Nada at ang mga Itim na Mangkukulam

2411 Words
Nasa brgy. sina Gardo at Selya, kausap ang kapitan tungkol sa pag aalaga kay Ayana. "Ganito na lang ang gagawin natin, alagaan nyu munang mag asawa ang batang yan, kung sakaling may maghanap na kamag anak nya ipapatawag ko kayo. " Habang nagpapaliwanag ang kapitan ng brgy. Malalim naman ang iniisip ni Gardo habang nakatingin kay Ayana na kalong ni Selya. Wala man lang syang maintindihan sa sinabi ni kapitan dahil nakatutok ang mata nya sa bagong nakadikit na insekto sa buhok ng bata. "Sige ho kapitan, maraming salamat po. Kaming mag asawa na po ang bahala sa cute na batang ito. Alis na ho kami, maraming salamat po." "Mag iingat kayo Selya lalo na sa gabi, balita ng tanod ko may mga peste na naman daw na gumagala sa bukid. Malalaking daga, ewan ko ba kung bakit pinipeste itong baryo natin? Tsk tsk." "Makakaraos din ho tayo kapitan, panalangin lang po tayo." Nginitian ni Selya ang kapitan saka naglakad na palabas ng Brgy. Hall, hinaplos nyang buhok ni Ayana at napansin ang pulang bubuyog sa buhok nito. Pinitik nya ito, pero hindi man lang natinag. Nagtatakang tinitigan nya ito, parang hindi ordinaryong bubuyog kasi ang tingkad ng kulay at ang ganda ng pagkapula nito. "Ayana anak, bakit iba na naman yang ipit mo, san galing yan? Kahapon gagamba, ngayon naman bubuyog, ano naman kaya sa susunod na mga araw?." Biglang nagsalita si Gardo na nasa likuran ni Selya. "Selya, napansin ko lang bakit lapitin ng mga insekto ang batang yan? Saka tingnan mong buhok paiba iba, kinakabahan ako sa kanya Selya." "Tumigil ka nga dyan Gardo! Kung ano anong iniisip mo." "Eh Selya, hindi kaya anak ng engkanto yan? Naku! naman Selya, baka kainin tayo ng mga ya - araaayyyy kooo." Piningot ni Selya ang asawa, na biglang lumayo sa kanya habang hawak ang tenga nito. Napakaduwag talaga nito kainis. "Hoy Gardo, tigilan mo na nga yang mga kalokohan mo. Hala ikaw ng mag alaga muna kay Ayana at mamamalengke ako." "Sama na lang kami sa palengke Selya." "Heh! Umuwi na kayo't paligoan mo yang si Ayana ha!. Saka Gardo alagaan mong mabuti yan, humanda ka sakin pag uwi ko kapag dipa yan nakaligo, nakuuu malilintikan ka sakin !" "Masusunod po kamahalang Selya." Bulong lang ni Gardo yun sa sarili, pero narinig pa rin ni Selya. Bigla syang bumaling sa asawa at pinaningkitan ito ng mga mata. "Anong sabi mo Gardo?." "Wala!, sabi ko mag iingat ka at wag magpaligaw sa mga kargador sa palengke, umuwi ka kaagad kasi mamimiss kita eh! hehe." "Tse, style mo bulok, hmp." Tumalikod na lang si Selya at napapailing na naglakad patungo sa palengke. Habang si Gardo naman ay malaki ang problema, habang iniisip kung paano liligoan si Ayana. Hindi pa kasi nya nagagawa yun, palaging si Selya ang naglilinis sa bata. Pagdating ng bahay, inihiga nya muna sa duyan ang bata saka nagtungo sa kusina. Nag pakulo sya ng tubig, naghanda ng bagong damit at diaper, nagtimpla ng gatas para mapadede si Ayana pagkatapos nitong maligo. Ng matapos ang lahat ng paghahanda, kinarga na nya ang bata at dinala sa banyo. "Anak, bakit Lady bee na yang ipit mo, san na si spider man, namatay na ba hehehe?." Tinanggal ni Gardo ang bubuyog sa buhok ng sanggol, pero kahit anong hila nya kagaya ng gagamba hindi nya maalis ito, kaya hinayaan na lang nya. Pinaligoan nya rin ang bubuyog kasama ni Ayana. Ng matapos sila sa banyo pinahiga nya sa duyan at pinadede ang sanggol. "Ang bait bait talaga ng anak naming ito, hindi man lang umiiyak. Oh ito dede ka na ha! Para mamaya maglaro tayo." Iniwan muna ni Gardo ang bata sa duyan, nilinis nyang lahat ng kalat at nagsaing. Habang abala sa kusina si Gardo, may naririnig syang tawanan sa sala, sa inaakalang baka si Selya lang yon hinayaan na lang nya at pinagpatuloy ang ginagawa. Pero ng marinig nya ulit ang boses na nanggagaling sa sala napasilip na rin sya sa labas, nabitawan ni Gardo ang sandok na hawak dahil sa pagkabigla ng makita kung sino ang nasa sala nila. Isang napakagandang diwata na may bulaklak pang nakaipit sa tenga, hinahalikan nito ang sanggol na si Ayana na nakatingin naman kay Gardo na putlang putla. "Aking Prinsesa Ayana, kumusta kana? Masaya akong nakita't nayakap ulit kita. Mag iingat ka palagi at pakamamahalin ang mga magulang mo ngayon, sila ang gagabay sayo hanggang sa tamang panahon at pagkakataon na pwede ka ng bumalik sa ating kaharian." Bumaling si Reyna Amethys sa kaharap nitong si heneral Ixoe at nagbilin ng ilang paalala sa mga panganib na parating sa buhay ng prinsesa. "Heneral Ixoe, maraming panganib ang dadating sa buhay ng prinsesa habang papalaki sya. Naway protektahan mo sya at ang mga kinikilalang magulang nito. Sasamahan ka dito ni Alex para may manggagamot na nakaantabay sa inyo. At sina Dwarf at Draca na susubaybay kay Ayana. Ikaw ng bahala sa lahat.!" "Makakaasa po kayo na aalagaan po namin ang mahal na Prinsesa, Kamahalan." "Maraming salamat, hanggang sa muli nating pagkikita Heneral Ixoe. Paalam." Yumokod si heneral Ixoe sa Reyna hanggang sa maglaho ito. Tiningnan nya isa isa ang mga kauri nyang engkanto na may mga ngiti sa labi, At nagtapikan sila ng mga braso. "Hay salamat naman at may makakasama nako dito, may makakausap na rin ako sa wakas." "Heneral, pakiusap lang ayokong maging gagamba ha!" Pakiusap ni Draca kay Ixoe, habang si Dwarf naman ay lumapit sa duyan ni Ayana at inugoy ito habang titig na titig sa mukha ng prinsesa. 'Napaka ganda mo talaga! Sana balang araw mapansin mo ako! Pangako iingatan kita hanggat sa makakaya ko!' Hindi pansin ng tatlong diwata si Dwarf, tuloy lang ang harutan ng mga ito ng marinig nila ang pasigaw na boses ni Selya. "Gardoooo, bumaba ka nga saglit at tulungan mo akong iakyat ang mga pinamili ko." Biglang nagbago ang anyo ng mga engkanto, bumalik sa pagka lady bug si heneral Ixoe at lumipad pakapit sa buhok ni Ayana, samantalang naglaho naman sina Dwarf, Draca at Alex. At ang lahat ng kababalaghang pangyayaring iyon ay nasaksihan ni Gardo na tulala lang at namumutla na sa takot. "Gardooooo, lintek ka , hindi ka ba lalabas dyan ha, babayagan na talaga kitang hinayupak ka.' Wala pa ring sagot galing kay Gardo at ang bulkang Selya ay sumabog na nga. Inis na inis na pumasok ng bahay si Selya at agad na hinanap ang asawa, ng matagpuan ito sa kusina ay agad nya itong sinuntok sa panga. "Lintek ka talaga! Ako ba'y talagang ginagalit mo ha Gardo?." Sinuntok pa ito ng isa ni Selya sa tiyan, tulala pa rin ang lintek. abah teka nga muna sandali at umangat bigla ang paa nya para bayagan ito, pero sa pagkakataong yun ay nagising na si Gardo sa pagkatulala nito at mabilis na nakaiwas sa paa ni Selya. "Letse ka, bakit ka umiwas?" Nagpupuyos pa rin sa galit na nararamdaman nya si Selya, habang si Gardo naman ay tinatampal tampal ang pisngi.. "Ako na lang sasampal sayong damuho ka, halika lumapit ka dito daliii!." Sa narinig agad na napalayo pa lalo si Gardo kay Selya. Paunti unti ng bumabalik ang katinuan nya. 'Totoo bang lahat ng nakita ko o namalik mata lang ako? Hay anuba naman kasi itong nangyayari sa buhay namin ni Selya?' Ng marinig nila ang sigaw ng kapitbahay nila. "Selya, yung mga pinamili mo, tinatangay ng aso." "Ay naku! Nakalimutan ko." Agad na tumakbo si Selya palabas ng bahay, kasunod si Gardo na kanda talisod sa kamamadali. Naabutan pa ni Selya ang asong hila hila ang bayong na may lamang karne. Agad nyang sinipa ang aso at dinampot ang bayong, tiningnan nyang laman, kompleto pa naman kaya hinagis nya kay Gardo at sinalo naman agad nito. "Hakutin mo lahat yan at ayusin, hugasan at ilagay sa ref, maliligo nako." Sabay lakad at nilampasan lang si Gardo, pagpasok ng bahay agad na sinilip ni Selya ang duyan. Napangiti sya ng makitang tulog na si Ayana. Kinuha nyang bote ng gatas saka nagtungo sa kusina para hugasan ito.. Palabas na sya ng kusina ng makasalubong nya si Gardo na maraming dala. Pasimple syang tumayo sa gilid at hinintay na pumantay si Gardo sa pwesto nya, Ng mapatapat ito sa kanya agad nyang ginulat at tinusok pa ito sa tagiliran, na naging dahilan para mabitawan ni Gardo ang lahat ng buhat nito. Saka tumalilis ng takbo habang tumatawa si Selya papasok ng banyo . "Selyaaaa... May araw ka rin sakin na impakta ka! Makakaganti rin ako sayo." Iiling iling na pinagdadampot ni Gardo lahat ng pinamili ni Selya na nagkalat sa sahig. Dinala nya lahat sa lababo at isa isang inilabas sa plastic. Habang naghuhugas narinig nyang pag iyak ni Ayana kaya agad nyang iniwan ang ginagawa at pinuntahan ang bata sa duyan. Pero ng silipin nya ito, mahimbing naman ang tulog. Siguro namali lang sya ng dinig baka yung anak ng kapitbahay nila ang umiiyak at hindi si Ayana. Napahinto sya sa paglalakad ng makitang malinis ng lahat sa kusina. Nakalagay na sa fruit basket ang mga prutas, nakahilera ng tinapay, palaman, instant noodles, delata at kung anu ano pa sa estante. Binuksan nyang ref at nandun ng lahat ng inumin. Binuksan rin nyang freezer nandun na rin naka Tupperware ang mga karne. Namamanghang napakuha na lang sya ng tubig sa ref at uminom. "Sana lang huwag nyo naman akong bibiglain kasi baka atakehin ako bigla sa puso! Ayoko pang mamatay at iiwan ang Selya ko!." Pagdadrama ni Gardo, inaaliw nya lang ang sarili dahil sa takot na nararamdaman, nilapag nya sa mesa ang pitsel saka humila ng upuan at umupong nangalumbaba sa mesa. Samantalang nagtatalo naman ang tatlong engkanto na kasama nila sa bahay. "Bakit? Tinulungan ko lamang sya ah, nakakaawa naman kasi parang pagod na." Pagdadahilan ni Dwarf sa dalawang diwata na nakadilat ang mga matang nakatingin sa kanya. ""Napaka halatain naman kasi ng ginawa mo." Hinampas pa ni Draca ang kamay ni Dwarf na nagtuturo na naman sa mga gamit na magulo sa kusina. "Aray! Uu na, tama na! Para kang si Selya ambilis ng kamay, tsk." Reklamo pa ni Dwarf at agad na naglaho. Samantalang abala naman si Alex sa gamot na hinahalo nito sa mga kamay. "Ano yan Lex?" "Potion, para kay Selya ng bumait naman ng konti kay Gardo." Nakangiti pa nitong sabi habang patuloy lang sa paghalo ng iba't ibang gamot. Napapangiwi na lang si Draca sa mga kasamahan nya. Sumeryoso bigla ang hitsura ni Alex ng may kakaibang naramdaman. Nagkatitigan muna sila ni Draca bago sabay na naglaho. Habang sa labas naman ng bahay sa may taniman nila Gardo, abala na si Dwarf sa pakikipag away. Kasama ng mga sundalo ni heneral Ixoe. May transparent shield ng nakapalibot sa kanila para hindi sila makita ng mga tao. Apat na salamangkerang itim na nagpapakawala ng mga dambuhalang makamandag na hayop ang katunggali nila. Agad na tumulong sa pakikipaglaban sila Lexi at Draca. Hinagis ni Draca sa himpapawid ang pulang panyong nakatago sa bulsa nito at agad na nag litawan ang mga dragon at bumuga ng apoy. Isang malaking dragon ang lumapit kay Draca at agad naman syang sumampa dito. Sinugod nila ang salamangkerang nakapula na may malaking ahas na kasama. Si Alex naman ay naghahagis ng iba't ibang poison potion sa mga kalaban habang panay kumpas ng malaking magic wand nito. Kahit gaano pa kadami ang kalaban nagagapi na nila ito ng pakonti konti. "Kailangan nyo bang tulong ko?" Tinig ni Heneral Ixoe sa isipan nila. Sabay sabay naman silang sumagot ng... "Kami ng bahala dito sa labas Heneral, at ikaw ng bahala dyan sa loob ng bahay." Nakapalibot ng mga sundalo ni heneral Ixoe sa buong bahay. Maliban pa sa makapangyarihang salamangkang pangharang na nakapaloob sa buong kabahayan na inilagay ng Reyna kanina bago ito lumisan. Napasapo sa mukha nya si Dwarf ng may maramdamang humiwa sa pisngi nito. Napatingala sya bigla at dun nya nakita ang lalaking salamangkero na nakangisi sa kanya. Kaagad na naglaho si Dwarf at lumitaw sa likurang banda ng kalaban sabay putol sa ulo nito. Ngayon ka ngumisi, hayop ka. dinungisan mo pang gwapo kong mukha, paano pako magugustuhan nito ni Ayana. tsk tsk. Nakatingin na lang sya ngayon sa dalawang kasama na patuloy pa ring nakikipaglaban. At sa mga sundalo nilang abala sa pag puksa ng mga halimaw na gawa ng mga itim na salamangkera. Napabaling ang tingin nya sa malaking ahas na pasugod kay Draca. Agad syang naglaho. Nagulat na lang si Draca ng mahagip sya ng buntot ng ahas na tumilapon sa kanya. Saka nya nakita si Dwarf na sapo ang pisngi nitong dumudugo pa rin. Nilapitan nya ito para suriin ang sugat na natamo. "Ang lalim nyan ah! Siguradong mamarka na yan sa pisngi mo. Hindi kana gwapo at hindi kana magugustuhan ng prinsesa." Lalo syang napatawa ng makitang pagtitiim bagang nito. Dinig pa nya ang malakas na t***k ng puso nito. Hindi alam ni Draca kung anong dahilan ng kaba nito. "Anong nangyari sa mukha mo Dwarf?" Nagtatakang tanong ni Alex. At may kinuhang maliit na bote sa hidden bag nito. Saka nilapitan si Dwarf at agad na ginamot ang sugat nito sa pisngi. Agad na gumaling ang sugat nito pero may pelat na naiwan. "Sorry Dwarf, yan lang ang kaya kong gamutin. Ang sugat lang pero ang peklat hindi na kayang burahin ng powers ko." "Ayos lang salamat pa rin, Alex." Matapos magpasalamat naglaho na lang bigla si Dwarf. Nagtataka namang napatingin si Alex kay Draca. Magtatanong pa sana sya ng maunahan sya nitong magpaliwanag. "Masamang loob nun kasi hindi na sya gwapo, Hahaha ang baliw na yun talaga." Simpleng paliwanag ni Draca kay Alex. Hindi nya sinabi ang totoong dahilan ni Dwarf. Hindi nya ilalaglag ang sekreto ng matalik na kaibigan. Nagkibit balikat na lang si Alex bago kinumpas ang magic wand para linisin ang kalat at ibalik sa dati ang mga nasira nila sa taniman ni Gardo. "Selyaaa, kain na tayo daliii... gutom na akooo." Narinig nilang sigaw ni Gardo. At sabay silang napatawa ng marinig ang sagot ni Selya. "Huwag ka ngang maingay na lentek ka! Pag nagising si Ayana dahil sa ingay ng bunganga mo babayagan na kitang peste ka." Ngayon, naiintindihan na nila kung bakit sa mag asawang ito inihabilin ni Reyna Amethyst ang anak na prinsesa. Yun ay dahil kahit madalas mag away ang mga ito mahal na mahal naman ang isa't isa, at higit sa lahat simbolo sila ng masayang pamilya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD