Amarah POV
Kinabukasan ay sinuot ko ang damit na binigay sa akin ni Yana. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos hindi ko makilala ang aking sarili. Ang mga gamit nito ay mukha pang mga bago. Masaya ito ng makita akong suot ko ang mga pinamigay n'ya. Halos tinakbo nito ang kinatatayuan ko.
"Oh my gosh! Bagay na bagay sayo! Buti na lang sinuot mo kung hindi ay magtatampo na talaga ako sa 'yo."
"Kaya nga sinuot ko kahit hindi naman ako sanay nito," nahihiya kong sabi rito.
"Mabuti pa pumasok na tayo baka ma-late ulit tayo at mapag-trip-pan," hiniwakan nito ang isa kong kamay at hinila papasok.
Everyone have a dream. I aim to get into a good university to make my dreams come true. And Im working hard through trials and hardships.
Hindi naging madali ang buhay ko. Hindi naman kami nalubog sa utang ngunit lubog naman kami sa kahirapan. Ang aming pamilya ay madalas na tinatawag na isang kahig isang tuka, mahirap pa sa daga. Kaya nagsusumikap ako na makapagtapos para maihahon ko sa kahirapan ang aking pamilya. Ang aking mga magulang ay walang mga alam, sila ay no read, no write kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.
"Yana, teka lang," pigil ko sa aking kaibigan nang mahulog ang mga librong hiniram ko sa library.
Noon pa man ay humihiram na ako palagi ng mga libro dahil nag-a-advance reading para hindi mahuli sa lesson. Wala kasi akong budget para pambili kaya pinupuyatan kong maigi at isinusulat ang mga importante.
Yumuko ako para pulutin ang libro at tinulungan din ako ni Yana. Nang aabutin ko na sana ang huling libro ay may dalawang pares na paa ang tumigil sa harap ko at inunahan akong makuha ang libro.
Inangat ko ang aking ulo para matingnan ang may-ari ng dalawang paa. Tumayo ako nang tuwid at hinarap ang lalaking kilala bilang student bully sa school.
Tinaas n'ya ang libro na hawak ng kanyang kamay. Nakangiti itong tumitig sa akin at pinag-aralang maigi ang kabuohan ko.
"You look pretty today, but it doesn't change the fact that your still a trash, " pang-iinsulto nito sa aking pagkatao.
Hindi ako kumibo at walang balak patulan. Dahil alam ko namang wala akong laban. Sa halip ay inabot ko sa kanyang kamay ang hiniram kong libro dahil kahit magmakaawa ako, alam kong hindi ito mapapakiusapan. Ngunit nabigo ako dahil matangkad pa ito sa akin at mas lalong nagpatangkad nang tinaas nito ang mga kamay sa ere.
"Oops, kung makukuha mo?" panunudyo nito at pinalipat-lipat pa nito ang libro sa kabilang kamay n'ya. Wala akong ibang ginawa kung 'di habulin ang libro sa kamay n'ya pero bigo pa rin ako.
"Mon, tumigil ka ibigay mo na 'yan kay Amarah!" galit na sigaw ng aking kaibigan ngunit parang wala pa rin itong naririnig.
"Ano bang ginawa ko sa 'yo at palagi mo na lang akong pinag-ti-tripan?" naiiyak kong tanong dito ngunit pinigilan ko ang sarili kahit nangingilid na ang mga luha sa aking mata.
"Wala, I just feel doing it. And I feel enjoy every time I see you miserable," habang tumatawa at sinasabayan naman ng iba sa paligid.
"Nakakaawa ka, mahihina lang ang kaya mong binubully. Kulang ka yata sa pansin kaya ganyan ang naging resulta?" nakayuko kong sabi na naikuyom ang aking mga kamao. Nakatingin lang ako sa baba at ang mga buhok ko ay nakatabon na sa aking mukha.
"Tang*na, tumahimik ka!" hinampas nito ang libro sa akin dahil nagalit sa aking sinabi."Hindi pa ako tapos sa'yo," patuloy nitong sabi sa akin.
Mabilis pa sa alas kwatro at iniwan na kaming bigla. Nananatili lang akong nakatayo at nakayuko. Niyuko ni Yana ang libro na nahulog nang ihampas sa akin ni Mon at pinulot.
Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw nila sa mahirap. Wala akong maisip na dahilan kung bakit gusto nila akong saktan at binubully.
Nag-alisan na rin ang ibang mga estudyante at nang iangat ko ang aking ulo. Nakita ko si Blake, ang taong walang emosyon sa mukha. Nakasandal pa rin ito sa pader habang nakatitig sa akin.
Titig na titig ito sa akin at nagtama ang aming mga mata. Nailang ako sa paraan ng kanyang pagtingin kaya mabilis din akong umiwas sa tingin n'ya. Binigay ni Yana ang libro sa akin at umalis agad kami para magtungo sa classroom.
"Okay ka lang?" tanong ng aking kaibigan at malungkot akong tiningnan.
"Okay lang hindi pa ba ako sanay?" akala ko pa ay ngingitian n'ya ako pero mas lalo lang itong nalungkot sa sinabi ko.
"Talaga ba?" paniniguro nito sa akin.
"Kaya ko 'to, ngayon pa ba ako sususko? Kung kailan malapit ko nang maabot ang mga pangarap ko," masaya kong sabi at nginitian ko 'to ng maganda.
"Tama ka Amarah ganyan nga h'wag na h'wag kang susuko," pinapalakas n'ya ang loob ko sa tuwing may nangyayari sa aking gaya ng ganito.
"Salamat Yana dahil naging tunay kitang kaibigan. At kahit malayo ang pinagkaiba nating dalawa ay nagpapasalamat ako sa 'yo dahil sa kabila ng antas ng ating pamumuhay ay hindi mo 'yon ginawang basehan at hindi naging hadlang para magkasundo tayo," nakahawak kamay kong sabi.
Mula sa aking pagkabata ay tinutukso na ako ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang kakaiba sa akin? Kung bakit hindi ako matanggap ng iba? Mahirap lang ang aming pamilya kaya pinandidirian na kami nang lipunan.
Noong bata pa ako ay nangarap akong makapag-high school para kahit papaano ay makahanap ako ng trabaho. Matapos kong grumaduate ng high school ay pinangarap ko ulit mag-college. Nag-take ako nang exam para sa isang scholarship at pinili ang pinakamagandang University na alam ko.
Pero ang Maxwell University na ito ay tanging mayayaman lang ang may kayang makapag-aral. Kung hindi lang ako matalino ay hindi ako makakapasok dito. Ang aking ina ay walang ginawa kung 'di suportahan ako. Samantala ang aking ama naman ay laging galit dahil labag sa kanya ang aking pag-aaral. Iniisip n'ya na baka hindi ko kayanin at ayaw n'yang nasasaktan ako sa tuwing may nambubuyo sa akin.
Mula nang mamatay ang aking ate ay mas naging mahigpit si tatay. Dahil hindi nito kakayanin na matulad ako sa aking kapatid. Dahil sa pagpapahiya ng mga tao sa aking kapatid ay kinitil nito ang sariling buhay. Kaya labag sa loob ng aking ama. 'Di bale ng walang pinag-aralan basta't makita n'ya akong buhay.
Ngunit pinatunayan ko kay tatay na hindi ko gagawin ang ginawa ni Ate. Dahil ang pangarap kong ito ay para din sa kanila. Hanggang sa unti-unti n'yang natanggap at sinupurtahan ako.
Noon ay umabot ng isang oras ang aking paglalakad bago ako makarating sa paaralan nang elementary. Nang mag high school ako ay mas naging malayo. Tiniis ko ang pagod para maabot ko ang aking mga pangarap. Dahil naniniwala akong pinaghihirapan ang lahat.
Si Tatay naman ay walang sawang sinusundo ako sa paaralan para masamahan ako sa pag uwi. Masyadong madilim ang paligid pauwi sa amin at naabutan pa kami ng gabi sa daan.
At nang mag College ako ay napagdisisyonan ko na umupa ng maliit na kwarto. Naghanap din ako ng trabaho para hindi na umasa sa aking mga magulang para sa pang-upa. Ang mga project sa school ay kinukuha ko rin sa maliit kong kita.
Isang beses na lang ako umuuwi sa isang buwan para dumalaw kay nanay at tatay. Kaya minsan sila ang dumadalaw sa akin. Dindalhan nila ako ng pagkain, gaya ng mga gulay, kamote, saging, kamoteng kahoy, at bigas.
Sa tuwing nakikita ko si nanay at tatay ay naiiyak ako. Pakiramdam ko ay marami silang tiniis na hindi kinain para sa akin. Noong bata pa ako ay talagang ang hirap namin. Tatlong beses din kaming kumakain sa isang araw ngunit kadalasan ay walang kanin. Lagi na lang kamote at saging. Nakakatikim lang kami ng kanin pag may bigas na pambayad sa tuwing nag-aani si tatay sa katabing bayan.
Noon pa man ay hindi na ako humihingi ng baon para sa school. Naaawa ako sa kanila sa tuwing may hinihingi ako at tinitiis nilang dalawa ang hirap para maibigay sa akin.
Kaya sa tuwing may nanakit sa akin ay mas lalo ko pang pinagbubutihan sa pag-aaral upang makaalis kami sa kahirapan. Gusto kong maipatikim ko sa kanila ang masarap na mga pagkain, at maranasang matulog sa maayos na bahay.
"Amarah, kunting tiis na lang. Huling taon na lang 'to at gagraduate na tayo. At pwede ka ng mag-apply sa kompanya namin," nakangiti nitong saad sa akin.
"Kakayanin ko lahat para maabot ko 'to." nakangiti ko ring hinarap ang kaibigan.
"Pasensya ka na kung wala akong magawa para sa 'yo."
"Okay lang ako, isa pa ayaw kong pati ikaw ay idamay nila."
"Ganito na lang para h'wag ka ng malungkot sabay na lang tayong mag-recess at mag-lunch mamaya. Ililibre kita and please h'wag kang tumanggi." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon dahil akam ko namang wala akong magagawa kapag sinabi nitong hindi ko tanggihan.
Nasa loob na kami ng classroom ngunit wala pa rin ang aming instructor. Ang ingay sa loob ng classroom at ang gulo ay hindi na maipinta. Ang mga ka klase ko ay parang mga isip bata. Pili lang ang mga seryoso.
Magkatabi kami ni Yana, ngunit nagulat ako nang bigla itong tumayo ng walang paalam. Nang mag-angat ako nang tingin sa kanya ay lumipat ito ng upuan at pumalit si Mayer sa pagkakaupo.
"Date tayo mamaya," seryoso nitong sabi sa akin na nakatingin lang sa harap.
"Ha?"
"Seryoso ako!"
"Pero, "
"Sana naman kahit ngayon lang ay h'wag mo na akong tanggihan."
"Kasi---"
"Bigyan mo naman ako ng pagkakataon Amarah."
"Hindi naman sa gano'n Mayer, kaso may trabaho pa ako mamaya. Wala akong libreng oras," ng sabihin ko ang aking dahilan ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha.
"Gano'n ba akala ko pa naman tatangi ka dahil ayaw mo. Ihahatid na lang kita mamaya sa tinutuluyan mo at pati na rin sa pinagtatrabahuan mo," nakangiti nitong sabi sakin.
"Nako h'wag na baka makaabala pa ako sa 'yo."
"Hindi ka abala sa akin Amarah," seryoso nitong sabi at hindi ko na nagawang sumagot dahil bigla na lang akong tinalikuran at bumalik sa kanyang upuan.
Nag-uwian na halos lahat ang aming mga kaklase ngunit nandito pa rin ako dahil natagalan ako sa pagsusulat . May sinulat pa akong mga importanting lesson sa libro. Nagpaalam na rin sa 'kin si Yana na mauuna na itong uuwi.
Paglabas ko sa room ay nakita ko ulit si Blake na parang may hinihintay. Gano'n pa rin ang posisyon nito. Nakasandal pa rin sa pader at tahimik na nakapamulsa. Sa tuwing makikita ko ito ay lagi itong nakasandal sa dingding. Kung minsan ay tumititig pa sa akin.
Diretso lang ang aking paglalakad at hindi ko pinahalata na napansin ko s'ya. Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko itong nag-angat nang tingin sa akin. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang mga titig na biglang nagpakaba sa akin. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ito nagpaiwan sa labas. Nang lingunin ko ang paligid ay wala ng mga studyante kaya biglang umusbong ang kaba ko.
Nang ibaling ko sa ibang building ang aking paningin ay sarado na ang ibang classroom. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad nang maramdaman kung sinusundan ako nito. Dinig ko ang bawat hakbang nito papalapit sa akin at mabilis akong lumiko sa isang kanto ng mas lalong nagpagulat sa akin. At parang lalabas na ang aking puso sa kaba nang mabangga ko ang matigas na dibdib ng isang lalaki. Hinihingal ako at mabilis na tinulak ang aking nabangga. Hindi alam kung ano ang aking gagawin.
"Amaarah, bakit?" nagtatakang tanong ni Mayer sa akin.
Para akong nabunutan ng tinik sa aking nakita. Kilala ko na si Mayer at may tiwala akong wala s'yang gagawing masama sa akin. Matagal na s'yang nagpapahiwatig sa akin at kahit kailan hindi s'ya nagpakita sa akin ng masamang motibo. Para na akong maiiyak, at malakas na bumuntong hininga. At dahil sa takot ay mabilis kong niyakap si Mayer na s'ya namang kinagulat nito.
"Natatakot ako!" hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.
"I'm here and your safe with me," hinagod pa nito ang buhok sa ulo ko at dinampian ito nang halik. Kaya kumalas ako sa yakap n'ya at tiningnan ang nasa likod ko.
Gano'n pa rin ito nakatayo at pinagmamasdan kami. At nakita ko ang masamang tingin ni Blake sa amin na parang nagseselos pero nakapagtataka at nakapa imposible dahil wala itong dahilan. Siguro ay napapraning lang ako dahil sa mga imahinasyon ko. Masyado itong seryoso at hindi mabasa ang reaksyon at emosyon sa mukha. Ni hindi ko matukoy kung masama o mabait na tao ito.
"May problema ba?" hinaplos nito ang aking buhok at hinawi sa likod ko ang buhok na tumabon sa aking mukha.
"Hindi ko kasi namalayan na gumagabi na at wala ng ibang mga studyante sa loob," paliwanag ko dito.
"Kanina pa ako naghihintay sa 'yo sa parking lot. Akala ko nakauwi ka na at nakalimutan mo ang usapan natin na ako ang maghahatid sa 'yo. Mabuti na lang at nakita ko si Yana na dumaan sa gym kanina. Sinabi n'yang nagpaiwan ka."
"Oo, kumusta ang practice mo?" pag-iiba ko sa usapan para hindi na ako tanungin nito dahil wala akong maikwento rito dahil hindi ako pwedeng magsalita ng masama dahil wala naman talaga itong motibo para saktan ako ni Blake. Siguro ay nadala lang ako sa pag-iisip ng masama.
He intertwined our finger at ginala ang kanyang paningin. Hindi ko inalis ang aking pangingin sa kanya at nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang. Nang lingunin ko ang kanyang tiningnan ay nakatingin din si Blake sa kanya. At masamang nilabanan ang titig ni Mayer.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nila pero ramdam ko ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Hinila ko si Mayer para gambalain ang kanilang tinginan.
Ngunit nabigla ako nang bigla n'ya akong hinatak papalapit sa kanya at napaigtad ako nang bigla niya akong hinapit sa bewang. Napasinghap ako sa gulat at ang bilis nang t***k ang aking puso. Namilog ang mga mata ko dahil sa pagtataka. Wala akong makitang dahilan kung bakit kailangan n'yang gawin 'to sa harap ni Blake.
"Mayer, gusto ko ng umuwi baka ma-late na ako sa trabaho ko," sabi ko na puno ng pag-aalala.
Kaya walang sabi nito akong hinila palabas ng campus. Nang makarating kami sa parking lot ay mabilis n'yang tinungo ang kanyang kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Nakasakay na kaming pareho pero nakatingin lang ito sa harap ng pinagparkingan n'ya. Binuhay niya ang makina pero hindi pa n'ya ito pinatakbo. Mahigpit s'yang nakahawak sa manubela at nanatiling walang kibo.
Hinawakan ko s'ya sa kanyang braso para kumalma. Hindi ko man alam ang aking gagawin ay sinubukan ko pa rin. Nagbabasakali akong gagaan ang loob n'ya kung sakaling tatanungin ko s'ya.
"Okay ka lang? May problema ba?" masuyo kong tanong ngunit wala akong makuhang sagot mula dito. Sa halip ay tumitig lang ito sa akin nang matagal. Malungkot ang mga mata niya na parang may masamang pakiramdam.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Okay lang pwede namang h'wag mo na akong ihatid malapit lang naman ang tinutuluyan ko. Magpahinga ka na lang muna sa inyo may next time pa naman," mahabang paliwanag ko rito.
"Kilala mo ba s'ya?" seryoso nitong tanong sa akin pero malungkot pa rin ang kanyang mga mata.
"Sino?" alam ko man kung sino ang tinutukoy n'ya pero gusto ko pa ring makompirma.
"Yung kanina,---- si Blake," nahihirapan nitong sabi na ayaw pangbanggitin ang pangalan ng lalaki.
"Diba kaklase natin 'yon," nang banggitin ko ang sagot ay bigla na lang niyang sinabunutan ang kanyang buhok sa ulo at naphilamos sa palad. "Mayer, may problema ba?" patuloy kong tanong dito.
Hindi na ito kumibo sa akin at pinaandar nang mabilis ang kotse niya. Nakita ko pa sa labas ng bintana ang lalaking iniiwasan ko kani-kanina lang. Nang tingnan ko si Mayer ay parang wala na ito sa sarili, ibang Mayer ang nakikita ko sa kanya ngayon. Ang dating kalmado nitong ugali ay napalitan ng pagkabahala. Para itong may kinatatakutang mangyari na hindi ko alam kung paano maitutukoy. At ang paraan ng ginawa n'yang paghapit sa bewang ko kanina ay parang isang nobyo na mapang-angkin at pinagdadamot kung ano ang kanyang pagmamay-ari.
Nang mahatid n'ya ako sa aking tinutuluyan ay niyaya ko s'yang pumasok sa loob para uminom ng kape sa loob. Tahimik pa rin ito habang ginagala ang kanyang tingin sa loob ng aking inuupahan.
"Masyadong maliit ang space mo," wala sa sariling komento nito.
"Malaki na 'to para sa akin. Ang importante naman ay may matutuluyan ako," nakangiti kong sabi sa kanya.
Iniwan ko s'ya sa maliit kong sala at pumasok ako sa aking kwarto. Ni-lock ko ang pinto at mabilis na naligo sa banyo. Matapos ang lahat ng aking kailangang gawin ay nagbihis na ako para makapasok ng maaga.
Hinatid na rin ako ni Mayer sa aking pinagtatrabahuan. Unang araw ko pa lang sa aking pagtatrabaho kaya tini-trained pa ako sa isa kong kasamahan.
Pinaliwanag nito sa akin ang mga rules and regulations sa restaurant. Lahat ng mga protocols ay pinasok kong maigi sa aking utak. Kailangan ko nang trabaho at kailangan ko ng pangtustos sa aking pangangailangan kaya pagbubutihan ko 'tong maigi.
Isa sa mga lalaking crew ang nagturo sa akin kung paano at ano ang dapat gawin. Kung ano ang pipindutin kung sakali mang may o-order. Ngunit wala pang limang minuto mula nang turuan ako nito ay umalis na ito agad dahil pinapatawag ng may-ari.
Kaya inulit ko lang ang naaalala ko sa tinuro nito. Dinig ko rin ang mga chismisan ng mga kasamahan ko sa counter.
"Daisy, wala ka bang napapansin?"
"Ano 'yon Rose?" para akong matatawa sa pangalan nila. Maganda naman ang pangalan nila pero hindi ko lang alam kung tawagan lang ba nila 'yon o totoo dahil impossible naman kung nagkataon lang na pareho silang nakapangalan sa bulaklak.
"About kay Sir, Daisy."
"Ha, ano naman 'yon?" nagtataka nitong tanong sa tinatawag n'yang Rose.
"Wala ka bang napapansin? 'Diba dati isang beses lang pumupunta si Sir sa restaurant sa isang buwan?"
"Oo, minsan nga hindi 'yon dumadalaw dito. May Manager naman kaya hindi na kailangan ang presensya n'ya."
"'Yon nga ang nakakapagtaka?"
"Anong nakapagtataka do'n rose?" naguguluhan nitong sabi.
"Kahapon buong hapon s'yang nandito at ngayon nagbabalak yatang hindi umuwi buong gabi."
"Ano naman ngayon eh s'ya naman ang may-ari, anong paki mo?" inis nitong sabi.
Hindi ko pinahalata sa kanila ang pakikinig ko sa usapan nila. Nagpanggap lang akong pinag-aaralan ang bago kong natutunan.
"'Yon na nga eh! Bakit kaya? Ni minsan hindi ko pa nakita na nagtagal 'yan dito. Sa dami nang negosyo n'ya wala na 'yang oras para tumambay pa sa branch na 'to."
Natigil lang ang usapan nila ng makabalik ang lalaking crew na nagturo sa akin kanina. Hinarap nito si Daisy at Rose saka kinausap.
"Daisy, Rose isa daw sa inyo ang mag-train kay Amarah sabi ni Sir. Pinagbawalan ako," malakas nitong sabi at hindi iyon pinalampas ng pandinig ko. Kaya ang dalawa ay mas lalong nagtaka ng sobra, maging ako man.