Pumatak ang luha sa mga mata ni Kristin habang nakatitig sa kaniyang anak. Si Rose ay napakaganda sa suot nitong wedding gown. Kung titignan ito ay para siyang isang diyosa sa puti at kumikinang nitong kasuotan. Na siyang nag-compliment pa sa kaniyang magandang mukha at makinis na balat. Longsleeves at beaded ang kaniyang gown at nagpapakita ng kaunting cleavage. Alam niyang mamahalin iyon lalo pa at provided iyon ng pamilya ni Luke.
"Huwag kang umiyak, Mommy." ani ni Rose sa kaniyang ina lalo pa at kanina pa ito humahagulgol na para bang nag-guguilty sa mangyayaring pag-iisang dibdib. "Sinabi ko na po na buo na ang loob ko na magpakasal. So believe me, ayos lang po, at wala pong dapat i-iyak."
Tumango ang kaniyang ina at hinawakan ang kaniyang braso. Sumangayon na lamang ito kahit pa na alam niyang tutol ang kaniyang ina sa kasalan na ito. "Alam ko naman 'yon. Pero pangarap ko na makita kang masaya sa araw ng kasal mo."
"Masaya naman ako, Mommy." aniya at pilit na ngumiti. Ngunit kilala siya ng kaniyang ina. Alam naman nito na tanging ang kasunduan lang ang dahilan ng kasalan na ito. Pero pipilitin niyang maging masaya, pipiliin niyang maging masaya para sa desisyon niyang ito. Hindi lang para sa kaniyang ina, kundi para sa sarili niya. "Ma, I know nag-aalala ka. Pero I'm really happy. I chose to be happy with my decision. And I will do anything just to make my marriage work."
"Buti naman kung ganoon."
Rinig nilang boses ng kaniyang ama na ngayon ay nasa may pintuan. "Sabi ko naman sa iyo, Kristin. Ayos lang sa anak mo at mukhang gusto niya rin naman. Ikaw lang talaga ang problema, dahil sa kaartehan mo kaya lang nagiging komplikado ang mga bagay-bagay." tipid na sabi nito bago lumapit sa kanila. "Mabuti naman pala Rose at itinuwid mo rin ang pag-iisip mo. Kristin, mabuti itong anak mo nag-iisip, hindi katulad mo."
"Concerned lang si Mom kaya siya ganyan, Dad--" sagot ni Rose at agad na pumagitna ang ina niya.
"Rafael, Please..." tutol nito sa asawa lalo pa at masama ang tingin nito kay Rose.
Hinawi ni Rafael ang kaniyang asawa at nilapitan si Rose. "Alam mo, pasalamat ka at kasal mo ngayon. At ayoko na may pasa ang mukha mo na haharap sa mga Buenavista. Siyempre kahihiyan ko iyon." sabi pa nito kaya napayuko siya.
Nais niya lang naman na ipagtanggol ang kaniyang ina. Pero kung isang ordinaryong araw ang araw na ito ay marahil tumalsik na siya.
"Rose, magpasalamat ka at anak kita. Utang mo sa akin ang buhay mo, at ang kapalaran mo ngayon. Ma-swerte ka at ikakasal ka sa isang Buenavista. Hindi mo ba alam na daig mo pa ang nanalo sa lotto? Kaya mapasalamat ka." anito sa kaniya.
Tumango na lamang siya, "Salamat po, Dad." sambit na lang niya para naman makaiwas sa problema.
"Mabuti naman." ngumiti ito at hindi inalis ang tingin sa kaniya. "Makinig ka, Rose. Dahil mukhang tanggap mo naman ang kapalaran mo, I expect you to do your best just to make your marriage work. Masaya rin ako na narinig ko sa iyo iyan kanina. Kaya naman ay mukhang alam mo na ang gagawin mo. I expect you to keep your word. Do your best behavior today, and prove the Buenavista's that you are deserving to be their son's wife. Huwag mo akong ipahiya sa kanila. Lalo na sa desisyon nilang ipakasal ka sa anak nila. And tonight, after your wedding to Luke--"
"Rafael--" putol ni Kristin sa kaniyang asawa.
"What? your daughter is a grown woman. Ikakasal na siya at alam naman niya ang responsibilidad niya bilang asawang babae." anito at muling napatingin kay Rose. "So tonight, I expect you to do your role as a wife on the night of your wedding day. Huwag mong isipin na isa siyang estranghero, kundi asawa mo. And you will give yourself to him no matter what."
---
"Do you take this man to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
Pinakinggan niya ang mga salitang iyan, can she really accept this man to be her husband? to love him, honor him, comfort him and to do everything as his wife? can she really be happy in this marriage? can he really take her too as his wife? matatanggap din kaya siya ni Luke? Kaya nga ba nila na i-workout ang magiging relasyon nilang dalawa matapos ang araw na ito? O mali ang desisyon niyang ito?
Ganon pa man, wala ng urungan. Buo na ang desisyon niya at huli na rin para takbuhan ang lahat ng ito. Kailangan niyang gawin ito. Alam niya rin naman na wala rin siyang karapatan na humindi at tumakbo sa desisyon na ito.
"I do." sagot niya habang hindi nakatingin kay Luke.
Tila nakahinga naman ang mga naroon dahil sa kaniyang sagot. Sunod ay humarap ang pari kay Luke at nagsalita. "Do you take this woman to be your wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
Tumahimik ang paligid, hinihintay ang sagot na magmumula kay Luke. Tahimik lang ito at hindi umiimik. Dahilan kaya naman napalingon siya kay Luke. Nakita niya na nakatingin ito sa kaniya. At nang magtama ang mga mata nila ay sumagot ito.
"I do." mabilis na sagot ni Luke bago umiwas ng tingin sa kaniya.
Hindi nakaimik si Rose sa paraan ng tingin nito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong ibigsabihin ng naging tingin nito sa kaniya. At habang iniisip niya kung ano iyon ay parang lumilipad ang isipan niya. Tila nabingi siya sa mga sinabi pa ng pari sa kanila para sa seremonyas na ito. Hanggang sa napatingin ulit siya sa pari lalo pa sa huling sinabi nito.
"Now, I pronounced you, husband and wife. Mr. Buenavista, you may now kiss the bride."
She froze and didn't even notice Luke. Lumapit ito sa kaniya, pagkatapos at iniangat ang kaniyang belo. Sunod ay hinapit ito at mabilis na hinalikan ang kaniyang labi para sa isang halik. Ngayon ay wala na talagang atrasan, dahil ganap na siyang asawa nito. Isang Mrs. Buenavista, ang si Luke na ngayon ang kaniyang katipan.
---
"You should do you best to do your role as his wife. Let him know that you're his wife. Prove yourself to him that you are worthy of his decision to marry you. Huwag kang papalpak, dahil hindi ako tatanggap kung hindi mo magagampanan ang papel mo bilang asawa sa kaniya mamayang gabi."
Iyan ang mga kataga ng kaniyang ama na naririnig niya ngayon. Kaya naman ay hindi siya pwedeng maunsami ang kaniyang kauna-unahang tungkulin ngayong gabi sa kaniyang asawa.
Kaya naman matapos niyang maligo ay agad siyang nag-ayos ng kaniyang sarili. Naglagay ng make-up at nagpabango, ngunit wala siyang sinuot na isang saplot sa kaniyang katawan. Lumabas siya ng banyo na nakatapis lamang at naabutan si Luke na nakaupo sa kama ng presidential suite na kanilang tutuluyan ngayong gabi. Nakatingin ang kaniyang asawa sa cellphone nito ngunit mabilis din na napunta sa kaniya ang tingin lalo pa nang makita siya nitong nakatapis.
At nang masiguro niya na nasa kaniya na talaga ang atensyon nito ay tuluyan niyang binitawan ang manipis na towel na bumabalot sa kaniyang katawan. Dahilan para tumambad sa harap ni Luke ang hubad niyang katawan.