Radd POV
Kinulit at pinilit ako ni Yana na tanggapin ang kaibigan n'yang si Amarah. Nag-request pa ito na ako ang personal na mag-interview. Masyado itong makulit at dahil kaibigan ko s'ya ay wala na akong magawa. Sumuko na lang ako at pinagbigyan ko na.
Masyado akong busy dahil sa iba't ibang negosyo. Ang restaurant na 'to ay sarili kong pinundar at hindi nanggaling sa pamilya ko. Pinangangalagaan ito ng matalik kong kaibigan dahil alam nitong hindi ko ito matutukan.
Passion ko ang pagluluto kaya ako bumuo ng ganitong negosyo. Kaya lang ay ayaw ng aking mga magulang. Hindi sila sang-ayon na ito ang pagtuonan ko ng pansin dahil bilang nakakatandang anak ay ako ang dapat na sumunod sa kanilang yapak.
Sa totoo lang ay hindi ko pa ito nakita, walang identity na pinakita sa akin si Yana. Kaya wala akong gana para interview-hin ito. Wala din naman akong interest sa mga nag-aapply sa restaurant. May Human Resources namang naka-assign para pumili ng karapatdapat na tatanggapin. Tanging nag-iisa at unang beses itong nangyari.
Ako mismo ang ang mag-iinterview dahil kasama ito sa pabor n'ya.
Nang tawagan ako ni Yana ay nandito na daw sila. Inaasahan kong sasamahan n'ya ito sa loob at ito mismo ang mag-i-introduce sa akin. Buong akala ko na si Yana mismo ang sasagot sa mga katanungan ko para sa kaibigan.
Marami akong hinandang tanong para rito. Nakaisip ako ng kabaliwan na bago ko ito tanggapin ay pahihirapan ko muna ito sa pag i-interview.
Ngunit nag-iba ang plano, nang tingnan ko ito ay hindi ako makapagsalita. At hindi ko magawang alisin ang mga titig ko sa kanya. Inaamin kong unang tingin ko pa lang dito ay nakakabighani na.
Ang bilis nang t***k ng aking puso para bang gusto nitong kumawala sa kinalalagyan nito. Ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pinilit kong h'wag ipahalata dahil nakikita ko sa reaksyon nito ang pagtataka. Ngunit hindi ako naniniwala sa love at first sight kaya imposibleng ito ang aking nadarama.
Ako ang nag-decide na pumasok na s'ya kinabukasan. Bayad nang buong sweldo ang dalawang oras niyang training sa loob nang isang linggo. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong na e-excite na makita s'ya . Kahit fully loaded ang aking appointment ay pina-cancel ko ito sa aking sekretarya.
Ang oras nang kanyang trabaho ay sinadya ko pang tanungin sa HR. Kaya mas inagahan ko pa ang pagpunta sa restaurant. Nang magparking ako sa labas ay nakita ko ito. Tiningnan ko ang oras ng aking relo at isang oras itong advance na dumating. Kaya napangiti ako sa dedikasyon nito sa trabaho.
Isa pa naman sa ayaw ko ay ang palaging late sa trabaho. Nang ibalik ko ang tingin ko rito ay nakita ko itong may kasamang lalaki. Matangkad, gwapo, at maputi, sa hitsura palang nito ay 'di maikakaila na mayaman din ito.
Ang kaninang ngiti sa aking labi ay biglang nawala. Masama ang tingin ko sa gawi nila. Naiinis ako at nagagalit sa aking nakita kahit wala namang dahilan at karapatan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ako man ay nagtatanong sa aking sarili kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Nang hindi ko matiis ang kakaibang kirot sa dibdib habang nakikita ko sila ay mabilis akong nagtungo sa opisina. Hinubad ko ang pang-itaas kong suot at niluwagan ang aking neck tie. Padabog akong umupo sa swivel chair at napahilamos sa aking mukha.
Bakit ba ako nagseselos? Wala na mang dahilan. Kahapon ko lang s'ya nakilala ngunit bakit ganito ang aking pakiramdam?
Nasa harap ng counter ang aking opisina. Lahat ng ginagawa sa counter ay diretso kong nakikita. May tented ang salamin dito at tanging ako lang ang nakakakita sa kanila. Kinalma ko ang aking sarili bago ko siya pinagmasdan.
Pinagmasdan kong mabuti ang kilos ni Amarah. Lahat nang galaw n'ya ay parang nagslo-slow motion sa aking paningin. Buong buhay ko ay ngayon ko lang ito naranasan.
Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako noong ako ay nasa teenager pa. Sa edad kong 27 years old parang wala nang puwang sa'kin para kiligin.
" She's so gorgeous, " bigla kong nasabi na parang wala sa sarili.
Nang magsimula na itong magpaturo sa kasamahan ay biglang kumunot ang noo ko. Nang makita kong lalaki ang nagti-train dito ay bumalik na naman ang inis na nararamdaman ko kanina. Kaya pinatawag ko ang service crew na lalaki sa loob ng aking opisina.
"Sir good evening po," nakangiti nitong bati sa akin. Ngunit mainit ang dugo ko at kumukulo kaya wala itong natanggap na sagot sa akin.
"Pinatawag n'yo raw po ako Sir?" nagtataka nitong tanong sa akin.
"Stay away from her! Kahit sino sa inyo, ayaw kong may lalaking umaaligid sa kanya. Ibigay mo ang trabaho mo sa kahit sinong babaeng kasamahan mo," masyado akong seryoso at nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.
"Okay po Sir, sorry po hindi ko alam na girlfriend mo pala s'ya, " panghihingi nito ng dispensa.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko itama ang sinabi n'ya pero isa lang ang alam ko, ang gaan sa pandinig.
Ako man ay nagulat sa aking sarili hindi ko lubos maisip na magagawa ko ito. Ang eh confront ang isa sa aking mga tauhan na bawal itong lalapitan ng mga lalaki. Wala pa nga akong karapatan ay binabakuran ko na. Nang magpaalam na itong lumabas ay pinagsabihan ko pa.
"Sana ay hindi mo ipagsabi ang nalalaman mo. Ayaw kong may nagchichismisan sa oras ng trabaho. And please respect our privacy."
"Yes Sir!" magiliw nitong sabi at sumaludo pa sa akin. Malaki ang ngiti nito at parang ito pa ang kinikilig sa akin.
Dalawang oras lang ito dapat na magtatrabaho pero lampas isa't kalahating oras na itong tapos pero tumutulong pa rin ito sa mga gawain. Marami-rami pa ang mga costumer kaya hindi pa ito umalis. Nang pagmasdan ko s'yang maigi ay para akong hinihigop nito. Ang kanyang mga kilos ay nahahalatang sanay ito sa trabaho.
Hindi ako makapaniwalang sa ganda nito ay marami itong alam na trabaho. Kung titigan ito para itong anak mayaman. Siguro kung makikita ko siya sa ibang pagkakataon ay iisipin kong may kaya ito sa buhay.
Mayer POV
"Natatakot ako. "
"Natatakot ako. "
"Natatakot ako." 'yan ang paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan.
Hanggang sa bahay ay 'di ko mapigilang mag-isip. Ang inis na nabuhay sa aking damdamin ay hindi ko mawaglit. Isang tingin ko pa lang ay ramdam kona na may gusto ito kay Amarah.
Sa tuwing naiisip ko ang bagay na 'yon ay natatakot akong baka magkaroon ito ng pagkakataon para maligawan si Amarah. Iniisip ko pa lang para na akong nawawala sa sarili.
Lalaki ako kaya alam kong may gusto ito kay Amarah. At 'yon ang hindi ko mapapayagang mangyari.
"Hindi ako makakapayag na mapunta ka kay Blake, Amarah. Ang playboy at sa matapobreng 'yon, " nasabi niya sa kanyang isip.
Kilalang-kilala ko si Blake siya ang matalik kong kaibigan na umagaw sa girlfriend ko noon. Hindi ako makakapayag na agawin n'ya ulit ang para sa akin.
Buong gabi akong hindi mapakali, pahirapan sa pagtulog dahil tuwing ipipikit ko ang aking mata, mga mata ni Blake ang aking nakikita. Ang matang desperadong maangkin ang babaeng matagal ko ng nililigawan.
Tumayo ako at bumaba sa kusina para maghanap ng beer at nakapagdisisyon na uminom muna sa sala. Hanggang sa matulugan ko ang aking pino-problema.
Nagising ako ng maaga at nag-ayos sa sarili. Masakit man ang ulo dahil sa hang over ay hindi ako pwedeng umabsent, kailangan kong bantayan ang kilos ni Blake at sisiguraduhing hindi s'ya makakalapit kay Amarah.
Kapapasok ko pa lang sa classroom ay ito na ang una kong nakita. Tinapunan ko lang ito nang tingin at umupo sa aking upuan. Nang hindi ako makatiis ay bigla na lang akong tumayo at tinungo s'ya sa kinaroroonan niya, para makausap siya ng maayos.
"Blake, kung ano mang binabalak mo kay Amarah h'wag mo ng ituloy, " ngunit gaya ng madalas nitong ginagawa ay tinitigan lang ako nito.
Ugali niyang hindi sumagot sa lahat ng mga tanong kapag hindi n'ya gustong sagutin. Lalo na kapag ayaw n'ya ang tanong kaya kahit mainis ka pa ay wala kang mapapala. Kung hindi mo ito lubos na kilala ay tiyak na mapipikon ka.
"Blake, tigilan mo si Amarah marami namang babae d'yan. H'wag mo na siyang isama sa mga babae mo dahil mahal ko s'ya at seryoso ako sa kanya." Kumunot ang noo nito habang tumititig sa akin pero hindi pa rin ito nagsasalita.
"At ngayong alam mo na kung ano s'ya para sa'kin, sana naman ay h'wag ng maulit ang nangyari sa atin noon," patuloy kong sabi.
"Paano kung ayaw ko, anong magagawa mo?"
"Alam ko namang hindi ka mapakikiusapan ng matino. Sinasabi ko 'to dahil hindi madali ang naging buhay ni Amarah at sana ay h'wag mo ng pahirapan pa."
"Maganda s'ya at hindi lang maganda kung 'di sobrang ganda, ang mga mata n'ya ay may kakaiba. Ang lungkot at ang emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata ay kakaiba sa lahat ng aking nakilala," naikuyom ko ang aking kamay dahil sa galit.
"H'wag mo ng tangkain dahil hindi mo s'ya madadaan sa mga paraan mo. Hindi s'ya katulad ng iba Blake. Kaya itigil mo na 'to! 'Wag mo na siyang guluhin."
"At anong karapatan mo para pangunahan ako?"
"Nililigawan ko siya, matagal na"
"P'wes kayo na ba? Masyado ka na yatang possessive? Anong nakain mo at bigla ka na lang nagbago? H'wag mo akong pangunahan Mayer dahil wala kang karapatan," natahimik ako bigla sa sinabi n'ya dahil totoo naman ang lahat na wala akong karapatan at wala akong magawa kahit gusto ko pa s'yang saktan.
"Beshy, kawawa na man si Amarah bakit kaya palagi siyang binubully ni Mon?" ng marinig ko ang topic na pinag-uusapan nila ay bigla akong kinabahan.
"Ha? Talaga Beshy?"
"Ngayon lang sinakal s'ya, dati-dati naman wala namang pisikal na sakitan pero kanina galit na galit si Mon."
"Sayang hindi ko nakita ang nangyari na traffic kasi kami."
"At alam mo ba Beshy, sinampal n'ya pa ito ng isang beses," galit na galit ako sa aking narinig. At gusto kong saktan ang Mon na 'yon hanggang sa malumpo.
Pero mas nagulat ako nang biglang lapitan ni Blake ang dalawang kaklase na nag-uusap sa loob ng classroom. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit na hindi ko panakita sa kanya noon.
Kakaibang Blake ang kaharap ko ngayon. Kinuyom nito ang kanyang kamay at lumantad ang mga ugat sa kanyang balat tanda ng labis na galit. Ang Blake na kilala ko noon ay walang pakialam kahit na kanino. Ngayon ay may interest sa babaeng kahit kailan ay hindi ko iisiping magugustuhan n'ya. Siya lang tanging lalaki na maiisip kong hindi magkakagusto sa isang mahirap.
"Nasan s'ya?" matigas nitong sabi at may madiin ang tanong na nagpagulat sa aming kaklase dahil sa paraan nang pagbigkas ng kanyang salita ay nagpapakaba sa dalawa.
Parang gumuho ang mukha ng dalawa nang maramdam ang galit ng tanong nito. Wala pamang ginagawa si Blake ay halos hindi na mapakali ang dalawa.
"Ah B-blake, si-no?" nauutal na tanong ng isa.
"Para bang may tinutukoy pa akong iba?" seryoso nitong tanong na nagtitimpi sa inis.
"Si M-mon at A-amarah ba?" nauutal nitong tanong dahil sa takot. Ngunit hindi na ito sumagot at hinihintay lang ang sagot sa mga kaklase.
"Nasa hallway malapit sa library."
Ang mas ikinagulat ko pa ay ang biglaang pag-alis nito. Ang lakas ng hangin na sumalubong sa akin na nagmula sa mabilis n'yang pagtakbo ay nakapagpatulala sa akin. Ito ang unang beses na nakita kong may pag-aalala sa kanya.
Nang makabawi sa nagyari ay bumalik ang aking diwa at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Amarah. Pagdating ko roon ay nakita ko si Amarah na duguan ang labi na inalalayan ni Yana.
Nang igala ko ang aking tingin ay tanging likod na lang ni Blake at tanging si Mon nalang ang nando'n na bagsak sa sahig at sinusubukang tumayo at dahan-dahang pinahiran ang dugo sa labi. Halos wasak na ang mukha nito pero wala akong naramdamang awa para dito dahil kahit tuluyan pangmawasak ang mukha n'ya ay hindi ko s'ya mapapatawad sa ginawa n'ya kay Amarah.
Nilapitan ko ito at kwenilyuhan pero pinigilan ako ni Amarah.
"Taman na, baka mapatay mo s'ya."
Nang tingnan ko ang pagmamakaawa nito ay parang hinahaplos ang puso ko. Binuhat ko s'ya na ikinabigla n'ya at dinala sa clinic.
"Mayer, kaya kung maglakad" reklamo n'ya sa akin ngunit hindi ko s'ya sinagot at diretso lang ang tingin ko sa daan.
Blake POV
Si Amarah, ang babaeng nakabangga ni Mommy sa unang araw ng klase. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito napapansin noon. Ngunit sa araw na 'yon ay ramdam ko ang takot sa kanyang mga mata.
Nang tingnan ko ang kabuohan n'ya ay na disappoint ako sa suot nitong uniform. Ngayon lang ako nakakakita na nag-aaral sa University na 'to na nagsusuot ng may butas. Wala kahit kailan!
Nang pagalitan ito ni mommy ay nakaramdam ako ng awa. Dati naman ay 'di ako nakikialam kung sino ang pinapagalitan n'ya pero ang mata n'ya ay puno ng emosyon. Ang mapupungay n'yang mga mata ay nakakadala.
Sa unang pagkakataon ngayon lang nangyari sa akin ang paulit-ulit na may bumabalik na mukha sa aking isipan at sa tuwing pinipikit ko ang aking mata ay mukha niya ang palagi kong nakikita. At ang buong araw na 'yon ay hindi naging madali sa akin. Lalo na nang isipin ko pa lang na kakilala ito ni Mayer at hindi lang basta kakilala dahil nililigawan n'ya ito.
Sa tuwing nakikita kong magkalapit ang dalawa ay naiinis ako. Wala akong pinagkaiba kay Mayer dahil naiinis ako kahit wala namang karapatan. Hanggang tinggin lang ang kaya ko pagdating sa kanya. At pinipigilan ang sarili na hindi gagawa nang galaw. Ngunit ang pagpipigil ko ay hindi ko matiis dahil kusang lumalabas ang nararamdaman ko sa kanya.
Sa dami nang dumaan na babae sa aking kamay, ay hindi ko pinanghihinayangan at s'ya lang ang tanging naiiba. Sa tuwing bumabalik sa aking alala n'ong hapon na sinundan ko s'ya na nagpakaba sa kanya at mabilis na naglakad dahil natakot.
Kahit minsan hindi nangyari sa akin ang pagtatagpong 'yon. Kung sa iba ko 'yon ginawa ay baka magpa-fiesta pa dahil sa saya ngunit iba ito at masyadong ilag sa tao. Ang hirap hulihin ng pansin n'ya.
Dinaan ko na lang sa pag-iinom para makalimutan ko ang mukha n'ya hanggang sa makatulog. Dahil kahit ibigin ko pa s'ya ay wala akong maiipagmamalaki sa pamilya ko. Lubos ko ding kilala ang aking pamilya parang allergy ito sa mahihirap. Kaya dapat balewalain ko kung ano man ang nasa aking damdamin.
May araw na nakita ko itong binubully ni Mon, nakatingin lang ako sa kanila habang inaabot n'ya ang libro ay pilit ko ding binabalewala at hindi nakialam.
Ngunit sa pangalawang beses nito ay biglang nabuhay ang galit sa kaloob-looban ko ng pisikal nitong sinaktan. Nang makita ko ang dugo sa labi ni Amarah habang hawak ni Mon ang suot na t-shirt ni Amarah. At sinusubukan na sampalin ulit.
"Sinisiguro kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pagtinuloy mo 'yan," pagbabanta ko rito.
"At anong paki mo?" sagot nito at mas lalo panghinigpitan ang hawak sa shirt nito at patulak na binitawan.
Nang matumba ito sa sahig ay doon na ako mas nagalit at walang sabing sinunggaban ito nang paulit-ulit na sapak. Kung hindi ko narinig ang sigaw ni Amarah ay baka hindi ko na ito tinigilan.
"Tama na baka mapatay mo s'ya." Tumalikod na lang ako bigla at iniwan sila.
"Salamat," pahabol nitong sabi sa akin.
Nang marinig ko ang pagpapasalamat nito ay napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi na ako lumingon at nagpatuloy pa rin.
Nawalan na ako ng ganang pumasok sa unang subject at naisipang idamay ang lahat ng subject sa umaga. Doon na rin ako nagpalipas oras sa library, ilang ulit akong nilapitan at pinagsabihan ng librarian sa tuwing nakakatulog ako. Tinatanong din ako nito kung bakit ako hindi pumapasok pero wala akong gana para sumagot.
Nang mag-recess ay nakita ko silang magkasama ng kaibigan n'ya at kasama rin si Mayer, inaasikaso siya nito. Umupo ako malayo sa kanila at palihim na tinitingnan s'ya. Ako man ay nagtataka sa aking sarili kung ano ba ang ginagawa ko? Wala naman itong pinapakitang motibo sa akin pero para akong nababaliw at gustong sundan ito kung saan man ito magpunta.
Maraming mga araw ang nagdaan at paulit-ulit lang ang aking ginagawa. Nakontento na akong makita s'ya sa malayo kahit hindi ko nalalapitan. At palihim na sumusunod sa tuwing uuwi ito o 'di kaya ay pumupunta sa trabaho.
Hinihintay ko pa itong matapos sa kanyang trabaho. Napupuyat man ay hindi ko alintana dahil gusto kong masiguro na maayos at ligtas itong makauwi.
Sa tuwing umuuwi ito ay may kasabay ito sa palabas ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuan. Sa kilos nito ay halatang nagyayaya itong ihatid si Amarah. Ngunit gaya ng dati ay lagi n'ya itong tinatanggihan.
Gwapo ang lalaki, matangkad, maputi at halatang mayaman. Pero kompara sa akin ay wala ito sa kagwapuhan ko. Mayabang man pakinggan pero 'yon ang totoo. Pero kahit gaano pa ako kagwapo ay wala ring silbi dahil hindi niya iyon napapansin.
At sa iba pang-araw na dumaan dahil sa kasusunod ko sa kanya umabot na ako sa puntong nakasanayan ko na. Inaamin kong naging officially stalker na niya ako. At kahit sa panaginip ay hindi ko lubos maiisip na mangyayari 'to sa akin.
"Ano ba talagang motibo mo? Bakit palagi mo siyang sinusundan? Nakiki-usap ako itigil mo na 'to!" seryoso nitong sabi sa akin na pinagtawanan ko lang.
"Kung makapagsalita ka parang ako na ang pinakadelikadong tao sa mundo. Baka nakakalimutan mo na ang kulay ng buto ko ay kakulay din ng sayo."
"Mas malala ka pa sa akin."
"Nahihibang ka na! Ano bang pinagkaiba natin pareho lang naman tayo Mayer bakit may nagbago ba ng makilala mo siya?"
"Malaki at hindi na ako tulad ng dati at ayaw ko ng manakit ng damdamin ng iba."
"H'wag kang mag-alala dahil hindi ako papatol sa mga kagaya n'ya kahit tipo ko pa s'ya."
"Dapat lang dahil 'yan ang pinagka-iba natin. Magka-uri man tayo ng buto pero napatunayan kong marunong akong magmahal at hindi ako katulad mo na walang puso."