"I'm not going to marry that woman, Mom. All my life, pinakealaman niyo ang buhay ko! for f**k's sake, I'm 30 and still ayaw niyo pa rin akong bitawan!" galit na sabi ni Luke sa kaniyang ina na nanatiling nakaupo at walang emosyon sa kaniyang harap. Nakatutok ito sa telepono nito marahil ay may inaayos sa negosyo.
"Word's Luke.. your words." saway pa ng ina sa kaniya.
"Mom! are you even listening to me?"
"I am, I'm just chatting with your Ninang regarding your upcoming wedding. She's going to book a flight. I asked her na maging Ninang, at Ninong naman ang asawa niya para sa kasal niyo ni Ms.Geniza." Sagot nito bago tumipa sa telepono, "Ok, one moment. I'm done." sagot nito bago tuluyan na humarap sa kaniya. "You know? you are our only child, so expect us na pakialaman ang buhay mo, Luke. We are doing this for you! maaaring hindi mo pa narerealized, pero kailangan mo ang tulong namin."
"Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko." Inis na sabi ni Luke bago napaupo sa sofa, "I want freedom, hayaan niyo na ako. Dahil kapag pinilit niyo ang gusto niyong pagpapakasal sa babaeng iyon, mawawala ng tuluyan ang nag-iisa niyong anak."
Dahil sa sinabi niya ay natawa ang Ginang. Nagseryoso ang mukha nito at pinakatitigan siya. "Do it. Gawin mo ang sinasabi mo na iyan, sa amin. Leave and have your own life. But don't expect na p'wede mong dalhin ang maginhawang buhay na mayroon ka na nanggaling sa amin. If you want to leave? you can do it, but, mag-umpisa ka sa simula, sa wala, hindi yung mabubuhay ka sa pangalan at impluwensya ng pamilyang ito. I'm sure alam mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba?" pagbabanta ng kaniyang ina.
Napatigil siya, naalala ang minsang ginawa niyang pag-alis sa puder ng kaniyang mga magulang dahil sa pananakal ng mga ito sa kaniya. Marami siyang nagawa at naipundar mula sa sariling pera at paghihirap. Ngunit kahit na ganoon ay dahil din iyon sa impluwensya ng kaniyang mga magulang. Everything's seems well and easy dahil sa pagkakakilanlan niya. Kaya nang ginawa niyang tumakas at naisip na kaya na niya ang sarili ay tinakbuhan niya ang mga magulang niya. Ngunit dahil nga sa impluwensya ng kaniyang ama ay napatunayan niya rin na sa isang simpleng pitik ng mga daliri nito ay maaring bumaliktad ang buhay niya.
His cards was cut off, and pati ang mga bank accounts niya ay nakuha ng mga ito. Hindi lang iyon dahil ang kaniyang mga naitayong negosyo ay nagawang ipasara ng kaniyang ama dahil lang sa umalis siya. Ganoon katindi ang kayang gawin ng impluwensya ng kaniyang ama. Hindi siya makapag-simula dahil bago pa man siya makakuha ng kliyente ay na-blackmail na ito ng kaniyang ama. Wala rin kumpanya ang nais na kumuha sa kaniya dahil sa takot na baka madamay sila at mapasara rin.
Katakot-takot ang nangyari sa kaniya noon. Tila naging penny less billionaire siya. Dahil Oo, nasa titolo niya ang pagiging Billionaryo dahil na rin sa siya ang nag-iisang anak ng mga Buenavista. Subalit, hanggang titolo lang iyon, lalo pa na wala siyang pera dahil kontrolado iyon ng kaniyang magulang.
Ang kayamanan ng kanilang pamilya na makukuha niya lamang kung papanaw ang mga ito, o kaya kusa iyon ibibigay sa kaniya.
Hindi siya mamamatay na tao. Maaring hindi siya mabuting anak pero hindi naman siya ganoon kasama para ipagdasan na mamatay na ang mga ito para maging malaya siya. Ang kaniya lang naman, hindi naman niya nais na maging sobrang mayaman, ang nais niya lang ay ang makapag-desisyon para sa kaniyang sarili. Na mapatunayan ang kaniyang kakayanan bilang negosyante. At kung magpapakasal man siya, ay doon sana sa taong iibigin niya.
Ngunit nang dahil sa nangyayari ay napakalabo talaga ang nais niya. Alam niya rin na kaya sinadya ng kaniyang ama na umalis ng bansa bago ang kasal niya ay dahil ayaw nitong makipagdiskusyunan sa kaniya. Kilala niya rin ang kaniyang ina na sumusunod lamang sa mga nais nito.
"Luke, iho.." mahinang tawag ng kaniyang ina sa kaniya. "Huwag kang magalit sa amin ng Papa mo. Kagaya ng sabi ko. We're doing this for your sake. Sa tingin mo ba ay hahayaan ka namin hawakan lang ang kumpanya sa paraan mo? You are our only son, ibig-sabihin ay hindi ka p'wedeng magkamali lalo na sa mga negosyo natin lalo pa at dumaan sa matinding pagsubok ang mga naging ka-lolo-lolo-an mo, para lamang mapunta tayo sa buhay na mayroon tayo ngayon. Dugo at pawis ang ibinigay nila, pati na rin ng iyong ama. At hindi namin hahayaan na mawala lang iyon ng dahil sa iyo."
"Iyan ang problema niyo. You and dad, both of you don't trust me!" sigaw niya sa kaniyang ina at hindi naman iyon natiklop.
"Because you are not giving us a reason to trust you!" sigaw ni Belinda pabalik. "Wala kang ipinakita sa amin ng Papa mo kundi ang galit mo dahil sa kinokontrol ka namin. When in the first place, it is your fault kung bakit ka namin kinokontrol! wala kang ipinakita kundi ang pabubulakbol mo, ang pagwaldas mo sa pera ng pamilya natin, ang pagloloko mo a kung ano-ano pa!"
"That is not true!"
"That's the truth, Luke! iyon ang bong katotohanan. Hindi mo ayusin ang sarili mo. Anong pinagmamalaki mo? imbis na tulungan mo ang Papa mo sa kumpanya. Gumawa ka ng pipitsugin na kumpanya para lamang ipamukha sa kaniya na kaya mo ang sarili mo. Samantalang hindi mo rin naman naitayo ang kumpanya na iyon kundi dahil sa mga kakilala ng Papa mo. You are 30 years old, instead of getting a decent woman to settle down and have children with, para may tagapag-mana na magpapatuloy sa mga pinaghirapan ng pamilyang ito, all you've done is to f**k around different woman na nakikilala mo kung saan-saan!"
Napatahimik si Lance at umiwas ng tingin, lalo pa at may katotohanan ang sinabi ng kaniyang ina.
Napabuntong-hininga ang kaniyang ina, pilit na ipinakalma ang sarili at muling nagsalita. "You want freedom? Sundin mo ang nais ng Papa mo ngayon at huwag siyang kontrahin. Pakasalan mo si Rose, show your dad that you have plans to build a family with her. Show us na may plano kang maganda sa buhay mo. At kapag nangyari iyon, ako na ang kakausap sa Papa mo na ibigay sa iyo ang kalayaan at kayamanan na dapat sa iyo."
---
Suot ang bestidang pangkasal. Nakaupo si Rose sa isang sofa habang nakaharap sa malaking salamin. Ngayon ang araw ng kaniyang kasal kay Luke. Kay Luke na huling nakita niya noon araw rin na unang beses niyang nakita ito. Ni hindi niya nga alam kung sisipot ito ngayon sa kasal nila. Subalit wala na siyang pakialam. Kung hindi ito sisipot ngayong araw ay hindi siya ang may kasalanan at hindi rin ibubunton sa kaniya ang hindi pagtuloy ng kasal.
Subalit, kahit labag sa kaniyang loob ang mangyayaring pag-iisang dibdib nila. Ang totoo ay nais niya iyon na matuloy. Nais niyang maikasal kay Luke, kaya nga sana ay dumalo ito ngayong araw. Dahil mas nanaisin niya pang maging unwanted wife nito, kaysa na bumalik sa tahanan nila matapos ang araw na ito.
Buong buhay niya ay pinapangarap niya ang araw na ito. Hindi lang ang maikasal kundi ang makawala sa gapos na nadudugtong sa kaniyang ama at sa tahanan nila na nagmistulang isang bilangguan sa tagal ng taon. Oo, nakapag-aral siya, nakapagtapos ngunit ni isang kaibigan ay wala siya. Na ang kaniyang pinag-aralanan ay tila naging isang titolo lamang dahil hindi niya iyon nagamit dahil hindi rin siya pinagtrabaho ng kaniyang mga magulang. Habang lumalaki siya ay Princesa ang tingin sa kaniya ng mga naging kalaro at kaklase niya sa eskwela. Paanong hindi? hatid-sundo siya sa eskwela, bawal siyang makipag-usap o makipagkaibigan sa kung sino man. Kaya naman ang tingin sa kaniya ay isang Princesa na ayaw magasgasan.
Ngunit hindi iyon ang katotohanan. Dahil ang totoo, ay hindi siya isang Prinsesa, kundi isang bilanggo na papakawalan lamang sa takdang panahon. Isang palamuti na nakatabi at ilalabas lamang sa takdang araw na dapat siyang pagmasdan.
At ngayon ang araw na iyon, ang takdang panahon na makakawala sa siya sa rehas at gapos sa kaniyang mga paa. Kung titignan mo siya sa salamin ay ultimo isang mamahaling alahas na kumikinang dahil sa ganda. Na bumagay ang kaniyang pangalan lalo pa at parang isa siyang pulang rosas na namukadkad at pinitas para magsilbing regalo. Ngunit kagaya ng rosas ay taglay niya rin ang mga tinik na makikita mo lang kung hahawakan mo ito at sasapuin.
Para kay Rose, hindi siya isang mamahaling alahas o d'yamante, kundi isang bato na kailangan mong kiskisin para makita kung may natatagong ganda. Hindi siya kasing ganda ng isang mapulang rosas dahil puno siya ng tinik na ikinatatakot niyang makasakit ng iba.
Ngunit ito na ang pagkakataon niya, kaya kahit papaano ay sa araw na ito ay magiging masaya siya.
"Anak... patawarin mo ako.. patawarin mo ako kung nangyayari ito." hagulgol ng kaniyang ina na ngayon ay lumuhod sa harap niya. "Sabihin mo lang sa akin na ayaw mo na, na iligtas kita, gagawa ako ng paraan ma-ialis ka lang rita, na hindi matuloy ang kasal na ito."
Tipid na ngumiti si Rose at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng kaniyang ina. Pinisil niya iyon bago umiling. "Hindi, Mommy. Ayos lang ako. Huwag mo akong iyakan.. huwag mo akong kaawaan. Dahil ang araw na ito ang simula upang maisakatuparan ko ang matagal ko ng pinaplano, Mommy." aniya at hinaplos ang pisngi ng kaniyang ina. "Gagawin ko ang lahat, kukunin kita kay Dad, ilalayo kita at dadaldin sa lugar na hindi ka na niya masasaktan. Pangako ko iyan, Mommy."
---
Magarbo ang kasal, kita pa lang sa mga bulaklak na naka-display sa labas ng simbahan. Bukod pa doon ay alam niyang hindi basta-basta ang mga imbetado lalo pa at mahaba ang pila ng mga sasakyan na mamahalin ang halaga. Bumaba siya sa sasakyan at kasabay non na narinig niya ang pagsimula ng tugtog ng simbahan. Naglakad ang mga abay na hindi naman niya kilala. Hanggang sa bumukas ang pinto ng cathedral para sa kaniya.
Sa dulo ay agad na tumuon ang pansin niya sa harapan, hinahanap ang lalaking makakatipan. Hindi naman siya nasawi, lalo pa nasa harapan si Luke at hinihintay siya upang maka-isang dibdib.