Chapter 2

1447 Words
Isang private room sa isang exclusive bar sa Makati. Puno iyon ng iba't-ibang kilalang personalidad sa bansa. A lot of them are actors and actresses, producers and models, but some of them are business personalities, investors and billionaires. At dinaluhan iyon ni Luke dahil kaarawan ni Alexander. Isa sa mga kaibigan niya na ang sentro ng negosyo ay ang pagpopondo ng mga projects for entertainment. Like, movies, series, music videos at kung ano-ano pa. Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung karamihan sa mga naroon ay mula sa mundo ng entertainment. Kagaya na lamang ng babae na katabi niya ngayon at kanina niya pa kausap. Her name is Diana, a very beautiful and young model and actress. Samantalang ang nasa kabilang tabi niya naman na tila kanina pa nakikipagtagisan sa atensiyon na ibinibigay ni Diana ay si Claire, na lilala bilang isang underwear model model. Sa ganda at sexy nito ay hindi rin talaga ito magpapatalo kay Diana. He is having fun, just like before. Sanay na sanay na siya sa mga tagpo na ganito. Hindi maiiwasan talaga na lapitan siya ng mga babae lalo pa at bukod sa ka-gwapuhan niya ay kilala rin siyang isang eligible bachelor. Na sa sobrang yaman ng pamilya na kinabibilangan niya ay normal na pilahan siya at pagkaagawan. At sa dami nga ng babae na pumipila at nang-aakit sa kaniya ay hindi niya na maalala kung ilan ba o ano ang mga pangalan nila. At alam niyang hindi kalaunan ay makakalimutan niya rin ang mga pangalan ng mga ito. "So, Luke? Do you have any plans to settle down soon?" tanong ni Diana habang maharot ang tingin sa kaniya. Sarkastiko naman na natawa si Luke, "What? why should I? I'm fine with my life now. Why settle down." anito pa bago pasimpleng umiwas ng tingin kay Diana, ayaw na niyang kausap ito dahil alam niyang kung saan papatungo ang usapan nila. Alam niya na isa ito sa mga modelo na nais siyang madagit dahil gusto nang makawala sa buhay na mayroon ito, at nais na lamang pakasalan siya dahil mayaman siya. Kagaya rin nito ang ilan sa mga babaeng nakilala niya. Gusto lang ng mga ito siya dahil mayaman siya. "I agree, why settle right? sakit lang sa ulo iyan." sabi naman ni Claire, taliwas sa sinabi ni Diana. Kaya naman napangiti si Luke at humarap sa modelo. Alam naman niya na pareho lang siyang nais makuha ng dalawa. Na pera lang din ang habol nito sa kaniya. Ngunit tila mas gusto niya ang pag-iisip ni Claire, dahil sa malamang ay kagaya niya, paglalaro lang din ang nais nito. Maari siyang makipag-laro sa modelo at hindi ito aasa para sa isang seryosong relasyon mula sa kaniya. Maybe he can take her home tonight. Hindi na siya talo lalo pa at napakaganda at sexy ni Claire. And looking at her, and just the way she look at him, alam ni Luke na may malawak ang karanasan ng modelo pagdating sa s*x. "You know, Claire? I kinda like you." aniya sa babae kaya lumapad ang ngiti nito. "Really? me too." mapusok na sabi nito sa kaniya. At sa paraan ng tingin nito sa kaniya ay mas lalo siyang naging curious kung paano nga ba si Claire pagdating sa kama. Now, he wanted to get out of this place at magsolo na lamang sila ni Claire kung saan. Init na init na siya, pwede na ngang dito na lang, mukhang papayag naman ang modelo kahit dito na lang sa bar, hahanap lang sila ng pwesto kung saan maankin niya ito ng mabilisan. "Wanna go somewhere else?" tanong niya kay Claire, dahilan para mag-backout si Diana. Alam na nito na talo na siya at si Claire na ang panalo. Akmang aalis na sila nang biglang lumapit si Alexander at tinapik ang balikat niya, "What the f**k bro. Akala ko pa naman you'll going to maintain your image as, young, billionaire bachelor? tapos ikakasal ka na pala? hindi mo man lang sinabi sa amin." "What the f**k are you saying?" kunot noo na tanong ni Luke sa kaibigan. "Anong ikakasal?" Tila nagtaka rin si Alexander at ipinakita ang kaniyang cellphone sa kaibigan. "May natanggap kaming news from insider, look.. this is you right? Luke Buenavista, and the Bride is.. Rose Geniza. Siya ba yung anak ni Senator Geniza? This news is from your parents, right?" Pinakatitigan ni Luke ang lumabas na news, hindi siya makapagsalita dahil sa labis na galit na kaniyang nararamdaman. Hindi nagtagal ay nakarating rin ang balita sa mga naroon sa party at isa-isa na lumapit ang mga ito para batiin siya. If it's a wonderful news for them, it's not when it comes to Luke. --- "We got everything prepared for the upcoming wedding. The date is set, also with the venue. So you don't have to worry about it" ani ni Mrs. Belinda, ang ina ni Luke na siyang sumalubong sa dalaga. Napasophistikada nito, seryoso rin na para bang walang emosyon lang. Ang pakiramdam niya tuloy ay isa lang talaga itong parte ng pagnenegosyo ang pinaguusapan nila. Kasama ni Rose ang kaniyang ina, na kadalasan ay tahimik lang at nakikinig sa usapan. Nandito sila dahil pinapunta sila ni Mrs. Benlinda para pagusapan ang nalalapit na kasal sa susunod na linggo. Oo, sa susunod na linggo na ang magiging kasal nila ng lalaking hindi niya pa nakikita at lubusang nakikilala. Hindi pa sila nagkakausap tungkol sa mangyayaring kasalan. Hindi niya pa rin ito nakikita. Ni hindi niya nga alam kung ano ang itsura at pag-uugali ng kaniyang mapapangasawa. Kaya naman ay narito rin siya para makita ito. At makausap, lalo pa at magiging katipan niya ito. At makakasama sa mansion na ito. Ngunit, kanina niya pa sinisipat ang paligid at inaasahan na haharapin din siya ng kaniyang mapapangasawa, ngunit hindi ito humarap. Napasimsim ang ginang sa tasa ng tsaa na kaniyang iniinom. "The wedding gown will be delivered to your house tomorrow for the fitting. The layout for the invitation will be out tonight also para ma-finalized niyo ang details and list ng invites. My secretary will get in touch with you. And If you have any questions, you can tell it to my secretary." walang emosyon nitong sabi at hindi nga rin ito masyadong makatingin sa kaniya. Iniisip niya tuloy kung labag din ba sa loob nito ang kasunduan na maikasal siya sa anak nito. Or sadyang ganito lang ang Ginang. "Ma'am, if it's okay to ask, if I can meet Luke? nandito po ba siya? hindi po ba mas okay kung magkakausap po kami bago sana ang kasal?" tanong niya. Hindi naman niya inaasahan ang magiging reaksyon ng Ginang. Lalo pa at parang hindi nito inaasahan na sasabihin niya iyon. Kita ang pagka-disgusto sa mukha nito. Dahil doon ay parang napahiya si Rose, para pa tuloy kailangan niyang ipaliwanag kung bakit niya nais ito makilala. Napayuko siya, "Nais ko lang po sana na mas makilala siya, na kahit papaano ay magkapalagayan kami ng loob." Natawa ito ngunit agad rin nagseryoso. "Kailangan pa ba na magkapalagayan kayo? Ayaw niyo man o sa gusto. Ikakasal kayong dalawa. It's fixed and handa na ang lahat kaya ano pa ang dapat pag-usapan niyo?" Napatango na lamang siya. "Okay po." Mukhang wala na rin talaga siyang magagawa kundi tanggapin na lang na hindi niya rin makikilala ang binata bago ang kasal nila. Na mukhang sa mismong araw ng kasal niya pa makikita ito. "I think everything's clear now. We will contact you again once may kailangan pa kami. So let's call it--" Naputol nito ang sasabihin nang bumukas ang pinto. Napatingin sila doon at nakita ang isang lalaki na galit at ibinagsak pa ang pinto. "Mom! what the f**k is wrong with you guys?!" sigaw nito at lumapit. "Anong ikakasal ako? Ayokong ikasal." "Luke.." gulat na sabi ng Ginang habang nakatingin sa anak. Natuon ang pansin ni Rose sa binata. So, siya si Luke? Sabi pa ni Rose sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang bulto ng binata na nakatayo sa harapan nila. Na sa wakas ay nakita niya rin ang lalaking kanina niya pa nais makilala at makaharap. "Hindi ako magpapakasal kaya ipatigil niyo ang mga pinagkakalat niyo!" "Ehem," putol ni Rose bago tumayo at inihain ang kaniyang kamay upang makipagkamay sana. Napatingin lang doon si Luke. "Hi, I'm Rose Geniza--" "You!!" sigaw ni Luke kay Rose na hindi pa natatapos ang nais sabihin. Kita sa mukha ni Luke ang labis na galit lalo pa at ang babaeng ipapakasal sa kaniya ay narito sa harap niya. "Come here! let's talk!" sigaw nito bago hinawakan ang kamay niya at hinila paalis sa sala, at dinala siya sa isang silid ng Mansion kung saan silang dalawa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD