Jessa Zarossa’s POV
“Sh*t!” sa isipan ko ay sumisigaw at nagmumura na ako.
Kalalabas ko lang ng restaurant at labis ang inis ko sa lalaki na ginawa pa akong kasangkapan laban doon sa ex-fiance niya. Naawa tuloy ako doon sa babae na umiiyak kanina.
Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa, pero grabe naman na pinuntahan pa ni girl si guy and she is desperate na makausap lang ‘yung lalaki. At ‘yung lalaki naman ay basagulero pa. Kung ako kay ate girl ay hihiwalayan ko ang mga ganoong klase ng lalaki na kayang manakit ng kapwa.
Pag-ibig nga naman. Siguro nga ay nakakabaliw ang ma-inlove. Kagaya ng nangyari sa Mommy ko. Nabaliw na lang siya, at hindi na nagawang hiwalayan si Daddy kahit na sinasaktan siya nito.
Nang makarating ako ng sakayan ng jeep ay ilang minuto pa akong nag-abang ng masasakyan. Mabuti naman at hindi traffic at nakababa ako ng maaga sa sakayan ng tricycle.
“Manong sa Del Pillar St. lang po, special trip.” Magalang na sabi ko sabay abot ng bayad ko sa tricycle driver.
Bigla naman na may sumingit na isang lalaki. “Miss, doon din ang punta ko, pwedeng makisabay na at hati na lang tayo sa pamasahe.”
Pumayag naman ako para makatipid na rin. Sumakay ako sa loob habang ang lalaki naman ay nasa likod ng driver.
Hanggang sa makarating ako sa bungad ng eskinita patungo sa tinitirhan ko. Akmang magbabayad pa nga ako nang biglang pinigilan ng sumabay sa akin na lalaki at ito mismo ang nagbayad ng pamasahe ko. Pilit kong tinatanggihan ang lalaki pero mapilit ang lalaki. Sa huli ay napilitan na akong sungitan ito para lang kunin nito ang share ko sa pamasahe.
Habang naglalakad naman ako papunta ng inuupahan ko ay naririnig ko pa ang mga catcalling ng mga tambay sa kanto. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko lalo na ang mga pambabastos ng mga lalaki.
Bigla naman akong huminto sa nadaanan na tindihan para bumili ng 3-in-1 na kape. Pero nagulat naman ako ng masilayan ang kaninang lalaki na nakasabayan ko sa tricycle. Nang napansin ako nito na nakita siya ay bigla naman itong lumiko at umiba ng direksyon. Bigla naman akong kinabahan. Ewan ko ba at paranoid talaga ako, lalo na sa mga lalaki na pakiramdam ko ay laging may balak na masama sa akin.
Nang makarating sa bahay ay agad akong nagpahinga. Lumipas ang maghapon at medyo tinamad na talaga ako kaya nahiga na lang ako at nag-browse sa net ng mga pwedeng pasukan na trabaho.
Mamaya ay lalabas muli ako para magpa-print ng resume ko. Bigla ko naman naalala na naiwan ko pa ang envelope kanina na naglalaman ng details ko. Huwag naman sana na nakuha iyon ng dalawang asungot na lalaki na nakasabay ko sa pagkain.
Siguro ay sa isang araw na lang ako muli maghahanap ng maa-apply-an dahil birthday ko bukas at gusto kong i-celebrate ang birthday ko kasama ang Mommy ko. Dadalawin ko siya.
Bago mag-gabi ay nagpunta naman ako sa printing shop para magpa-print muli ng mga resume’. Bigla naman akong kinabahan dahil nang pabalik na ako sa bahay ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Nang lumingon ako ay bigla kong nakita ang lalaki na naman na nakasabay ko sa tricycle. Naging malikot naman ang mata nito at hindi makatingin ng derecho sa akin. Matapos ay bigla naman itong pumunta sa may tindahan.
“Pabili nga po ng isang kaha ng sigarilyo!” sigaw nito sa may tindahan.
Bigla naman nawala ang kaba ko at marahil ay kapit bahay ko ito dito sa lugar. Hindi ko pa kasi kilala ang mga mukha ng kapit-bahay ko dahil ilang araw pa lang naman akong nakatira dito.
“MOMMY, birthday ko po ngayon! Ang birthday wish ko po ay bumalik ka na po sa akin, Mom.” sambit ko sa nakatulala kong ina. Dito ako dumerecho sa mental hospital matapos kong magsimba.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil walang reaksyon mula sa ina ko. Naiiyak na naman kasi ako at nararamdaman ko na ang pamamasa ng mata ko. Hinawakan ko ang kamay ni Mommy, nasa tapat ako nito ng table dito sa mental hospital na tinutuluyan ng ina ko. “Mommy, hindi po ako magsasawa na hintayin ka. Alam ko po gagaling ka at magkakasama na tayo,” dagdag ko na hindi namalayan na tumulo na pala ang luha ko.”
Bigla naman na nairita si Mommy at inagaw ang kamay nito sa akin. Ganito kasi si Mommy at tulala lang, pero madalas ay iritado kapag nakakarinig ng maingay. Kapag ganito na tulala ito ay ayaw nitong may gagalaw dito dahil minsan ay nagwawala ito.
“Mommy, sorry, just relax. I’m your daughter, Jessa.” Nag-alala ako na magwala si Mommy. Pero mabuti na lang at hindi na ito nagwala pa. Gustong gusto ko itong yakapin ngayon pero baka mairita ito kaya pinili ko na lang na titigan ang mukha nito. Mabuti nga at parang medyo nagkalaman ito kumpara sa huling dalaw ko dito nang nakaraan na buwan.
Ilang taon na rin ang lumipas at pinipili ko talaga na mag-celebrate ng birthday sa mental hospital. Pero sa halos ng ilang taon na iyon ay ganito lagi ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako lalo dahil hanggang ngayon ay baliw pa rin ang ina ko.
Matapos ang halos isang oras ay naisipan ko na umuwi na. Masaya na ako at na-celebrate ko ang thirtieth birthday ko na nakasama ko si Mommy.
Lumabas na ako ng mental hospital na kahit papaano ay magaan ang loob.
Naglalakad ako habang nakatingin sa loob ng bag ko at kunin ang cellphone ko.
“Ahhh...” bigla naman hiyaw at napatingin sa babae na nakabangga ko.
“Sorry, miss,” sambit ko naman. Napansin ko na natigilan naman ang babae sa akin at hinagod pa ang mukha ko habang naka-awang ang bibig. Ako naman ay natigilan din dahil nakakabighani ang ganda nitong babae. Matangkad pa na parang contestant sa isang beauty pageant.
“It’s okay,” ngumiti naman ang babae. “Kasalanan ko rin naman at hindi ako nakatingin.” Dagdag pa nito matapos ay dumerecho na ito sa guard.
Ako naman ay lumayo na.
“Miss Jessa Zarossa!” narinig ko naman na sigaw ng guard. “Naiwan niyo po ang I.D. niyo, mam.” Agad ko naman na kinuha sa guard ang I.D ko at tuluyan na umalis.
Derecho uwi naman ako dahil ayoko nang gumala at wala rin naman akong pera. Malaking problema talaga kapag hindi pa ako nakahanap ng trabaho dahil ubos na ang budget ko. Ang savings ko na nasa bangko ay intended lang talaga para sa pagpapagamot ni Mommy sa mental. Kahit kailan ay hindi ako kumuha ng pera doon. Pero kailangan ko pa rin talaga na magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan. Kailangan kong umasenso para maisakatuparan ko ang plano na mabawi ang kayamanan ng pamilya ko from Tita Deborah.
“Hayy, Lord please. Sana naman po ay may tumawag sa akin ngayon. Pa-birthday mo na lang po sa akin.” Malakas na dasal ko nang makapasok sa inuupahan ko at papaupo sa lumang kama. Ewan ko ba na sa dami ng pinasahan ko ng resume’ ay bakit walang tumatawag.
Bigla ko naman narinig ang ring ng cellphone ko. Nagulat ako ng makita kung sino ang tumatawag.
Kimberly of Amare Chocolates. Na-save ko na kasi ang number nito nang tumawag ito sa akin noong isang araw. Hindi ako magkandaugaga sa pagsagot ng phone ko. Ewan ko ba at bigla akong nabuhayan ng loob. Naalala ko kasi ang sinabi ni Miss Kimberly na tatawagan ako kapag may bakante na posisyon. Ang bilis yatang sagutin ng dasal ko.
“Hi, Miss Zarossa. This is Kimberly of Amare Chocolates Philippine Inc. Can I invite you for an interview tomorrow?”
Agad nagliwanag ang mukha ko sa narinig. Thank you, Lord!
“Y-yes, Ma’am!” hindi ko maitago ang saya sa sagot ko sa kabilang linya.
Hindi nagtagal ay binigay sa akin ni Miss Kimberly ang details ng interview at nagpaalam na rin ito.
Pagbaba ko ng phone ay naalala ko na hindi ko pala naitanong kung anong posistion ang available ko na applyan. Pero napakibit balikat na lang ako. Kahit anong position ay hindi ako magrereklamo, makapasok lang sa trabaho.
Kinagabihan ay pinasya kong maaga na matulog. Nagising lang ako dahil sa nakarinig ako ng kaluskos at ng binuksan ko ang ilaw ay wala naman, marahil ay may pusa sa may bintana. Muli ay natulog na ako.
Ewan ko ba dahil napasarap ang pagtulog ko at napanaginipan ko pa ang mukha ng gwapong lalaki kahapon na Levi ang pangalan. Napailing na lang ako dahil ewan ko ba at bakit pati sa panaginip ginugulo pa rin ako nito.
Maaga akong nag-ayos para sa interview kinabukasan. Sinigurado ko na presentable ako sa suot kong peach blouse na tinernuhan ko ng isang gray skirt na hindi umabot sa tuhod ko kaya lantad ang makinis kong legs. Nakasuot rin ako ng two inches heels na sandals kaya lalo akong tumangkad sa height kong 5’4. Nilugay ko lang ang buhok ko na hanggang siko. Naglagay din ako ng manipis na make-up.
Nang makalabas naman ako ay halos pag-piyestahah na ako ng mga lalaki. Sa tingin pa lang ng mga ito ay nangangatog na ako sa takot. Kailangan talaga ay maka-alis na ako sa lugar na ito dahil natatakot akong isang araw ay bigla na lang akong pasukin sa bahay ko at gawan ng masama ng kahit na sino.
Laking pasalamat ko naman sa Diyos dahil nakarating ako ng maaga sa Del Fiero building, though wala naman sinabi si Miss Kimberly na bawal akong ma-late today ay mahirap nang magpakampante at lalo na sinabi nito noong una na ayaw ng CEO ng kumpanya ng latecomers.
“Good morning, kuya. I’m here for interview.” Magalang na sabi ko kay manong guard na hinagod pa ako ng tingin.
Hindi ko naman maiwasan na irapan ito dahil pakiramdam ko ay hinuhubaran na ako nito sa utak nito.
Agad akong nagpunta sa office ni Miss Kimberly at agad rin naman akong tinanong tungkol sa personal and employment background ko. Pero ewan ko ba kung bakit more on personal ang tanong nito na pati ang lovelife ko ay inusisa.
“Okay, Miss Jessa Zarossa. You are qualified naman sa position na hinahanap ko ngayon as secretary of Mr Levi Del Fiero. Kahit hindi ka na mag-exam ay pasado ka na initially, but you need to pass the final interview.”
Bigla naman lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Miss Kimberly. Ibig sabihin ay malaki na ang chance ko na makapasok dito sa isa sa pinakakilalang kumpanya sa Pilipinas.
“Mr. Del Fiero is waiting for your final interview in his office. Sasamahan kita papunta sa kaniya. He is waiting for you.”
Sinamahan naman ako ni Miss Kimberly papunta sa office ni Mr. Levi Del Fiero. Mayroong labing anim na palapag itong building at ang iba dito ay mga tenant rin ng mga Del Fiero. Namangha naman ako sa yaman ng mga Del Fiero.
Kinakabahan ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng opisina ni Mr. Del Fiero nasa sixteenth floor iyon at tanging office lang nito ang naroon. Habang papunta dito sa office ng magiging amo ko ay nagkukwento naman si Miss Kimberly na meron din daw na secret room sa sixteenth floor dahil sa pagiging workaholic daw nitong CEO ay minsan dito na raw natutulog.
“We are here, Miss Zarossa. Iiwan na kita dito at kumatok ka na lang. He is expecting you.”
Bumuntong hininga muna ako bago tumango. Alam kong halata ni Miss Kimberly ang tense sa mukha ko.
“Huwag kang kabahan, Miss Zarossa. Strikto si Sir Levi, but I assure you na napakabait na tao niya.” Gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Miss Kimberly.
Ilang sandali lang ay iniwan na ako nito sa tapat ng pinto. Ilang beses muna akong lumunok at nagpakawala ng mga buntong hininga bago kumatok ng tatlong beses.
“Come in,” narinig ko mula sa loob na agad nagpalakas ng t***k ng puso ko. Parang narinig ko na ang boses, kung sino man ito.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at pumasok sa kwarto. Doon bumungad sa akin ang malawak na opisina ni Mr. Del Fiero. Nakaupo sa swivel chair ang lalaki at nakaharap sa glass window na makikita ang mga building sa labas kaya hindi ko nakikita ang mukha nito.
Tumikhim ako para iparamdam ang presensya ko.
“G-good morning, Sir Levi,” nauutal na sambit ko na alam kong sapat na para marinig ng nakaupong lalaki.
“Good morning, Miss Zarossa.” sambit naman ni Mr. Del Fiero na nagpakunot ng noo ko, there is something in his voice na parang narinig ko na ito. Dahan dahan na humarap ang upuan at napaawang na lang ang labi ko nang makita ang lalaking nakaupo. Natuod na lang ako sa kinatatayuan ko kasabay ng malakas na t***k ng puso ko “Or shall I call you Mahal, like how I introduce you to my ex-fiance.’” Dagdag pa nito na mataman na nakatingin sa mata ko...