Nada

3813 Words
"Heneral Ixoe, bakit naman ganito ang hitsura ko? Ayoko maging kambing." Panay ang reklamo ni Draca sa tuwing binabago ng heneral ang anyo nya. Samantalang si Dwarf at Alex ay natatawa na lang sa mga nangyayari. "Eh ano ba kasing gusto mo Draca? Lahat na nga sinubukan ng heneral sayo, pero dika naman makontento." Nagpipigil ng tawang saway ni Dwarf kay Draca. "Alam mo ba na ang mga kalapati dito ay pinapatay, gusto mo ba yun Draca ha?." Pagpapaintindi ng Heneral kay Draca na patalon talon at hindi mapakali sa bago nitong balatkayo. Oo nga't kaya nilang protektahan ang mga sarili nila pero hindi naman sila pwedeng makita ng mga tao, kaya nga sila nagbabalatkayo, para hindi sila katakutan dito sa mundo ng mga tao. "Eh bakit sila Alex at Dwarf nasunod ang gusto, bakit ako hindi?" Nagkatinginan sina Alex na isang pusa at si Dwarf na isang paro paro naman. Sa mga isipan lang nila sila nag uusap usap. "Eh kasi ito talaga ang gusto ko ang maging pusa. Pakiramdam ko kasi maganda ako kapag ganito, saka pwede kong kalmutin ang sinumang mananakit samin ng Prinsesa." Dinilaan ni Alex ang kamay saka pinunas sa mukha nito. Napahinto ito sa p*****a ng katawan ng dumapo ang isang paroparo sa tenga nito. Agad na dinakot ng matulis nitong mga kuku ang paroparo pero hindi nya nahuli dahil lumipad ito papasok ng bahay. "Eh kasi naman,.. sige na nga gawin mo na akong manok heneral para matapos na tayo dito." Tamang tama namang naging manok na si Draca bago may dumating na bisita sila Selya. "Aba, may bagong alagang hayop si pareng Gardo ah! At ang lulusog pa.." Lumapit pang lalake saka hinimas himas nito ang makapal na balahibo ng pusa. Panay naman ang ilag ni Alex dahil ayaw nyang hinahawakan sya ng kung sino. Ngunit parang nagustuhan sya ng lalake at binuhat pa sya. Pilit syang kumawala sa pagkakahawak nito at sa huli nagtagumpay rin syang makatalon at makalayo dito. Natatawa namang binalingan ng lalake ang manok, pero bago pa nya ito mahawalan lumipad na ito palayo. "Grabe namang mga hayop ito, mga takot yata sa tao hahaha.. Haay.. Pareng Gardo,, Pare andyan ka ba?." Nakamasid lang ang tatlong diwata sa lalake na patungo sa balkonahe at umupo dun. Napalipat ang tingin ng tatlo sa pinto ng bahay, bumukas yun at lumabas si Gardo na kalong si Ayana habang nilalaro ang paroparo na palipad lipad sa harapan nito. "Uy, pareng Gido, napasyal ka? Anong atin ?" Tanong ni Gardo sa kaibigan na galing pang Maynila. Siguradong importante ang sadya nito, sa layo ba naman ng pinanggalingan nito para sadyain pa sya dito sa Batangas. Ahh kaya pala gustong maging paroparo ng isang ito para laging nakakalapit sa Prinsesa. Para paraan din ha! Nagngingitngit sa inis si Draca, alam na nyang mamaya aasarin na naman sya ng pinsan dahil sa bagong balatkayo nya. Agad silang lumapit at pumwesto sa tabi ng upuan ni Gardo. Ganun ang gawain nila sa mahigit dalawang taon nilang pamamalagi dito. "Nakakatuwa naman ang mga alaga mong hayop Gardo, ang lulusog. Yan na bang anak mo? Napakaganda naman nya." Ngumiti si Gardo, habang inaayos si ayana na makaupo sa tabi nya. Ang likot likot na kasi nito ngayong nakakalakad na kaya tutok sila ni Selya sa pagbabantay dito. "Tata, gusto ko po sa duyan! Sige na po." Lambing ni Ayana kay Gardo na agad namang tumayo at kinarga si Ayana patungo sa duyan at pinaupo ito doon. "Anak, wag malikot ha! Maglaro ka lang dito sandali kakausapin ko lang si pareng Gido ha!." "Opo Tata, dito lang po ako salamat po." Niyakap pa ni Ayana at hinalikan sa pisngi ang ama. Nakangiti namang ginulo ni Gardo ang buhok ni Ayana. Napaka lambing talaga ng batang ito. bago nagbilin sa mga tagapangalaga nito. "Alagaan nyong Prinsesa ha! Ayusin nyu para di tayo tamaan ng bulkang Selya mamaya." Pabulong lang yung pagkakasabi ni Gardo. Pero sabay sabay namang nag ingay ang mga alaga nyang "hayop".' "Meow." Alex. "Tuktuk tukak." Draca. "Arf arf." Heneral Ixeo. At si Dwarf naman? hayun nakikipag habulan na kay Ayana na panay ang tili kapag dumadapo na sya sa ulo nito. Madalas sa pisngi ito nakapwesto kaya nagugulat na lang sila kapag humahagikhik ng malakas si Ayana. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang balatkayo ni Dwarf, paroparo na talaga sya. Samantalang ang tatlo nyang kasamahan na diwata pabago bago ng hitsura. Sanay na rin ang mag asawa sa kanilang lahat, para na nga silang iisang pamilya kung magturingan. Sumasama sila kay Gardo sa bukid, o kaya naman sa pamamalengke ni Selya. Kung saan naroon ang prinsesa nandun din sila. Mahaba haba pang pagsasamahan nila hanggat hindi pa nakakaabot ng labingwalong taong gulang ang Prinsesa mananatili sila dito sa mundo ng mga tao. "Aya anak, dito na si Nana, may pasalubong ako sayo." Sigaw ni Selya habang papasok ng bakuran nila. Sa dami ng mga dala nya sinalubong sya ni Heneral Ixeo na kumakahol at kakawag kawag ang buntot. "Arf arf , Ilagay mong mga dala mo sa bibig ko Ginang Selya." "Salamat heneral." Pabulong na sabi ni Selya. Gumawa ng magic potion noon si Alex para kahit na anong uri man sila ng hayop magkakaintindihan silang lahat. At yun ang pinag papasalamat ng mag asawa sa kanila. Malaking tulong sa buhay nila ang mga engkantong kasama. "Nana... Nana." Sigaw sa tuwa ni Ayana habang tumatakbong palapit kay Selya. Agad nyang dinaluhan ang bata, natatakot syang baka madapa ito at masugatan. "Aya, wag takbo ng takbo baka madapa ka anak." Kinarga na ito ni Selya at akmang hahalikan sa pisngi ng makita nyang nakadapo doon ang paroparo. Kaya niyakap na lang nyang anak. "Hoy Dwarf, bakit nasa pisngi kana naman ng prinsesa ha? Sumisimple kana naman ah." Kausap ni Draca sa isip ang pinsan na tahimik lang. Kapag nag aasaran silang dalawa, lalo na kapag sekreto may sarili silang paraan na dalawa. "Aba! Nakokontento ng paroparo ah! Denedeadma na ako ngayon hmmm." "Ang ingay! Natutulog ako eh! Mamaya mo na ako tuksuhin manok, ipaihaw kita kay Gardo dyan eh!." Natigil sa asaran ang dalawa ng tawagin ni Gardo si Selya. Lumapit naman ito sa asawa at saglit silang nag usap. Nakita na lang nila si Gardo na tumatakbo papuntang bukid. Habang ang kaibigang si Gido ay nagpaalam na ring uuwi. Kaagad na lumipad si Dwarf pasunod kay Gardo. Sya lang ang pwede ngayon na mawala ng hindi mapapansin ng mga kapitbahay. At ng nasa bukirin na sya ginamit na nyang sariling kapangyarihan. Naglaho siya't nagmasid sa kapaligiran. Kitang kita ni Dwarf ang naglalakihang daga na namemeste sa pananim ni Gardo. Naramdaman nyang hindi pangkaraniwang daga ang mga ito. Kaya kaagad nyang nilapitan si Gardo na pinaghahampas ang mga dagang sumusugod dito. Tinangay nya ito at dinala sa itaas ng punong nara. "Dito ka lang, wag na wag kang aalis dito kahit na anong mangyari. Babalikan kita kapag nalinis ko ng mga peste." "S -- sige, basta balikan mo ako dito ha Dwarf. Huwag mokong iwanan dito kasi hindi ako makakababang mag isa sa taas ng punong ito!." Nanginginig sa takot na pakiusap ni Gardo kay Dwarf. Tumango naman ito at agad na inayos ang kinalalagyan ni Gardo. Sinigurado nyang ligtas ito doon bago sinugod ang mga daga. "Nada, lumabas kana, alam kong ikaw yan dahil amoy na amoy kong lansa mo." Nakalutang si Dwarf sa himpapawid habang hinihintay ang pinuno ng mga daga na lumabas. "Kumusta? kaibigan, Sa wakas natagpuan din kita. Salamat sa mga alaga ko't isinama nila ako dito." Nakangiti itong nakatingin kay Dwarf. Pero alam na alam ni Dwarf ang mga ngiting iyon. Kaya naghanda sya. Lalo ng maglitawan ang mababangis na mga lobo. "Katulad kapa rin ng dati Nada, traidor at tuso kapa rin." "Hahaha tila may kulang sa mga tinuran mo Dwarf? May nakalimutan kang sambitin." "Na manloloko ka? Batid ko na yun nung umpisa pa lang Nada. Kaya nga nilayo ko kaagad sayo si Draca." Nanlilisik ang mga mata ni Nada dahil sa galit na nararamdan nito sa kaharap. "Si Draca lang ang tanging diwatang minahal ko, wala ng ibaaaa." Sigaw nito kay Dwarf na ikinatawa lang nito. Sige pa magalit ka pa, para lumabas ng lahat ang mga kampon mo at ng sabay sabay ko kayong mapuksa. Mga salot ng Engkantadya. "Haha.. Kung dipa kita kilala Nada, maniniwala na sana ako, ang kaso kilala na kita mula buntot hanggang sungay, pwe." At lumabas na nga ang dambuhalang impakto na alaga ni Nada. "O, anu Nada? yan lang ba ang mga kampon mo wala ka na bang ilalabas ha?." Ngingisi ngising panunuya ni Dwarf sa kaharap na nanlilisik ang mga matang nakatutok sa kanya. Malapit na, sige pa Dwarf painitin mo pa. "Tsk tsk, mahina kapa rin hanggang ngayon, kaya nga ba ayaw ko sayo eh para kay Draca, alam mo kung bakit ha Nada?." Nakita ni Dwarf ang paglalaway ni Nada kaya alam nyang susugod na ito. Kaya nagpalit na sya ng kasuotan at sandata. "Kasi Salot kaaaa.." Sabay hampas ni Dwarf ng kadenang nag aapoy. Sapul ang mga lobo na nakapalibot sa kanya. Lahat ng tinamaang lobo nasusunog at nag aapoy pang nagsibagsakan sa lupa. Biglang nagkalat ang apoy sa paligid nila. "Tatapusin na kita dito Dwarf, para wala ng hahadlang pa sakinnn." Sabay sugod ni Nada gamit ang kidlat na nagmumula sa kamay nito. Pero dahil nga sa alam na ni Dwarf ang kakayahan nito, madali lang nya itong nalalabanan at natatamaan. Na lalo pang ikinagalit ni Nada. " Haha para ba namang mananalo ka sakin.. Sige lang lapit kapa, wag kang duwag." Iwinasiwas ni Dwarf ang hawak na kadena at pinatamaan ang leeg ng dambuhalang impakto. Putol agad ang ulo nito na gumulong sa lupa. "Hindiiii.. Hayop ka.. Magbabayad ka sa ginawa mong ito sa alaga koooo." Pero bago pa makasugod si Nada kay Dwarf may bolang apoy ng tumama dito mula sa likuran nito. Nag aapoy ang buong katawan nito na papasag pasag bago naging abo at tinangay ng hangin palayo kay Dwarf. "Hay naku! Nakialam na naman ang iba dyan. Hindi pa nga nag iinit ang laban tinapos na kaagad." "Tssss... Walang utang na loob." "Bakit hiningi ko bang tulong mo? Saling pusa ka talaga! Diyan kana nga." "Pikon.. Hahaha." Nahiga si Draca sa alagang Dragon habang pinagmamasdan si Dwarf na ngayon ay tinutulungan si Gardo na makababa sa puno. "Hoy Dwarf, isakay mo sya dito dali na!." Nanlalaki ang mga mata ni Gardo sa narinig. Bigla syang namutla at nanlamig. "Hindi na, salamat na lang Draca. Maglalakad na lang ako pauwi." At mabilis ng pumihit si Gardo patalikod kay Draca, saka kumaripas ng takbo pauwi. Tawa naman ng tawa si Draca habang pinagmamasdan si Gardo na medyo malayo na sa kanila ni Dwarf. Ng lingunin nya ang pinsan, panay ng kumpas ng mga kamay nito. Lahat ng kalat naayos na, pati pananim naibalik na sa dati. Ng may mapansin si Draca sa lupa na isang maliit na kumikinang bagay. Kaagad siyang bumaba sa Dragon at nilapitan yung nakita nyang kumikinang sa lupa. Saka dinampot ang makinang bagay na iyon. Napaawang ang labi nya ng makita ang pamilyar na kwentas na hawak nya. Kaagad nyang nilingon si Dwarf na naglilinis na ng katawan nito. "Dwarf, san galing ito? Kanino ito, sayo?" Itinaas nya sa harapan ni Dwarf ang kwentas, nagtataka namang tiningnan nito iyon at umiling. Saka tinuro ang abo ni Nada sa hangin. "Baka kay Nada? Sya lang naman ang nakasagupa ko, bakit?" Nanginginig ang kamay na napahawak sa dibdib nya si Draca, dahan dahang pumikit ang mga mata nito at nakita ni Dwarf ang mga luhang umaagos sa pisngi nito. Nag aalalang nilapitan nya ang pinsan at inalo. "Uy... bakit? Anong nangyayari sayo ha? Ano ba yang kwentas na yan ha?.." Hindi man lang natinag si Draca at hindi man lang ito umimik, tahimik lang itong umiiyak habang yakap sa dibdib ang kwentas. Nababaghang niyakap na ni Dwarf ang pinsan at tinapik tapik ang likod nito. "Hoy Draca, tama na yang pag iyak mo! Lalo kang pumapangit eh! Anuba kasi yon at ayaw mong magsalita ha!" Inilayo nya ng bahagya sa kanya si Draca saka tiningnan ang mukha nito. Pinahid nyang mga luha nito at niyakap ulit. Awang awa sya dito, minsan na nyang nasaksihan na ganito ito. Yun yung panahon na iniwan nito si Euri dahil sa isang pagtataksil nito na muntikan ng kumitil sa buhay ng pinsan nya. "Draca, anuba tumigil kana nga sa kakaiyak mo! Paano kita matutulungan kung hindi ko naman maintindihan ang tunay na dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Wala pa rin itong imik, tuloy pa rin ang pagluha nito. At ng maramdaman ni Dwarf ang panginginig ng katawan nito naalarma na sya. Pag ganitong emosyonal ang pinsan kailangan nyang ilayo ito para hindi makapanakit ng iba. Bigla silang naglaho at tinangay nya si Draca sa malawak na lugar na walang katao tao. Yung malapit sa dagat para madali nyang maapula ang apoy kapag nagkataon. "Oh ayan, pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. Dito lang ako sasamahan kita hanggang sa maging ok kana at gusto mo ng magkwento sakin hmmm!" Binitawan na ni Dwarf si Draca at hinaplos pang buhok nito, Saka naglakad palayo dito at umupo sa lilim ng puno. Pinagmasdan nyang pinsan habang unti unting nag iiba ang aura nito. Dwarf, kalma ka lang naranasan mo ng pangyayari na ito. dapat masanay kana sa makikita mo sa kanya! Pagpapakalma ni Dwarf sa sarili nya, pero ng makita na nyang pag iiba ng anyo ni Draca napatayo na sya at nagkubli sa likod ng puno. Ayaw na nyang maranasan ang kalupitan nito. Unang lumabas ang pakpak nito na magkaiba ang kulay, itim sa kanan at puti naman sa kaliwa, kasunod ang buntot nito saka ang sungay.. Lumabas na rin ang dalawang alagad nito. Si Angelito na palaging pumipigil kay Draca na wag gumawa ng masama. At si Demonyeto na gustong gusto kapag ganito si Draca. Agad na kakabitan sana ng kadena ni Angelito si Draca ng ikinampay nito ang pakpak saka lumipad at naghagis ng apoy na kung saan saan lang tumatalsik. Muntikan pang tamaan si Dwarf kung hindi lang sya nakailag agad. At sa paglabas nito sa pinagtatagoan nakita agad sya ni Draca. Patay! patay ako nito kapag nahuli ng demonyang ito waaahhhh. Panay ilag ni Dwarf kay Draca, may mga sandaling natatamaan sya ng kadena nitong hawak. At sa bawat pagtama nito sa katawan nya. Hindi matatawarang sakit ang iniinda nya. "Araayy, Draca tama na! Tumigil kanaaa!." Pero tuloy lang si Draca sa pagsugod sa kanya. Tila wala itong naririnig, Panay naman ang sulsol ni Demonyeto dito. At pagpipigil naman ni Angelito. Pinilit ni Dwarf makalapit sa pinsan kahit sugat sugat ng katawan nya. at ng makahanap ng magandang pagkakataon bigla nyang niyakap ito mula sa likuran at naglaho. Sa ilalim na ng dagat lumitaw ang dalawa, matagal ibinabad ni Dwarf si Draca, hindi nya ito binibitawan hanggat hindi nya maramdamang kumalma na nga ito. Ng makita ni Dwarf na unti unting naglalaho ang sungay, pakpak at buntot ng pinsan. Nakahinga rin sya ng maluwag, saka nya naramdaman ang hapdi at sakit ng katawan dahil sa natamong mga sugat. Sa inis nya ay hinila nyang buhok ng pinsan saka sabay na naglaho at lumitaw sa pampang. Humiga si Dwarf sa buhanginan at ipinikit saglit ang mga mata. Napadilat sya ng maramdaman ang paghaplos ni Draca sa mga sugat nya. Tiningnan nya ito ng masama saka bumangon at umayos ng upo sa tabi nito. Wala silang imikan, pareho lang na nakatingin sa karagatan habang malalim ang iniisip. "Patawad Dwarf! kung nasaktan na naman kita sa pangalawang pagkakataon." "Anong pangalawang pagkakataon? Palagi mo kaya akong sinasaktan. Pasamat ka mahaba pasensya ko sayo tsk tsk." Ngumiti ng bahagya si Draca saka tiningnan ang katabi na panay pa rin ang iling. Kinabig nya ito palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nagpapasalamat sya dahil hindi sya pinabayaan ng pinsan nyang ito, kahit pa nga na alaskador ito. "A -- araaayyy, bitawan mo nga ako.. Araaayy anubaaa!.." Tawa ng tawa si Draca habang tinutulak ito ni Dwarf palayo. "Salamat Dwarf, salamat sa lahat lahat!." Maluha luha si Dwarf habang hinahaplos ang mga sugat na dumudugo pang ilan. Napatingin sya kay Draca ng mag umpisa itong magkwento. "May nakilala ako noon na isang makisig na engkanto. Napakabuti nya sakin at minsan na nya akong pinagtanggol sa mga lobo na gustong lumapa sakin. Sa mga kabutihang ginawa nya sakin, nahulog ang loob ko sa kanya." Parang alam na ni Dwarf kung sino itong makisig na engkanto na bida sa kwento ngayon ng pinsan. Hindi sya nagkomento nakikinig lang sya. "Naramdaman kong ganun din sya sakin, balak ko ng tapatin sya, pero nakita ko kayong nag uusap at nagtatalo. Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo." Napailing iling ng ulo si Draca at napabuntong hininga. "Akala ko tapat sya sakin, puro pagkukunwari lang pala ang lahat." Seryoso ang mukha ni Dwarf ng tumingin sya dito. Hindi nya alam kung anong iniisip nito. Tinapik nyang balikat nito kaya agad itong tumingin sa kanya ng nagtatanong. "Salamat, sa pagliligtas mo parati sakin Dwarf." Nalukot ang mukha nito at ginulo g**o ang buhok bago humiga na naman sa buhangin, kumikirot kasi ang mga sugat nya. "Gusto kong marinig yung kwento tungkol sa kwentas Draca, kaya magtapat kana sakin kung kanino galing iyan." "Binigay ito ni Euri sakin, nung tinanggap ko ang pagmamahal nya." Tama ang hinala ko, na galing nga kay Euri ang kwentas. Kaya pala! Ngayon alam ko ng sekreto mo Kabalyerong Euri. Panalo na naman ako Onyx. Napakagat labi si Draca ng maalala ang minamahal. Malaki ang pagsisisi nya dahil hindi nya ito pinaniwalaan. Kinulang ang pagtitiwala nya dito kaya sila nagkalayo. "Eh paanong napunta yan kay Nada?." Nagtatakang tanong ni Dwarf kay Draca. "Minsang pumunta ako sa tahanan nila Euri, nadatnan ko syang tulog sa kwarto at may katabing diwata. Ng sumbatan ko sya tungkol dun, sinabi nyang hindi daw nya kilala yung diwata at wala daw syang alam." Huminto muna sa pagkukwento si Draca at huminga ng malalim , halatang pinipigilan nitong wag umiyak. Lumipas ang isang minutong katahimikan bago ito nagpatuloy sa pagkukwento. "Hindi ko sya pinaniwalaan Dwarf, hinusgahan ko kaagad sya ng hindi ko man lang muna inaalam ang katotohanan. Isinoli ko itong kwentas sa kanya. Saka ako lumayo ng walang nakakaalam." "Pero nahanap kita, at simula nun lagi na tayong magkasama!." Ngumiti si Dwarf at niyakap si Draca. "Huwag na huwag mo ng uulitin yung mga pagkakamaling nagawa mo noon ha! Maawa ka naman sakin. Ako palagi ang pinarurusahan ni Ina sa tuwing umuuwi akong bigo sa paghahanap sayo." Napayuko si Draca habang pinagkikiskis ang mga kamay. Nakokonsensya talaga sya sa mga ginawa nya dati lalo na kay Euri. Kanina nya lang nalaman ang buong katotohanan sa tulong ng magic potion ni Alex. Dahil sinundan nila si Gardo at Dwarf. Nalaman nyang kagagawan lahat ni Nada ang mga nangyari sa kanila ni Euri. At yung dambuhalang kampon ni Nada, yun yung nag anyong babae na katabi sa higaan ni Euri, at ito rin ang kumuha ng kwintas na ibinalik nya sa kasintahan noon. Pumatak ang mga luha nya dahil sa matinding pagsisisi. Kung maibabalik nya lang sana ang lahat sa dati. Kung sana makakaya nya pang humarap kay Euri para humingi ng tawad. Gagawin nya ang lahat mapatawad lang sya ng pinakamamahal nya. "Uyss.. Draca, maghunusdili ka! Kumalma ka muna, pakiusap lang, kasi masakit pa ang buong katawan ko! Nakikita mo ba itong mga sugat ko ha? Kailangan ko munang magamot, kaya halika na bumalik na tayo sa bahay ng mag asawa. Gusto ko ng makita ang mahal ko!." Natatawa namang inalalayan ni Draca na makatayo ang pinsan na napapatiim baga dahil sa iniindang sakit, nakapikit pang mga mata nito. Ng sa wakas makatayo na sila agad na naglaho ang dalawa. At sa pagdilat ng mga mata ni Dwarf, nasa loob na sila ng bahay at ginagamot na ni Alex ang mga sugat nya. Kaagad hinanap ng mga mata nya si Ayana. Nakita nya itong nakikipaglaro ng kaba kabayuhan kay Gardo. Napangiti na lang sya ng magtama ang paningin nilang dalawa at biglang dinilaan sya ng bata. Ang ganda mo talaga! Mahal kong Prinsesa, balang araw babait ka rin sakin. Ngumiti ng makahulugan si Dwarf. Dahan dahang napapapikit ang mga mata nya. At tuluyang nahulog na nga sya sa isang magandang panaginip, Kung saan magkasama sila ni Ayana na namamasyal sa napakagandang lugar. Namamangha sya sa taglay nitong kagandahan, lalo na't ganap ng dalaga ang Ayana na kasama nya.. "Sigurado akong nananaginip na naman yang si Dwarf. Kita mo kay aliwalas ng mukha at kaytamis ng ngiti. Saan na naman kaya yan nakarating ngayon?" Wika ni Heneral Ixeo, habang tinatapunan pa rin ng tingin ang engkantadong mahimbing na natutulog. "Haha, mahulaan ko lang kung sino ang itinatanging diwata nyan, lagot sakin ang masungit na yan hmp." Lihim namang napangiti si Draca sa naririnig na usapan ng dalawa.. Malihim at maingat si Dwarf kaya siguradong mahihirapan itong dalawa.. Sinulyapan nya si Dwarf, tapos sumulyap din sya kay Ayana. Napailing na lang sya ng maisip ang hirap na dadanasin ng pinsan, bago nito makuha ang Prinsesa. Good luck na lang sa'yo Dwarf, Galingan mo!.... ? MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD