I can’t quite figure out why he has women’s shorts and also has panties in the condo. I wondered about it and wanted to ask him this. Maybe this guy has a girlfriend, and I don't want to repeat what happened earlier.
"Are you gonna take long?" bigla nitong tanong sa akin. Hindi ko namalayan na natagalan na pala ako.
"Nahihiya ako." Sinilip ko s'ya sa labas ng kwarto habang tinatago ang aking buong katawan.
"There is no one else here, so get out!" he said formally.
Umiling ako. "Mayroon ka pa ba'ng ibang damit? Hindi kasi ako sanay sa ganito, masyadong maiksi 'yong short," reklamo ko rito pero umiling siya at sinabing wala ng iba.
"Bilisan mo na riyan, alangan namang suotin mo pa 'yong damit mo kanina eh ang dungis na non," inis niyang sabi na parang nawawalan na ng pasensiya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Nahihiya mang lumabas pero nilakasan ko ang loob ko dahil wala na ibang paraan.
Tumango ako sa kaniya bago tumugon. "Sige."
When I came out of the room, he looked at me from head to toe.
I was taken aback by the way he stared. I feel like I will melt in shame and isolation from his stare. None of us speak, and we only glance at each other. It was as if I was deaf to the silence, and no one of us is talking. So I broke the silence between the two of us.
"Bakit?" malumanay kong tanong sa kan'ya at nagtataka sa ginagawa niyang mga titig sa akin.
I got no answer from him, and he just looked at me without emotion. Umiwas ako nang tingin sa kaniya at sinaway siya sa kan'yang ginagawa.
"Pwede ba'ng 'wag mo akong titigan ng gan'yan? Naiilang ako," mahina kong reklamo sa kan'ya.
I thought he would answer my question to him. But he just left me in the room alone and returned immediately, carrying a first aid kit.
"Sit," maawtoridad nitong sabi sa akin.
"Ha?" nagtataka ako sa kan'yang sinabi at nanatili lang akong nakatayo habang hinihila ang laylayan ng suot ko.
"Umupo ka!" ulit nito at tinuro ang couch.
"Bakit?" nagdududa kong tanong rito.
"Umupo ka na!" matigas niyang sabi at halatang naiinis na.
Nang hindi pa rin ako umupo ay hinatak na niya ang kamay ko at pilit na pinapaupo. Sinunod ko na lang ang utos niya dahil halata sa itsura nito na naiinis na at malapit ng maubusan ng pasensiya. Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa gilid ko at humarap siya sa akin. Binuhat niya bigla ang paa ko at ipinatong niya sa kaniyang mga hita.
Binuksan niya ang mga gamit pampalinis ng sugat at hindi ko mapigilan ang sariling umiyak. Sa tuwing nakikita ko ang mga sugat ko sa tuhod ay naaalala ko ang panlolokong ginawa sa akin ni Mayer.
Ang sakit sa pakiramdam dahil gaya lang din pala siya sa mga taong minamaliit ako. Naikuyom ko ang aking mga kamay ng maalala ko kung paano kami pinandidirian ng mga tao. Ang mga alaalang kay sakit ay biglang bumalik. At sinisiguro kong hindi ako susuko kahit maliitin pa ako ng mga tao.
Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili dahil hindi na ako nadala. Tanging si Yana lang ang totoo at maasahan kong kaibigan at wala ng iba. Naiinis ako sa aking sarili kung bakit ang bilis kong magtiwala sa mga taong pinapakitaan lang ako ng konting kabutihan. Kahit niloloko lang nila ako ay bumibigay na kaagad.
I remember then that we were never entirely accepted by the people. They were too judgmental, and they could not accept us because of the state of our lives.
FLASHBACK
"Anak, 'wag ka ng mag aral! Tumigil ka na dahil iyan lang ang pagpapahamak sa'yo!" Galit na sabi ni tatay sa akin.
At sa unang pagkakataon ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit sa akin. Hindi ko inaasahan na pipigilan niya ako para sa mga pangarap ko.
"Ronato, ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Tigilan mo na nga si Amarah at hayaan mo siyang magdesisyon para sa sarili niya. May mga pangarap ang bata at huwag ka mo siyang hadlangan," asik naman ni nanay kay tatay.
Galit na galit si Nanay kay Tatay Ronato dahil ayaw niyang nakikitang umiiyak ako. Lumapit si Nanay sa akin at niyakap ako nang mahigpit habang hindi ako ay patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nanlaki ang mga mata ni tatay at senirmonan si nanay. "Baka ikaw ang nahihibang Lysa, baka gusto mo ring matulad 'yang si Amarah sa ate niya!" paalala ni Tatay at puno ng kabiguan ang kan'yang itsura.
Umiling si nanay at nilabanan si Tatay Ronato. "May tiwala ako kay Amarah, Ronato, kaya ibibigay ko lahat ang suporta sa kaniya. Sana ay pagkatiwalaan mo rin siya. Kung ano man ang nangyari sa kapatid niya ay hindi ibig sabihin na mangyayari rin sa kaniya," sigaw ni Nanay at umiiyak na rin.
Ngayon ko lang sila nakitang nag-away at dahil iyon sa akin. Sobrang sakit dahil hindi pa rin nakakalimutan ni tatay ang nangyari sa Ate Morah ko. Napakabait niyang kaoatid at napakatalino pero sumuko siya sa laban at iniwan niya kami na pamilya niya.
Taimitim siyang tumitig kay nanay at nagpaliwanag. "Nagtiwala rin ako kay Morah noon Lysa, pero ano'ng nangyari? Nabigo ako.... nabigo tayo," umiiyak na sabi ni tatay at si nanay naman ay bumuhos rin ang mga luha sa kan'yang mga mata.
Puno ng hinanakit ang boses ni Tatay dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit wala siyang nagawa ng magpakamatay ang aking nakakatandang kapatid.
Lumapit ako kay tatay at lumuhod sa harapan niya. Nangangako ako na hindi ako magagaya ka Ate Morah at hindi ko papansinin ang mga tao sa paligid ko. Hahayaan ko sila kahit pa insultuhin ako at gagawin ko ang lahat para maiahon ko sila sa hirap.
"Tay, hindi po ako magagaya kay ate! Pinapangako ko po," nangangako kong sabi kay tatay.
Alam kong 'yun lang ang magpapagaan sa kalooban niya. Kaya nangako akong hindi ko sila bibiguin. Labag man sa kalooban ni Tatay Ronato at nagdadalawang isip sa hinihiling ko ay sa huli ay binigay niya ang basbas sa akin. Sobrang saya ko sa araw na iyon ay maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko.
Simula noon ay sinusuportahan na niya ako sa lahat at palagi niya akong sinusundo sa tuwing pauwi na ako galing sa skwela. Kahit pagod man siya sa kan'yang trabaho sa bukid ay hindi siya pumapalya sa pagsundo sa akin upang masiguro lang ang kaligtasan ko.
Naiintindihan ko ang punto ni Tatay noon dahil ayaw niya lang akong magaya kay Ate Morah. Hindi nito nakayanan ang mga masasakit na salita, mga pang-iinsulto, mga pananakit, at mga panliliit ng mga tao sa kaniya. Sinikap niyang maging pinaka matalino sa klase para may maipagmalaki at matanggap ng lipunan pero bakewala lang pala iyon kung kasing hirap ka ng daga.
Nagmumok lang ito sa bahay noon, at ayaw ng kumain hanggang sa naisipan nitong magpalunod sa batis.
Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa pamilya namin. Ang mawalan ng isang membro sa pamilya. Minsan ay naisip ko na kamuhian ang mga tao pero hindi ko magawa dahil kahit magalit ako ay hindi ko na maibabalik ang nawala.
***
Tinitigan ko lang ang mga tuhod kong ginagamot ni Blake. Habang nag-uunahan at parang nagkakarera ang mga luha ko sa aking mga mata. Na aalala ko ang bawat pananakit at panluluko ng mga tao sa akin. Na siyang nagpapasikip ng aking dibdib. At ngayon ay naiintindihan ko na, kung bakit nagawa ng aking kapatid ang kitilin ang sarili niyang buhay. Ngayon pa lang, kagaya niya ay gusto ko na rin talagang sumuko at iwan ang mundong ito na puno ng mapanghusgang tao.
Gustong-gusto nilang manakit ng kapwa tao dahil kahit nakaluhod na ito sa kanilang harapan ay hindi sila maaawa. Dahil kqhit na magmamakaawa ka upang hayaan ka na lang nilang mabuhay ng mapayapa ay hindi pa rin sila tumitigil at mas lalo ka pa nilang tinatapakan hanggang sa madapa.
Sa bawat alaalang na aalala ko ay konting-konti na lang mawawalan na ako ng pag-asa.
BLAKE POV
I can’t blame people, especially at this University, for why they underestimate people. Students with poor attendance will no longer be accepted at this elite school.
When I followed her, she was tripped several times by the students, both women and men. She is so beautiful that she is also envied by women and is not accepted because she is just poor. Even other men are nice to her but have no interest because of her status in life.
Kahit ako man, ay ayaw ko sa mahihirap, nandidiri ako sa kanila dahil napakadumi nila. At kahit gusto ko pa ang isang babae iyon ay hanggang tingin lang ako at sa pasunod-sunod ng hindi niya nalalaman. Kung ako nga ay hindi matanggap ang katayuan niya buhay, paano pa ang iba?
Totoong naaawa ako sa kaniya pero hindi ako dapat magpadala lang sa awa dahil tiyak na ako rin ang mapapahiya sa mga kakilala at mga kaibigan ko lalo na sa aking mga pamilya.
Pero hindi naman ako kasing sama gaya ng iba dahil sila ay nanakit ng kapwa habang ako ay walang pakialam kahit ano pang ginagawa ng mga ito. Hindi ko rin matanggap sa sarili ko na magkakagusto ako sa babaeng mahirap pa sa daga. Dahil ito ang unang beses na nangyari 'to sa akin.
Pinilit kong iwaglit siya sa aking isipan, but I can't control myself until my feelings get worse, and wherever she goes I follow.
Nang makita ko siyang umiyak dahil kay Mayer ay totoong nagalit ako. Hindi ko matiis na nakikita siyang umiiyak sa taong pinagkatiwalaan niya pero bigla siyang binigo.
Iyakin at mahina siyang babae pero sa nakikita ko sa kaniya and I realize kung gaano siya katapang. Dahil sa bawat araw na masasakit na mga pinagdaanan niya sa buhay ay kinakaya niya. Hindi naging madali sa kaniya ang mundo pero patuloy niyang hinaharap ng mag-isa.
I helped her to get out of Precious’s mess with Mayer. But my ear tightened with anger when Mayer tried to stop me. Wala na siyang magawa nang dinala ko si Amarah. Pinagmasdan ko siya at sa tuwing nakikita kong siyang umiiyak ay naiinis ako. Kaya pinaupo ko siya sa couch habang pinaghanda ko siya ng makakain sa kusina.
Palihim ko siyang pinagmamasdan habang oinaoahid ang kan'yang mga luha. Namumugto na ang kan'yang mga mata at ang dungis-dungis ng kaniyang itsura. Magulo ang buhok niya at mukhang miserable. Pero wala man siyang ka arte-arte sa mukha at namumugto man ang mga mata ay lumilitaw pa rin ang tunay niyang ganda.
She wipes her tears every time they deliberately fall on her cheeks. As I stared at her, it seemed as if my heart was also slowly being destroyed.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Kung tititigan mo ang kaniyang mga mata ay puno ito ng masasakit na emosyon. Makikita mo ang lungkot na hindi kayang abutin ang lalim ng kaniyang kalungkutan. Parang nabubuhay lang ito dahil may gustong maabot na pangarap sa buhay. At hindi dahil sa kasiyahan at sa ka gustuhang mabuhay pa.
Pagkatapos kong maghanda ng meryende sa kaniya at dinaanan ko lang siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ng hindi niya ako pinapansin. Malayong-malayo ang isip niya.
I look for my shirt that she could wear. None of my women have ever worn my belongings. It’s big on her, but I smile every time I see how well it suits her. I also had short shorts and thin panties paired with the shirt I handed her. I intentionally buy women's accessories because I often bring women to my condo.
Nang maisuot niya iyon ay talagang natulala ako at nabighani. Ang kinis ng kaniyang balat and she turned even whiter in my plain white shirt that only reached her thigh and could hardly see the short shorts that made her even sexier. Her white skin glowed in my eyes at kung hindi ko lang alam na galing ito sa mahirap na pamilya ay mapagkakamalan ko itong mayaman. I lost myself for a moment because of her stunning beauty. But my spirit returned when I saw the wound in her knees.
Biglang nabuhay ulit ang galit ko nang makita ko ang presko nitong sugat. Kinuha ko ang kaniyang paa at pinatong sa aking hita para gamutin. Nakayuko lang siya at walang reklamo sa aking ginagawa. Nang mag-angat ako nang tingin ay umiiyak ito ng tahimik na mas lalong nagpakirot sa aking puso.
Ayaw ko siyang kaawaan pero 'yun ang aking nararamdaman. Ngunit ayaw ko ring iparamdam sa kaniya na kinaaawaan ko siya.
"Thank you," mahina niyang usal.
I was shocked when she suddenly thanked me because I thought she could no longer speak because of her crying. Kinuha niya ang paa na nakapatong sa aking hita at dahan-dahang tumayo para magpaalam.
"Alis na ako, salamat sa lahat," sinsero niyang paalam sa akin at tinungo na ang pintuan.
"Aalis kang nakaganyan lang," I pointed to what she was wearing. "Dito ka na matulog ihahatid na kita bukas," pormal kong alok.
Umiling siya at tumanggi sa akin. "H'wag na, papasok pa ako sa trabaho ko ngayon. May isang oras pa naman ako para mag-ayos at kaya ko pang makaabot," pinal niyang sabi.
"Kumain ka na muna," pagpupumilit ko rito.
"Hindi na, salamat na lang pero busog pa ako."
Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng space ko. Sinundan ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay para pigilan at hinila siya patungo sa dining table para makakain muna bago umalis.
Pinaghila ko siya ng upuan at pinilit na kumain. Wala na siyang nagawa at hindi na nakapagreklamo nang paglagyan ko siya pagkain sa kaniyang plato. Alam kong nahihiya siya kaya hindi ko siya tiningnan at kumain lang ako ng hindi siya pinapansin.
Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil pwede ko naman siyang paalisin kaagad dahil wala akong pakialam sa kaniya. Pero napipigilan ng puso ko ang mga desisyon ng utak ko.