Digmaan..

1739 Words
Nasa isang tabi lang at nakaupo sa sofa ang mag asawang Selya at Gardo, habang nakamasid sa mga bisita nilang mga engkanto. Hindi na nakatiis si Selya kaya sumulyap sya kay Gardo para sana magtanong, pero ang mga mata nito ay nakatutok sa lalakeng engkanto na may nakapulupot na puting ahas sa katawan, tapos babaling naman ito sa babaeng engkantada na pinapalibutan ng mga puting lobo. Alam ni Selya na dinadaga na naman ang asawa kaya siniko na nya ito para mabaling ang atensyon sa kanya. "Gardo! Ayos ka lang ba?" Nag aalala nyang tanong dito. "S -- Selya, nakatingin sakin yung malaking ahas oh, pa -- parang gusto yata akong kainin." "Hahaha sosyal yata ang ahas na yan Gardo, tingnan mo, napakakinis ng balat saka puting puti. Hindi ka matitipuhan nyan kasi maitim ka hahaha." "Ta -- talaga Selya?" Parang natutuwa pa ito sa narinig. "Eh yung mga lobo nakatingin din sakin, kinakabahan ako baka bigla na lang akong lapain." "Wag po kayong mag alala Ginoong Gardo, hindi po sila nananakit basta basta, lalo na kapag hindi inuutusan ng panginoon nila." Hindi napigilan ng heneral na sumingit sa usapan ng mag asawa. Nakangiti pa ito kay Gardo para kumalma ito. Si Selya naman tawa lang ng tawa habang tinutukso ang asawa nito. "Talaga! Heneral Ixeo, sure ka ba dyan sa sinasabi mo?" Nanginginig pang tanong ni Gardo. "Hay naku! Gardo, ilang taon mo ng kasama ang mga engkanto dika pa rin ba nasasanay ha?" "Eh kasi Selya, iba naman ngayon, Abay, dambuhalang ahas at lobo? Inaykupo nag level up na sila Selya! dati gagamba, at mga hayop lang na alam natin. Pero ngayon iba na! Nakakatakot na juskolord." Sa inis ni Selya, nahampas nya sa ulo si Gardo. Na kaagad napatayo at lumayo kay Selya. Hindi man lang nito napansin na sa kakaiwas nya sa asawa napalapit pa sya lalo sa lalakeng engkanto na may alagang ahas. "Ang drama mong letse ka, hala sige hanapin mo na sila Ayana ng makakain na tayo ng hapunan." Hawak pa rin ni Gardo ang ulo at bumubulong bulong pa ito na pumihit paharap sa pinto, sakto naman na sa kanya nakaharap ang malaking ahas at bigla nitong inilabas ang dila. Naestatwa na lang sya bigla ng lumapat sa pisngi nya ang dila ng ahas. Nanlalaki ang mga mata ni Gardo dahil sa takot. Hindi sya makakilos kasi natatakot syang makain ng dambuhalang ahas, kaya ipinikit na lang nyang mga mata. May narinig syang nagsalita, pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nya. "Paumanhin Ginoong Gardo, kung natakot ka ng alaga ko! ang totoo nyan gusto ka nya kaya ka nya dinilaan. Ipanatag nyu lang po ang loob nyo wala po kaming masamang hangarin dito." Turan ni Celo, sabay tapik sa balikat ni Gardo. Dahan dahan namang dumilat si Gardo at pilit na ngumiti sa kaharap. Umatras sya ng dahan dahan papunta sa kinauupuan nila kanina ni Selya, pero ang hindi nya alam nasa kusina na pala ang asawa, naghahanda ng hapunan nila. Umupo sya sabay hawak sa kamay ng katabi. "Selya, bakit ang lamig ng kamay mo? Natatakot ka rin ba sa kanila?" Kausap nya sa katabi na walang imik, ni hindi man lang sya nag abalang tingnan ito. "Baka isang araw Selya, kuyugin na tayo ng mga kapitbahay natin dahil sa dami ng alaga nating hayop. Nakupo! Mapapalayas tayo ni kapitan dito." Tuloy lang sa pagsasalita si Gardo. "Kapag nangyari yun, saan na naman tayo nito mapapadpad Selya? Buti kung tayo lang dalawa eh panu ng anak nat --." Napahinto sa pagsasalita si Gardo ng makitang papalabas ng kusina si Selya. "Se -- Selya! ba't nandyan ka? Eh sino itong...." Bumaba ang tingin ni Gardo sa kamay nyang may nakahawak din. Napaawang ang labi nya at nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita ang umuusok sa lamig at puting puti na kamay ni Centaur. Biglang bitaw at napatayo sya sabay takbo papunta kay Selya. "Selyaaaa.. Juskopo! Aatakehin na ako sa puso, tulungan mo akoooo... Maawa kaaaa.." Natatarantang sigaw ni Gardo habang papalapit ang asawa. Naluluha naman sa katatawa si Selya na kanina pa pala pinagmamasdan ng lihim si Gardo mula sa kusina. Lumabas lang sya ng hindi na matiis ang asawa. Baka himatayin na naman ito kapag hindi nya naagapan. "Se --- Selyaa." Nanginginig sa takot si Gardo na niyakap ang asawa. "Kumalma ka Gardo, kaya mo yan! Umayos ka at parating ng anak mo." Pagpapakalma nya dito. "Nana, Tata! andito na po kami." Boses ni Ayana mula sa labas ng bahay. Agad inalalayan ni Heneral Ixeo at Alex si Gardo papasok ng kusina at pinaupo na sa hapag kainan. Nagbagong anyo agad ang dalawang diwata, naging gagamba ang Heneral at pusa naman si Alex.. Samantalang si Selya naman ay sinalubong sa labas ang anak. Nakita pa nya ang paglipad ni Draca patungo sa punong mangga sa bakuran nila, maliit na ulit ito. At si Dwarf naman nakadapo na sa buhok ni Ayana. "Nak, kumustang pamamasyal nyo? Nag enjoy ka ba?" Nakangiting tanong ni Selya at binuhat ang anak papasok ng bahay. Hindi na sya nagtaka ng pagpasok nila wala ng mga engkanto. Malinis ng sala nila. Kaya lang naman ang mga ito nasa loob ng bahay kanina dahil sa nagpaplano ang mga ito tungkol sa kakaharaping labanan. "Opo Nana, ang layo po ng narating namin ng mga kaibigan ko. Ang saya saya ko po Nana, sana sa susunod po kasama ko na kayo ni Tata sa pamamasyal!" "Hahaha hindi kami makakayang isakay ng kaibigan mong ibon, nak." "Sayang!" "Pero, pwede naman tayong mamasyal na magkakasama. Hayaan mo bukas pasyal tayo sa bayan." "Talaga po Nana?" Nagniningning ang mga mata ni Ayana sa sayang nadarama. "Oo naman, Nak, sabihin natin kay Tata." Pinisil pa ni Selya ang ilong ng anak. "Yehey! Sige po kain na po tayo Nana, tapos tulog po tayo maaga para bukas maaga po tayo alis." "Abah! Galing ah! Bilis mo magplano, di ka naman masyadong excited nyan ha?" "Excited po ako Nana hihi, Tata, papasyal daw po tayo bukas." "Sige, halina kayo't kumain na tayo," Nanghihinang sabi ni Gardo sa kanyang mag ina. Habang masayang nag uusap ang mag anak, abala naman ang mga engkanto sa pakikipaglaban sa mga Gaelin. Naiwan sila Heneral Ixeo, Draca, Alex at syempre si Dwarf sa bahay ng mag asawa para pangalagaan ang mga ito lalo ng prinsesa. "Ang dami nila! Desperado na talaga si Elyon." "Tama ka Celo, inaasahan ko ng mangyayari ito." Ikinumpas ni Centaur ang kanyang tungkod. Pinagsasabay nito ang tungkod at paghagis ng bolang crystal na nagyeyelo sa lamig. Bawat tamaan na kalaban agad nalulusaw. Samantalang mga lobo nitong alagad busog na busog kalalapa sa mga kalaban. Pinagdaop naman ni Celo ang dalawang kamay nya, sabay sa paglabas ng kulay asul na liwanag na bumalot sa alaga nitong ahas. Domoble ang laki nito. Agad na pumalibot ito kay Celo para protektahan ang panginoon nito. Habang panay kumpas naman ng tungkod sa mga kaaway. Nagkalat na rin ang mga alagad na kalansay ng dalawang mangkukulam na sina Taiwoo at Zouz. Abala na rin ang mahikerang si Trion sa paghigop ng kaluluwa sa mga nakakalaban nya. Napapahanga naman si Rhodisa sa mga Amazonang kayliliksi at kaybibilis kumilos kahit na ang mga sandata ng mga ito ay espada, b***l at pana lang. samantalang sya naman ay gumagamit ng mahika sa espada nya para sa bawat wasiwas nya nito hindi lang isa ang tamaan kundi maramihan na habang nakasakay sa alaga nyang dambuhalang puting uso. "Celooo, sa likuran mooo!" Sigaw ni Lorsan bago naglaho at lumitaw sa harap ng isang mangkukulam na Valor, sabay saboy ng itim na pulbo na ikinatunaw nito. "Salamat Lorsan" Tumango ito " Mag iingat ka! Ayokong maparusahan ng Inang Reyna kapag nabawasan tayo." "Hisssss." Nagulat si Lorsan ng biglang dilaan sya ng ahas na alagad ni Celo. "Yiiikkksss, lagkit!" Reklamo pa nito habang pinupunasan ang pisngi na ikinatawa ni Celo. Napailing na lang si Lorsan bago tinawag ang kapatid. "Arkin, tayo na!." "Saglit lang! Tapusin ko lang ito." "Anuba yang ginagawa mo?" Nilapitan nya't sinuri ang lalagyang hawak ni Arkin at tinitigan ang laman nito. "Ano naman to?" Nagtatakang tanong nya sa kapatid. "Abo ng mga Gaelin." "Anong gagawin mo sa mga yan?" Naki usyoso na rin si Celo. "Gagawa akong bomba at ihahalo ko yan, at ang tatamaan ng bombang gagawin ko ay Gaelin lang wala ng iba." "Talaga! Pwede ba yun?" Namamanghang sabay na tanong ng dalawa. "Syempre naman! Walang imposible kapag ako ng gumawa. Baka nakakalimutan nyo na si Arkin dwende ang kaharap nyo." Pagmamayabang pa nito. Na ikinatingkad lalo ng mga buhok nitong makulay. "Mahangin masyado dito, mauna na kami ng alaga ko." Natatawang paalam ni Celo sa magkapatid. "Bilisan mo na dyan ng makabalik na tayo sa palasyo." "Tama na to, sige tara na nga." At sabay pa na naglaho ang dalawa. Tahimik ng paligid, tapos ng digmaan. Habang pinagmamasdan ni Celo at Centaur ang kapaligiran tiyak na nila ang pagkapanalo ng Engkantadya. Nagkatinginan pa silang dalawa at nagkangitian, sabay iwas din ng tingin na tila nagkakahiyaan. Napangiti naman ng lihim si Rhodisa habang pinapakiramdaman ang dalawa. Tinapik nyang alaga na uso at nakakaintindi namang ibinaba sya sa lupa. Nilapitan nya si Ionna Amazona at nagpasalamat dito. "Karangalan naming pagsilbihan ang Reyna ng Engkantadya. Kaya wala kang dapat na ipagpasalamat samin Rhodisa. Tumatanaw lang kami ng utang na loob sa Reyna." "Salamat pa rin, hanggang sa muli nating pagkikita, paalam." "Hanggang sa muli, Rhodisa, Paalam." Ani Ionna. Kumakaway pa habang naglalakad palayo sa kanya ang mga Amazona. "Rhodisa, tara ng bumalik ng palasyo." Tawag ni Trion sa kanya. "Nalinis na namin ni Taiwoo ang lahat. Nauna na rin sina Celo at Centaur sa palasyo." Ani Zouz. "Sige." At sabay sabay na silang naglahong apat. Sa paglaho ng apat, may isang engkanto na biglang lumitaw. Galit na nakatingin ito sa pinangyarihan ng katatapos lang na digmaan. Kanina pa sya nakaupo sa nakausling bato, nagmamasid lang sa unti unting pagkalugmok ng mga kasamahan nito. Gustuhin man nyang makipaglaban subalit hindi yun maaari dahil ang utos sa kanya ay magmanman lang. Malungkot syang tumayo at sa huling pagkakataon pinalibot nya ulit ang tingin sa lugar kung saan nagbuwis ng buhay ang kanyang mga kasamahan. Napakuyom ang dalawang kamao nya, marahil sa bigat na dinadala napasigaw na sya para maibsan ang paninikip ng dibdib. "Engkantadyaaaa....Magbabayad kayooo." Bakas ang hinagpis at pighati sa boses ni Furball ng bigkasin nya ito. Isa pang pagsulyap sa paligid at agad na syang naglaho. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD