Munting Anghel
"Panu na tayo ngayon nito Gardo, San tayo kukuha ng ipambabayad natin sa mga inutang nating puhunan para sa pananim nating ito?"
Naghihinagpis na turan ni Selya sa asawang si Gardo. Habang nagpupunas ng luha at pawis tumingala sya sa langit at pumikit para manalangin.
"Panginoon, kung anuman po ang mga pag kukulang naming mag asawa sana mapatawad nyu po kami, kung sobrang makasalanan na po kami , sana sa mga pagsubok na bigay mo samin malampasan namin lahat. Bigyan mo po kami ng lakas at katatagan para magpatuloy sa buhay. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob nyu po samin. Maraming salamat po Panginoon... Amen."
Nagpunas ulit ng luha't sipon si Selya bago tiningnan ang asawang namumulot ng mga napesteng mais. Hindi lang ang pananim nilang mais ang napeste, kasama ring nasira ang palayan nila. Hindi maintindihan ni Selya kung bakit nangyayari ito sa kanilang mag asawa.
"Selya, halika nga saglit dito at may ipapakita ako sayo! dali."
"Ano ba yun Gardo, bakit ka ba aligaga diyan ha?"
Dali daling tumayo si Selya at tinakbo ang kinaroroonan ng asawa. Nasapo nyang dibdib ng makita kung anong tinitingnan ni Gardo.
"Mahabaging Diyos!!! May munting anghel na nahulog mula sa langit Gardo.""
Agad na lumuhod sa lupa si Selya, para sana kargahin ang sanggol na natutulog sa malapad na dahon. Pero, ng hahawakan nya na ang sanggol biglang may mga gagamba na naglabasan kahit saan. Pumalibot ito sa natutulog na sanggol. Manghang napatayo bigla si Selya at napayakap sa asawang si Gardo na nakatulala lang din.
"Maryosep! Gardo, panu natin makukuha ang sanggol kung may mga gagambang nakapalibot sa kanya?."
Nagtatakang tiningnan ni Selya si Gardo ng hindi man lang ito sumagot sa tanong nya. Hinawakan nya ito sa braso at hinila hila ito, pero tulala pa rin ito at bahagyang namumutla.
"Hoy!! Hoy, Gardo! Ano bang nangyayari sayo ha?."
Hinampas nya ito sa dibdib.. Isa...dalawang beses... At iisa pa sana sya ng magsalita na ito.
"Aray naman Selya, tama na! Nakakasakit kana ha!."
Maluha luhang sabi ni Gardo sa asawa na nakangiti sa kanya.
"Akala ko dika na matatauhan eh! Babayagan na sana kita, Sayang hihihi."
"Somosobra kana sa p*******t mo sakin Selya ha! Kaya di tayo magkaanak eh lagi mo na lang ako binabayagan."
"Kuuu Gardo, tanggapin mo ng baog ka talaga! Hahaha."
"Kita mo tong bruha na ito! Pasalamat ka mahal na mahal kita kung hindi ay ---."
"Kung hindi ay ano Gardo ? Ha?."
"Sabi ko mahal na mahal kita Selya."
"Alam ko na yan, patay na patay ka nga sakin diba? Hahaha."
Napailing na lang si Gardo, ganyan kung magmahal si Selya mapanakit, pero tanggap nya at kinukunsinti ang ugali nito. Binaling na lang nya ang tingin sa sanggol at nagulat sya ng makitang gising na ito. Kinalabit nyang asawa na tumatawa pa rin.
"Ano ba Gardo, maaga pa! kita mo mataas pang araw. Kalabit ng kalabit kana diyan, mamayang gabi na lang yang l***g mo at siguraduhin mong maliligayahan ako kung hindi sisipa.. hmmmppp --- "
Tinakpan agad ni Gardo ang bibig ng asawa at niyakap ito, magbubunganga na naman kasi ito. Inikot nyang katawan nito paharap sa sanggol at kagaya nya nanigas din ang katawan nito sandali, ng maramdaman nyang kumalma na ito ng konti, tinanggal nyang kamay na itinakip sa bibig nito.
"Ga -- Gardo, gising na sya. At tingnan mong mga mata nya ang ganda ng kulay. Nakakamangha."
"Oo nga Selya, ngayon lang ako nakakita ng asul at sa loob na bilog ay pula at sa pinakaloob ay itim ang kulay na mga mata."
" Eh Gardo paano natin sya makukuha sa mga gagambang yan ha? Nakakatakot ang lalaki pa naman."
"Yan din ang ipinagtataka ko kanina pa Selya, hindi naman sya kinakagat ng mga gagamba. Tila binabantayan lang sya."
"Tama ka Gardo, lalo ng isang gagamba na nakadikit sa buhok nya, naka steady lang, akala ko nga kanina ipit nya eh, kung di lang gumalaw."
"At Selya, napansin mo bang kulay ng buhok nya? Kulay pula! Aba! "
"Naiisip mo bang naiisip ko Gardo?."
"Na hindi sya pangkaraniwang bata?, hindi sya katulad natin Selya, tingnan mo ni hindi nga umiyak ng makita tayo."
"Kahit ano pa sya Gardo gusto ko sya, atin na lang sya, tutal wala naman tayong anak."
" Naku! Selya, panu kung tyanak pala yan? Diba ganyan din ang anak ni Janice? Nakakatakot nam -- Aray!."
Binatukan na ni Selya ang asawang matatakutin dahil sa inis nya dito.
"Magtigil ka nga! Kagandang bata nito tapos sasabihin mong tyanak? "
Iminwestra pa ni Selya ang kamay sa bata. Parang natuwa naman ang sanggol sa narinig na pagtatanggol sa kanya ni Selya, itinaas nito ang malusog na braso na tila pilit inaabot ang kamay ni Selya na nakaturo dito.
Sabay sa pag angat ng mga braso nito ang paggalaw din ng mga gagamba. Nakamasid lang ang mag asawa sa mga nangyayari. Isa isang nagsialisan ang mga gagamba, maliban sa isang nakadikit sa buhok ng sanggol. Ni hindi man lng ito gumalaw kahit konti.
"Hoy! Gardo, buhatin mo na dali at umalis ng mga gagamba." Tinulak pa ni Selya ang asawa.
" Bakit naman ako? Eh kamay mo nga ang inaabot diba? Ikaw na Selya."
Pinandilatan ng mata ni Selya ang asawa. "Ikaw na sabi eh! Gusto mo bayagan pa kita ha?."
"Oo na nga, sabi ko nga ako na eh! Kesa masaktan pa ako diba?."
Kakamot kamot ng ulo si Gardo habang papalapit ng pakonti konti sa sanggol. Kinakabahan sya ng sobra na halos namamawis na sya't nanginginig ang mga kamay. Dahan dahan nyang inabot ang sanggol, pero bago pa nya mahawakan ito tinulak na sya ni Selya palayo sa bata. At tumilapon na nga kung saan ang kawawang si Gardo.
"Ako na nga, ang bagal mong kumilos. Naiinip na yong bata sayo."
Saka nito kinarga ang bata, at hinalik halikan sa mukha. Natigil lang si Selya ng makita ang isang gagamba na nakadikit pa rin sa buhok ng sanggol.
" Gardo, hoy! Alisin mo itong gagamba sa buhok nya. Bilisan mo."
Agad namang tumayo sa pagkakasalampak sa lupa at lumapit agad si Gardo sa asawa. Habang nanginginig pang kamay na hinawakan ang gagamba. Pero kahit anong hila nya sa gagamba hindi nya maalis ito. Mas lalo pa ngang kumapit sa buhok ng sanggol at nagpakawala ng sapot sa daliri ni Gardo. Nahila bigla ni Gardo ang kamay niya sa takot na baka kagatin sya nito.
"Hala Gardo, ayaw nya yatang umalis sa buhok nitong cute na sanggol na ito, sige hayaan na lang natin. Aalis din siguro ito ng kusa."
Habang pinagmamasdan ni Gardo si Selya. Napapangiti sya dahil nakikita nyang masaya talaga ito. Alam nyang matagal ng gusto ni Selya ang magkaanak sila pero hindi man lang sila sinwerte. Hindi nya rin alam kung bakit, pero nasisiguro naman nyang pareho silang hindi baog ni Selya.
"Selya, umuwi na kaya tayo at pagabi na. Delikado na dito sa bukid. Halika na dalhin na natin si baby pauwi."
Sa narinig na turan ng asawa biglang umaliwalas ang mukha ni Selya.
"Talaga Gardo? Pwede nating iuwi ang cute baby na ito?."
Masayang masaya si Selya, sa sinabi kasing iyon ng asawa nya gusto rin nitong ampunin ang baby. Sa mahigit na labing limang taon nilang kasal kahit isang beses di man lang sila nabiyayaan ng anak. Ewan ba! Di rin nila maunawaang mag asawa kung bakit hindi sila magkaanak, eh pareho naman nilang alam na hindi sila baog. Siguro di lang sila swertehin.
Pero, ngayon may biyayang dumating sa kanila. Hulog ito ng langit para lang sa kanilang mag asawa. Tumingala ulit sa langit si Selya at umusal ng panalangin.
"Panginoon, marami pong salamat sa himalang pinagkaloob nyo po sa aming mag asawa. Sa kaligayahang dulot ng anghel na ito sa buhay namin. Pinapangako ko po sa inyo na pakaiingatan at aalagaan po namin sya ng mabuti. Pakamamahalin habang kami po ay nabubuhay. Amen!."
"Gardo halika na umuwi na tayo para maligoan ko na ang cute na batang ito."
Yumuko si Selya para tingnan ang sanggol, nagpapalobo ito ng laway, at kapag pumutok ng pinalobong laway nito hahagikgik ito kapag sumabog ang laway sa mukha nito. Natatawang kinurot ni Selya ang pisngi nito.
" Gardo, uwi na tayo para maligoan ko na itong baby. Puro laway ng mukha nanlalagkit na nga eh."
Pinupog na naman nya ng halik ang sanggol. Ewan ba nya kung bakit naaadik sya sa amoy nito, eh kanina ng makita nila ito nakabilad na sa araw pero mabango pa rin. At saka ang kinis ng balat na namumula mula , siguro dahil nga naarawan ito kanina.
Nilingon nyang asawa na kanina pa hindi nagsasalita, kaya ipinagtaka nya kung bakit. Nakita niya itong nakatulala lang at nakanganga..
"Hoy! Gardo, itikom mo nga yang bibig mo! Para kang aso na naglalaway dyan."
Ng hindi pa rin kumikilos ang asawa,
Sinundan nya ang tinitingnan ni Gardo. At pati sya namangha sa napakaraming gagamba na gumagapang palapit sa kinatatayuan nila. Napatingin sya sa paanan nila, ang daming sapot na pabilog ang hulma. May laman ang mga sapot at nasisilip nya ang laman ng iba na hindi masyado nababalotan ng sapot.
Napasinghap si Selya ng mapagtanto kung ano ang laman ng sapot. Ginto! Tunay na ginto, alam nya! Dahil nakapagtrabaho sya sa ahensya doon sa bayan. Hinawakan nya sa braso si Gardo at hinila ito palapit sa kanya.
"Gardo, hoy Gardo! Anuba!
Pero wa epek! Pa rin kaya naisipan nyang pitikin ang ilong nito. Itinodo nya para siguradong matauhan ito.
"Aray naman Selya! s*****a ka talaga! Bakit lagi kana lang ganyan sakin? Nasasaktan mo na ako."
Pagdadrama ni Gardo kay Selya, nagbabakasakali syang maaawa ito sa kanya. Pero dun sya nagkamali dahil umangat ang paa nito at sinipa sya, mabuti na lang at mabilis na nakatalikod si Gardo kung hindi sapul na naman ang manoy nya.
"Lentek ka pinag iinit mong ulo ko eh! Kanina ko pa sinasabing umuwi na tayo pero nagbibingi bingihan ka yata eh."
Haplos haplos ni Gardo ang likod na tinamaan ng sipa ni Selya. Nakanguso itong maglalakad na sana pasulong ng bigla na lang ito mapahinto. Inis na sininghalan na naman ito ni Selya.
"Ano tutunganga kana naman diyan ha! Tatamaan kana naman sakin Gardo maki -- "
Napahinto si Selya sa pagsasalita ng marinig ang malakas na hagikgik ng sanggol. Bumaba ang tingin nya dito.
"Susme!! Naman baby puno na ng laway ang mukha mo oh! Tigil na sa pagpapalobo ha!."
Tinanggal ni Selya ang maliit na tuwalyang nakasampay sa balikat ni Gardo, at yun ang ginawang pamunas sa laway ng bata. Tuwang tuwa naman ito habang pinupunasan ni Selya, tinataas taas pa nito ang braso para abutin ang pisngi ni Selya. Kaya yumuko pa lalo si Selya para maabot ng sanggol ang mukha nya.
At ng lumapat ang maliliit na daliri nito sa pisngi ni Selya, napapikit na lang ito sa lambot ng mga palad ng sanggol, tila ba may hatid na ginhawa at saya sa puso ni Selya ang simpleng ginawang yun ng bata.
Niyakap nya ito bigla dahil sa bugso ng damdamin at napapaluhang hinalik halikan na naman nya ito.
Ng mahimasmasan si Selya. Humakbang na sya pauwi, pero ng makita ang napakaraming gagamba na nakapalibot sa kanila bigla syang napatuwid ng tayo.
"Gardo, paano tayo makakauwi nito?."
Nagkatinginan silang mag asawa, parehong natatakot at nag aalala ang mababasa sa mukha nila. Magkasabay pa silang napatingin sa sanggol ng bigla na lang itong pumalahaw ng iyak. Sa pagkataranta ni Selya napalakad sya papunta sa bahay nila na di naman kalayuan sa pataniman na kinaroroonan nila ngayon.
Ng mapansing tumahan na ang sanggol, saka lang naalala ni Selya ang mga gagamba. Agad siyang yumuko at tiningnan ang nilalakaran.
Napahinto sya sa paglalakad ng makita ang mga gagamba na nahati sa gitna at ngayon ay nakahilera na sa magkabilang gilid ng nilalakaran nila.
Sa bawat hakbang nya nakasunod lang ang mga gagamba na may hila hilang sapot na may lamang ginto. Nagulat na lang si Selya ng bigla syang lampasan ni Gardo, Sa paraan ng paglalakad nito halos takbuhin ng pagitan ng bahay nila makauwi lang ito.
Pareho lang naman silang matatakutin pero mas duwag ang asawa nya kesa sa kanya, kaya nga nya kinakayan kayanan ito dahil alam nyang takot si Gardo sa kanya.
Tiningnan nya ulit ang sanggol na karga karga. Nagpapalubo na naman ito ng laway nya at kapag pumutok sa mukha nito hahagikgik na naman.
Masuyo nyang pinunasan ang laway nitong nakakalat sa mukha. At kinausap kahit alam naman nyang hindi ito sasagot. Wala lang , ang gusto nya lang naman ay may makausap para matanggal ang kaba na nararamdaman niya.
"Alam mo? Gustong gusto kitang maging baby! Kaya lang baka hinahanap kana ng mga magulang mo, kaya kailangan ka naming dalhin kay kapitan bukas. Ano kayang pangalan mo? hmmm... Ang cute mo talaga!."
Hinalikan na naman nya ito, saka tiningnan ang tinahak na daan ng asawa. Nakikita pa nya ito pero malayo na sa kanila, kaya sinigawan na lang nya ito para kahit papaano marinig nito ang sasabihin nya.
"Hooooyyy Gardooooo, lentek kang duwag kaaaa.. Humanda ka mamaya sakiiinn.. hindi lang kita babayagaaann, babasagin ko pa yang itlooooggg mooo, pesteee .. ka talagaaa."
Hinihingal na huminto muna sya sa paglalakad para lumanghap ng hangin.. Nakaramdam sya ng ginhawa ng biglang umihip ang di naman kalakasang hangin pero sapat na para maginhawahan sya..
Napapikit pa si Selya ng mga mata habang nilalanghap ang mabangong hangin na dumadampi sa pisngi nya. Bigla syang napadilat sa kakaibang nararamdaman sa mga oras na yun. Hahakbang na sana sya ulit ng umihip ang hangin kasabay ng pagkarinig nya sa malamyos na tinig..
" Ang sanggol na nasa mga bisig mo ay ang aming mahal na Prinsesa AYANA. Pakaingatan nyu sana sya at alagaang mabuti. Pakamahalin at ituring na anak pansamantala. Babalik ako sa tamang pagkakataon Selya. Huwag nyong hahayaang mawala sa pangangalaga nyu ni Gardo ang sanggol na yan. . May katapat na gantimpala ang lahat ng kabutihang inyong ipapamalas. Hanggang sa muli! Paalam."
Napakurap kurap ng mga mata nya si Selya.
"Totoo ba yun o guni guni ko lang?"
Bumaba ang tingin nya sa sanggol na karga karga. Napasinghap sya bigla at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mukha ng sanggol, lalo na ng magtama ang paningin nilang dalawa.
Ang nangingislap na kulay asul , ang tila nagbabagang kulay pula at ang tumitingkad na kulay itim na bilog sa mga mata ng sanggol, Ay nagdulot ng iba't ibang pakiramdam kay Selya.
Takot, pangamba, pagkabagabag, panghihilakbot, kalitohan, pagkamangha, at kabigoan.
Lahat ng yan ay halo halong nararamdaman ni Selya ngayon. Pero ng biglang ngumiti ang sanggol at inabot ang pisngi nya para hawakan. Naglahong parang bula ang lahat ng agam agam ni Selya.
Napalitan ng kapayapaan, kakontentuhan, kaligayahan, kaginhawahan at pag asa ang naramdaman ni Selya.
"AYANA"
Huling salitang naibigkas ni Selya bago sya paunti unting nawawalan ng malay, niyakap nya ng mahigpit ang sanggol bago pumikit at tuluyang natumba sa lupa, naramdaman pa ni Selya ang pagbagsak ng katawan nya sa malambot na bagay...
At tuluyan na nga syang nilamon ng kadiliman.
?MahikaNiAyana