Chapter 3

1214 Words
He is trying to call his parents pero ni isa sa mga ito ay walang sumasagot. Pinuntahan niya ang kaniyang ama sa opisina nito ngunit umalis pala ito dahil may business trip sa Africa, para sa isa nilang negosyo. At sa susunod na linggo pa raw ang balik. No wonder kung bakit naka-set din ang kasal nila sa susunod na linggo ay para hintayin ito. Maayos na ang lahat, kalat na rin ang balita tungkol sa pagpapakasal niya dahil na rin sa walang patid ang pag-ring ng kaniyang telepono dulot ng mga kakilala at kamag-anak na nais siyang batiin. Lahat ay maayos na, at handa na, maliban na lang sa kaniya. Tumawag siya sa mansion at sinabi sa kaniya ng isa sa mga kasambahay na naroon ang kaniyang Mama, para tanggapin ang ilang bisita. Pero wala siyang pakialam kung may bisita ito, o sinong importanteng tao ang kausap nito ngayon. Sa kaniyang isipan ay, pinakielaman na nga nila ang buhay niya, binastos na nga siya ng mga ito ay ngayon pa ba siya magdadalawang isip kung ano ang itatrato niya sa mga magulang?. Kaya pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad niyang nilapitan ang kaniyang ina. Halata pa nga sa mga mukha ng mga naroon ang gulat nang makita siya at lalo na nang sabihin niya na ayaw niyang ituloy ang kasal. "Hindi niyo muna ako kinausap bago kayo magdesisyon?! Kaya hindi ako magpapakasal!" "Ehem.." tawag pansin ng isang babae kaya napatingin siya sa gawi nito. "I'm Rose Geniza--" Rose Geniza? kung hindi siya nagkakamali ay ito ang babaeng nais ipakasal sa kaniya. Hindi niya kilala ang babaeng ito at ngayon lamang nakita. Ganoon pa man, para sa kaniya ay ang lakas ng loob nito na ipakilala pa ang sarili at higit sa lahat ay nais na makipag-kamay sa kaniya. "You!" sambit ni Luke at kinuha niya ang kamay nito at hinatak paalis sa sala, hinawakan niya lang ito hanggang sa mapunta sila sa isang silid. -- Ini-lock ni Luke ang pinto. Kung titignan ang paligid ay mukha itong study area ng bahay dahil na rin sa mga book shelves na naroon. Hinila siya nito hanggang sa maramdaman n'ya ang kaniyang likuran na sumandig sa dingding at tila wala na siyang kawala. Sumunod ay lumapit ito sa kaniya, sa sobrang lapit ay halos maglapat na ang mga mukha nila. Kinabahan siya, hindi lang dahil sa takot na nararamdaman niya sa sandaling hilain siya nito papunta dito sa silid na ito. Kundi dahil sa aura na pinapakawalan ni Luke. Pilit siyang umiiwas ng tingin ngunit sinusundan iyon ni Luke. "We will call off the wedding." diin nito sa kaniya. Umiling si Rose, "Hindi p'wede," "At sinong nagsabing hindi p'wede? sa tingin mo gusto kong pakasalan ka? the hell do you think that you can do this to me?! kaya hindi tayo magpapakasal." sambit ulit nito kaya naman ay sa ikalawang pagkakataon ay umiling si Rose bilang hindi pagsangayon. "Hindi p'wede, papakasalan kita kahit na anong mangyari. Hindi ako uurong, Luke." "f**k you!" sigaw ni Luke sa kaniya kaya naman ay mas lalo siyang binalot ng takot sa kaniyang katawan. Wala na siyang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata niya. Nakakatakot.. hindi na siya magtataka kung bigla na lamang siya nitong saktan dahil sa galit nito sa kaniya. Kasi gan'on naman 'di ba? na normal lang manakit kung nagagalit? at ayos lang na makatanggap ng pananakit lalo na kung may kasalanan ka? In this situation, ako ang may kasalanan. Lalo pa at malinaw na ayaw niyang pakasal sa akin. Pero ipinilit ko, ginusto ko. Hindi dahil sa wala akong choice kundi sa tingin ko mas makakabuti ito. Buo na ang desisyon niya, papakasal siya kay Luke kahit na anong mangyari. Magpapakasal siya kahit pa na ayaw nito sa kaniya. Na kahit hindi niya lubusan na kilala si Luke ay papayag siya. Alam niyang delikado ang pinasok niya, lalo pa at hindi niya alam ang magiging buhay niya sa piling nito. Oo, nagkaroon siya ng kaunting idea sa magiging buhay niya sa sandali na pumasok siya sa bahay nito at makilala ang Nanay nito. At nagkaroon siya ng hint ngayon lalo pa na nakita niya si Luke at dalhin siya nito sa silid na ito. Miserable.. alam niyang magiging miserable ang buhay niya kasama ito. Pero ano ba ang pinagkaiba non sa kasalukuyang buhay na meron siya sa kanila. At least ang mararanasan niya rito ay bago, at least kahit paano mababago ang buhay niya, kahit papaano ay nagkaroon ng pag-asa, na kahit paano ay mababago ang buhay niya. Kaysa sa buhay na mayroon siya ngayon. Dahil kung may pagkakataon na mabago iyon, na magbago ang ama niya, ay sana noon pa. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hinintay na tanggapin ang sampal, o suntok nito. Kung ano ang maaring pananakit na ibigay nito sa kaniya dahil sa kasalanan na nagawa niya. Lalo pa nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Luke. Hinintay niya na kumirot ang kaniyang pisngi dulot ng malakas na pagtama ng kamay nito sa kaniyang balat. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Umalis si Luke sa harapan niya, tila sumuko ito sa pakikipagtigasan niya. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita na nakatalikod ito at tila nag-iisip. Nakahinga siya ng maluwag lalo pa at hindi nangyari ang inaasahan niya na gawin nito sa kaniya. Hanggang sa humarap ulit ito sa kaniya, muling bumalik ang kaba na kanyang nararamdaman lalo pa at tumitig ito sa kaniya. "Magkano ang ibinayad nila sa iyo para pumayag ka?" diretsong tanong nito sa kaniya. Doon ay napagtanto ni Rose na wala pang alam si Luke sa mga nangyayari. Marahil ay nabigla rin ito at bigla na silang magpapakasal. Hindi na rin siya magtataka kung hindi ito naabisuhan lalo pa sa sinabi nito sa kanyang ina kanina. Kagaya niya ay isang instrumento si Luke na ginamit lang din ng magulang nito para sa negosyo nila. "Come on, tell me.. how much did they pay you? do-doublehin ko." anito. "You don't have to do that." iling na sa sagot niya. "Dahil hindi ko rin alam." "Nonsense, paanong hindi mo alam? come on, tell me kung magkano. Ako na ang magbabayad." "Hindi ko nga alam!" sigaw niya bago umiwas ng tingin. Napabuntonghininga siya at pilit na pinakalma ang sarili bago nagsalita ulit. "Kasunduan ng mga magulang natin na ipakasal tayo, sumusunod lang ako. Kaya, sorry.. hindi ako p'wedeng umurong kagaya ng sinasabi mo, hindi mo rin ako mababayaran. Itutuloy ko na magpakasal sa iyo, Luke. Kahit ayaw mo pa." Lumapit si Luke sa kaniya at muli siyang isinandig sa may dingding bago inilapit ang mukha sa kaniya. Parang wala na naman siyang kawala rito, binalutan na naman ng mas matinding kaba ang kaniyang katawan. "Kapag pinakasalan mo ako, sisiguraduhin ko na para kang mabubuhay sa impyerno. Gusto mo ba iyon? na pagsisisihan mo na pinakasalan mo ako, at kapag nangyari iyon, hindi ka na makakawala pa kahit ano pang gawin mo." Blankong tumingin si Rose sa mga mata ni Luke, nais niyang matawa sa sinabi nito. Ngunit parang hindi sumusunod ang kaniyang katawan na ipakita ang ganoong klaseng emosyon kay Luke. Kaya naman ay sinagot niya ito. "Huwag kang mag-alala, I'm used to it. My life is currently a living hell, Luke. And I'm still marrying you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD