Amarah POV
Sa lahat ng magagandang ipinakita ni Mayer ay natutuhan ko na rin itong magustuhan. Mas lalo akong bumilib sa tiyaga niyang manligaw sa akin. Dahil sa halos apat na taon ay naisip ko na siguro ito na ang tamang panahon para masuklian ko ang pagmamahal niya.
Kampanti ako sa kaniya at kaya kong ibigay ang buo kong tiwala sa kaniya. Matagal ko na siyang kilala at alam kong maipagkakatiwala ko ang puso ko sa kaniya dahil kung meron mang tao na makakatanggao sa akin ay si Mayer na iyon. Wala ng iba kundi niya lang.
Ipinangako ko sa kaniya na sa mismong araw ng graduation namin ay sasagutin ko siya. Ngunit kung kailan ko na siya unti-unting nagugustuhan ay saka pa ito nagbago ng pakikitingo sa akin.
Kung kailan hinanda ko na ang sarili ko para sagutin siya ay bigla na lang itong nag-iba. Nagtataka man ay binabalewala ko na lang at binigyan siya ng oras para sa kan'yang sarili pero ng mapansin kung may iba na talaga sa kan'yang mga kinikilos ay nagdududa na ako.
Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako ngunit hindi ko alam kung ano ang kan'yang dahilan. Wala akong maisip na nagawan ko siya ng masama at maayos kami ng huli naming pag-uusap. Sa tuwing kinakausap ko siya ay hindi siya sumasagot at sa tuwing lumalapit ako ay kusa siyang lumalayo.
Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya sa akin pero pinalampas ko na lang. Sa halip na magalit ako ay inisip ko na lang kausapin ko na siya ng masinsinan dahil naisip ko na baka misunderstanding lang ito.
Kaya na isipan kong hintayin siya sa parking lot kung saan naka-park ang mamahalin niyang sasakyan. Sinandal ko ang likod ko sa kulay itim niyang kotse habang inaantay siyang dumating. Wala na akong ibang maisip kundi ang kausapin siya dahil ang gusto ko lang malaman kung may nagawa ba akong mali sa kaniya? When I saw him approaching I suddenly stood up properly. I smiled sparingly at naglakas loob na akong kausapin siya.
His face was very sad and he obviously hide something for me. Habang tinititigan ko siya ay labis akong nasasaktan sa pinapakita niyang pang-iiwas sa akin nang tingin. Ang mga tinging iyon ay makahulugan at may ibig sabihin. Habang nag-uusap kami ay palagi niya lang sinasabing walang problema. Marami siyang idinahilan sa akin pero hindi iyon sapat para makumbinsi ako.
Nagulat na lang ako ng may biglang sumulpot na babae sa gilid namin at ang babaeng ito ay tinatawag ni Mayer sa pangalang Precious. Ngayon ko lang ito nakita at bigla na lang akong sinabunutan dahil sa galit.
Napakaganda niyang babae at halatang mayaman siya sa kan'yang itsura. Ngunit ang kaniyang angking kagandahan ay hindi umayon sa kaniyang ugali. She insulted me hard but she was still not satisfied.
Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ni Mayer dahil may fiancee na pala ito at hindi man lang niya sinabi sa akin. Nakakagulat dahil nakuha pa rin niyang manligaw sa akin ng gano'n katagal kajit mayroon na siyang pinapangakuang tao. Kaya pala ayos lang sa kaniya na maghintay ng matagal sa akinn dahil hindi naman pala ito mababagot dahil may iba itong pinagkakaabalahan. Kung ikokompara ko ang sarili ko sa babaeng ito ay wala pa ako sa kalingkingan.
Mahigpit ang pagkakasabunot ng babae sa aking buhok at kahit ano'ng pilit kong gawin para tanggalin ang kamay niya ay hindi ko magawa. Hinatak niya ako at pinagsasampal ang aking mukha.
Inawat ni Mayer ang babae ngunit hindi ito nagpapigil. Patuloy pa rin ito sa paghatak ng buhok ko pababa kahit pinipigilan na ito ni Mayer. Nagpagitna sa aming dalawa si Mayer ngunit pati ang binata ay nakakuha rin ng mga kamot sa braso. At wala itong planong tumigil sa pagsabunot ng buhok ko.
Buong lakas niya itong hinawakan at inalis ang kamay ni Precious para mabitawan ang buhok ko. Ngunit nagpupumiglas ito para sumugod kaya niyakap siya ni Mayer sa likod para mapigilan. Ginapos ni Mayer ang mga kamay niya para hindi na nito magawang hawakan ako.
Ang mga luhang bumagsak galing sa aking mga mata ay siyang nagpahina sa akin lalo. Nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. At naisip ko bigla kung bakit pa ako umaasa na may magseseryoso sa akin dahil alam ko namang malabo iyong mangyari.
Galit niya akong tinitigan at nanlilisik ang kan'yang mga mata. "Subukan mong landiin ulit ang fiance ko nang makita mo ang hinahanap mo," pagbabanta nito sa akin at talagang nakakatakot ang kaniyang itsura.
Nagtataka akong tiningnan ito bago ako tumugon. "Pero paanong—?" ang mga luha ko ay mas lalo pang nag-uunahan sa pagbagsak. Ang sakit-sakit sa puso habang tinitingnan ko sila sa gano'ng posisyon.
Pakiramdam ko ay isa akong nakakaawang tao.
"Kaya binabalaan kita Miss, h'wag mo na siyang guguluhin pa!" galit na sabi ni Precious sa akin.
Parang na wala ako sa aking sarili at binalewala ang lahat ng sinabi nito. Nakatitig lang ako sa kay Mayer at nagpatuloy sa pag-agos ang aking mga luha.
"Ikakasal ka na?" umiiyak kong tanong sa kan'ya at ibinaling ang tingin ko ky Precious. "Wala akong alam," patuloy kong ani.
Galit na galit si Precious at nagsusumigaw. Hindi ito naniniwala sa akin at pilit itong nagpupumiglas kaya hinatak ulit siya ni Mayer sa pulsuhan. Dahilan kung bakit natumba silang dalawa ng mawalan ng balanse si Precious. Kitang-kita ko silang dalawa sa kanilang ginagawa.
Para akong baliw na nawawala sa sarili habang nakatitig sa kanila na magkalapat ang kanilang mga labi. Kung hindi kami nakita ni Precious baka hanggang ngayon ay mukha pa rin akong tanga. Umaasa sa mga pangako niya na puro lang pala mga kasinungalingan.
Ang babae ay natatakot at handang makipg-away para kay Mayer, dahil hindi ito makakapayag na may hahadlang sa kasal nila. Ang mga nanlilisik niyang mga mata ay para bang kaya ako nitong patayin kung kinakailangan. At kahit sino man ang magtangkang hahadlang ay walang sino man ang makaka lpigil sa kan'ya.
Kahit napaluhod na ako sa kalsada ay patuloy pa rin s'ya sa pananakit sa akin. Sinubukan niya pa akong sampalin ng pang ilang beses ngunit mas lalo pa itong nagwawala sa galit ng hindi niya ako mapatamaan dahil pumagitna si Mayer at siya ang sumalubong sa lahat nang sampal niya.
Hindi ako nanlaban at patuloy lang sa pag-iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ay hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin. Ang sakit-sakit sa puso at sa pakiramdam, iyong sakit na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil naghalu-halo nanang lahat ng sakit sa emosyon at sakit sa pisikal. Paulit-ulit niya akong binabantaan na akong lumayo kay Mayer dahil ikakasal na ang dalawa.
Kung hindi ko ito na diskubre ngayon ay talagang maniniwala akong totoo na minahal ako ni Mayer. Sino ba ang hindi maniniwala kung lahat ng kabatian ay pinapakita niya sa akin at ipinadama sa akin halos araw-araw sa loib ng apat na taong pangliligaw. Hindi ko lubos maisip na pagkukunwari lang pala ang lahat. At kung totoo man na minahal niya ako ay dapat sinabi niya sa akin dahil karapatan kong malaman ang totoo.
Ang akala ko talaga ay siya na nga ang para sa akin pero nagkamali ako dahil iba ang pakakasalan niya.
Noong una ay nagdadalawang isip pa ako kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kan'ya. Ngunit kalaunan ay napamahal na ako sa kaniya at nakompirma ko sa sarili ko na may pagtingin na ako rito. Nalaman kong importante siyang tao sa akin at higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kan'ya dahil nasasaktan ako sa tuwing nararamdaman kong umiiwas siya sa akin. At ngayon ay domoble ang sakit mas lalong nasaktan nang malamang may fiancee na siyang iba.
Ayae kong masaktan pero hindi ko sinasadyang maapektuhan. Nawawalan ako nang lakas sa mga narinig at nanginginig ang aking mga tuhod. Ang akala ko ay mapapaupo ako sa kalsada na tinatayuan ko. Pero nagulat ako ng may biglang umalalay sa likod ko. Nang dahan-dahan ko itong nilingon ay nakita ko si Blake.
At ngayon ay nandito na naman siya sa para tulungan ako. Dalang beses na niya akong niligtas sa ganitong klaseng sitwasyon. Ito ang pangalawang beses na iniligtas niya ako. Noong una ay kay Mon at ang ngayon. Nagtataka man kung bakit dumadating siya sa akto pero hndi ko na lang pinansin at wala akong panahon para bigyan iyon ng oras para idagdag sa aking iisipin.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palayo sa kanila. Ngunit bago pa kami makahakbang ay pinigilan na ako ni Mayer. Hawak niya ang isa kong kamay at ayaw akong ipasama kay Blake. Nagsukatan sila ng mga titig at wala sa kanila ang nagpatalo. Bago pa lumqki ang gulo ay ako na ang nagpasya na higitin ang kamay ko. Madali niyang binuksan ang kotse niya at sinakay ako sa loob. Mabilis niyang nilisan ang lugar at dinala niya ako sa kan'yang condo.
Mahirap man kami at taga bundok lang ako pero hindi na ako ignorante sa mga condominium na gaya nito. Madalas din akong naisasama ni Yana sa mga lakad niya kaya nakakakita ako nang magagandang bahay, tanawin, at lugar.
Sa lahat nang condominium na nakita ko ay ito ang pinakamataas. The tallest and most luxurious. Lalo na at nasa pinaka mataas na palapag ang space niya. At nang makapasok kami sa kwarto niya ay nag-alangan pa ako pero hinila na niya ako na parang wala lang sa kan'ya na magkasama kami sa kan'ya condo kahit na kami lang dalawa at walang ibang kasama.
Hindi siya naiilang sa presensiya ko na kami lang dalawa sa loob ng space niya at kabaliktaran naman iyon sa nararamdaman ko. Pero pinili kong maging pormal at hindi pinahalata sa kaniya. Kahit kinakabahan man ay tumuloy ako at lahat ng iyon ay biglang napawi dahil napakaganda ng loob.
Nang makita ko ang desinyo sa loob, ay napanganga ako sa ganda ng design. It's modern and expensive at ang ayos ng mga kagamitan ay nakakahanga. At kahit ang mga kulay na napili ay napakaganda.
Ang awkward nang aming sitwasyon ngunit parang ako lang ang nakadama. Hindi tuloy ako maka pag-isip ng tama kung tama ba ang sumama ako sa kan'ya. Natatakot man ay inisip ko na lang kung ilang beses niya akong niligtas at wala akong makitang dahilan para akoy kan'yang saktan.
Pinaupo niya ako sa sala at nagtungo siya sa kusina para maghanda ng pwede naming makain. Ilang minuto ay iniwan niya ang kan'yang hinanda sa maliit na mesa sa sala at pumasok sa kan'yang kwarto. Paglabas nito ay may damit siyang inabot sa akin na nakatupi pa at ang amoy ay humahalimuyak pa.
"Bago tayo kumain ay magbihis ka muna." Utos niya.
Lumapit siya sa akin at inabot ang dala nitong damit.
"Huwag na isa pa hindi naman na ako magtatagal, aalis din naman ako ngayon, at salamat pala," sinsero kong sabi.
"Magbihis ka, ang dungis mo," reklamo niya sa akin.
Kaya wala na akong magawa dahil pinilit nitong iabot ang damit na dala niya para suotin ko. Kaya tinanggap ko na at diretsong pumasok sa banyo na itinuro niya sa akin.
Sinuri ko ang mga binigay niyang damit. Isang plain white na t-shirt na malaki at aabot hanggang sa aking tuhod dahil mataas siyang binata. Binigyan niya rin ako ng underwear na bago dahil mayroon pa itong nakasabit na tag price.
Matapos kong isuot lahat ay napatigil ako at tinitigan ang sarili sa malaking salamin. Nag-aalangan akong lumabas dahil napakaikli ng short at hindi ako sanay na magsuot ng ganoon ka iksi.
Kung kanina ay masyado akong madungis ngayon naman ay naninibago ako sa aking hitsura. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit hindi ko tiningnan ang damit na inabot niya bago ko sinuot ang napili niyang damit.
Wala namang problema sa damit. Simple puting t-shirt lang ito ngunit masyadong malaki sa akin. Kaya lang ay pinaresan naman ito ng maikling short at natatabunan na ng aking damit na suot.
Parang ayaw ko nang lumabas dahil sa aking itsura. Kung mayroon lang akong mapagpipilian ay hindi ko ito susuotin.