Buhay na buhay ang kaharian ng Umbra, lahat ay nagsasaya. Dumalo sa piging ang mga kaalyado ni Reyna Amethyst.
Ang Kaharian ng Inspra na pinamumunuan ni Haring Piyo at Reyna Ashana, ang ina ni diwatang Urduja.
Ang matalik na kaibigan ng inang Reyna na si Reyna Jade, ang mahikerang diwata ng kahariang Getah, at ang kabiyak na si Etan, at anak na si Heneral Ixoe.
Si King Hari at Reyna Iris ng kahariang Yerina, ang ina ng manlalakbay na diwatang si Crystal.
Ang Sirenang Reyna na si Eira at kabiyak na si Erl ng kagaratang Orlin, at mga anak na sina Ashera at Eihran .
Ang mga kabalyerong mandirigma na pinamumunuan ni heneral Axel, ang ama ni Onyx na kababata ni ayana at matalik na kaibigan na si Euri.
Dumating din ang magkaibigang Anghel na sina Cassiel at Dimsie, sila ang tumulong dati kay Reyna Amethyst na makawala sa mga itim na anghel na bumihag dito noong kabataan pa nito.
Si Rion na Reyna ng mga dwende na ina ni Dwarf ang tagapangalaga ni Ayana mula pagkabata. Kasamang pinsan nitong si Draca.
At ang huling dumating ay ang mga Pixie Fairies, na pinangungunahan ni Mother Holle, Isang crone na nakatira sa ilalim ng mga lumang balon. Siya ay nagbibigay ng katarungan at maaaring tulungan ka sa gabay at paghula kung gusto ka niya .
Fyglia, Isang uri ng personal na mga pixies ng espiritu. Madalas silang kumuha ng isang form ng hayop. Naglingkod sila halos bilang mga personal na tagapag-alaga .
Yakshas, Ang mapagkawanggawa na espiritu ng kalikasan; sya ang tagapag-alaga ng mga kayamanan na nakatago sa lupa at mga ugat ng mga puno.
Ang kanilang pinuno ay si Kubera, na nakatira sa isang bundok sa Himalayas. Sila ay mga diyos ng mga lungsod, distrito, lawa, at mga balon.
Sa di inaasahang pagkakataon ay dumating ang nag iisang kapatid ni Reyna Amethyst. Ang Reyna ng Nahara na si Reyna Shera at ang dalawang anak nitong si Diwatang Amihan at Engkantadong Lorki.
Lubos ang kaligayahang nadarama ni Reyna Amethyst dahil sa muli nilang pagkikita ng nakababatang kapatid. Ilang dekada na rin silang nagkahiwalay, dahil sa digmaan na kumitil sa buhay ng kanilang mga magulang.
"Shera, aking kapatid, kumusta kana?"
Mahigpit na yakap ang ganti ng kapatid sa kanya. Matagal silang nagyakap bago ipinakilala ni Shera ang mga anak.
"Kapatid, ito si Amihan ang aking panganay.'
Agad na yumukod si Amihan. Sumunod naman ang bunsong kapatid na si Lorki.
"Maaliwalas na araw Mahal na Reyna Amethyst, ikinalulugod po naming makilala kayo."
Sabay na sabi ng magkapatid. At sa kalagitna ng kanilang pagsasaya biglang lumitaw sa tabi ni Amethyst ang mensaherang taga ulat na si Amber.
"Mahal na Reyna, paparating po ang mga Amazona. Pinapaalam po ng pinuno nilang si Amazona Ionna, na wala po silang balak na masama. Gusto lang daw nya kayong makausap."
Ikinumpas ng Reyna ang kamay at agad na nagkaroon ng pananggalang ang lahat ng nasa bulwagan. Kaagad na hinanap ng mga mata nya ang Mahikerang si Jade at ang kabalyerong heneral na si Axel. Ng magtama ang mga tingin nila agad na nag usap ang mga mata nila. Pagkatapos mag usap ay agad na naglaho ang lahat ng kabalyerong mandirigma, kasama na ring naglaho ang mga salamangkera.
Lahat naghanda, kung sakaling magkaroon man ng digmaan alam na nilang lahat ang gagawin. Malakas na kalaban ang mga Amazona , gaya rin ng mga Witches at vampires. Isama pang black Angels na nakasagupa na rin nila.
"Amber, nakapasok na ba sila sa bahaging kanluran?
"Oho, Mahal na Reyna, nasa bukana na po sila ng Palasyo."
"Ganun ba!, sige na humayo ka't iulat sa lahat ang pagdating nila. Mag iingat ka!"
"Masusunod po Mahal na Reyna, Paalam."
At naglaho na nga ang taga ulat na si diwatang Amber. Binalingan ng Reyna ang kanyang kapatid na si Shera. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan sya sa kamay.
"Natutuwa ako na nasa tabi kita ngayon mahal kong kapatid." Ani Shera.
Hinalikan naman nya ang kapatid sa noo saka hinila ito papuntang sentro. Umupo sya sa kanyang trono bago pinaupo ang kapatid sa isang upuan sa gilid ng bulwagan, sinigurado nyang malapit lang ito sa kanya. Nagkanya kanyang upo ng mga bisita ng Reyna. Wala ng makikita sa gitna ng bulwagan, lahat naghihintay at nakaabang sa magaganap ngayong araw.
Biglang bumukas ang malaking pinto ng bulwagan, unang pumasok si Diwatang Mayumi, ang manggagamot ng palasyo. Isa syang white witch, anak ng diwatang si Diamond, ang eksperto sa pag gawa ng mga potion at asawa ng engkantado na si Dio. Agad itong yumukod, may tatlong metro ang layo sa kanya.
"Mahal na Reyna, nandito na po ang ating mga panauhin."
"Salamat sa pagsama sa kanila dito Diwatang Mayumi."
Nakangiti ang Reyna pero alam ni Mayumi ang kahulugan ng ngiting iyon. Kaya sya ang kusang naghatid sa mga Amazona dito dahil kailangan nyang isabog ang potion na dala nya.
Humahalimuyak ang amoy nito katulad ng amoy ng sampaguita pero isang pitik lang ng kamay nya magiging lason ito na kusang papasok sa katawan ng mga panauhin nila. Sinadyang ginawa ito ng ina nya para lang sa mga kalaban nila.
At sa mga katulad nilang naninirahan sa Engkantadya, hindi tatalab ang potion na dala nya dahil may kasamang salamangka ito na gawa naman ng ninang nyang si Jade.
"Isang karangalan ang paglingkuran ko ang Reyna ng Umbra, Kamahalan."
Yumukod ulit sya tanda ng paggalang saka lumipad at tumigil sa isang gilid ng bulwagan malapit sa trono ng Reyna, nakiramdam at nagmamasid lang.
Nakatayo na sa gitna ng bulwagan ang mga Amazona. Nakikipag titigan na ang pinuno nilang si Ionna sa Reyna. Tila nagsusukatan ng lakas ang dalawa. Makalipas ang sampung minuto, nagsalita na rin si Ionna.
"Maaliwalas na araw, Reyna Amethyst, narito kami hindi para makipaglaban. Nandito kami para humingi ng tulong. Alam kong hindi kami karapat dapat na tumuntong sa inyong kaharian, dahil hindi nyo na sakop ang mga katulad namin. at higit sa lahat hindi nyo kami kauri."
Huminga muna ng malalim si Ionna, tila pinapakalma ang sarili, bago tumingin ng deretso sa mga mata ng Reyna ng Umbra.
"Naninirahan kami ng matiwasay sa labas ng Engkantadya. Pero sa di malamang kadahilanan sinusugod kami ng mga Bampira, Mangkukulam at Itim na mga anghel. Makakaya namin silang gapiin kung hindi lang sila sabay sabay na umaatake. Marami ng namatay sa mga kinasasakopan ko at hindi ko na nanaisin pang mabawasan ang mga kasamahan ko!."
Nakatingin lang ang Reyna, ni hindi man lang ito nagsalita ng kahit ano. Tinitimbang at pinag iisipan nyang mabuti ang mga sinasabi ng Amazona'ng kaharap nya. Alam nyang nagsasabi ito ng totoo dahil naiulat na ni Amber ang lahat ng nangyayari sa loob man o maging sa labas ng Engkantadya.
"Nais ko sanang hilingin sa inyo Reyna Amethyst, na kami ay tulungan sa paggapi saming mga kaaway, at asahan nyo na magpapasakop kami at magiging tapat sa inyong pamumuno!."
Tinawag ni Amethyst sa kanyang isipan si Ivory, ang tagagawa ng mga kasulatan. Ikinagulat ng mga Amazona ang biglang pagsulpot ng diwatang si Ivory, at isa sa kanila ang napahugot ng espada at biglang hinagis sa diwatang nakangiti lang sa kanila, hindi alintana ang espadang paparating at bumaon sa tiyan nito.
Sa kalagitnaan ng pangyayaring iyon, tila bumagal ang oras dahil sa biglang pagkatunaw ng espada sa katawan ni Ivory. Bigla itong sumeryoso at humarap sa Amazonang naghagis sa kanya ng espada. Nakatitiyak syang may lason ang sandatang iyon.
"Alora!."
Biglang sigaw ni Ionna sa kapatid na si Alora. Bakas ang pagkabahala sa mukha nito. Lalo ng makitang ni isa sa mga naroon ay wala man lang umimik.
Alam nya na kinatatakutan ng lahat mapalabas man o dito sa loob ng Engkantadya ang kaharian ng Umbra. Dahil nandito ang pinaka malalakas sa lahat ng mga engkanto.
At higit sa lahat ay ang Reyna ng mga ito, ang may hawak ng kapangyarihan ng apoy, lupa, tubig at hangin. Kaya dito nya napag pasyahang humingi ng tulong. Paano na ngayon ito? Dahil sa ginawa ng kapatid nya baka hindi na sila makahingi ng tulong nito.
"Ipag paumanhin nyo ang aking kapangahasan, hindi ko ninais na ikaw ay saktan! Nagulat lamang ako dahil bigla kang lumitaw saming harapan. kaya sana ako ay mapagbigyan ng isa pang pagkakataon, para sarili ko sa inyo'y patunayan!."
Yumukod si Alora sa kaharap na si Ivory. Na agad naman itong napatawa at tinapik si Alora sa balikat bago itinuwid ng tayo.
"Pinapatawad na kita, sa ngayon. Pero kapag naulit pang p*******t mo sa mga kagaya namin, parurusahan na kita."
Nakangiti man si Ivory habang nagsasalita pero mararamdaman ang bigat at lakas ng kapangyarihan nito sa bawat pagbigkas nya ng mga salita. May usok rin na lumalabas sa katawan nito, para linisin ang lason ng espada na tumusok sa tiyan nito. Pagkatapos tapunan ng tingin ang lahat ng Amazona, humarap na sya sa Reyna.
"Maaliwalas na araw mahal na Reyna." Sabay yukod nito.
"Ivory, dala mo na bang pinagawa ko?."
"Opo, heto na po naayos ko ng lahat, pirma nyo na lang ang kulang, babasahin ko na po ba kamahalan."
Tumango ang Reyna kay Ivory at hinayaan na lang itong gawin ang nais nya.
"Ako si Reyna Amethyst ng kahariang Umbra, ay sumasang ayon kay Amazona Ionna, na magkatuwang gapiin ang mga kaaway para sa ikatatahimik ng magkabilang panig. Saksi ang mga narito sa pag iisang layunin ng mga Amazona at Engkantadya. Simula sa araw na ito ang pagsasanib ng magkabilang mundo ay selyado na."
Pagtatapos ni Ivory. Tumingin sya kay Ionna at iniabot ang kasulatan. Kinuha naman nito kaagad at binuklat, nakita pa ni Ionna ang paglitaw ng mga letra, kusa itong bumubuo ng salita at ng mabuo ito ay pangalan ni Reyna Amethyst.
"Ang galing naman!"
Namamanghang bulong ni Ionna sa sarili na ikinatawa naman ng ibang engkanto na nakarinig dito.
"Iyan ang Signiya ng mahal na Reyna Amethyst. Itago mo ang kasulatan na yan! Isang katibayan ng inyong kasunduan. Ang sinumang lumabag at isawalambahala ang bagay na yan ay may karampat na kaparusahan."
Dagdag paliwanag ni Ivory. Humarap na ito sa Reyna at yumokod, para magpaalam ng biglang magsalita si Ionna.
"Sandali lamang, lalagdaan ko pa ang aking pangalan."
"Hindi na kailangan, sapagkat nakaukit na diyan ang iyong dugo kasama ng iyong pangalan. Sa sandaling iyong talikuran ang iyong sinumpaang kasulatan, agad na hihiwalay ang iyong kaluluwa sa iyong katawan, at iyon na ang iyong katapusan."
At naglaho na nga si Ivory pagkatapos nitong ipaliwanag kay Ionna ang lahat.
Napasinghap ang lahat ng Amazona sa binigkas ni Ivory. Samantalang si Ionna naman ay nanlalaki ang matang tumingin kay Reyna Amethyst. Ng magtama ang kanilang mga mata saka nya narinig ang tinig nito sa kanyang isipan. Diyata't napaka makapangyarihan nga talaga ang Reynang ito.
"Amazona Ionna. Iyong pakatandaan na ang ating kasunduan ay magtatapos lamang hanggang kamatayan. Asahan mo ang lahat ng tulong na kinakailangan mo ay makakamit mo ng walang hinihinging kapalit galing sa akin. Humayo kayo at mabuhay ng matiwasay at payapa, dahil kasama nyo na kami ngayon sa bawat paglalakbay na inyong kakaharapin. Maaliwalas na araw Amazona Ionna, hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam."
Pagtatapos ng Reyna na hindi man lang nagbabago ang hitsura nito. Nakatitig lang ito kay Ionna at nakatikom ang bibig. Tila nakakaunawa naman si Ionna at agad na yumokod. Nagsisunurang yumukod din ang lahat ng mga kasamahan nitong Amazona.
"Maaliwalas na araw Reyna Amethyst, maraming salamat! Paalam."
Nagsialisan ng lahat ng Amazona, nakasunod naman dito sina heneral Axel at ang mga kabalyerong mandirigma, para siguraduhin ang kaligtasan ng lahat.
Umalis naman sa bulwagan ang Reyna at nagtungo sa hukuman, pagkapasok nya sa loob ay agad nyang nakita ang nililitis na si Blade, isang bampira na nahuli ng kanyang tagapag payo na si Akira. Nakaupo ng lahat ng tagalitis sa pamumuno ni Wakai. Nakahanda na rin ang mga taga pagparusa sa pamumuno ni Zia. Sya na lang ang kulang para ibaba ang hatol sa bampirang nag iispiya sa kaharian ng umbra.
Samantala sa bulwagan ay nagpapatuloy ang masayang pagdiriwang. Habang sa daigdig naman ng mga tao ay aligaga sina Gardo at Selya sa pag aalaga kay Prinsesa Ayana .
?MahikaNiAyana