"Hoy Dwarf.! Kurap kurap din pag may time uy! Baka maglaho na lang bigla yang tinititigan mo."
"Wag ka ngang pakialamera dyan.. Layo chooo.."
"Yoko nga! Eh kung ikaw kaya ang lumayo samin, choooo chooo."
Tinuka tuka pa ni Draca si Dwarf kaya napilitan itong lumipad palayo sa kanilang dalawa ng prinsesa, dumapo ito sa dahon bandang likuran ni Ayana.
Palagi silang namamasyal lalo na kapag sina Draca at Dwarf ang nakatokang mag bantay sa Prinsesa.
"Dwarf, napansin mo ba? parang malungkot ang prinsesa, bakit parang hindi sya masaya ngayon?"
"Baka kasi kasama ka namin kaya malungkot sya, palibhasa hindi ka kasi masayang kasama. Sa madaling salita, boring ka! Hahahahaha."
"Ganun ha! teka nga hmp." Ikinampay ni Draca ang pakpak na nagdulot ng malakas na hangin at tinangay si Dwarf palayo.
"Ayyy.." Gulat na sigaw ni Ayana ng dumapyo ang malakas na hangin at nakita nyang tinangay nito papalayo sa kanya ang kaibigang paroparo.
Napataas ang kamay nito at inagapang abutin ang paroparo, at ng mapasakamay na nya ito, kaagad nyang inilapit sa mukha at pinakatitigan kung buhay pa ba ito. Napalabi sya at nag alala ng makitang may bahagyang punit ang pakpak nito.
"Kaibigang paroparo, okey ka lang ba? Naku! Baka dika na makalipad kasi may punit ng pakpak mo! Kawawa ka naman."
Nakonsensya naman si Draca sa ginawa. Hihingi sana sya ng paumanhin kay Dwarf na tahimik lang, ng makita nyang nagkailaw ang kamay ni Ayana at may lumabas na iba't ibang kulay sa daliri nito, na itinapat naman sa napunit na pakpak ni Dwarf.
Nabuo ulit ito na ikinatuwa ni Ayana, pero ikinabahala naman nila ni Dwarf. Ito ang unang beses na naglabas ng kapangyarihan ang prinsesa nila. At isa lang ang ibig sabihin nun! "PANGANIB".
Ngayong kusang lumalabas na ang kapangyarihan nito, siguradong nararamdaman na rin ito ng mga kalaban nila sa Engkantadya, lalo ng mga gustong pumaslang sa Prinsesa.
"Yehey, ayan magaling kana kaibigang paroparo. Pwede kana ulit lumipad."
Nilingon ni Ayana ang malaking ibon sa tabi nya, na nakatingin din pala sa kanya.
"Kaibigang ibon, huwag mo na pong uulitin yun ha! Kasi, kawawa naman po si kaibigang paroparo, baby pa sya eh! Kaya dapat alagaan po natin sya."
Hinimas himas pa ni Ayana ang pakpak ng malaking ibon sa tabi nya. Lumipad naman ang paroparo at dumapo sa pisngi nya dahilan kaya sya napahagikhik.
"Aba! Parang nakabuti pa sa'yo ang nangyari ah! Sana pala tinuka na lang kita."
"Hah! Dimo ba naintindihan ang sinabi ng mahal kong Prinsesa? Baby pa ako, kaya dapat alagaan mo, hindi saktan, Bruha!."
"Hah! ka rin, sipain kita dyan eh." Asar na si Draca.
"Subukan mo lang, at sasabihin ko kay Heneral Ixeo na gawin kang ipis. Para mahampas ka ni Ginoong Gardo hahaha."
"Ah ganun!"
Tamang tama naman na biglang yumuko si Ayana para pumitas ng bulaklak, kaya nahulog si Dwarf at napilitang lumipad, yun ang tamang pagkakataon para kay Draca. Lumipad sya at tinuka si Dwarf na ikinagulat naman nito kaya hindi nakaiwas.
"Huli kaaaaa!! Patay ka sakin ngayon, isasabit kita sa bahay ng gagamba para maging pagkain nya hahaha.
Sa mahabang panahon na pananatili nila sa mundo ng mga tao, natutu na rin silang magsalita at kumilos na parang kauri ng mga ito. Lalo pa tuloy naging bully si Draca kay Dwarf.
"Dracaaaaa... sandaliiiii..." Pilit kumakawala si Dwarf sa tuka ni Draca.
Napahinto ang dalawa ng marinig ang boses ni Ayana.
"Mga kaibigan ko, umuwi na po tayo nagugutom na po kasi ako." Tawag ni Ayana sa dalawa.
"Wheww! Mahal talaga ako ng Prinse -- aaaraaayy.. Dracaaa.. tama naaaa..."
Lalong itinikom ni Draca ang tuka nya. Ewan ba nya natutuwa talaga sya kapag binubully na nya si Dwarf.
Pinakawalan nya rin ito at inilagay sa likod nya, saka sunod na binalingan si Ayana at pinasakay.
"Pasalamat ka pinsan kita at may utang na loob ako sayo, kung nagkataon na hindi durog ka sakin."
"Ang sama mo talaga! Grabe ka sakin. Aaaray sakit ng likod ko."
Nangingiti na lang si Draca habang lumilipad at tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Selya at Gardo.
???
Samantala sa Engkantadya nagpatawag ng pulong si Reyna Amethyst. Iniulat kasi ni Diwatang Amber na nakatakas sa piitan ang tatlong magkakapatid na Valor, ang itim na mga mahikera ng kahariang Gaelin.
Sabi pa ni Akira na kanyang tagapayo, kailangan nilang maghanda, dahil sa paglitaw ng mga kapangyarihan ni Prinsesa Ayana nangangahulugan lang ito na mag uumpisa ng labanan. Na sinang ayunan naman ng tagatala niyang si Ivory.
At ayon pa sa isang espiya nila na si Lorsan, naghahanda na raw ang mga mandirigma ng Gaelin sa pagsugod patungo sa mundo ng mga tao. Kailangang maunahan nila ang mga ito para maprotektahan ang mundo ng mga tao kung saan naroroon ang kanyang anak na si Prinsesa Ayana.
"Mahal na Reyna, nandito na po lahat ng ipinatawag nyo." Nakayukod pa rin si Urduja habang ipinaalam ito sa Reyna.
"Salamat diwatang Urduja, magkita na lang tayo sa bulwagan."
Agad na naglaho ang Reyna, kasunod si Akira , Ivory at Amber. Saka lang tumuwid sa pagkakatayo si Urduja at agad na naglaho pasunod sa bulwagan.
"Maaliwalas na araw mahal na Reyna Amethyst."
Lahat yumokod at nagbigay galang sa Reyna.
"Maaliwalas na araw sa inyong lahat, batid ko na may alam na kayo kung tungkol saan ang pagpupulong na ito."
"Naiulat na po saming lahat ni diwatang Amber mahal na Reyna." Ani Rhodisa na isa sa mga pinuno ng mga mandirigma.
"Magaling! kung ganun, Lahat kayong narito nais kong magtungo kayo sa mundo ng mga tao. Protektahan nyo ang lahat na nakatira malapit sa lugar ng Prinsesa, lalo na ang pamilyang nag aaruga sa kanya. Humanda kayo sa magaganap na labanan, dahil ang kaharian ng Gaelin ay nag utos sa mga mandirigma nila na tumungo roon sa pamumuno ng magkakapatid na Valor. Ibayong pag iingat ang maipapayo ko sa inyo."
"Masusunod po mahal na Reyna Amethyst, ngayon din po ay tutungo na kaming lahat sa mundo ng mga tao." Ani Celo ang pinunong Elf.
Pinasadahan ng tingin ni Reyna Amethyst ang lahat ng pinaka magagaling nyang mandirigma. Si Akira ang pumili sa kanilang lahat, kaya nasisiguro nyang mananalo sila sa labanang magaganap. Binalingan nya si Arkin ang nakababatang kapatid ni Lorsan. Maliit man ito pero may taglay itong di matatawarang kapangyarihan.
"Arkin, aanib bang mga Amazona sa atin?" Tanong nya dito.
"Opo mahal na Reyna, nakaantabay na po sila Ionna Amazona sa kanlurang bahagi."
"Mahusay, sige humayo na kayo at mag iingat sa inyong paglalakbay, Paalam."
"Paalam na po mahal na Reyna." Yumukod muna ito bago ipinitik ang daliri at naglaho.
Paalis ng Reyna sa bulwagan ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti na lang sya ng may yumakap sa kanya at hinalikan sya sa noo.
"Magpakita ka na Xian, kung ayaw mong maging penguin hmm."
Pagbabanta nya sa asawang Hari na biglang lumitaw sa harap nya.
"Maaliwalas na araw mahal kong Reyna."
"Nasaan si Alitaptap?" Agad nyang tanong ng di makita ang bunsong anak.
"Nasa pangangalaga sya ngayon ni Morea. Nakatulog kasi habang namamasyal kami kanina."
"Sa fairyland ba kayo nagpunta?"
"Oo, at pinapasabi ni Enolla na pumasyal ka daw doon, may mahalaga daw kayong pag uusapan."
"Tungkol saan naman?" Nagtataka nyang tanong sa hari.
"Walang sinabi kaya pasyalan mo na lang huhummmm." Naghihikab na sagot nito.
"Sige, pahinga kana mahal ko." Aniya habang iniisip kung tungkol saan ang pag uusapan nila ni Mother Fairy.
"Salamat huhummm, mahal ko."
Naghihikab na sagot ng Hari. Hinalikan muna nito ang Reyna bago tinungo ang silid nila. Sinundan nya ito ng tingin at ng tuluyan na itong makalayo, agad syang naglaho.
"Maaliwalas na araw Mother Fairy."
Bungad nyang bati sa diwatang kausap ang mga pixie fairies, at ilang hayop na nakapalibot dito. Ngumiti naman ito sa kanya at ikinumpas nito ang kamay, sabay sabay na umalis ang mga kausap nito.
"Maaliwalas na araw Reyna Amethyst, mabuti at narito kana. Mahalaga ang mga sasabihin ko sayo, kaya sana pagtuunan mo ng pansin at pakaisiping mabuti ang bawat hakbang at desisyon na iyong ipapatupad."
Nalilito at nagtatanong ang mga mata nyang nakatutok sa kaharap na mas makapangyarihan sa buong Engkantadya. Hindi sya nagsalita nakikinig lang sa bawat salaysay nito.
"Makakaasa ba ako sayo Reyna Amethyst? Pakatandaan mo, ang usapang ito ay sa pagitan lang nating dalawa. Walang sinuman ang dapat na makaalam ng lahat, kahit na ang iyong Mahal na Hari."
"Nauunawaan ko ang lahat Mother Fairy at makakaasa po kayo na mananatili po itong lihim hanggang sa dumating ang tamang panahon para dito."
"Salamat Reyna Amethyst, humayo ka at pag isipang mabuti ang kinabukasang parating. Patnubayan ka nawa ni Bathala sa tamang landas na iyong tatahakin. Paalam."
Yumokod si Amethyst. "Paalam Mother Fairy.. Maaliwas na araw po sa inyo. At salamat."
Itinaas ng makapangyarihang diwata ang kanyang tungkod para basbasan si Amethyst, pagkatapos nun agad syang naglaho.
Umikot ang tingin ni Amethyst sa buong Fairy land, napatingin sya sa langit at pumikit.
"Mahal na Bathala, patnubayan nyo po ako sa landas na aking tatahakin hanggang sa marating ko ang tamang panahon, para po sa kalayaan at katahimikan ng buong Engkantadya."
Sa pagdilat ng mga mata ni Amethyst bumungad sa kanya ang isang paroparo na kumikinang sa liwanag. Dumapo ito sa balikat nya at hindi na umalis pa. Kaya hinayaan na lang nya iyon. At agad na naglaho pabalik ng kaharian nila.
Alam nyang masalimuot ang landas na kanyang tatahakin kaya ibayong pag iingat ang dapat nyang gawin. Para sa pamilya nya at para sa buong Engkantadya.
Sa tulong at pagkakaisa ng lahat, makakamit din ng Engkantadya ang kapayapaan.
Ang magkapatid na dwende, ang espiya na sina Lorsan at Arkin.
Mga Pinuno ng sandatahang mandirigma ng Engkantadya...
Centaur - mula sa kaharian ng Yerena.
Celo - mula sa kaharian ng Inspra.
Rhodisa - mula sa kaharian ng Getah.
Ang dalawang mahuhusay na mga puting mangkukulam na sina Taiwoo at Zouz. at mahekera na si Trion.
At ang matatapang na mga Amazona.
Sila ang lalaban para maipagtanggol ang Prinsesa ng Engkantadya. Laban sa hukbo ng Gaelin na pinamumunuan ng magkakapatid na Valor.
?MahikaNiAyana