin ng tanong ang isip kung ano ang nangyari. Bigla kong tinignan ang online banking ko. Doon ako mas nanlumo at muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan. Nalimas ang laman ng savings account ko pati na rin ang perang nakalaan kay Mommy. Tanging maintaining balance ang natira.
“No!”
Gusto kong mahimatay pero nilakasan ko ang loob ko. Mabilis akong kumilos. Naligo, nagbihis ng simpleng plain tshirt na tinernuhan ko ng jeans at rubber shoes. Matapos ay humahangos akong umalis ng bahay.
Kailangan kong makapunta ng banko para mai-report ang nawawala kong pera. Nagbyahe agad ako papunta kung saan ang branch ng mismong banko. Labis ang dasal ko habang nasa byahe na maibalik sa akin ang pero ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari ito. Wala naman na nawawala asa bahay namin. Paano na parang may nangialam sa cellphone ko.
Nakarating na ako sa banko na humahangos pa dahil lakad takbo ang ginawa ko. Pagkapasok ng banko ay agad rin naman ako na inasikaso ng guard.
“Miss, nawalan ako ng pera sa sa account ko!” agad kong sabi sa teller na agad rin naman tinignan sa record nila.
“Ma’am, base po dito sa records niyo ay nag-transfer po kayo sa isang charity kaninang madaling araw.”
“Hah?” nagulat ako sa sinabi ng teller. “P-pero, that’s impossible tulog ako kagabi at wala na akong transactions na ginawa. I need my money back. Please miss tulungan mo ako!”
Halos magmakaawa ako sa teller na ibalik ang pera ko pero hindi raw nila magawa dahil valid ang transaction. Binigay ko raw ang OTP ko.
Gusto kong magwala sa loob ng banko. Bakit ba napakamalas ko. Ang perang iyon ay para sa Mommy ko. Okay lang siguro kung pera ko na lang ang nawala. Pero hindi eh, nalimas ang tanging pera na mayroon ako, para sa akin at para kay Mommy.
Nasa harap pa ako ng teller pero tumulo na ang luha ko out of frustrations. Nahalata naman ng teller ang dinaramdam ko at binigyan pa ako nito ng tissue. Ilang sandali ang lumipas ay napilitan na akong lumabas ng banko.
Para akong mababaliw sa problema ko kung saan ako kukuha ngayon ng pera. Hindi pwedeng hindi ako magbayad sa mental hospital ng p*****t for use of facilities nila.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Pinagtitinginan pa ako ng guard habang papalabas ng pinto dahil nga namumula na ang mata ko na halata akong umiyak.
“Mommy,” usal ko. Guston kong sumigaw. Lord, bakit niyo po ako pinapahirapan? Nakaramdam ako ng hilo dala ng gutom, pagod at stress. Bigla naman akong na-out of balance.
“Miss!” hindi ko alam na lang humawak sa likod na agad rin akong napalingon.
“S-sorry po,” sambit ko naman sa ginang na may edad na. Sa dami ng iniisip ko ay nagkaroon pa rin ako ng panahon na purihin ang ganda ng ginang na nakakita sa akin.
“Are you okay, hija?” para naman napakabait ng approach sa akin ng ginang. Maamo ang mukha nito kaya mahahalata talaga na mabait ito.
Pinilit kong tumango kahit hindi ako okay. Ilang saglit pa ay hindi na talaga kinaya ng katawan ko ang panlulumo. Naramdaman ko na lang ang pagdidilim ng paningin ko at ang biglang pagsigaw ng ginang kanina. Bago tuluyan na pumikit ang mata ko ay naramdaman ko na lang ang pagsapo sa akin ng isang guard dahilan para hindi ako tuluyan na bumagsak sa lupa.
“UHHHMM...” BAHAGYANG ungol ko habang dahan-dahan na minumulat ang mata.
Tumambad sa akin ang puting ceiling.
“Hija, salamat at gising ka na.”
Bigla ko naman na nilingon ang pinanggalingan ng tinig. At nagulat ako ng makita ang ginang kanina. Biglang bumalik sa akin ang alaala at alam kong nahimatay ako.
“Ma’am, nasaan po ako?” Tanong ko kahit alam ko na kung nasaan ako. Marahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
“Hija, nasa ospital ka, dinala kita dito dahil nahimatay ka kanina.”
Bigla naman naalala ko ang dahilan kung bakit ako narito. Naramdaman ko naman ang panlulumo ko dahil sa laki ng problema ko. Idagdag pa na baka magbayad ako dito sa ospital na pinagdalhan sa akin.
“Sinabi naman ng doktor na walang problema sa katawan mo.”
Ngumiti ang ginang at lalong lumabas ang ganda nito. Nahawa na ako sa ngiti nito kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti.
“Pasensya na po kayo Ma’am kung naistorbo pa kayo, nagkaroon lang po ako ng problema. Hindi pa rin po kasi ako nakakain kaya si guro na himatay ako.”
Akmang magsasalita ako nang nag-ring ang cellphone ng ginang na hindi ko man lang naitanong pa ang pangalan.
Nag-excuse naman ang ginang bago nito sagutin ang tawag.
“Yes, I’m still here. Pero nagising na ‘yung magandang babae na nahimatay. Just ask the reception of the room number.”
Matapos makipag-usap ay biglang bumaling sa akin ang ginang.
“Pasensya ka na, hija. Kung mauuna na ako. Susunduin kasi ako ng anak ko. Kaninang tumawag kasi siya ay sinabi ko na nasa ospital ako. Biglang nag-alala at akala ay may masamang nangyari.”
“Naku, Ma’am nahihya po ako sa inyo. Kung kailangan niyo na pong umalis ay iwan niyo na lang po ako.”
Pagkasabi ko nun ay tila nagpawis ako ng butil butil sa noo dahil sa kaba. Wala akong pambayad dito sa ospital.
“Sigurado ka ba na kaya mo na, hija.”
Tumango ako. “Diyos ko saan ako kukuha ng pambayad dito? Sana may dumating naman na swerte sa akin.” Dasal ko sa isip ko.
Bigla naman na may kumatok ng tatlong beses sa pinto sabay bukas no’n dahilan para mapa-awang ang labi ko.
Tila nag-slow motion ang paligid sa pagpasok ng lalaking hindi ko expected.
Kumunot ang noo nito pero napalitan din ng ngiti matapos ng ilang saglit. Hindi ko alam kung bakit biglang ang lakas ng t***k ng puso ko
“Ikaw?” mahinang sambit ko habang hindi maalis ang tingin kay Mr. Levi Del Fiero...