bc

Unlucky Wife

book_age18+
4.5K
FOLLOW
20.7K
READ
forbidden
love-triangle
possessive
sex
submissive
bold
cheating
tortured
wild
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

WARNING: CONTENT R-18

This story contains matured content and not suitable for very young readers.

Si Amarah ay lumaking mahirap at dinanas ang lahat ng pangmamata at panghahamak ng mga tao. Ganoon din ang lalaking napangasawa niya at ang pamilya nito.

Lahat ng pagdurusa ay dinanas niya dahil sa asawa. Paano kaya siya makakabangon kung pinipira-piraso ang pagkatao niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Amarah POV "Ma'am sorry po, sorry po talaga," sabi ko ng ilang ulit nang bigla kong mabangga ang isang napakagandang ginang na halatang mayaman dahil sa kanyang itsura. Yumuko ako at nag-sorry agad ngunit wala akong marinig na boses mula rito. Nag-angat ako nang tingin at nakita ko ang nanlilisik nitong mga mata. Kinabahan ako bigla at natakot sa pwede n'yang gawin. Laking gulat ko dahil isang sampal ang pinakawalan n'ya sa aking pisngi dahilan kung bakit hindi ako makagalaw agad. "Sorry po, hindi ko po talaga sinasadya Ma'am," ulit kong sabi rito na may pagmamakaawa sa kaniya. At ang mga mata ay 'di mapigilang mapaluha. "Paano nakapasok dito sa loob ang hampas lupang 'to?!" tanong nito sa guard na nakaturo sa mukha ko. Walang alinlangan n'yang ginamit ang kaniyang hintuturo sa harap ko at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Nakakapanliit sa sarili ang paraan ng kaniyang pagtitig sa'kin. Wala akong magawa kung 'di ang yumuko na lang at manahimik. Pinikit ko muna ang aking mga mata bago yumuko para maibsan ang nararamdamang kahihiyan. Dumadami na rin ang mga taong nakikichismis upang makinig sa pangmamata ng ginang sa akin. "Ma'am, scholar po s'ya rito," sagot naman ng guard. Tumango lang ang ginang sa naging sagot ng gwardya. "Babae, sa susunod ay tumingin ka sa dinadaanan mo. 'Wag kang palampa-lampa! Alam mo ba kung gaano ka mahal 'tong suot ko?" mataray nitong sabi sa'kin. "Sorry po talaga Ma'am hindi ko po sinasadya. Hindi na po talaga mauulit. Pasensya na po," yumuko ako para iparamdam sa kaniya ang sinsero kong paghingi ng paumanhin. Aalis na sana ako nang bigla n'ya akong pinigilan at pinagsalitaan ng masama. "Walang modo! Aalis ka na lang ba basta-basta? 'Di dahil pinagbigyan kita ay agad mo rin akong tatalikuran! Nakita mo ba ang ginawa mo sa sapatos ko? Dinumihan mo! At ang lakas ng loob mong iwanan lang ako basta-basta," may diin nitong sabi. "Sorry po talaga Ma'am, pero wala po akong perang pambayad," pagpapakatotoo ko sa aking sarili. Kaya pinasadahan niya ulit ako nang tingin. "I know because it's really obvious! Isang tingin ko pa lang alam kong wala kang kapera-pera sa bulsa mo! Kaya linisin mo 'yan bago pa ako mawalan ng pasensiya sa'yo." "Mom!" pigil ng isang lalaki na kasama nito. Nahulaan ko na agad kung kaano-ano n'ya ang ginang dahil sa titulong tinawag n'ya rito. Naantig ang aking puso dahil sa ginawang n'yang pagpigil sa kaniyang ina. Talagang makikita sa mukha nito ang totoong kabaitan niya. S'ya rin ang nahihiya sa ginawa ng kanyang ina pero hindi man lang nagpatinag ang ginang kaya mabilis na akong kumilos. Lumuhod ako at pinagpag ko ang kaniyang mamahaling sapatos gamit lang ang aking mga kamay. Nang hindi ako makontento ay hinila ko rin ang aking saya para mapahiran at masiguradong walang kahit anong duming natira. Marami na ring mga estudyante ang nakatingin sa akin sa nakakahiya kong sitwasyon . Nabigla pa ako ng tinapunan ako ng wet wipes ng ginang na tumama pa sa aking ulo. Kaya walang tanong ko 'yong binuksan at mabilis na nilinis ang dumi sa kanyang sapatos. Nang mahawakan ko siya sa balat ng hindi sinasadya, ay napahanga ako dahil napakakinis nito kahit may edad na. Ngunit bigla n'yang hinigit ang paa dahil diring-diri ito sa akin. Matagal na akong sanay sa pandidiri ng mga tao sa'kin mula pagkabata hanggang sa aking paglaki. Kaya pinilit ko na lang ang sarili kong hindi maapektuhan kahit na ang totoo ay unti-unting hinihiwa ang aking puso. "Miss, sorry," humingi ng paumanhin sa akin ng binata. "At bakit ikaw humihingi ng sorry sa kaniya Blake? Can't you see? S'ya naman ang may kasalanan, kung hindi lang sana s'ya tanga!" naiinis na sabi ng kanyang ina. "Mom, please!" 'yon lang ang tanging sinabi nito at mabilis inalalayan na kaniyang ina para makalayo sa'kin. Tulala lang akong nanuod sa paglayo nila at pinakiramdam ko ang aking sarili. Unti-unti pa ring dinudurog ang puso ko. Masyado kaming mahirap na kahit damit ay nabibilang lang at may butas pa. Nag-iisa lang ang pambahay, panlakad, at ang aking uniporme. Isa-isa lang ang pares meron ako at kahit panty ay dalawa lang iyon para lang may pangpalit kinabukasan. Araw-araw kong nilalabhan ang gamit ko para may pamalit ako kinabukasan. Minsan kung nakakagaan ay sinasabunan ko ang aking mga damit. Ngunit kadalasan ay wala kaming pambili ng sabon. Kaya ang ginagawa ko, pagnaglalaba ako sa batis ay naghahanap ako ng manipis na sabon na nanlalambot na at natutunaw na sa tubig. Minsan kasi ay iniiwan lang nila ang maninipis dahil hirap na silang gamitin ito sa damit. Kaya nagpapalasamat ako kapag nagkataon na may madatnan akong tira. 'Di bali ng hindi masubunan ang pambahay kong damit basta't ang importante ay malinis at mabango ang uniform ko na may maliit pang butas sa balikat. Nilapitan ako ng nag-iisa kong kaibigan sa campus na 'to. Nawalang sawa para pagaanin ang loob ko. Mula ng mag-aral ako sa Maxwell University ay si Yana na ang naging totoong kaibigan ko. Sa Maxwell University ay mayayaman ang lahat ng mga studyante kaya ayaw nila sa katulad ko. Nang makapasa s'ya sa scholarship ay sinunggaban n'ya agad ang oportunidad. "Okay ka lang?" may pag-aalala sa boses nito. "Oo naman, hindi pa ba ako sanay?" nakangiti ko s'yang tiningnan kahit ang totoo ay umiiyak ang aking puso. Masakit, sobrang sakit! Mas lalo tuloy akong naaawa sa aking sarili. Sa sobrang dami ng nangyari sa bawat araw ng buhay ko. Bawat araw ay parang isang kalbaryo ang aking haharapin. Dahil kahit saan ako mapadpad konti lang ang kayang tumanggap sa gaya kung singhirap ng daga. "Best, 'wag mo na lang isipin 'yon, ang isipin mo ngayon ay ang makapagtapos ka sa pag-aaral mo para kahit papaano ay makaahon ka sa buhay na kinalakihan mo," malungkot nitong sabi. Malungkot ko s'yang tiningnan sa mata at may nabuong mga katanungan sa isipan ko pero hindi ko kayang magtanong sa kanya. "Huwag mong isipin na minamaliit ko ang pamumuhay n'yo. Ayaw ko lang na inaapi ka. Wala namang problema sa pagiging mahirap basta't 'wag lang masyadong nakakaawa," nahulaan din n'ya ang nasa-isip ko kaya sinagot ko lang s'ya ng buntonghininga. "Sige na pumasok na tayo dahil ten minutes na tayong late," pagyaya n'ya sa akin. Tinakbo namin ang daan papunta sa classroom at sabay kaming humingi ng paumanhin. Nasa 4rth year college na kaming dalawa ni Yana at ito ang unang araw ng pasok namin sa taong 'to. "Good morning Sir, sorry po we're late," sabay naming sabi ni Yana sa instructor. "Anong maganda sa morning ko ngayon kung mga late comers ang mga studyante ko! Unang araw ay late kayo sa klase ko! Iniinsulto n'yo ba ako?" "Sorry po Sir, kasalanan ko po. Tinulungan lang po ako ni Yana kaya nadamay s'ya at sa nahuli ng dating dahil sa'kin," paliwanag ko sa instructor. "Kung gano'n ay pumasok na kayo! At ikaw lang ang umupo!" turo n'ya kay Yana. "At ikaw," turo n'ya sa'kin gamit ang ballpen na hawak n'ya at matalim masyado ang kaniyang tingin. Naiintindihan ko naman dahil unang araw pa lang ng pasok ay gumawa na ako ng pagkakamali. "At sa lahat ng ayaw na ayaw ko ay ang nali-late sa klase ko. Inako mo naman ang kasalanan kaya rito ka sa harap tumayo at ikaw ang magpunas ng lahat ng mga isinulat ko sa pisara kung 'di na kailangan," mahabang paliwanag nito. "Yes Sir," pagsang-ayon ko rito. Pumunta na ako sa harap at kinuha ang eraser. Tumabi rin ako sa gilid para mabigyan ng malaking lugar ang instructor para makapagsulat s'ya ng maigi. Asiwa akong tumayo sa gilid at ramdam kong may mga matang nakatitig sa akin. Gusto ko manghanapin pero nahihiya akong igala ang mga mata ko sa harap. Ramdam ko ang may kakaibang titig sa akin kaya wala sa sarili kung napahaplos sa aking braso ng makaramdam ako ng ginaw. Sinubukan kong igala ang aking mga mata nang biglang napahinto ang aking paningin sa gwapong lalaki na anak ng ginang na engkwentro ko kanina. Bigla tuloy akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Nakatitig ito sa akin kaya ako ang unang nag-iwas nang tingin. Hindi ko kayang labanan ng matagal ang kakaiba nitong titig. Naiilang ako sa paraan ng mga titig n'ya. Kakaiba ang mga tingin n'ya kompara kanina. Matapos ang oras ng klase ay nag-break time na kami. Niyaya ako ni Yana na sumama pero tinanggihan ko s'ya. Nahihiya na akong sumama sa kaniya dahil alam kong ililibre lang n'ya ako ulit. At nahihiya ako na baka hindi ko masuklian ang mga kabutihan n'ya. Sa halip na mag-recess ay nanatili lang ako sa loob ng classroom para mag-aral. May layunin akong makapagtapos bilang isang summa c*m laude. Tahimik lang akong nagbabasa ng may naramdaman ako bigla na nakatingin sa akin. Nakasandal s'ya sa gilid ng pinto at nakapamulsa. Nagtaka ako kaya tiningnan ko ang paligid kung may iba bang tao pero wala akong makita kaya nasisiguro kong sa akin s'ya nakatingin. Mag-iiwas na sana ako nang tingin nang biglang niluwa ng pinto ang pinakamakulit na lalaking nakilala ko. Mabilis itong lumapit sa inuupuan ko at biglang inabot ang dala nito sa akin. "Ano 'yan?" nagtataka kong tanong dito. "Snack mo," walang gana nitong sabi na pasimple pang sinulyapan ang lalaking nasa pinto. "Busog pa ako," nakangiti kong sagot dito. "Hindi ko sinaaabing gutom ka pero binili ko talaga 'to para sa'yo," pagpupumilit n'ya sa'kin. "Sa'yo na 'yan, busog pa talaga ako," pagsisinungaling ko rito. "Eh 'di saka muna kainin kapag nagutom ka na," mas lumapit pa s'ya sa akin ng konti at walang pasabing binuksan ang bag ko. At nilagay n'ya roon ang snack na binili n'ya para sa' kin. "Mayer, anong ginagawa mo?" pagpipigil ko sa kilos n'ya. "Ilang beses mo na akong tinanggihan sana naman kahit ngayon lang," malungkot nitong sabi at tumitig nang diretso sa aking mga mata, nagsusumamo na hindi ko ipilit kung ano ang gusto ko. Nagulat pa ako sa kaniyang ginawa nang biglaan n'yang hinawakan ang aking pisngi. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng aking tenga nang mapansin niyang nakaharang ang ilang buhok ko sa aking mukha. "Pero," magpoprotesta pa sana ako ngunit pinigilan n'ya akong magsalita. "Please," 'di na n'ya ginawa pangpatapusin ako sa aking sasabihin at bigla na itong pumunta sa kaniyang pwesto at pabagsak na umupo. Sinundan ko lang s'ya nang tingin at bumitaw ng matunog na buntonghininga. Alam kong malungkot s'ya sa inasta ko. Kaya nakokonsinsya ako dahil s'ya lang ang tanging lalaking naging mabait sa'kin mula ng mag-college ako. Pinaramdam n'ya sa akin na importante akong tao sa buhay n'ya. Ngunit hindi ko pwedeng ibaling ang atensyon ko sa kaniya. Gusto kong matupad ang pangarap ko para sa aking pamilya. Ilang saglit pa ay unti-unti nang dumarating ang lahat ng aming mga kaklase. "Amarah, nakita ko si Mayer sa canteen kanina, dinalhan ka ba n'ya ng pagkain dito? " malakas nitong sabi at walang pakialam kung may makarinig man na ibang tao. "Huh?" tanging 'yon lang ang nasagot ko sa kanya dahil sa hiya. Tumitig pa ito sa akin at excited na hinintay sa aking sagot na parang ito pa ang kinikilig sa akin kaya sinagot ko ito ng tango. Mas nagulat pa ako nang bigla itong tumili sa loob ng classroom at pinaghahampas ako sa balikat. "Wow, ang ganda mo girl, nakakainggit ka," masaya nitong sabi. "Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong. "Yana pwede bang hinaan mo 'yang boses mo?" "Oh c'mon! Hoy ikaw Amarah ha! si Mayer 'yon at napakaubod ng gwapo n'ya. Sino ba'ng 'di maiingit sa beauty mo?" Ngunit tinitigan ko lang s'ya at binalewala. Pinasok ko sa bag ang libro na binasa ko kanina at hindi na sumagot sa kahibangan ng kaibigan ko. Ganito talaga ang ugali n'ya kung umasta s'ya sa harap ko, pakiramdam ko normal akong tao. Pakiramdam ko hindi malayo ang agwat namin sa buhay dahil tinuturing n'ya akong kaantas lang n'ya. Kahit kailan ay hindi ko maramdaman na iba ako sa kaniya. Napakabuti n'yang kaibigan. "Ikaw ha! Taas ng buhok mo girl," panunukso nito sa akin habang hinihila ang aking buhok. "Tumigil ka na, alam mo naman 'di ba? Wala akong panahon sa mga ganyan." "Sos pwede mo na mang pagsabayin para kahit papano ay may konting challenge naman 'yang buhay mo, kahit pang inspirasyon lang." "May inspiration na ako, si Nanay at Tatay," ngunit talagang makulit ito at pinagdidiinan na iba ang inspirasyon pagdating sa lovelife. Hindi ko na lang s'ya pinansin at nakangiti na lang habang nakatingin sa kaniya. Nagpapasalamat ako dahil kahit marami ang ayaw sa akin ng school na 'to ay masaya pa rin ako na rito ako nakapag-aral dahil nagkaroon ako ng tunay na kaibigan. Buong buhay ko, bata pa lang ako palagi na akong tinutukso ng aking mga kaklase. Maswerte ako at nagkaroon ako ngayon ng mabait at totoong kaibigan. Minsan nga lang ay biglang tinutupak pero nasasabayan ko naman. "Nakakahiya 'wag ka ngang sumigaw." Bulong ko rito. "Na carried away lang ako girl." "Magkatabi lang tayo kaya 'wag kang sumigaw, nakakahiya." "S'ya nga pala 'yong inalok ko sa'yo noon about sa part time job sa Costo Restaurant? Available pa rin hanggang ngayon. Kung ako sayo mag-resign ka na lang sa pinapasukan mo dahil mas malaki ang sweldo rito sa nirerecomend ko. Kaya lang halos buong gabi kang puyat." "Bakit?" "Cashier ka kasi sa isang restaurant at kayo ang huling uuwi dahil kinikwenta n'yo pa ang mga kita n'yo ng maigi. May duty rin naman sa umaga kaya lang night shift lang naman ang available mo." "Pag-iisipan ko baka kasi masira ang pag aaral ko." "Ano ka ba! Eh halos nga kabisado muna nga ang libro sa kababasa mo." "Hindi pa rin sapat ang mga nalalaman ko." "Baka ma over qualified ka na n'yan Amarah ha!" Sa halip na sagutin ay hindi ko na lang s'ya pinansin. Alam kong hindi ako mananalo sa dami ng rason nito. Pero hindi pa rin talaga na uubusan ng tanong ang kaibigan kung 'to. "Amarah, s'ya nga pala! first day of school suot mo pa rin 'yang luma mong uniform. Bakit ba hindi mo sinusuot ang mga binibigay ko?" "'Wag na, isusuli ko na lang sa'yo 'yon. Nang sinuot ko 'yon dati napagkamalan pa akong mayaman. Nahiya tuloy ako wala pa naman akong pera sa bulsa." Natatawa kong paliwanag sa kaniya. "Sige kapag hindi mo sinuot 'yon bukas magtatampo na talaga ako sa'yo. Promise hindi ako nagbibiro," pagbabanta nito sa akin. "Ok po madam, salamat pala ro'n," pang-aasar ko rito. Matapos ang mahabang araw ay sinamahan ako ni Yana sa sinabi n'yang papasukan kung trabaho. Sinama pa n'ya ako sa bahay n'ya para ayusan. Para raw magmukha akong tao dahil mismong may-ari nito ang mag-i-interview sa akin. Nang tingnan ko ang lugar ay napanganga ako sa ganda ng paligid mula sa labas hanggang sa loob. Good gilt, balmy outdoor, exclusive and hideously expensive, classy and positively clean. "Where are you? We're here!" bigla nitong sabi na kausap ang kabilang linya sa kaniyang cellphone. Siguro ay malapit talaga itong magkakilala dahil hindi man lang nito gumawang bumati. Nahihiya tuloy ako dahil parang si Yana pa itong demanding. "Pasok na lang daw tayo sa office n'ya." "Ako na lang nakakahiya naman sa may-ari kung isasama pa talaga kita." Mabilis akong naglakad patungo sa pinto at kumatok bago pumasok dahil ayaw ko ng makipagtalo sa kaniya masyado itong makulit at ayaw ng hini-hindian. "Good luck," pahabol nitong sabi ng isara ko na ang pinto sa opisina. Napangiti ako dahil todo supurta ang binibigay n'yang pag-alalay sa akin para makuha ko ang trabahong 'to. Masyado raw strikto ang Boss namin kung sakali mang matatanggap ako at pihikan daw ito sa trabahador. Wala itong pakialam kung walang masyadong looks ang employees basta ang importante rito ay may alam sa trabaho, hindi lampa at alam paano asikasuhin ang customer. Humugot pa ako ng isang malalim na buntonghininga dahil sa kaba. Pakiramdam ko madyado itong standard. Nang tingnan ko ang mga employees kanina ay talagang may mga pleasing personality lahat. Wala rin akong experience sa isang restaurant. "Come in," naglakad ako malapit sa harap ng may-ari at yumuko. "Good evening Sir!" masaya kong bati at ngumiti. Pero biglang nawala ang maganda kong ngiti sa aking mukha ng hindi man lang ito tumugon sa aking bati. Pinasadahan niya lang ako nang tingin mula ulo hanggang paa kaya nailang ako sa paraan ng pag-uusisa niya sa kabuohan ko. Kakaiba ang mga tingin nito sa akin ngunit hindi ko mahulaan kung ano ang ibig sabihin. Hindi ito ngumingiti at walang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Ngayon pa lang ay naramdaman ko na ang kaba. Ilang minuto na ako sa harap nito pero parang hindi pa ito tapos pag-aralan ang kabuohan ko. Ni hindi rin ako inalok ng upuan kaya binasag ko ang katahimikan na tanging pitik ng dibdid at ang sariling hininga lang ang tangi kong naririnig. "Sir ito po 'yoong application form ko," mahina kong sabi. Kahit naiilang man ay pinilit kong maging kaswal pero tinitigan niya lang ang kamay ko habang nag-aabot ng envelope para sa resume ko. Bago n'ya kinuha sa akin ay nagpakawala pa ito ng isang matunog na hininga na halatang napipilitan lang. "So tell me about your job experience?" walang gana nitong interview. "Isa po akong call center agent." "Experience about the restaurant?" follow up question nito at gano'n pa rin ito walang ganang magtanong at makinig sa akin. "Wala pa po," nahihiya kong sabi kaya matunog itong sumandal sa swivel chair niya. "About being cashier?" sunod-sunod nitong tanong na parang nauubusan na ng pasensya. "Wala rin po Sir," nakayuko kong sabi dahil ang totoo ay hindi ko pinaghandaan na itatanong n'ya ito sa akin. "So why do I hire you?" seryoso nitong tanong ulit at tiim bagang na nagpipigil sa inis. "Kilala ko ang nag-recommend sa 'yo kaya pinaunlakan ko s'ya. Marami na din s'yang pinasok dito ngunit ni isa sa kanila ay walang tumagal. Ngayon paano kita tatanggapin kung wala ka palang alam?" patuloy nitong sabi na binigyan ng diin. "I'm willing to be trained Sir, and I'm a fast learner. Masipag din akong magtrabaho at gagawin ko ang lahat 'wag n'yo lang pagsisisihan na tinanggap n'yo ako." "Tatapatin na kita Miss Amarah, kung hindi dahil kay Yana ay wala akong balak na interviewhin ka but she so persistent kaya pinagbigyan ko na," wala pa ring pinagbago ang itsura nito kaya nawalan na rin ako ng pag-asa. "Yes Sir, it's okay ayaw ko rin naman pong matanggap dahil sa pilitang recommendation. Dahil kung 'yan po ang basehan n'yo para matanggap ako ay ako na mismo ang aayaw. Pasensya po sa abala," malungkot kong sabi kaya nagpaalam na ako na aalis. Palabas na sana ako ng pinto nang bigla n'ya akong pinigilan. "Wait, your hired! Susubukan ko ang kakayahan mo. Magtatagal ka kung mabilis kang matuto. So I will give you a chance," napangiti ako sa sobrang tuwa at dalawang beses ko pang-inulit sa kaniya kung totoo ba ang aking narinig. Ngunit na pikon siya at agad akong pinalabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
216.4K
bc

To Love Again

read
52.0K
bc

Unwanted

read
522.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.8K
bc

My Son's Father

read
586.1K
bc

His Revenge

read
55.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
220.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook