Mayer POV
"H'wag kang masyadong mayabang baka nakakalimotan mong engaged ka na?" paalala nito sa akin bago ako tinalikuran.
He was right, and he meant to remind me of a truth I had long forgotten. The fact that I was set to marry someone else. It was five years before I even met Amarah. I have been reconciled with the Falcons family.
I don’t know what I will answer to Blake because everything he said is true. The truth is I will never change. The fact that I am set for others and not for the woman I want to be with.
Until Nathan gradually disappeared from my sight as it drifted away from me. It's anxious to think, but I can't help but choke. I couldn’t stop the tears from forming in my eyes from being so irritated. The nervousness is already starting because of the fear that Amarah will not be with me. To think the pain that I could do nothing.
When I finished college, my family was planning to start arranging a marriage for me. Against my will, I could do nothing. Even if I insist on what I want, I will still get nothing. Even though I knelt in front of them, I knew they would not listen. Their businesses are even more important to them than I feel. They thought of nothing but their riches.
Matagal ko na iyong nakalimutan 'yon at tanging si Blake lang ang nakakaalam dahil matalik ko siyang kaibigan noon.
I can’t help but think that he deliberately reminded me that I also have no hope for Amarah. Even if he answers me in my courtship, I still can't fight him or stand up for him.
Instead of sulking and despairing for myself, I chose to try to fight for my happiness—the pain of thinking that I no longer have the freedom to love. Losing the right to self-happiness makes my heart miserable.
Each day that I was always with Amarah, I loved her even more. And her unique character makes me fall even more. She was very true to herself, and she didn’t have any pretense. Her status in life is not a barrier for me not to love her. But I know my family will be hindered. When I think about those things, it hurts me, and it makes me miserable.
Nang matapos ang klase sa araw na 'to ay sinubukan ko ulit na tanongin si Amarah. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa rin ba ako?
"Amarah, are you going home?" she nodded at me. "Let's go together?" yaya ko rito. As we walked together down the hallway, I mustered up the courage to ask her. "Amarah, I know I'm very persistent, pero gusto ko lag malaman kung may pag-asa pa ba ako?" nahihiya kong tanong.
"Kasi, Mayer eh—" I stop her.
"Okay lang hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang malaman kung meron ba kahit konti?" natatawa kong sabi at napakamot na lang sa aking batok.
"Mayer, mahihintay mo ba ako sa araw nang graduation day natin? Okay lang ba sa 'yo?" malumanay niyang sabi.
"Talaga? Syempre! Oo naman! Pero sigurado ka ba?" sunod-sunod kong tanong at parang hindi makapaniwala.
Tumango siya sa aking mga tanong at mas lalo lang akong hindi mapakali. "Hindi ako makapaniwala. Mahal na mahal kita Amarah at kaya kong maghintay kahit kailan," patuloy kong sabi.
"Salamat Mayer."
"Ako ang dapat ang magpasalamat sa 'yo Amarah." Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang noo.
Hinatid ko si Amarah sa boarding house niya bago ako umuwi. Ang ngiti sa mga labi ko ay 'di mawala. Hanggang sa bahay ay mahahalata ang labis na saya. Ngunit kakambal ng aking kaligayahan ay isang malaking problema. Masasabi kong ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko dahil malapit ko ng mapapasagot si Amarah. Ngunit nawala ang lahat nang ngiti sa aking labi nang maabutan kong nag-uusap ang mga magulang ko at mga magulang ni Precious.
"Anak, nand'yan ka na pala halika!" Tawag ni mommy sa akin ngunit hindi ako halos makahakbang.
"Magpapalit lang ako," pagdadahilan ko sa kanila.
"Nako, mamaya na 'yan Mayer dahil nandito si Precious ipasyal mo muna sya sa buong bahay o 'di kaya ay mag-usap muna kayo," masayang sabi ng aking ina.
I drove Amarah to her boarding house before I went home. Ang ngiti ko sa labi ay hindi mawala. Pagdating sa bahay ay nawala ang saya ko. Kakambal ng saya ay may kakambal ring lungkot. All the smiles disappeared from my lips when I caught my parents and Precious’s parents are talking.
"Mayer, what are you doing?" mahinang saway ni Daddy. Siguro ay nahihiya dahil sa aking inasta.
"Pagod ako Dad." Mabilis kong inakyat ang hagdan patungo sa kwarto.
"Mayer, nakakahiya ka!" Mommy calls my name out loud as she follows me.
"Pagod ako Mom, gusto ko ng magpahinga," pinal kong sabi.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong sinampal nang malakas sa mukha.
"Wala kang modo! I didn't send you to the most expensive University just to insult Precious like that. And in front of us? Where did you get those kinds of behavior?" galit nitong sigaw sa akin.
Yumuko ako. "Sorry, Mom, but I'm tired," I said calmly and tried to apologize.
"Magbihis ka at bumalik ka ro'n," maawtoridad nitong sabi sa akin.
"But Mom."
"Wala nang pero-pero, ngayon na natin pag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal n'yo. Binabalaan kita Mayer h'wag na h'wag kang gagawa ng mga kalokohan," paalala nito sa akin bago ako iniwanan.
"Mom, akala ko ba magtatapos muna ako at saka pa paplanohin ang tungkol sa kasal? Bakit parang ang bilis naman yata?" I complained and she stopped walking.
"Plan has changed. We have decided that you will continue to study even if you get married first," she explained to me.
"Ngunit hindi pa ako handa!"
"Wala kaming pakialam ng Daddy mo kung kailan ka magiging handa? Ang importante ay makasal kayo sa lalong madaling panahon," she says and doesn't care how I feel.
"Bakit n'yo ba ako ginaganito, Mommy?" I complained again, but she just raised an eyebrow at me.
"Do you think we don't know what you've done?"
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Mom?"
"Nang una ay hinayaan ka lang namin dahil akala namin ng Daddy mo ay katulad lang din siya ng mga babaeng nagdaan sa buhay mo. Pero mukhang tinamaan ka na yata Mayer? At 'yan ang hindi ko mapapayagan! Hindi ako makakapayag na mapunta ka lang sa isang kagaya niya!" she said furiously.
Her eyes were glaring with anger, and I've never seen her like this.
"Mabuti siyang tao," paliwanag ko sa kanya.
"Wala akong pakialam. Ang importante sa akin ay ang paglago ng mga negosyo natin. Kaya umayos ka Mayer, binabalaan kita."
Tumalikod si Mommy para bumaba sa sala nang bigla itong tumigil nang magsalita ako.
"Mahal ko siya," may diin kong sabi rito.
"Alright, try to disobey me, and you will not regret it!" galit nitong sabi at mas diininan rin ang huling mga salita
"Itakwil niyo na lang po ako!"
"'Yan ang hindi mangyayari anak, dahil tinitiyak kong siya ang maghihirap. Hanggang sa maisipan niyong dalawa na mali ang pasya niyo? Hanggang sa magkusang na siyang sumuko," bigla akong kinilabutan sa mga pagbabanta ng aking ina. At ang katotohanang alam kong kaya niya itong gawin.
Wala na akong nagawa kung 'di sundin ang gusto ni Mommy. Kahit ipilit ko ang gusto ko sigurado akong wala akong panalo.
Gaya ng gusto nila, pinasyal ko si Precious sa buong bahay. Nagtagal kami sa harden at sandaling umupo sa swing. Nasa harap kami ng iba't ibang klaseng halaman at mga nagagandahang bulaklak.
"Mayer, excited na ako two weeks from now ikakasal na tayo," sabi nito sabay kapit sa bisig ko.
"Ano?" I frowned and calmly asked. Even though the truth was I was shocked.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya dahil ayaw ko siyang bigyan ng maling paniniwala.
"Bakit hindi ka ba excited?" binalingan niya ako ng tingin. "Hindi pa ba sinabi ni Tita sa'yo?" nakangiti nitong sabi habang humaharap sa akin.
"Hindi ko alam na mapapaaga pala?" walang gana kong tugon at na parang nawawala na sa sarili.
Sa labis na inis ay naikuyom ko ang aking mga kamao at gusto kong magwala hanggang sa makontento ako.
"'Di ba mas okay 'yon? Isa pa ro'n din naman ang pupuntahan natin 'di ba?" masaya pa rin nitong tugon kahit alam niyang kabaliktaran ang nararamdaman ko.
Marami siyang kinuwento ngunit kahit isa ay wala akong maintindihan.
Hindi ko na gusto pang marinig ang sasabihin niya kaya tumayo ako na siya namang kinabigla niya. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng mga kapwa magulang namin. Basta ang alam ko ay gusto kong makahinga at makawala kahit sandali lang. Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng hangin sa tuwing nandiyan siya sa paligid.
I left him in the garden and headed to my car. Pinaandar ko kaagad ang sasakyan when I felt she's following me. She slammed the door and wanted to open. When I started the engine, my younger brother arrived. So, I took that opportunity to go outside. Hindi na ako nahirapang tawagin ang maid para buksan ang gate. Pero nagulat ako nang biglang humarang si Precious at bukas ang dalawang balikat para pigilan ako.
Malakas na busina ang aking ginawa upang umalis siya pero napakatigas talaga ng ulo. Kaya sa sobrang inis ilang beses kong pinukpok ang manobela at nagsanhi ito ng matinding ingay. Pinaandar ko ang kotse nang mabilis kahit nasa harapan pa siya. Nakitaan ko siya ng takot kaya sa huli ay tumabi na lang ito.
I have no intention to hit her I just plan to stop, near to her feet, but I'm still thankful when she step aside.
Nagtungo ako sa bar kung saan malaya akong maglasing na walang kontrabida. Sa lugar kung saan malaya akong gawin ang gusto kong gawin. At gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil kahit marami na akong nainom ay hindi pa rin ako makalimot.
Ang pangako kong hihintayin ko si Amarah ay hindi ko na matutupad. Ang pangarap na aking hiniling ay mawawala na lang bigla na parang bula. Kung kailan abot langit ko na ang lahat.
Sa halip na umuwi sa bahay ay pumunta ako kay Amarah. Kinatok ko siya ngunit mukhang tulog na ito. Sinubukan ko ulit kumatok dahil nagbabasakaling magising siya . Hanggang sa nagtagumpay akong gisingin siya.
"Mayer, lasing ka ba? Madaling araw na, sinong kasama mo?" nagpaling-linga pa ito sa labas nang kwarto niya para kompirmahin kung meron ba akong kasama.
Tinitigan ko lang siya nang matagal na lalong ipinagtaka niya. Ito ang unang beses na pinuntahan ko siya nang madaling araw. At binolabog ang mahimbing niyang tulog.
"May problema ba?" patuloy nitong sabi habang hinahaplos ang aking pisngi.
Nang makita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata ay 'di ko mapigilang maging malungkot. At nagsisimula na ang pamumuo nang aking mga luha. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang humagolhol sa mga bisig niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ito na ang huling pagkakataon na makakasama ko siya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo Mayer?" nag-aalala nitong tanong sa akin.
Ngunit lahat nang mga tanong niya ay hindi ko masagot. Ilang minuto na kami sa gano'ng posisyon kaya ako na ang nagkusang kumalas.
"Amarah, kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na totoong minahal kita," sinsero kong sabi sa kanya at patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.
"Salamat at gusto na rin yata kita Mayer."
Nang marinig ko ang katagang binitawan niya ay hindi ko magawang magsaya.
Ang salitang matagal ko nang hinintay na sabihin niya ay hindi ko na magawang ipagdiwang lalo na't alam kong hindi kami magkakatuluyan.
"Sana ay mahihintay mo ako sa araw na 'yon?" patuloy niyang wika sa akin.
Hinawakan ko siya sa kanyang kamay habang hawak ko rin ang kabila niyang pisngi. Tinitigan kong mabuti ang buong mukha niya. At kahit saulo ko na ang kanyang itsura siguradong hindi ako magsasawang titigan siya ng matagal.
Ang mala anghel niyang mukha na parang hinihigop ang aking kaluluwa. Hawak ko ngayon ang labi niyang kay pula na parang mansanas. Gusto ko siyang halikan pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong may maalala siya sa akin na ikakasakit ng damdamin niya dahil sa huli siya rin ang magdurusa.
"Mahal na mahal kita, hindi magbabago 'yan kahit hindi na ikaw ang makasama ko,"sinsero kong sabi.
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon ay mabilis ko na siyang tinalikuran. Pinigilan niya ako at hinawakan sa aking braso. Nagtataka man ito pero pinili pa rin niyang huwag akong tanungin.
"Kung kailangan mo nang masasandalan? Nandito lang ako! Hindi man ako malakas pero kakayanin ko para sa 'yo," malambing nitong sabi sa akin at saka ko kinalas ang yakap niya mula sa akin.
Pagdating sa bahay alam ko na ang kahahantungan ko. Patay na ang mga ilaw sa buong bahay nang pumasok ako. Hindi na rin ako nag-abala sa mga katulong para pagbuksan ako ng gate at kahit nakakaramdam pa ng hilo ay nagkusa pa rin akong bumaba para pagbuksan ang sarili.
Nang makapasok ako sa pinto bumungad sa akin ang dilim ng buong paligid. Lumapit ako sa switch ng ilaw at binuksan iyon. Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Mommy. Marami siyang sinabi sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan. Nilapitan niya ako at dali-daling sinampal sa mukha. Sa sobrang lakas ay nawala agad ang aking kalasingan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa sarili mo?" malakas nitong sigaw at galit na galit sa akin.
"Sana hindi n'yo na lang ako hinintay kung papagalitan niyo lang din naman pala ako," malamig kong sabi at pagod na akong makipagtalo.
"At nakuha mo pa talagang sumagot sa akin! 'Yan ba ang natotonan mo sa pagsama-sama sa babaeng bundok na 'yon? "
"Walang kinalaman si Amarah sa pagsagot-sagot ko sa 'yo Mommy. Sumasagot ako dahil iyon ang tingin ko ay tama."
"At ano sa tingin mo ang tama? Wala ka ng ibang ginawa kung 'di bumuntot sa babaeng 'yon!" galit nitong sabi. "Ang tama mong gawin ay pakasalan si Precious na walang reklamo dahil para sa 'yo rin 'to."
"Bakit ba kailangan ko pang gawin 'yan Mom? Ayaw kong magpakasal sa babaeng hindi ko mahal. Nakakapagod na kayo, lagi niyo na lang akong pinapangunahan."
"Dahil 'yon ang dapat! Kayo ang mas nababagay at kahit kailan hindi ako makakapayag na mapupunta ka lang sa babaeng 'yon." napailing na lang ako.
"Mom your so unbelievable!"
"Bakit susuwayin mo na naman ba ako? Subukan mo lang talagang suwayin ako ulit at ipahiya sa pamilya ni Precious dahil sinisiguro ko sa 'yong pagdudusahan ng babaeng 'yon ang lahat ng mga kalokohan mo."
"Mom, wala siyang kinalaman dito?" pagdadahilan ko.
"Wala akong pakialam!"
Kinabukasan nang makita ko si Amarah sa upuan ay hindi ko siya pinansin. Alam kong nagtataka siya sa aking inasta. Alam ko rin na napahiya siya sa aking ginawa ngunit nilampasan ko lang siya at dumiretso na sa aking pwesto.
Ilang beses niya akong sinubukang pansinin pero hindi ako siya kinikibo. Alam kong nasasaktan ko siya lalo na at inamin na niya sa akin ang tunay niyang nararamdaman. Ngunit ito ang paraan ko para hindi na lumalim pa ang pagtingin niya sa akin. Kaya ngayon pa lang ay iiwasan ko na siya.
Nang pauwi na ako pinauna ko na sila ni Yana na lumabas. Marami akong dinahilan para hindi ko sila makabay. Pagdating ko sa parking lot, nagulat ako dahil hindi pa umuwi si Amarah at matiyaga akong hinihintay .
"May problema ba Mayer?" diretsahan nitong tanong at masyadong malungkot ang mukha nito. Kaya mas lalong lang akong nahihirapan.
"Amarah busy lang ako," pagdadahilan ko sa kanya.
"Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako? May ginawa ba akong mali?" mahinhin niyang sabi at ang mga mata ay nagsisimula ng maiyak.
"Walang mali sa'yo Amarah, ako ang may mali, hindi ikaw," nahihirapan kong paliwanag.
"At ang relasyon ninyo ang may mali, malanding babae!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Precious at bigla na lang sinabunutan si Amarah.
Nagpagitna ako sa kanilang dalawa ngunit ayaw pa rin bitiwan ni Precious ang buhok ni Amarah. Buong lakas kong hinawakan at inalis ang kamay ni Precious para mabitawan ang buhok ni Amarah. Ngunit nagpupumiglas ito para sumugod ulit kaya niyakap ko siya para hindi na maigalaw ang mga kamay nito.
Ang mga luhang bumagsak galing sa mata ni Amarah ay siyang nagpahina sa akin lalo na nang nilipat-lipat niya ang tingin sa amin ni Precious.
"Walang hiya ka! Subukan mo lang landiin ulit ang fiance ko nang makita mo ang hinahanap mo," asik nito sa akin.
"Pero paanong—?" hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil nagsisimula nang bumagsak ang luha nito sa mata.
"Kaya binabalaan kita Miss, h'wag mo na siyang guguluhin pa!" galit na sabi ni Precious.
Parang walang narinig si Amarah sa lahat nang mga sinabi nito. Nakatitig lang ito sa akin at patuloy sa pagtulo ang kaniyang mga mata.
"Ang kapal ng mukha mo! Akala mo ba maganda ka?" galit nitong sigaw.
"Tama na!" sigaw ko kay Precious bago binalingan ulit nang tingin si Amarah.
"I-kakasal ka na?" nauutal nitong tanong. At hirap na hirap bigkasin ang mga salita.
"Narinig mo naman ako kanina diba?" sabat ulit ni Precious at akmang susugod ulit kay Amarah.
"Tama na Precious! Tumigil ka na!" sigaw ko nang nagpupumiglas na naman ito.
Sa lakas nang paghatak ko sa pulsuhan niya ay muntik na itong matumba. Inalalayan ko siya pero nawala rin ako sa balanse at nadapa kami pareho.
Then did I realize that our lips had met. Suddenly I stood up and looked at Amarah. She was still crying silently. Napaupo siya sa kaniyang tinatayuan kaya lumapit ako para alalayan siya. Ngunit nabigo ako nang makita ko si Blake na nakahawak sa mga balikat niya.
Nang makabawi nang lakas si Amarah ay hinawakan siya ni Blake sa kamay at hinila papalayo sa akin pero bago pa man sila makaalis ay mabilis kong hinigit ang isang kamay ni Amarah.
"Anong ginagawa mo?" masama ang binigay kong tingin kay Blake.
"Bitaw!" sagot naman nito sa akin.
"H'wag kang makialam sa amin!" matigas kong tugon.
"Hindi ko siya hayaan lang na masaktan," ng sabihin niya ang mga katagang iyon ay bigla itong tumagos sa aking puso.
Kaya wala sa sarili kong niluwagan ang kapit ko sa kamay niya, hinayaang hilahin siya ni Blake papalayo sa akin. Naikuyom ko ang aking mga kamay at napahilamos sa aking mukha. Sinipa ko ang gulong nang aking kotse at nagsisigaw dahil sa galit. Sinabunutan ko ang sariling buhok at umiyak na para bang gusto ng mamatay.
Anong karapatan kong magselos kung hindi ko siya kayang ipaglaban? Tanong ko sa aking sarili.