Pagdukot kay Prinsesa Ayana

3563 Words
Takot na takot ang mag asawa dahil hindi nila matagpuan si Ayana. Pagdating kanina ni Gardo galing bukid, nakita na nyang asawa na pumapalahaw ng iyak. Ng tanungin nya ito kung nasaan si Ayana humagolgol ito ng iyak. Alam na ni Gardo pag nagkakaganito na si Selya. Siguradong may nangyaring masama habang wala sya. "Gardo, anong gagawin natin ngayon? Kung humingi na kaya tayo ng tulong kay kapitan, para marami na tayong maghahanap kay Ayana?" Tiningnan ni Gardo ang asawa na walang tigil sa kakaiyak. Niyakap nya ito at hinimas himas ang likod para kumalma, kasi kahit s*****a si Selya sa kanya, sobra sobrang mahal nya ito at ayaw na ayaw nyang nakikita itong umiiyak at nasasaktan. May pag aalala rin syang nararamdaman at takot para kay Ayana, pero bakit pakiramdam nya ay nasa ligtas itong mga kamay, na makakabalik ito ng ligtas sa kanila!.. "Huwag muna maghintay pa tayo saglit, sigurado akong ibabalik nila ng ligtas ang anak natin Selya. Hindi nila pababayaan ang kanilang Prinsesa Ayana." Nagtatakang tiningala ni Selya si Gardo. Agad syang nagpunas ng luha at sipon nya. Saka tinanong si Gardo. "Anong sinabi mo?, Hoy Gardo! Ako'y wag mong pinagloloko. Tatamaan kana naman sakin na hinayupak ka." Sabay hampas ni Selya sa dibdib ng asawa na nakayakap pa rin sa kanya. Ng mapalayo ito ng bahagya at nabitawan sya, umisa pa ng hampas si Selya sa ulo naman ngayon para magising sa mga kalokohan nito ang asawa. "Araaayyy! Somosobra kana Selya ha!". Masama ang tingin ni Gardo kay Selya habang sapo ang dibdib at ulo na nasaktan. Akala kasi nito nagbibiro lang sya. Pero ngayon seryoso na talaga sya sa mga sinasabi, hindi nga lang halata. "Ano, ipaliwanag mo ngayon din sakin kung bakit mo nasabi yung tungkol kay Ayana dali!" "s*****a na demanding pa! Haayyy bakit ba ikaw pang minahal ko Selya? Andami namang babae dyan na nagkakandarapa sa kamachohan at kagwapohan ko, pero bakit sayo pa'ko nahulog ng ganito?" Pagdadrama na naman ni Gardo para ilihis ang isip ng asawa at wag ng masyadong mag alala pa. Napangiti sya ng sumimangot ito. Mahal na mahal nya talaga ang babaeng ito. At kahit na hindi sila nagkaanak, hindi man lang nabawasan kahit konti ang pagmamahal nya sa asawa. Alam nya na kapag nawala si Selya sa piling nya ay guguho ng mundo nya. At yun ng katapusan ng buhay nya. "Ano na Gardo, magsasalita ka ba o babayagan pa kitang lintek ka? Napaka arte mo talaga hmp." "Ito na nga, kasi naman di makapaghintay eh! tsk." "Isa..." At nag umpisa ng magbilang si Selya, ibig sabihin lang nun, sasabog ng bulkang Selya pag umabot ng tatlong bilang. Kaya bago pa tamaan si Gardo, kaagad syang nagpaliwanag. "Naalala mo? yung araw na namalengke ka at nauna kaming umuwi ni Ayana galing brgy?". "Deretsahin mo na kasi Gardo, andami mo pang sinasabi eh." Bumuntong hininga si Gardo at napakamot ng ulo. Napakamainipin talaga ni Selya. At s*****a. Pero mahal na mahal nya. "Nakita at narinig ko ang usapan ng mga engkanto Selya." Napataas agad ang dalawang kilay ni Selya at biglang umangat ang paa. At yun na... Sapol si Gardo.. Nabayagan na naman.. "Araykupoooo... Mahabaging Diyos! kaawaan nyu naman po akooo!!." Hawak ang harapan napa talon talon muna bago napa upo na si Gardo sa lupa dahil sa iniindang sakit. Tulo pang luha habang mariin na nakapikit. "Ano magseseryoso kana ba ngayon o gusto mong basagin ko yang itlog mong litse ka?." Dahan dahang gumapang si Gardo patungo sa upuang kawayan sa balkonahe nila, umupo sya dun at namahinga saglit. Napaangat ang tingin nya ng makita ang isang basong tubig na iniaabot ni Selya sa kanya. Kinuha at ininom nya kaagad yun bago napabuntong hininga na naman. "Selya, ang sasabihin ko ngayon sayo ay totoong nangyari, nakita mismo ng dalawang mata ko, hindi ako nagbibiro kaya sana pakinggan mo muna ako. Dahil ang sasabihin ko ngayon ay tungkol sa pagkatao ni Ayana." Hindi umimik si Selya,, nakatingin lang sya kay Gardo. Lumayo sya ng konti sa asawa para hindi nya ito masaktan. Itinuon nyang buong atensyon dito, para lubos nyang maunawaan ang lahat ng sasabihin nito ng mag umpisa na itong magsalita. "Nasa kusina ako nun nagluluto habang nasa duyan naman si Ayana natutulog. May narinig akong tinig sa sala, akala ko ikaw kaya sumilip ako. Nakita ko ang napakagandang babae, pula ang buhok kagaya ng buhok ni Ayana. Natitiyak kong ina nya yun dahil tinawag nyang anak si Ayana. Tapos may kasama sya dalawang babae at isang lalake, pinakilala pa nga nya sa gagamba!... Ay.. hindi! sa lady bee pala!... Ahahaha" "Gardo, naiinis na naman ako sayo, umayos ka!" Sigaw ni Selya sa asawa na tumatawa pa rin, hindi naman nya maintindidan kung bakit ito natatawa. Parang tanga lang ganun. "Eh kasi naman Selya, yung nakadikit sa buhok ni Ayana! Hindi pala yun insekto kundi engkanto!!! Susme... Nagtatayuan mga balahibo ko kapag naaalala kong pangyayaring yun." "Oh tapos, anong kasunod?" Interesadong tanong ni Selya sa asawa na nag uumpisa ng mamutla. Pati kamay nito nakita na nyang bahagyang nanginginig kaya inabot nya ito at hinawakan. Napatingin naman si Gardo sa mga kamay nilang magkahawak. Huminga muna ito ng malalim at bahagyang tinapik ang dibdib saka sumigaw. Napatawa naman si Selya sa ginawa ng asawa. "Whoaaaa.... Ok na'ko, basta hawakan mo lang kamay ko Selya ha!" Tango at ngiti lang ang sinagot ni Selya sa asawa. Napaka matatakutin talaga nito, eh anlaki laki naman ng katawan. "Sabi nung magandang babae na may kalong kay Ayana. Iiwan daw nya ang tatlong kasama. Selya, marami na silang nakatira dito sa bahay natin." Lalong nanginig ang kamay ni Gardo.kaya pinisil pisil ni Selya ang palad nito. "Eh Gardo, ano bang mga hitsura nila, nakakatakot ba?." Umiling si Gardo. Saka napalunok ng laway, hinilot ang batok na tila ba biglang sumakit dahil sa pinag uusapan nila ngayon. "Yung manggagamot, kulay purple sya Selya. At tinawag ng Reyna nila na Alex. Selya, isa syang mangkukulam.. Nakuuuu! Takot na takot ako Selya kung alam mo lang!" Napatingala bigla si Gardo sa langit na ipinagtaka naman ni Selya kung bakit. " Diyos ko, ano bang kapalaran itong binigay mo saming mag asawa? Anak lang ang hinihiling namin, pero bakit may mga kasama pang maligno?" Natawa na lang si Selya sa sinabi ng asawa. "Hoy Gardo, dapat magpasalamat kapa nga, kasi ngayon nararanasan na natin kung panu ang maging magulang. Mahirap na masarap pala ang magkaroon ng anak, kung alam ko lang na ganito pala tayo kasaya sana noon pa ako pumayag sa sinabi mo na mag ampon tayo." May pagsuyong tinitigan ni Gardo ang asawa. Masaya sya at kontento na, kapag nakikita nyang ganito kasaya si Selya. Dinala nyang kamay nito sa mga labi saka hinalikan, Na ikinangiti pa lalo ni Selya. "Tapos Gardo, ano ng kasunod ng kwento mo? Sige na ituloy mo na gusto kong malaman lahat." Pinisil ni Gardo ang kamay ni Selya na hawak hawak, saka itinuloy ang pagkukwento. Lumalakas ang loob nya pag kasama si Selya. "Yung babae naman na kulay puti ang buhok, tinawag ng Reyna na Draca. Ewan ko ba ba't ganun mga pangalan nila, lahat kakaiba. Pangalan pa lang mabanggit nagtatayuan ng mga balahibo ko't hindi ako mapakali." "Eh kasi nga engkanto sila, yun ang sabi mo diba? Kaya siguro ganun mga pangalan nila." "Kaya nga! Yun din sabi ko sa sarili ko. Para kumalma naman ako kahit konti." Matulis na naman ang nguso ni Gardo habang nagkukwento. Maya't maya pa nitong tinatapik ang dibdib. Nakaugalian na nitong gawin sa sarili kapag may takot na nararamdaman. "At Selya, ito pa ha! yung lalake na kulay puti rin ang buhok Dwarf ang pangalan. Susme! eh hindi naman yata yun dwende kasi magkasinlaki lang naman kami, lamang lang ako ng konti sa kanya, kasi mas gwapo at macho ako hihihi." "Kuuuu, puro ka kayabangan eh duwag naman hahaha.' Pang aasar pa ni Selya kay Gardo. Na ikinasimangot naman agad nito. " Selya, totoo sila hindi na ito biro. Talagang nangyayari na ito ngayon satin. At ito pa Selya, tinawag nilang Mahal na Reyna ang ina ni Ayana, at Prinsesa naman nila ang inaalagaan nating bata ngayon." Tahimik lang si Selya, namamangha man sya sa mga pinagsasabi ni Gardo. Alam nya na nagsasabi ito ng totoo, dahil kahit maloko at alaskador ang asawa nya, pero pagdating sa kanya hindi ito magsisinungaling. Ganun katapat at katakot ang asawa nya sa kanya. "At eto pa Selya, yung nakadikit sa buhok ni Ayana, tama ang hinala ko na engkanto yun, kasi sya ang Heneral Ixeo nila. At may mga kasama pa syang mga sundalo na nakapalibot sa bahay natin Selya. Isipin mo yun, kung gaano karami ang mga gagamba dito ganun karami ang nagbabantay kay Ayana. Kaya pala lapitin ng mga insekto kasi mga bantay nya pala yun tsk tsk ." "Ano naman ang hitsura ng Heneral Ixeo na yun ha?." "Syempre maganda Selya kasi, engkanto nga diba? Pero, alam mo kwento noon sakin ni inay na kung gaano daw kaganda sa paningin nating mga tao ang mga engkanto, kabaliktaran daw nun ang totoong mga hitsura nito. Nakakatakot isipin diba? Yaays! Kaya ako? naniniwala ako sa mga kwento ni inay, kasi kahit na hindi ko man sila nakikita nararamdaman ko naman sila." Tuloy lang ang kwentuhan ng dalawa. ==?== Samantala, sa lugar kung nasaan nandun si Ayana ay abala ang lahat para mabawi sya sa kamay ng mga bampira. Sunod sunod ang hagis ni Alex sa mga hawak na potion poison sa mga kalaban, habang nasa ere naman si Draca nakasakay sa kanyang dragon at panay ang wasiwas ng espada nito, hindi lang apoy ang tumatalsik may kidlat pang kasama na kumukuryente sa mga bampirang nagsusulputan lang kahit saan. "Dwarf, nahanap mo na ba ang Prinsesa?" Tinig ni heneral Ixeo na nakikipag usap sa mga kasamahan gamit ang isip. Ganyan sila makipag usap kapag malayo sila sa isa't isa. "Malapit ko ng abutan ang may hawak sa kanya heneral, pero kailangan ko ng tulong dahil napakarami nila." "Draca, saang banda ka ngayon, hilaga, timog o kanluran?." "Nasa silangan ako Heneral, malapit nakong matapos dito." " Sige mag iingat ka! Ikaapat na pulutong magsipaghanda ngayon din. Tunguhin ang kanluran magmadali." Utos ni Heneral Ixeo sabay sambit ng orasyon para mas mapabilis pang mga sundalo nyang naging agila at nagsiliparan na patungo sa kinaroroonan ni Dwarf. Naririnig na ni Dwarf ang iyak ni Ayana, alam nyang nasa tabi tabi lang ang may hawak nito, hinagis nyang sandatang hawak sa ere at umilaw ito ng kulay pula at nakaturo ang ilaw sa bandang kaliwa nya. Agad syang tumingin dun at naglaho para puntahan yun. Akma ng maglalaho ang bampira ng biglang pilipitin ni Dwarf ang leeg nito, putol ang ulo nitong nahulog sa kakahuyan, dahil sa pagkahulog ng bampira nabitawan nito si Ayana na umiiyak pa rin. Kaagad na naglaho si Dwarf at sa paglitaw nito yakap na nya ang sanggol na itinatangi. "Sssshhhh... Tahan na mahal kong Prinsesa, ligtas na po kayo." Nakangiting hinaplos haplos ni Dwarf ang pisngi ng sanggol. Napatigil sya sa ginagawa ng makaramdam ng malamig na hangin sa kanyang likuran. Agad nyang itinaas ang isang kamay para lumitaw ang sandata nya at ng mahawakan na ito agad syang humarap sa kanyang likuran habang yakap ng mahigpit si Ayana. Sabay wasiwas ng kanyang sandata, sa bawat hataw nya ang pagtama naman nito sa limang bampira na pasugod pa lang sana sa kanya. Lahat sunog at naging abo na tinangay ng hangin palayo sa kanila. Tumingin sya sa paligid nya at dun pa lang nya napansin ang makapal na usok na paparating.. Mga bampira yun tiyak nya kaya mabilis syang naglaho at nagtungo pa Silangan. Habang naghahanap ng ligtas na lugar tinawag nya sa isip si Alex. "Alex, tulungan mo akong patahanin ang Prinsesa! Baka may potion ka dyan para sa kanya? Iyak kasi ng iyak hindi ko mapatahan." "Hahaha walang gamot para dyan Dwarf, subukan mo kayang i hele baka sakaling tumahan." "Sige susubukan ko, salamat." Sinunod naman ni Dwarf ang payo ni Lexi, nilapit nyang sanggol sa kanyang dibdib at henele hele ito. "Huhuhummmm hummm hmmmm... Tatahan na yan!... Huhuhummm .. Hmmmm.. Huhummmm." Hindi mapigil ni Dwarf ang sariling nararamdaman, kaya niyakap nya pa ng mahigpit ang sanggol at akmang hahalikan na ito sa pisngi ng biglang lumitaw si Draca sa kanyang harapan. At biglang hinarang ang palad nito sa pagitan ng pisngi ni Ayana at bibig ni Dwarf. "Hep .. hep! Kung ako sayo insan, huwag mong gagawin yan para wala kang pagsisisihan, hummmm.. Hmmmm..." Panggagaya pa nito kay Dwarf na masama ang tingin sa kanya. Pero mapipigilan ba ni Draca ang pinsan? Eh matigas ang ulo nito kasintigas ng bato. Napailing na lang sya ng makitang hinalikan ni Dwarf sa nuo si Ayana. "Oh tama na yan uy! Paparating ng Heneral baka makita kapa nya. Maparusahan ka ng wala sa oras." Nakatulis ang nguso ni Dwarf. Habang panay ang haplos nito sa pisngi ng ngayon ay natutulog na sanggol. "Eh di parusahan nila ako! Okey lang naman sakin yun, basta para kay Ayana lahat ng parusa tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib." Napaismid ng lihim si Draca sa sinabi ni Dwarf. May konting kirot pa rin syang nararamdaman dahil sa alaalang biglang sumagi sa isip nya. Pinalis nya kaagad ang sakit na nararamdaman at tinukso ang pinsan. "Baliw ka talaga! Hahaha" "Syempre, kasi may puso't damdamin ako. Eh ikaw? Wala. Hahaha ka rin." Booommm!... Nasapol ni Dwarf ang hindi dapat tamaan sa kanya. Napakuyom bigla ang dalawang kamao nya at sa isipan paulit ulit nyang minumura si Euri. "Walang forever, sinasabi ko sayo! Masasaktan ka lang." Seryosong wika ni Draca kay Dwarf. Na nginisihan lang nito at may paturo turo pang nalalaman habang nagpapaliwanag ito sa kanya. " Ikaw! Kayo ! Walang forever. Pero, kaming dalawa! Syempre meron kasi ako ang tutupad nun." Tuloy lang ang pang iinis ni Dwarf kay Draca. Pero ng makitang tahimik na ito at nakatingin sa langit. Nakonsensya sya bigla. "Hay.. Sya pa rin ba hanggang ngayon?" Hindi ito sumagot, malungkot ang mga mata nitong nakatingin lang kung saan. Tanging silang dalawa lang ang may alam ng mga pinagdaanang kabigoan sa pag ibig ni Draca. Si Dwarf ang dumamay nung mga panahong gusto na nyang maglaho dahil sa sakit ng damdaming hindi nya maalis alis sa sestema nya. Doon sila naging malapit sa isa't isa ng pinsan at parehong nangako na walang lihiman at higit sa lahat walang iwanan. "Huwag kang mag alala malapit na syang mamatay dito sa puso ko." Pinasigla nyang boses at pilit na ngumiti ng makitang paparating na sila Lexi at Heneral Ixoe. Napailing na lang si Dwarf sa bilis ng pagpalit ni Draca sa pekeng emosyon na namaster na yata nito sa ilang dekadang magkasama sila. "Maayos ng lahat, tayo ng bumalik sa tahanan ng mag asawa." Turan ng Heneral sa kanila. Siniko ni Draca si Dwarf at ng magtama ang tingin nilang dalawa, inginuso ni Draca si Ayana at minwestrang ibigay na ito ni Dwarf sa Heneral. Ayaw pa sana ni Dwarf kasi gusto nyang sya na lang ang magdala sa sanggol, pero ng makita ang pandidilat ng mga mata ni Draca iniabot na lang nya sa heneral ang sanggol kahit na napipilitan lang sya. Pagtingin ni Dwarf kay Draca ang lapad ng ngiti nito. Naiinis na biglang naglaho si Dwarf at ng lumitaw ay nasa tabi na ito ni Draca, bigla nitong hinila ang buhok ng pinsan pagkatapos ay naglaho ulit ito. '"Kupal ka Dwarf... Ang kupal mo talagaaa.. Mamaya ka sakin, titirisin na kita talagaaa..." Nanggigigil na sigaw ni Draca. Ang ayaw pa naman nya, yung ginugulo ang buhok nya. At alam ni Dwarf kung paano gumanti sa pang aasar nya dito. Biglang lumitaw si Dwarf sa tabi nya. Tumatawa ito. Susuntukin nya sana ito ng bigla na namang maglaho. Inis na inis na si Draca. Ng lumitaw ulit si Dwarf nasa tabi na ito ni Heneral Ixoe. Nanlilisik ang mga mata nya dito, sakto namang bigla syang nilingon nito at nilabas ang dila para lalo syang asarin. Nasagad ng pagtitimpi nya't bigla syang naglaho. Nagulat ang lahat ng bumulusok paibaba si Dwarf. "Aaaaaahhhhhhhh." Tanging naiwan na boses ni Dwarf. Napatingin ang lahat kay Draca ng lumitaw sya at sumabay sa paglipad ng mga ito. Nagkibit balikat lang sya, wala ng umimik isa man sa kanila hanggang makarating sa bahay ng mag asawa at nagkanya kanyang balik sa pwesto ang mga sundalo. Nakita nila ang mag asawa sa balkonahe, nag uusap. Nagpapahid pa ng mga luha si Selya, habang kalmado naman na pinapakalma ito ni Gardo. "Gardo, anong gagawin natin ngayon?" Nakikinig lang silang apat sa usapan ng mag asawa. At ng umabot ng usapan ng dalawa tungkol sa lihim nila, nagkatitigan silang apat. Diyata't alam na ng mag asawa na engkanto silang lahat? Naku naman nalentikan na, siguradong parurusahan sila nito dahil hindi pa tamang panahon para matuklasan ang lihim na pagkatao ni Ayana. Si Alex at Draca, naghihilahan pang umalis na tila nagmamadali at mahuhuli na sa importanteng pupuntahan ng mga ito. Si dwarf ay bigla ring naglaho. At ang mga sundalo ay naging gagamba ulit lahat. Tanging si Heneral Ixoe na lang ang naiwan, hindi sya makapag bagong anyo bilang insekto dahil nasa mga bisig nya si Ayana. Wala na syang pagpipilian pa, kundi ang magpakita na sa mag asawa. kailangan na kasi nyang maibalik ang Prinsesa bago pa makapag isip ng kung anong gagawin ang mag asawa na ikakasama ng sitwasyon nilang mga engkantada. Nagpakita na sya kay Selya, gamit ang kasuotan ng mga ito , ginaya nya lang ang mga nakikita nya sa mga tagalupa. Kaya kitang kita ang nag aapoy nyang katawan at mga natamong sugat sa katatapos lang na pakikipaglaban nila sa mga Bampira. Hindi naman kasi pwede na magpakita sya sa totoong kasuotan at anyo nya. "Ay maryosep!,.. Sino ka? At bakit buhat mong anak namin ha? Magnanakaw ka ano? Ay hindi kidnaper ka! Kinidnap mong anak namin." Gulat na biglang sambit ni Selya sa babaeng bigla na lang lumitaw sa harap nya. "Psssttt..., Selya." Tawag at saway ni Gardo sa asawang talak ng talak. Pero hindi sya pinapansin nito. "Hoy Gardo, huwag kang tumunganga lang dyan, tawagin mo si kapitan at magsama ka ng tanod dito dalian mo na Gardo." Nakatingin lang sa mag asawa ang heneral, pinipigil nyang tumawa o kahit man lang ang ngumiti. Pinanatili nito ang seryosong mukha. Si Gardo naman ay nilapitan si Selya at pilit na tinatakpan ang bibig nito. May ibinulong ito sa asawa na ikinatigil ng bunganga nito at nanlalaki ang mga matang binaling ang tingin sa engkantada na may karga kay Ayana. Dun na nagsimulang humakbang ang Heneral palapit sa mag asawa at inabot ang sanggol na hindi man lang nagising sa ingay ni Selya. "Gardo, sya ba yung sinasabi mong gagamba na nakadikit sa buhok ni Ayana.?" Bulong ni Selya kay Gardo, pero dinig pa rin ng heneral. "Tumpak! Selya, sya nga iyan. Ngayon ay alam na natin kung bakit hindi natin sya matanggal sa buhok ng bata, kasi pinoprotektahan nya ito." "Gardo, bakit umaapoy ang katawan nya at bakit ang dami nyang sugat?." "Aba! Malay ko ba Selya, bakit hindi mo sya tanungin?." Tiningnan ng masama ni Selya si Gardo, gusto na nya itong batukan sa mga sagot nito sa kanya, nagpipigil lang sya. Kinalong na lang ni Selya si Ayana ng ibinigay ito sa kanya ng Heneral. Sinuri nya ng tingin ang mga sugat nito. Malalalim ang hiwa nito at paniguradong masakit iyon, kaya binalingan nya si Gardo at inutusan kumuha ng gamot. "Gardo, kumuha ka ng gamot dalian mo baka ma impeksyon ang mga sugat nya." Sumunod naman kaagad si Gardo sa utos ni Selya. Nagkanda untog pa ito sa kamamadali at dun na pinakawalan ni Heneral Ixoe ang kanina pang pinipigilan na tawa. Nagtataka namang hinarap ni Selya ang babaeng gagamba. Tila napaka hirap paniwalaan na ito ngang insekto na nakadikit parati sa buhok ni Ayana. Ang ganda ganda namang gagamba ito abah! "Maraming salamat Ginang, pero hindi makakagaling sakin ang mga gamot nyu dito, wag mo'kong alalahanin at may manggagamot akong kasama." Turan ng heneral sa tulalang si Selya. Lalo pang nanlaki ang mga mata nito at nabitawan bigla si Ayana ng lumitaw sa harapan nila si Alex. Mabuti na lang at maagap si Dwarf nasalo kaagad nito ang sanggol bago pa mahulog at bumagsak sa lupa. At yun ang naabutang tagpo ni Gardo na hindi man lang nagulat. Nakita na kasi nyang mga ito kaya kilala na nya kahit na papanu. Nilapitan nyang asawa na namumutla. "Selya, hoy Selya.." Tinapik tapik ni Gardo ang pisngi ni Selya. Dahan dahan naman itong tumingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito kay Gardo na sinagot naman nito ng tango lang. Tumayo ng tuwid ang apat sa isang gilid at sabay sabay na yumokod sa mag asawa. Kalong pa rin ni Dwarf si Ayana na mahimbing ang tulog. "Maaliwalas na araw sa inyo, Ginang Selya at Ginoong Gardo." Sabay sabay na pagbati nila Heneral Ixoe, Diwatang manggagamot na si Alex, Diwatang mandirigma na si Draca at Mandirigmang si Dwarf. Ng mag angat ng tingin ang apat at sabay sabay na ngumiti, dun na hinimatay si Selya na nasalo naman agad ni Gardo. Nagkatinginan naman ang apat na engkanto at sabay sabay pang napatawa. Ngayong alam na ng mag asawa ang tungkol sa kanila, siguradong magbabago ng pamumuhay nila dito sa mundo ng mga tagalupa. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD